Chapter 6

1425 Words
3rd person's POV Mabilis na nag-asikaso sina Yhana at Keyla, matapos nilang maglinis sa mansyon. Okupado ang araw na ito para sa kanilang lahat, sapagkat ang nais ng kanilang mayordoma ay maging maayos at matagumpay ang salu-salong magaganap sa pagdating ng isa pang Montivar— si Nervi. Agad nilang tinungo ang market, nang makarating sa pinakamalapit na mall mula sa mansyon ng mga Montivar. "Alam mo, akala ko hindi mo na 'ko papansinin matapos nang nangyari kanina," wika ni Yhana sa kaibigang si Keyla habang nagpapatuloy sa paglakad. "Bakit naman?" tanong ni Keyla rito. "Eh, kasi— sa totoo lang, naghintay ako ng paliwanag mula sa ‘yo kung bakit mo ‘ko iniwan mag-isa sa k’warto ni Sir. Nag over-think tuloy ako. Akala ko ay iba na ang iniisip mo sa biglaan kong pagpasok sa kwarto ni Sir—" "Wala namang dapat isipin, Yhan,” sandali itong tumingin sa kaibigan, saka siya pasimpleng lumingon sa isang driver habang nasa likuran nila, na pinasama rin ng kanilang mayordoma.  Nangunot ang noo ni Yhana dahil sa pagtataka. Sa isip-isip nito'y wirdo na naman ang pinakikita ng kanyang kasama, kaya tumango na lamang siya, bago ibinalik ang tingin sa kanyang dinaraanan. “Aksidente ang nangyari,” muli niyang ibinaling ang atensyon kay Keyla. “Hindi ko 'yon ginusto. At kaya ako biglang umalis kanina, ay dahil nilukob ako ng hiya,” pagpapatuloy niya sa seryosong tono. Hindi alam ni Yhana ang nais ipabatid ni Keyla sa mga tingin nito sa kanya, nais niyang intindihin ang kaibigan, kaya inisip na lamang niya na gusto lang nitong mag-ingat dahil ayaw lang ni Keyla na makarating pa kung kanino ang tungkol sa nangyari kanina. Tiyak na magiging malaking isyu lang kasi iyon sa mansyon. "Bakit kasi kailangang may sumunod pa nang ganito sa amin, eh. Katulong lang naman kami may pabantay-bantay pang nalalaman si Madam. Hindi ba't para lamang 'yon sa mayaman?" bulong ni Yhana sa kanyang sarili. "May sinasabi ka ba?" may pagtatakang tanong ni Keyla. "H-ha? Wala, 'no," tugon nito. Tahimik na naglakad ang dalawa matapos ang usapan na iyon, habang ang isang driver na inatasan ni Marites na sumama sa mga ito, ay sumusunod lamang sa kanilang likuran. Dumikit si Yhana kay Keyla, nang makapasok sa loob ng pamilihan. "Key, nga pala, kanina ko pa gustong itanong ‘to sa ‘yo, eh! Ako lang ba? 'Yung nagulat no'ng sabihin ni Madam na may isa pang kapatid sina Ma'am Leilyn at Sir Gerald?"  Sandaling nilingon ni Keyla si Yhana matapos sambitin iyon. Bakas sa kanyang mga tingin ang pagpapasensya dahil sa kaibigan nitong tila walang pinipiling lugar para siya'y daldalin at pag-usapan ang buhay ng iba. Hindi niya sinagot ito. Bagkos, ay dumampot siya ng ubas nang makarating sila sa lugar kung saan naroon ang mga prutas. "Huy, pansinin mo naman ako,” Kinalabit nito ang kasama. “Kasi— sa tagal ko sa mansyon ng mga Montivar, ay hindi ko iyon nalaman. Ngayon lang. Salamat kay aling Marites, este, kay Madam," walang antilawan nitong saad. Dalawang beses napailing si Keyla sa kanya. Buong akala ni Yhana ay sasagutin siya ng kanyang kaibigan. Ngunit, hindi iyon ang naganap sapagkat nagpatuloy lamang ito sa pamimili. "Suplada talaga nito," nakangusong bulong ni Yhana sa kanyang sarili. Tahimik silang nagpatuloy sa paglalakad upang bilhin ang lahat ng mga inatas sa kanila. Nais man ni Yhana na kausapin si Keyla, ay hindi ito magtagumpay dahil tila seryoso ang kaibigan nito at walang ibang pokus kundi ang matapos sa kanilang trabaho. Sa isip-isip niya’y mapapagod lamang siya sa pagsasalita. Lumipas ang oras, natapos sila sa pamimili. Sandalig nagkahiwalay ang dalawa, nang mabili na ang lahat ng nasa kanilang listahan.  Nagpaalam si Yhana kay Keyla na pupunta lamang ito sa CR. Masakit na raw kasi ang pantog nito't hindi na kayang magpigil pa ng ihi kaya nagmadali ito sa paghanap ng restroom. Pumila si Keyla sa cashier counter. Habang hinihintay ang kaibigan na makabalik ay binayaran na nito ang mga ipinamili nila ni Yhana. Tulad kanina, ay nasa likuran pa rin nito ang driver na kanilang kasama— tumutulong at nag a-assist sa kanya, hanggang sa maibalot na ang lahat ng kanilang mga naipamili. "Kuya?" tawag pansin ni Keyla sa atensyon nito. "Pwede ho ba na mauna na kayo sa sasakyan? Pasuyo na po sana ng mga ito?” Tinuro niya ang mga naka-plastic na nasa dalawang cart. “Pakidala na ho lahat ng mga naipamiling 'to sa sasakyan. Hihintayin ko na lang dito 'yung kasama ko," mahinahon nitong litanya. Segundo ang lumipas bago tila natauhan ang driver na kausap ni Keyla habang nakaharap sa kanya.  "S-sige,” tipid nitong tugon. “Ikaw na lang ho ang bahala na magaliwanag kay Kuya Peri,” pahabol ni Keyla. Tipid na ngumiti si Keyla, nang mabilis na tumango ang driver sa kanya. Kinuha nito ang dalawang malaking cart na pinaglalagyan ng kanilang pinamili. Masaya siya dahil mabuti na lang ay hindi ito tulad nang iba na mahirap kausap, sapagkat wala itong pag-aalinlangan nang sumagot sa kanya.  Bago siya umalis mula sa kanyang kinatatayuan, ay pinagmasdan nito ang papalayong driver. Napabuga siya nang hangin nang mapagtanto nito ang trabahong kanilang natapos gawin.  Hindi pala madaling mamili. Wika niya sa kanyang sarili. Muli nitong pinagmasdan ang driver, hanggang sa iyon ay makalayo— dala ang lahat ng kanilang naipamili. Mabuti na lamang talaga’t nasa shopping cart ang mga 'yon kaya hindi na ito nahirapan.  Ilang minuto ang lumipas, ay hindi pa rin bumabalik ang kaibigan nitong si Yhana. Dahil do’n ay hindi naiwasan ni Keyla na makaramdam nang pagkainip, bukod doon ay bigla rin itong nakaramdam ng bigat mula sa kanyang pantog— kailangan din niyang gumamit ng banyo.  Umalis ito sa kanyang p’westo. Naglakad siya, saka naghanap ng malapit na restroom. Agad na pumasok si Keyla sa banyo na kanyang nakita. Matapos niyang makapag-CR ay naghugas muna siya ng kamay saka tumingin sa salamin. Napahinga ito nang malalim, nang maalala ang kasama— si Yhana. Hindi niya napigilan ang sariling ‘di mag-alala.  Baka naligaw na iyon . . . Palabas na sana ito, nang biglang may bumanggang babae sa kanya. “What the hell!” Nagulat siya sa lakas nang tinig nito. Agad na nataranta si Keyla, lalo nang mapansin niya na tila hindi ordinaryong tao ang kanyang nakabangga. Isa lang naman itong sopistikadang babae na tila kakain ng tao dahil sa titig at tono ng boses nito. Yumuko si Keyla saka gumilid mula sa babaeng humarap pa sa kanya para siya’y sigawan. “Sorry ho, hindi kita napansin,” pagpapakumbaba niya. “What? Sa tangkad kong ‘to you didn't notice me? Stupid!” mataray na tugon nito. Napalunok si Keyla dahil sa isinagot ng babae. Pagkaraa’y nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. Kaya mahina itong tumikhim bago muling nagsalita. “If I'm the one you bumped into and I look good like you, I will instantly accept your apology. Because I know in myself that there is no fool, by accident,” Nanlaki ang mga mata ng babae matapos niyang sabihin iyon. “Isa pa, nag-sorry naman ho ako. Kahit alam nating dalawa na hindi ako ang talagang bumangga,” pagkasabi n’yon ay mabilis na umalis si Keyla mula sa kinatatayuan nito.  Lumabas siya mula sa banyo na iyon nang nakayuko. Bago pa man siya makalayo ay narinig niyang sumigaw ang babaeng nakabangga niya— sinabihan siya nitong bastos, walang pinag-aralan, at hampaslupa. Bukod doon ay pinababalik din siya ng babae. Ngunit, hindi ito binigyang pansin ni Keyla. Nagdire-diretso siya sa paglakad pabalik sa market na pinanggalingan niya kanina. Inayos niya ang sarili habang naglalakad. Alam niya ang kanyang karapatan kahit katulong lamang siya, at para sa kanya’y walang mayaman at mahirap hanggang nasa katwiran ito. Batid niya sa kanyang sarili, na wala siyang ginawang masama sa babaeng galit na galit sa kanya. Napa-palatak na lamang ito, nang hindi pa rin niya nakita ang kaibigang si Yhana roon.  “Sa sasakyan na lang siguro ako maghihintay,” aniya sa sarili. Naglakad siya patungo sa exit kung saan naroon ang kanilang sinakyan kanina. Habang inihahakbang nito ang kanyang mga paa’y naisip niya ang babaeng nakabangga n’ya sa CR, muli siyang napabuntong hininga saka sandaling yumuko.  Dahil sa lalim nang iniisip ni Keyla, hindi niya namamalayan na malapit na siyang makarating sa exit. Ngunit, bago pa man ito makalapit doon ay laking gulat niya nang mayroon na naman siyang makabangga. This time, ay nasisiguro niya na hindi ito isang babae. Sapagkat, dama niya ang lapad nang dibdib ng lalaking maagap na humawak sa kanyang baywang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD