Chapter 2

1738 Words
AUBREY Dumating ang gabi ng junior at senior prom. Nakabihis na ako suot ang kulay pink na gown na ewan kung saan hiniram ni mama dahil natuwa siya ng malamang sasali ako sa event na karaniwang tinanggihan ko last year. Boring na boring ako habang inaayusan ng baklang kaibigan ni mama at nag-iisang ninang ko dahil hindi ko gusto na nilagyan niya ng kolorete ang mukha ko. Nangangati ang balat ko, tapos nanakit na rin ang anit ko dahil sa siya rin ang nag-ayos sa buhok ko. "Wow, ang ganda mo talaga inaanak! Dalaga ka na at hindi na mukhang amusin gaya noon, Aubrey," natutuwang sabi nito pero nilait naman ako. "Siguradong pagkakaguluhan ka sa party n'yo. Naku, 'wag ka munang magpapaligaw ha," sabi pa sa akin ni Ninang Janina. Actually, ninong ko daw siya pero dahil nga malambot ang puso kaya ninang ang tawag ko ngayon sa kan'ya. Sinundo ako ni Rex na hindi maitago ang labis na paghanga ng makita ako. Kahit naman bobita ako sa math at sakto lang ang naabot ng isip ko sa ibang subject, hindi naman ako patatalo kung pagandahan sabi ni mama at Ninang Janina. Sabi nila, pero kahit kailan ay hindi ako binigyan ng pansin. Laging oversized t-shirt ang suot ko lalo na kapag narito ako sa loob ng bahay. Nagsusuot pa ako ng salamin sa mata sa tuwing papasok ako sa school dahil kapag gaya ngayong nakabihis ako ay nagiging pansinin ako lalo na ang malaking sukat ng dibdib ko na namana ko kay mama. Pati na rin ang manipis na kurba ng bewang ko. Maraming nag-taas ng kilay ng dumating ako, particular ang bruhang feeling maganda dahil anak ng mayor namin. Binaliwala ko na lang at humalo sa mga kaklase ko hanggang sa nagsimula na ang okasyon. Ang pasaway na si Rosemarie, parang sawa kung makapulupot sa crush niya na si Gregory. Si Rex naman sinabihan kong 'wag aalis sa tabi ko dahil ayaw kong may lumapit sa akin na kung sino-sinong lalaki. Proud at masaya naman si Rex dahil sa sinabi ko. Feeling n'ya ay MU na daw kami or may mutual understanding pero kinutusan ko. Assuming s'ya, ayaw ko lang talaga na kukulitin ako ng kung sino-sino. So heto na nga, nanalo akong Ms. Senior high. Syempre, galit ang mga bruha at maldita kong mga schoolmate pero sorry na lang, napunta sa akin ang title. Ang nakakainis lang, isang mayabang na team captain at football player ng batch namin ang nanalong partner ko kaya tabingi ang ngiti ko. "Ah, hindi ako pwedeng magtagal katabi ka, magagalit ang boyfriend ko," walang ka-ngiti-ngiti na sabi ko dahil ang mayabang ng katabi ko ay akala yata nito ay lahat ng kababaihan na narito ay may gusto sa kan'ya pero mala's niya dahil hindi ako kasali doon. Well, na surprised siya sa sinabi ko at mukhang hindi siya makapaniwala pero gano'n talaga, I hate mayabang at makapal ang mukha. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mr. Team captain at iniwan ko ito tutal tapos na naman ang papel naming dalawa. Sumayaw na kami, tapos may pa himas pa siya sa bewang ko at sobrang lapit ng mukha niya kaya naamoy ko tuloy ang pang-arabong pabango niya. "Siya ang boyfriend mo?" tanong ni Mr. yabang na sumunod pala sa akin. "Yes, at proud ako doon," mataray na sagot ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Rex dahil sa sinabi ko at biglang lumuwag ang ngiti nito habang nakatayo dahil nilapitan ko. Malakas na hiyawan ang narinig ko mula sa mga kaklase namin ni Rex. Napa-ngiwi na lang ako ng bumaling sa lalaking katabi ko na masayang-masaya ang mukha na tila nanalo ng lotto. Lihim na napangiti ako ng talikuran kami ni team captain na mayabang matapos tapunan ng masamang tingin si Rex. "Wow, tama nga ang horoscope ko. Lucky night ko ito ngayong gabi. So, tayo na, Aubrey?" malaki ang ngiti na tanong ni Rex. "Hindi, alam mo naman na partner tayo pero hanggang doon lang 'yon. Pasensya ka na, ang yabang kasi ng lalaking iyon kaya nasabi ko tuloy na boyfriend kita para hindi niya ako kulitin," naka-ngiwi na sagot ko. "Ayos lang, maganda na rin 'yon para alam nila na akin ka lang." Tinawanan ko si Rex na akala mo naman may trabaho na siya at kakayahang gumastos ng pera galing s sariling bulsa. Well, isa ito sa ayaw ko, ang makipag-date tapos hihingi ng pera sa mga magulang. Nakita ko kasi ang struggle ni mama para buhayin at makapag-aral ako simula ng mamatay si papa kaya mailap ako sa ganitong bagay. "Uuwi na ako Rex, walang kasama si mama ngayon sa bahay, mag-umaga na," palusot ko dahil malapit ng mag-alas-dos at inaantok na ako. "Sige, ihahatid na kita sa inyo," nakangiting sabi ni Rex kaya tumango ako. Nakaalalay siya sa akin ng lapitan ko ang lasing na si Rosemarie. Siya lang naman ang kaibigan ko talaga dito sa school simula ng pumasok ako dahil mainit ang dugo ng maraming estudyante sa akin dahil siguro sa itsura ko. Anak mahirap lang naman ako pero biniyayaan ako ng pang-beauty queen na itsura. Sabi iyon ni Ninang Janina. Siya lang naman ang palaging pumupuri sa akin dahil naiingit siguro sa tangkad ko. Mag-de-debu pa lang ako pero ang dami na niyang plano para sa akin. Siya rin ang taga puri sa akin sa tuwing nakikita ako. Gandang-ganda siya sa akin pero ako naman walang pakialam dahil alam ko na ang sunod na mangyayari kapag umayon ako at iyon ay ang isasali na naman niya ako sa pageant sa barangay pero sa huli uuwing luhaan dahil natalo ako. Kakahiya lang dahil bobita nga raw ako, hindi rin malakas ang loob ko kaya iniiwasan ko. Mga baklang kaibigan lang niya nakaka-appreciate ng itsura ko dahil sa school, weird ang tawag sa akin dahil suot ko ang malaking salamin para makaiwas sa makulit na mga manliligaw. "Salamat sa paghatid, Rex. Pasensya na kanina ha, sana walang mang-aaway sa akin na sinabi kong boyfriend kita doon sa mayabang na 'yon," pasaring na sabi ko ng makarating malapit sa pintuan ng bahay namin. "Wala 'yon, kahit sabihin mo pa sa buong school natin, ayos lang sa akin, basta ikaw. Pero mas maganda kung totohanin natin," pabirong sabi nito. "Hay naku, umuwi ka na sa inyo, madaling araw na. Inaantok na ako," taboy ko kay Rex habang binubuksan ang pintuan. "Sige na nga, good night, Aubrey. Salamat sa pagpayag na maging ka date ko ngayong gabi," sabi ni Rex na mukhang masaya. Kung hindi niya ako sinuhulan, hindi ako pupunta sa party na 'yon. Puno ng mga mapanglait na mga mata ang nakita ko doon palibhasa hindi ako mayaman gaya nila. Hilaw ang ngiti na tumango lang ako kay Rex. Kahit binasted ko ito ng paulit-ulit, kahit paano okay pa rin na siya ang nakausap ko kesa sa ibang school mate namin na puro payabangan ang alam at ginagawang pustahan kung sino sa kanila ang sasagutin ko. Okay naman si Rex, nag-iisang anak at may posisyon daw sa barko ang ama kaya sunod sa layaw pero dahil wala akong balak makipag-relasyon ay wala siyang napala sa akin. Kahit naman mapurol ang isip ko pagdating sa academia, matured naman kung mag-isip ako. Wala akong balak magkaroon ng boyfriend sa ngayon dahil nahuhumaling ako sa mga oppa ko, sila lang ang lalaki sa buhay ko at sapat na sa akin ang mga gwapong mukha nila sa loob ng silid ko. Dahan-dahan na isinara at ini-locked ko ang pintuan ng apartment namin ni mama. Dahilan ko lang kay Rex na mag-isa lang ngayon ang aking ina pero wala talaga siya dito sa bahay dahil nasa pinapasukan niyang pang-gabing trabaho. Isa ito sa dahilan kaya umiiwas ako sa lahat sa school namin. Ayaw kong hukayin ng kung sino ususera at mahadera ang buhay ko at maungkat ang tungkol sa trabaho ng mama ko. Gano'n kasi ang nangyari sa dating school na pinapasukan ko bago kami lumipat dito. Ito rin ang dahilan kaya ayaw kong sa akin mapunta ang atensyon nila kaya ako na ang kusang umiiwas. Sabi nila, swerte ang may magandang mukha pero para sa akin ay malas ito. Dahil dito marami akong naranasan mula sa murang edad ko. Ito rin ang dahilan kaya ayaw ni mama na mag-asawa pa dahil muntik akong mapahamak noon sa dati niyang kinakasama. Papasok na sana ako sa loob ng silid ko bitbit ang mataas na sapatos na hinubad ko ng narinig ko ang impit na mga ungol at halinghing mula sa loob ng silid ni mama. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at kinabahan ng husto. Akmang bubuksan ko sana ang pintuan ng silid niya dahil natatakot akong baka may kung ano nang nangyari sa kan'ya pero natigilan ako sa sumunod na narinig ko. Paos na tila nakikiusap si mama sa kung sinong kausap niya na 'wag tumigil dahil malapit na siya. May pa english-english pa ang aking ina na akala mo ay namimilipit sa sakit. Isang boses lalaki rin ang narinig ko na halatang hindi Pinoy dahil sa uri ng pananalita nito. Napaatras tuloy ako at dahan-dahan na pumasok sa loob ng silid ko pero dahil magkatabi lang ang kwarto ko ang kwarto ni mama ay malinaw na naririnig ko kung ano ang mga pinagsasabi nila. Parang tuod na nakaupo ako sa gilid ng kama, habang hindi malaman ang gagawin ko. Inabot rin ng mahigit labin-limang minuto bago nawala ang mga ungulan pati na rin ang ingay ng langitngit ng kama sa silid ni mama. "You needed to tell your daughter that both of you were moving to my house, honey," sabi ng lalaking may malambing na boses. Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko. Pati yata mga paa ko parang bilang na frozen kaya hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. "Sure, honey. I'll tell her tomorrow morning," sagot naman ni mama kaya pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo ko. Gusto ko siyang mag-asawa pero bakit ngayon, iba ang nararamdaman ko. May takot at kabang bumalot sa puso ko matapos marinig na titira ako sa isang bahay kasama ang lalaking kausap ni mama ngayon. Sana kunwari lang na umayon si mama sa kung sino man ang lalaking nasa loob ng silid niya dahil hindi ako kumportableng tumira sa isang bubong kasama ang kung sino-sino dahil wala akong tiwala sa ibang tao dahil na rin sa masamang karanasan ko dahil sa mukha at hugis ng katawan na pilit na tinatago ko sa publiko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD