AUBREY
Halos hindi ako nakatulog ng maayos simula ng umuwi ako kaya nagising ako ngayong umaga na masakit ang ulo ko. Hindi yata alam ng dalawang kasama ko dito sa bahay na nasa kabilang silid lang ako dahil wala pang kalahating oras ay panay na naman ang langitngit ng kama ni mama tapos nagsimula na naman ang mga ingay na ayaw kung isipin kung ang dahilan.
Nasa tamang edad na si mama, hindi ako dapat makialam sa kan'ya. Isa pa, ako rin naman ang panay ang tulak noon sa kaniya na mag-asawa na kaya lang, iba pala ngayon na alam kong may nagkagusto na sa aking ina, tapos dito pa talaga sila gumagawa ng kapatid ko at ang ingay nila.
Magaan ang pakiramdam sa ulo na bumangon ako. Naabutan ko si mama sa kusina na nagluluto ng agahan. Nangunot pa ang noo niya ng makitang nakatukod ang dalawang braso ko sa mesa at nakapangalumbaba tapos malalim ang inisip.
"Good morning, anak. Himala ang aga mo namang bumangon ngayon. May sakit ka ba?" nagtataka na tanong ni mama na lumapit pa sa akin at sinapo ang noo ko.
Oo nga pala, lagi niya akong ginigising sa umaga dahil tanghali na ako kung gumising tapos pahirapan pa. Sigurado akong iniisip niyang hapon na ang gising ko dahil dumalo ako sa school party namin kagabi kaya talagang hindi niya inaasahan na makikita ako ng ganito kaaga.
"Wala po," umiwas na sagot ko ng salatin niya ang noo ko.
"Bakit bumangon ka na? Dapat tulog ka pa ngayon ah," nagtataka na tanong pa ni mama.
"Nagising na po kasi ako. Hindi na ako inaantok," dahilan ko.
Hangga't maaari, ayaw kong sabihin sa kan'ya ang mga narinig at nasaksihan ko kagabi. Grabe naman ang lalaking kasama ni mama, parang lumindol ang bahay namin tapos ang ingay pa nilang dalawa. Pakiramdam umaalingawngaw pa sa pandinig ko ang mga ungol nila kaya talagang hindi ako nakatulog na tapos konting kaluskos nagising agad ako.
"Anong oras ka umuwi kanina?" tanong ni mama ng makitang lutang ako.
"Hindi ko na po alam, 'ma. Basta natatandaan ko, umaga na," kibit-balikat na sagot ko.
"Mabuti pa, eh, kumain ka na at mamaya mag-impake ka at aalis tayo," sabi ni mama na parang excited pa.
"Saan po tayo pupunta mama?" kinakabahan na tanong ko.
"Sa bago nating bahay. Maganda doon at sigurado akong magugustuhan mo," sagot agad ni mama na may matamis na ngiti sa labi.
Nag-angat ng mukha na napatingin ako kay mama. Hindi ko naman siya p'wedeng pigilan dahil alam kong alam niya ang ginagawa. Ako rin naman ang panay ang tulak sa kan'ya na mag-asawa kaya walang dahilan para mag-reklamo ako ngayong nakahanap na siya ng lalaking mamahalin.
May ideya na akong doon kami pupunta kahit hindi niya sabihin dahil malinaw na narinig ko ang usapan nilang dalawa kanina.
Matapos kumain ay nagligpit na kami. Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin kaya natuwa si mama at sinabing baka na engkanto ako sa pinuntahan ko dahil para na raw akong ibang tao kung kumilos ngayon.
Alam ko kasing pagod siya, pinagod siya ng husto ng lalaking kasama niya magdamag at narinig kong sinabi niyang para na raw siyang walang lakas kaya nag-prisinta na ako.
Kasama si Ninang Janina ay nag-impake na kami. Malungkot na nilagay ko ang lahat ng poster ng mga favorite oppa ko sa isang malaking plastic bag para masiguro na hindi masisira at mababasa kung sakaling umulan.
Ayaw ko kasing ipasok sa maleta kaya hawak ko ito hanggang sa dumating ang magarang sasakyan at nakita kong bumaba ang isang may edad na lalaking sa tingin ko ay isang foreigner na siya palang susundo sa namin.
Nanlaki ang mga mata at napa-ngiwi ako ng makitang niyakap nito si mama at walang pakundangan na hinalikan sa harap ko. Ew, ang cheesy nila.
"Anak, siya si Danish. Siya na ang bagong magiging daddy mo simula ngayon," sabi ni mommy ng ipakilala sa akin ang boyfriend niya.
Awkward na itinaas ko ang kamay ko para sana magmano, pero ang matanda ay lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit na akala mo ay close kami kaya hindi maipinta ang mukha na napatingin ako sa aking ina na nakangiti sa nang maluwag at tila kinikilig at natutuwa pa.
Sabi ko kay mama, mag-asawa na siya pero hindi ko alam na daing pa niya ang teenager na ngayon pa lang na in-love kung umasta.
"I'm glad to finally see and meet you, Aubrey. Your mom was right; you're a beautiful and sweet girl. Without a doubt, my son will definitely like you," sabi nito ng hinawakan ako sa balikat matapos akong yakapin.
Mulagat ang mga mata na napatingin ulit ako kay mama May anak pala ang boyfriend niya at lalaki kasi son daw. Ewan pero kinabahan ako ng sobra ng marinig kong binanggit niya ang tungkol sa anak na sinabi nito.
Ang tanong magkasundo kaya kaming dalawa? Normally kasi kapag ganito, ayaw ng anak sa bagong asawa ng kanilang ama kaya ang resulta, aapihin si new wife pati ang anak nito at siguradong damay ako.
"Everything is set. Let's go, honey," sabi ng boyfriend ni mama nang maisakay ang lahat ng gamit na dala namin.
Actually mga damit lang ito at ilang gamit kasi sabi ni mama ay hindi namin kailangan na mag-dala ng marami dahil ang boyfriend na raw niya ang bahala.
Nakasakay ako mag-isa sa backseat habang si mama ay nasa passenger seat katapat ng driver na si Mang Danish. Ang baduy pakinggan kasi foreigner kaya lang 'di ako alam kung paano siya tatawagin.
Ang awkward kasi kung Danish lang kasi may edad siya sa akin. Hindi rin ako komportable na tawagin siya na daddy kaya pinili ko ang manahimik at nagkunwaring tulog sa likuran kasi ako ang nahihiya sa lambingan nilang dalawa.
Sa isang malaking bahay kami tumigil. Ang laki, ang taas rin ng bakod at gate na pinasukan namin tapos malayo ang distansya sa gate kaya pakiramdam ko ay mawawala ako sa subdivision na pinasukan namin.
"Baba na anak," sabi ni mama na pinag-buksan pa ng boyfriend nito.
Ang sweet naman nila, siguro kasi bago pa. Hindi bali maghiwalay rin sila. Teka, bakit ba ang bitter ko yata ngayon eh, ito naman ang gusto ko ang maging masaya si mama at magkaroon ng taong magmamamhal sa kan'ya?
Maraming mga kasambahay ang nakahelera sa may pintuan ng pumasok kami. Sabay-sabay silang yumuko at parang palabas sa Meteor Garden na kapag pumasok ang mga master nila ay nagbibigay galang at pare-pareho ang mga suot.
Ang cute nila, feeling ko tuloy ako si Shan Cai. I wonder kung may Dao Ming Zu rin ba dito, kaya natigilan ako at hindi agad nakakilos mula sa kinatatayuan ko.
Sa na isip ay napahagikhik ako at pipikit-pikit pa pero namilog ang mga mata ko ng kurutin ni mama sa tagiliran.
"Tigilan mo ang mga koreanong pangalan na iyan, Aubrey. Nandito na tayo sa ibang bahay at wala sa silid mo," sabi ni mama kaya napalabi ako.
Ang killjoy talaga ni mama kung minsan. Kung sabagay, hindi niya na appreciate ang kagwapuhan ng mga oppa ko dahil ibang lahi ang nagustuhan niya. Ang tangkad kaya ng boyfriend nang aking ina, tapos siya ang liit na babae. Hindi gaya ko na kapag nagkita kami ng kahit sino sa mga favorite oppa ko, sigurado akong hindi naglalayo ang height namin dahil asian ang mga feature namin at match kami.
"Aubrey, tigilan mo ang pag-day-dreaming mo. Sinasabi ko sa iyong bata ka, hindi talaga maganda ang epekto sa iyo ng mga koreanong iyan," inis na sabi na naman ni mama na hindi na siguro nakatiis dahil tulala na naman ako, tapos nakangiti pa kaya alam niyang effect na naman ito ng Korean fever.
"Hali ka na po, miss. Ihahatid ko po kayo sa silid mo," magalang na sabi ng isang babaeng lumapit sa akin.
Kanina pa pala ako kinakausap ni Mang Danish pero tulala daw ako, kaya siguro na kurot na ako ni mama dahil hindi nila ako makausap ng matino. Hindi bali, masasanay rin ang boyfriend ng aking ina na makita niya akong ganito araw-araw dahil sigurado naman akong makakasama namin siya lalo na at dito na raw kami titira.
"Pasok na po," magalang at nakangiting sabi ng babaeng kasama ko nang makarating kami sa harap ng isang malaking pintuan dito sa second floor ng napakalaking bahay.
Dahan-dahan na binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mga mata ko sa itsura ng malaking silid kung saan ako titira mula sa araw na ito.
Ang kapal ng mga mahahaba at malalapad na malaking kurtina tapos fully carpeted pa ang silid at mukhang pang mayaman na kama. Malamig rin ang silid na bukas pala ang aircon ng pumasok ako na para bang walang pakialam sa electric bill dahil ang lamig eh, wala namang gumagamit.
Napa-ngiwi ako dahil alam kong mamahalin ang kahit pintura at design sa bawat sulok ng silid na ito kaya na lungkot ako na hindi ko p'wedeng ikabit ang mga posters ng mga oppa ko sa dingding dahil masisira ko ang design ng pang mayaman na k'warto.
Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pag-aayos ng mga dalang gamit ko dito silid ko. Sinabi ni mama kanina ng pumasok dito na aalis sila ni Mang Danish kaya ako lang ang naiwan dito.
Nauuhaw ako at gusto ko rin kumain kaya lang nahihiya akong bumaba. Sabi ni mama ay marami raw kasambahay ang narito kaya huwag akong mag-dalawang-isip na magsabi sa kanila kapag may kailangan ako.
Maingat na lumabas ako ng silid ko suot ang paboritong pambahay na damit ko para bumaba. Tahimik ang buong bahay na para bang lahat ay takot gumawa ng ingay. Dahan-dahan na humakbang ako hanggang sa nakarating ako sa elevator na sinakyan ko kanina.
Ang sosyal, parang mall lang ang design ng bahay ni Mang Danish. Nakakalula, pakiramdam nasa isa akong malaking hotel at mataas na building. May sariling elevator pa sila pero natigilan ako ng bumukas ito at iluwa ang isang matangkad na lalaki.
Mukha rin siyang foreigner na mistizo pero para akong frozen at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ng magtama ang mga mata namin at titigan niya ako mula ulo hanggang paa.
Seryoso siya, wala man lang ka-ngiti-ngiti sa labi pero kakaiba kung paano ako suriin ng tingin. Siguro ay nagulat rin siya dahil ngayon lang ako nakita at baka inakalang isa ako sa mga kasambahay kaya hindi man lang binati at nanatiling nakatitig sa akin.
"Papasok ka ba o tatayo ka lang d'yan at titingnan ako?" suplado at halatang masungit na tanong nito.
"Ah, opo," mahina at kinakabahang sagot ko na bahagyang humakbang palapit sa lalaking nasa loob ng elevator, pero parang napako ang mga paa na hindi ako makahakbang palapit sa kan'ya.
Pakiramdam ko ay may kakaiba kasi sa kung paano niya ako tingnan na tila ba pinaparamdam nito sa akin na hindi ako nababagay sa malaking bahay na ito kaya lalo lamang akong nanliit para sa sarili ko.
Ito na nga ba ang sinasabi ko kanina pa sa sarili ko, na malayo ang agwat namin sa buhay kay Mang Danish. Hindi tuloy nakatulong ang mga negatibong iniisip ko dahil lalo lamang lumalakas ang kabog sa dibdib ko na tila ba may nagawa akong kung ano sa taong kaharap ko.
"Hurry, get in!" tila naiinip na utos ng lalaki sa loob ng nakabukas na elevator at hindi inaalis ang mga mata sa mukha ko, kaya nag-iwas ako ng tingin. Ilang lunok ang ginawa ko at saka humugot ng isang malalim na buntong-hininga, bago muli siyang hinarap, pero hindi ko nagustuhan kung saan ko nakitang nakatutok ang mga mata nito.
Napalunok na lang ako at nanlaki ang mga mata dahil malinaw na nakikita ko kung saan nakatutok ang mga mata ng lalaking ilang hakbang lang ang pagitan naming dalawa.
Sa takot at pagkataranta ay hindi ko na hinintay na magsara ang naka-bukas na pintuan ng elevator na mukhang naka-hold dahil hindi agad sumara. Bigla akong tumalikod at mabilis na kumaripas ng takbo kaya halos madapa at humihingal na bumalik sa loob ng silid ko.
Naghahabol ng hininga na sumalampak sa carpeted na sahig at paanan ng kama habang hindi mawala sa isip ko ang kulay asul na mga matang tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
Nakakatakot ang maitim na mga mata niya. Para siyang mangangain ng buo habang nakatitig sa mga dibdib ko tapos wala man lang siyang kahihiyan na tinitigan ang buong katawan ko na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko.
Nakakainis, sino kaya ang lalaking iyon at bakit gano'n na lang siya kung makatingin na akala mo kaaway niya ako? Tipid nga lang siya kung nagsalita pero titig pa lang ay nangatog na ang tuhod ko. Sobrang kinabahan talaga ako sa presensya niya at hindi ko gugustuhin na makaharap ulit siya.
Tama, kung dito man siya nakatira, dapat iwasan ko siya, dahil hindi ko gugustuhing makaharap siyang muli sa takot na baka may gawin siya sa aking hindi maganda.