Chapter 8

1603 Words
3rd person’s POV  “F*CK!” “Oh, God!”  Mabilis na nahawakan ng lalaki si Keyla sa kanyang baywang matapos nilang magkabanggaang dalawa. Nawalan kasi ito ng balanse dahil sa malakas na pagtama sa katawan ng kanyang nabangga. Mabuti na lang talaga, ay naging maagap ang pagkilos ng lalaking iyon upang saluhin siya. Agad na natigilan si Keyla. Halos hindi na ito huminga dahil sa hiya na kanyang nararamdaman.  Kagat labi nang dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Tila gulat na gulat ito, at hindi makapaniwala nang mapansin at mapagtanto niya na ang lalaking nasa harapan niya, ay hindi pala iba sa kanyang paningin. “Sir Gerald?” halos pabulong na lamang iyon nang kanyang sambitin. Binalot si Keyla nang pagtataka, hiya, at pagkailang laban sa kanyang amo na lalaki. Bigla rin kasi niyang naalala ang mga pangyayari sa pagitan nilang dalawa kaninang umaga sa k’warto nito. Sa isip-isip niya’y— lasing ang kanyang amo nang umuwi kanina lang umaga, ngunit ngayon ay narito na naman ito sa kanyang harapan, tila walang naganap na kung ano ayon sa itsura nito. Ramdam na ramdam ni Keyla ang pag-init ng kanyang mukha.  Kagat-labi siyang tumingin sa kamay ng kanyang amo, habang nakahawak pa rin sa baywang nito. Pagkaraa’y nag-angat siya ng kanyang mukha sa lalaking halos mahalikan na niya dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa. Napalunok si Keyla nang magtama ang mga mata nila ni Gerald. Payak lamang ang ekspresyon ng mukha nito, habang ang amo niya ay halos ayaw nang alisin ang paningin sa kanya. “N-nandito rin po pala kayo, Sir? S-sorry po,” paghingi ng paumanhin ni Keyla. Hindi kumibo si Gerald. Bagkos, tiningnan lamang niya ito. Lalo nang mapakagat ai Keyla sa kanyang ibabang labi. “S-Sir, okay na po ako. P-pwede niyo na ho akong bitawan,” untag nito. Weird. Iyon ang limang letrang pumasok sa isipan ni Keyla nang ngumisi ito sa kanya. Tahimik lamang siyang tumingin dito, sapagkat hindi nito maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip ng kanyang amo.  Lumipas ang ilang segundo bago siya binitiwan ni Gerald. Nang mangyari iyon ay mabilis na tumingin ang amo nito sa relo niya. “Sa susunod, ay mag-iingat ka,” Mahina siyang tinapik nito sa balikat saka naglakad palayo mula sa kanya. Tulalang naiwan si Keyla habang mag-isa na nakatayo sa dako kung saan niya nakabangga si Gerald. Maya-maya ay napakurap-kurap ito nang tuluyan itong mawala sa kanyang paningin. Pasulong na sana niyang ihahakbang ang kanyang mga paa, nang bigla siya muling matigilan dahil sa isang tinig na tumawag sa kanya. “Key! Keyla!” Salubong ang kanyang mga kilay nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nang makita niya kung sino ang kumakaway sa kanya habang papalapit ito, ay mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Ang kanina’y tila yamot na yamot dahil sa lalim ng kanyang iniisip, ay mabilis na naging angkop sa harapan ni Yhana. “Saan ka ba nagsuot? Kanina pa kita hinahanap. Nanggaling na rin ako sa pinakamalapit na CR mula sa pinamilhan natin, pero hindi kita nakita ro’n,” sunud-sunod nitong bungad kay Yhana. “Sorry, Key,” Huminga muna ito nang malalim bago magpatuloy sa pagsasalita. “Nakita ko kasi ‘yung idol ko no’ng papasok na ‘ko sa CR. Lalapitan ko sana para magpa-picture kaso hindi na ‘ko tumuloy no’ng nakita kong may kasama siyang bodyguard at hinarang ‘yung isang babae na sigurado akong fan na fan din n’yon ni Ms. Dhana—” “Dhana?” putol nito sa sinasabi ng kaibigan. Sandaling natigilan si Yhana. Pinagmasdan nito si Keyla. Pagkaraa’y muli itong nagsalita. “O-oo. Si Ms. Dhana. Model ‘yun sa Manila, Key. Minsan lang ‘yon maligaw rito, eh! Sayang talaga! Napakaganda at napakagaling na modelo pa naman no’n!” pagmamalaki nito sa kaibigan. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Keyla. “Alam mo, tara na lang kaya? Tiyak na hinihintay na tayo ni Madam sa mansyon. At ‘yung bantay natin ay kanina pa naghihintay sa sasakyan. Baka isumbong tayo n’yon,” litanya ni Keyla. Napakamot si Yhana sa kanyang ulo.  “Minsan lang naman ‘to, eh . . . gusto ko lang sana magkaroon ng picture kasama ‘yung idol ko, Key—” “Yhana,” natigilan ito nang naging seryoso ang mukha ni Keyla. “Hindi tayo narito para sa mga personal nating gusto. Alam mo naman ‘di ba? Inoorasan tayo ni Madam. At p’wede tayong matanggal kapag ginabi tayo rito.” Segundo ang lumipas bago nakaimik si Yhana. “Sabi ko nga,” tipid nitong sambit. PASADO alas-sais, nang makarating sa mansyon si Keyla at Yhana. Pinagtulungan nila ipasok ang kanilang mga pinamili, pagkatapos ay agad silang dumiretso sa kanilang mayordamang si Marites upang mag-report tungkol sa kanilang pinamili. Dumiretso silang dalawa sa kusina matapos itong kausapin ni Marites. Sumunod naman ang dalawa sa mga inatas nito, lalo ang pag-uwi sa tamang oras, kaya wala sa kanilang naging problema. Tuwang-tuwa si Yhana nang makarinig ng aligata mula sa kanilang mayordoma. Ito kasi ang unang beses na tinrato sila niyon nang gano’n. Nasanay sila na matapos mamili ay padidiretsuhin na sila sa kusina, hindi para kumain. Kundi para tumulong sa pagliligpit o alin mang trabaho na iutos sa kanila nito. “Alam mo, Key. Minsan talaga kahit hindi ko na maintindihan ‘yan si Madam? Nababaitan pa rin ako riyan. Minsan lang, huh?” anito habang kumakain. “Oh, akala ko ba galit ka sa kanya?” Sandali itong ngumiti. “Naalala ko pa ‘yung sinabi mo na, ‘wag magtiwala—” “Ssshhh . . .” saway niya kay Keyla. “Huwag kang maingay ano ka ba? Mamaya may makarinig sa ‘yo—” “Ano ba talaga?” Natatawa-tawang sambit ni Keyla kay Yhana. “Basta, huwag ka riyan maingay dahil baka may makarinig sa ‘yo—” “Marinig ang ano?”  Sabay na napahinto ang dalawa sa pagkain saka tumingin sa distrito kung saan nila narinig ang nagsalita— si Katkat. “Bakit, Yhana? Ano ba ang iniingatan mong marinig ng kahit na sino rito?” muling satsat nito. Napahinga nang malalim si Yhana saka humarap sa kanya. “Eh, bakit mo tinatanong? Ano ba’ng pakialam mo?” Nanlisik ang mga mata ni Katkat dahil sa sinabi nito. “Isusumbong ko kayo kay Madam!” banta nito na ikinangisi ni Yhana. “Edi isumbong mo! Ano ka, bata?” pakutya itong tumawa.  “Letse ka!” Umirap ito sa kanila ni Keyla, bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad palayo sa kanila.  “Echoserang frog,” mahinang sambit ni Yhana, bago bumalik sa kanyang kinakain. “Ikaw naman kasi, hindi mo na dapat pinatulan,” ani Keyla. Tumingin si Yhana sa kanya, “Anong hindi? Narinig mo ba ‘yung mga sinabi ng impakta na ‘yon? Pakilamerang pangit, ‘di ba?” Sumubo ito nang isang beses. “Ganitong good mood ako, dahil maaga tayo nakatapos sa trabaho natin, eh!” sabi nito habang ngumunguya. “Osiya, bilisan na natin. Maaga tayong matulog dahil kailangan natin gumising nang maaga bukas para sa paghahanda— sa pagdating ng isa pang Montivar,” sabi ni Keyla rito. “Ou nga, eh. Ano kaya itsura niya, ‘no? Sigurado akong kasing ganda niya si Ma’am Leilyn,” Ngumiti ito. “‘Wag lang sana mamana ang ugali ng Ate niya—” “Huy!” mabilis na suway ni Keyla. “Ano ka ba? Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo, kilala mo naman ang mga tao rito,” dagdag pa nito. “S-sorry naman! Eh, kasi ‘di ba—” natigilan si Yhana nang biglang pumasok ang isa pang kasambahay sa kusina kung saan sila kumakain— si Deyan.  Tulad ni Keyla ay bago lamang ito sa mansyon, pero kailanman ay hindi pa nakausap o nakabatian ni Yhana ito, maging si Keyla ay hindi pa. Tahimik lamang kasi si Deyan. Magsasalita lang siya kapag mayroong kakausap sa kanya. “Hi, Deyan,” Masayag kumaway si Yhana rito. Agad siyang nilingon ni Deyan sa gawi kung saan sila naroon ni Keyla. Tipid itong ngumiti bago sumagot, “Hello,” mahina lamang ang tinig nito. Tila naiilang sa kanilang dalawa ni Keyla. “Bago ka lang din dito, ‘no?” tanong ni Yhana. Dalawang beses tumango si Deyan. “Oo, 3 weeks pa lang ako rito.” “Ah, talaga? Tama ba ‘ko ng tawag sa ‘yo? Ikaw si Deyan, ‘no? Ilang taon ka na?” muling tanong ni Yhana. Mahinang tumikhim si Deyan, bago ito sumagot. “O-oo. 29 na ako.” “Wow, mahilig talaga si Madam mag-hire ng bata,” mahina itong tumawa. “At tulad namin nitong kaibigan ko, maganda ka rin—” “Yhana?” saway ni Keyla. Tumingin ito sa kanyang kaibigan. “Bakit? Totoo naman ‘yon, ‘di ba?” Inilipat nito ang kanyang tingin kay Deyan. “Nga pala, Deyan, kain tayo. Sabay ka na sa amin.” “Nako, hindi na,” mabilis nitong tanggi. “Saka— kayo lang ang binigyan ni Madam ng rights para kumain diyan,” dagdag pa niya. Uminom muna si Yhana bago ito muling nagsalita.  “Kung sa bagay. Tama naman. Pero,” Tumingin itong muli kay Deyan. “Mga inglesera kayo, ‘no? Infairness naman sa inyo.” Hindi sumagot si Deyan sa sinabi ni Yhana. Bagkos, tumingin lamang ito kay Keyla. At nang mag-angat nang tingin si Keyla ay mabilis naman itong nagbaba nang mukha. Dahilan nang pagkunot ng noo ni Yhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD