Chapter 1
AUBREY
"Aubrey anak, gising na. Tanghali na at kailangan mo ng pumasok sa eskwela," narinig kong sabi ni mama habang tinatapik ako sa balikat.
"Ma, pwede bang mamaya na po? Maaga pa naman po," dahilan ko dahil ang totoo inaantok talaga ako.
Napuyat kasi ako ka kapanood ng korean novela kagabi at inabot ng madaling araw kaya heto halos hindi ko maidilat ang mga mata ko sa labis na puyat.
"Gusto mo bang alisin ko ang lahat ng poster ng mga korean idol mo dito ng wala kang pagkapuyatan sa gabi?" inis na pananakot sa akin ni mama.
Napabalikwas ako ng bangon. Okay na napuyat ako at gumising kahit ilang araw na akong tatlong oras na lang ang tulog basta nariyan sa palibot ko ang lahat ng oppa na pinapantasya ko.
Ang pogi naman kasi ni Song Joong-ki, feeling ko nga ako si Song Hye-kyo sa panaginip ko habang ini-emagine ko siya.
Hindi rin papahuli ang oppa ko na si Lee Min-ho na nag-uumapaw sa ka-g'wapuhan.
Nabaling tuloy ang paningin ko sa mga oppa na nakadikit sa dingding ng silid ko. Nagniningning ang mga mata ko habang nakatingin sa nakangiting poster ni So Ji Sub, Hyun Bin at ng highest paid actor sa buong South Korea na si Kim Soo Hyun.
Sino ba naman ang hindi gaganahan na gumising ng maaga kung mga poging oppa na gaya nila ang makikita sa pagdilat ng aking mga mata?
"Aray, mama naman eh. Ang sakit po," reklamo ko dahil piningot na naman ako ng aking ina.
"Ang sabi ko bumangon ka na at mag-handa para pumasok sa eskwela. Hindi ko sinabi sa 'yo na tumayo ka d'yan at titigan ang mga mukhang babaeng mukha sa poster na nasa harap mo," gigil na sabi ni mama sa akin.
Ewan ko ba kung bakit mainit ang dugo niya sa mga oppa ko. Palibhasa nalipasan na ng panahon si mama at hindi na appreciate ang salitang gwapo.
Ang pogi kaya ng mga oppa ko kaya paano silang naging mukhang mga babae sa paningin ni mama. Titigan ko pa nga lang sila kinikilig na ako paano pa kaya kung makita ko sila ng personal?
"Aubrey!" malakas na sigaw ni mama dahilan para napapitlag ako. Agad na lumabas ako ng pintuan ng silid ko dahil baka mag-bagong anyo ito at lapain ang mga oppa ko siguradong malaking parusa iyon dahil mawawalan ako ng kaligayahan.
Mabilis ang naging kilos at galaw ko. Alam ko kasi na sa pagkakataong ito ay hindi na nagbibiro ang aking ina base na rin sa lakas ng boses nito.
Sana kasi ma in love na si mama sa iba ng ma-appreciate n'ya naman ang salitang kilig at pantasya ng hindi niya ako pag-iinitan at ang mga oppa ko.
Tuwing nagagalit at naiinis kasi siya sa akin mga poster nila ang pinagdidiskitahan nito. Baka sakali na kapag nagkaroon ng asawa ulit si mama ay maintindihan niya ang hugot at pinang-gagalingan ng labis na pagkahumaling ko sa lahat ng oppa sa silid ko.
"Bilisan mo, Aubrey. Sinasabi ko sa 'yo, kapag pinatawag ako sa school mo dahil pinabayaan mo na naman pag-aaral mo makakatikim ka na talaga sa akin bata ka," paninermon ni mama habang kumakain ako ng almusal.
Kung bakit ba naman kasi na guidance ako noong nakaraang linggo. Heto tuloy at mainit na naman ang dugo sa akin ni mama ngayon.
Pasaway kasi ang ka klase ko na si Rosemarie. Kung bakit noon pa nag-kwento ng tungkol sa pribadong kasal ni Song Joong Ki at Song Hye-kyo. Nahuli tuloy kami ng teacher namin sa math na si Mrs. Ramos na laging galit sa akin dahil kulelat ako sa subject niya.
Kung bakit kasi nauso pa ang subject na math sa mundo. Pahirap lang iyon sa mga studyanteng gaya ko na sakto lang ang talino.
"Mag-aral kang mabuti ha, Aubrey. Ilang buwan na lang ay matatapos na na ng highschool. Hindi na pwede ang bulakbol kapag college ka na. Alalahanin mo na kumakayod ako ng husto para makapag-aral ka," semon pa ni mama bago ako tuluyang lumabas ng pintuan para pumasok.
Naka-nguso na naglalakad ako papasok sa eskwelahan ng sumabay sa akin si Rex ang masugid na manliligaw ko.
"Hi, Aubrey, okay lang bang sumabay sa 'yo pumasok?" kumakamot sa batok na tanong nito.
"Bakit nagtatanong ka pa e, nakabuntot ka na nga sa akin?" mataray na sagot ko.
Ayaw ko kasi sa lahat ay susulpot ito sa harap ko habang mainit ang ulo ko kaya siya ang napagbalingan ko gaya nito.
Walang kibo na naglakad kami pareho habang wala rin akong pakialam na kasama ito at pinagtitinginan kami ng mga tsismusang kapitbahay namin.
Sigurado akong kami na naman ang tampulan ng tsismis sa umpukan sa kanto sa pamumuno ni Tasya na daig pa ang newscaster sa radyo sa bilis sumagap ng pekeng kwento.
Sa sunod nga papatukhang ko siya kay Duterte para mabawasan ang tsismosa dito sa lugar namin.
"Aubrey, malapit na ang J's prom natin. Pwede ba na ako na lang ang maging partner mo sa event?" tanong ni Rex sa tabi ko.
Tiningnan ko ito, bago mag-isip. Good catch na rin si Rex lalo pa at matalino ito pero kasi wala pa sa isip ko ang makipag-relasyon dahil puno na ng mga gwapo at matchong oppa ang isip at puso. Sila lang sapat na.
"Ah, Rex, baka hindi ako sumali," mabilis na sagot ko para tigilan ako nito. Oo nga at seventeen na ako at pitong buwan pa ay mag-eighteen na ako pero masyadong bata pa ang isip at puso ko.
"Why not? wala ka bang damit na isusuot?" tanong agad nito.
"Wag kang mag-alala, sasagutin ko ang gown mo basta ako ang piliin mong maging partner sa prom," pangungumbinsi nito sa akin.
Napailing ako. Hindi lamang si Rex ang nag-iisang lumapit sa akin para makiusap na maging partner ko. Ilang offer na rin ang tinaggihan ko dahil bukod sa tinatamad ako at wala talaga akong ka gana-gana na pumunta at dumalo sa prom namin.
"Sige na pumayag ka na Aubrey, please," nakikiusap na sabi ni Rex sa tabi ko.
"Wala akong ganang dumalo sa gan'yan. Isa pa, mas gusto kong manood ng movie sa bahay kesa naman makipag-sosyalan sa maaarte nating mga school mate na feeling mayaman," inis na sagot ko.
Kita ko kung paano naging malungkot ang ekspresyon ng mukha ng kasabay kong naglalakad papasok sa eskwelahan namin.
Ayaw ko man na makasakit ng damdamin pero hindi talaga ako kumportable kaya mas mabuti na ngayon pa lang ay tanggihan ko na siya para hindi na siya umasa at makahanap na siya ng ibang kapartner niya sa darating na prom.
"Kapag ba binilhan kita ng copy ng Descendants of the Sun nina Song Joong Ki at Song Hye-kyo kapalit ng pagiging partner ko sa prom, papayag ka ba?" seryosong tanong nito.
Aayaw ba ako? Maganda ang series na 'yon eh. Pagkakataon ko na ito, palalampasin ko pa ba?
"Sige basta may english subtitle ha?" mabilis na sagot ko.
Kita ko ang pag-liwanag ng mukha ng taong kausap ko matapos kong pumayag sa alok nito. Pero wala akong pakialam doon dahil sa isipan ko ay madadagdagan na naman ang koleksyon ko.
'Di bali ng isang gabi akong magsakripisyo basta malinaw na mapapanood ko at magkaroon ng kopya ng paborito kong serye ng mag-isa sa bahay namin.
Mababaw man ang kaligayahan ko pero doon umiinog ang mundo ko.