Chapter 3 - Unconditional LOVE

1916 Words
Nicholas "Mr. De Angelo, your sister is on the line 2 Sir," bungad na sabi ng secretary niya mula sa pinto at tinigil niya ang pagbabasa ng report. "Thank you and kindly inform Jay to set the appointment with the supplier by next week." Sabi niya rito bago pindutin ang line 2 button. "Thank God! I've been calling you for a hundredth time already and you're not always available either on your personal phone or here. I have also been sending you messages but I haven't received any response from you. Tell me the truth, are you hiding from me?" may halo na galit nitong bungad pagkasagot niya sa tawag nito. Napapikit siya saglit at huminga muna ng malalim habang pinakikinggan ang sinasabi ng kapatid niya. Sobrang busy niya nitong mga nakaraan na buwan dahil may nabili siya na resort na kasalukuyan pinapa-renovate niya para mag-generate na ng income. "If I'm really hiding from you My Dearest sister, we will not be having this conversation right now. So what's up?" natatawa na sagot niya at narinig niya ang pag buntonghininga nito sa kabilang linya. "I Just want to remind you my Dear brother something that is not very important, MY WEDDING. In case you forget, I'm getting married very soon," tugon nito at halata na hindi maganda ang mood nito. "You're still coming, right? Because if you still remember you promised me that you will be here to help me plan my wedding. I hope you won't be breaking your promises to me this time. You know how important this is to me and I want you to be there no matter what," paglalambing nito at napangiti siya. Ilang buwan na lang at ikakasal na ito although against siya sa naging decision nito ay wala naman siyang magagawa. Ang tanging magagawa lang niya ay ang suportahan ito at maging masaya para rito. Sa palagay kasi niya ay bata po ito para magpakasal at marami pa na importante na bagay ang mas unahin nito. Sa edad nito ay dapat nag-eenjoy pa ito sa buhay at sa mga posible na opportunities. Ngunit ang katwiran nito sa kanya ay wala naman sa edad ang pagpapakasal. He can still recall what she said when he asked her why now at ang sagot nito ay It's just a matter of finding the person you want to spend your life with and it doesn't matter when or how. Nakilala na niya ang fiancee ng kapatid niya and so far ay wala naman siyang nakikita na hindi maganda rito. Masasabi niya na responsable na tao ito at nakikita niya na mahal nito ang kapatid niya. Ang mahalaga naman talaga sa kanya ay ang kaligayahan ni Cristy at kung saan ito masaya ay susuportahan niya ito. "I do remember My precious sister, just give me three more weeks and I'll be there. I just need to finish something here and I'll help you with your wedding. Don't worry because I'm keeping my promise this time," pag-aassure niya rito at narinig niya ang malakas na pagbuntonghininga nito. "Better be because I will not forgive you if you're not present in my wedding. Mark my word Kuya I will not talk to you if you don't come home before my wedding. I understand that you are super busy but I want to share this special moment with you. You always been there at that special moment in my life before. Aside from that you have been working all the time and this is the perfect time for you to take a vacation, a break from your work and lovelife as well," sabi nito at napailing siya. "Vacation and a break from here, definitely yes. I really need that but lovelife I don't think so Cristy. Casual fling and one-night stand suit me well. I don't need a long term commitment because it will just make my life complicated," umiiling na sabi niya rito. Hindi naman sa against siya sa idea ng commitment pero sa panahon ngayon ay hindi na uso 'yon. Sa kalagayan niya ngayon ay hindi siya physically and emotionally capable na maging committed sa isang relation. Wala rin siyang sapat na oras dahil sa sobrang busy niya sa negosyo na hawak niya. Sa panahon din ngayon ay mas marami pa ang naghihiwalay na couple kaysa sa mga couple na nanatili na magkasama. Wala ng relasyon ngayon ang nagtatagal dahil na rin sa maraming dahilan. At saka bakit kailangan pa na I-attach ang sarili sa isang tao na sa bandang huli naman ay iiwan ka o iiwanan mo rin naman. He would rather invest his time and effort in other things than be in a relationship. Gusto rin niya maiwasan na makapanakit ng damdamin kaya sa una pa lang ay sinasabi na agad niya. "That's happen when you work all the time, you don't have time to find your soulmate. Unlike me, I already found my soulmate and I can't wait to spend my whole life with him. All you think off is making more money and your businesses. Ang sarap kaya sa feeling na in the end of the day ay may tao na naghihintay sa 'yo at makakasama mo. Iyong tipo na dadamayan ka sa mga panahon na masaya ka, malungkot o kaya naman ay may problema ka," masaya na sabi nito at napatingin siya sa labas ng salamin kung saan ay natatanaw niya ang mga malalaking building. "And that's what happened when you watch too many romantic movies and read romantic novels. They give you ideas of things that are not real. They give you so much hope that you expect too much. Life is not like that because there's more," natatawa na kontra niya rito. "I'm happy for you Sis because you finally found your other half but it's a different case for me. Not all people have high hopes when it comes to love and I'm just being realistic. You already know why I don't like that kind of relationship, right? So what's the use of putting too much emotion and effort when in the end you will be hurt. Let's just leave it like that and I'm perfectly okay now with my life," dugtong niya nang hindi ito tumugon. "Your such a NEGA as in, but I'm telling you Kuya once na makita mo 'yong girl na para sa 'yo ay mababaliw ka sa kakaisip sa kanya. You will do things na hindi mo normally na ginagawa just for her. Mababago ang tingin mo sa lahat ng bagay sa paligid mo. Well, I can say that love really make one's go crazy. I'm just hoping and praying na sana ay makita mo na siya agad para naman magkakulay 'yang boring mong mundo," sabi nito at natawa siya sa sinabi nito. "Exactly my point. Love is only for fools and I'm not one of them. I can get what I want and when I want it. If ever I found that girl you're talking about well I'm sorry for her in advance," sabi niya. "By the way, is Dad coming?" alanganin na tanong niya rito. "Yes, he said he will come but I'm not really expecting too much from him. You know him very well, he always tends to break his promises. Just like you he is busy making more money and he really doesn't care aside from himself. But you, I'm expecting you to come home as soon as possible and don't worry no one will know you. I will just introduce you as my cousin or relative," malungkot na sabi nito sa huli. "Cristy, don't think na ayaw kong magpakilala bilang kapatid mo at hindi kita kinahihiya. Ayaw ko lang 'yong maraming tanong about us and about our family. Alam mo na hindi ako komportable na magkwento especially when it comes to my personal matter," sabi niya rito. Alam niya na kahit paano ay malungkot ito na hindi nila pwedeng sabihin sa ibang tao na magkapatid sila. Pili lang ang mga taong nakakaalam na may kapatid siya at ganoon din ito. Four years ago lang niya nalaman na may kapatid pala siya at nang nalaman niya 'yon ay galit na galit siya sa Dad niya. Halos kamamatay pa lang ng Mom niya nang ipinagtapat nito sa kanya na may iba ito na pamilya. At hindi man aminin ng Dad niya sa kanya ay may palagay siya na matagal ng alam ng Mom niya ang tungkol sa ibang pamilya nito. Iyon din ang iniisip niya na dahilan kaya nito pinabayaan ang sarili nito at kalaunan ay nagkasakit ng malubha. Sinisisi niya ang Dad niya at ang babae nito pero hindi ang kapatid niya dahil wala naman itong kasalanan sa lahat ng nangyari. Masasabi niya na okay na sila ng Dad niya ngayon pero sa pormal na set-up. Never niya itong in-approach bilang magulang niya kung hindi bilang business partner lang. After niya na maka-graduate ay lumayo na siya rito. Nag-umpisa siya mula sa ibaba at dinanas din niya ang hirap bago niya narating kung ano ang mayroon siya ngayon. May naiwan naman na mana ang Mom niya at iyon ang ginamit niya sa pag aaral niya. Mula ng nalaman niya ang tungkol sa ibang pamilya ni Dad ay hindi na siya umasa rito. Sa tulong ng iba niyang mga kaibigan ay nakapag-umpisa siya na magtayo ng negosyo and eventually invest in different companies. Hindi siya humingi ng tulong sa Dad niya nang mga panahon na nahihirapan siya at hindi rin niya kinuha ang position na ibinibigay nito sa kanya sa kumpanya nito. "I know naman Kuya, it's okay you don't have to worry about me dahil ang mahalaga ay alam natin na mahal natin ang isa't isa. I'm so thankful for Kuya because despite what happened to our family you loved me, protected and treasured me. Mas present ka pa nga sa buhay ko kaysa kay Mommy at Daddy dahil sobrang busy nila sa ibang bagay. I really want you to come home because I don't want you to miss the most important event of my life. At saka it's been more than a year na rin mula noong umuwi ka and I missed you so much. Hindi na nga tayo halos nagkasama dahil the last time na umuwi ka ay dahil sa company problem ni Dad and when the last time na pinuntahan naman kita diyan you were in a conference. Sa Skype at Messenger na lang tayo halos nagkikita at nagkaka-usap," malambing na sabi nito at napangiti siya. "Don't worry Cristy, I'll be there no matter what. I will not miss it for anything else in this world," sabi niya rito. "Promise?" tanong nito at tumawa siya. "Yes, I promise," seryoso na tugon niya. "Okay. Bye for now Kuya I know you're busy just call me when you'll be here. Always take care of yourself and please don't work too much. Love you so much, Kuya. Bye." paalam nito at binaba na ang phone. Huminga siya ng malalim saka sumandal sa upuan niya at tumingin sa kisame. Si Cristy na lang talaga ang tinuturing niya na pamilya kaya hangga't maaari ay gusto niya na nandoon siya palagi sa tabi nito. Hindi man sila laging magkasama at magkausap pero he make sure na okay ito. From time to time ay tinawagan naman niya ito dahil wala siya sa tabi nito. Gagawin at ibibigay niya ang lahat para sa kapatid niya dahil mahal na mahal niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD