Chapter 2 - Being single

1987 Words
Elizabeth Nag-decide silang magkakaibigan na magtayo ng isang company na may kinalaman sa pag-organize ng mga event. Mahigit dalawang taon na rin silang operational, nag-umpisa ang lahat nang I-organize nilang magkakaibigan ang kasal ng kaibigan nila na si Mila three years ago. Naging successful ang event at marami ang pumuri sa kanila kaya naisip nila na pwede nilang gawing business 'yon. After ikasal ni Mila the following year ay si Maricon naman at sila rin personally ang nag-ayos sa lahat. Kasalukuyan siyang gumagawa ng schedules para sa itinerary ng mga bride-to-be, siya kasi ang in-charge sa preparation noon. Siya at si Maricon ang kadalasan nakikipag-usap sa mga client, si Mila naman ang nakikipag-usap sa mga suppliers samantalang si Han naman ang in-charge sa administrative at paper works. So far ay naging okay naman ang takbo ng company nila. Hindi naman sa pagyayabang pero hindi sila nawawalan ng booking at minsan pa nga ay kailangan nilang tanggihan ang ibang mga client na nagmamadali dahil sa schedules nila. Kung noong nag-umpisa pa lang sila ay ilan empleyado lang ang mayroon sila ngayon ay marami na silang nakakatulong para mabigyan ng magandang resulta ang lahat ng ginagawa nila. Napakaswerte nila dahil magaling at hard working ang mga nakuha nila na mga empleyado. Abala siya sa ginagawa niya nang biglang bumukas ang pinto. Padabog na pumasok ang kaibigan niya at isa rin sa may-ari ng "Getting Ready" na si Mila. Sinulyapan lang niya ito saka ibinalik na ulit ang attention niya sa computer at planner. "Talaga bang gusto mong maging matandang dalaga, Ellie? Dahil sa pagkakakilala ko sa 'yo at sa ugali mo ay malabong tanggapin ka na maging madre or kahit mongha," naniningkit ang mga mata na sabi nito habang naka-cross ang braso sa dibdib. Alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit ito galit at parang dragon na kulang nalang ay bumuga ito ng apoy. Sa nakikita niyang reaksyon nito ay gusto niyang tumawa pero pinipigilan lang niya. Hindi na ata niya matandaan kung ilang beses na siyang na set-up nito sa mga blind date mula sa mga kaibigan ng asawa nito at sa mga kakilala. Nang una ay okay lang sa kanya pero habang tumatagal ay nakakaramdam na siya ng pagkabagot at minsan ay pagka-irita. Pakiramdam niya ay para siyang isdang nilalako para mabenta. Lately, labag man sa kalooban niya pero sumisipot pa rin siya sa mga 'yon dahil ayaw niyang mag-alala ang mga kaibigan niya at saka para matapos na rin ang usapan. Lagi na lang niya iniisip na wala naman mawawala at baka sakali nga ay makahanap siya ng lalaki na kukuha sa attention niya. "Good morning, My Dear Mila. What can I do for you?" nakangiti na sabi niya rito at naningkit pa lalo ang mga mata nito. "You know very well why I'm here Ellie, so stop the act okay." Sabi nito at padabog na umupo sa couch. "What act?" maang-maangan niyang tanong dito bago humigop ng kape. Sinave muna niya ang ginagawa niya dahil alam niya na magiging mahaba ang pag-uusap nila. Tumayo na siya at umupo sa bangko na kaharap nito. Si Mila pa naman ang tipo ng tao na mahilig makipag-talo lalo na kung alam nito na makakabuti sa lahat. Minsan ay nakakatulong ang ugali nito dahil most of the time ay tama ang judgements nito pero minsan naman ay sumusobra na. Alam naman niya na sobrang concern lang ang mga kaibigan niya sa kanya to the point na pakiramdam niya ay para siyang bata. "Mila, can you please stop setting me up because it's getting boring already. No offense meant, okay naman iyong mga guy na nakaka-date ko pero hindi ko lang talaga sila bet. Wala sa kanila ang hinahanap ko at wala rin sa kanila ang nakakuha ng interest ko. If I want to have a boyfriend or be in a relationship I think I can find it on my own. I can have one anytime I want. Just let me handle that," puno ng confidence na sabi niya. "Really, Ellie? Anytime ha, so tell me bakit single ka pa rin hanggang ngayon. Aber!" nakataas ang isang kilay na sabi nito. "Hindi ba pwedeng gusto ko lang na maging single. Hindi ba pwede na nag-enjoy ako sa status ko ngayon. At saka nakikita mo naman siguro na sobrang busy ko." Sagot niya at itinuro ang mga file na nakapatong sa table niya. "Excuses. Excuses. Excuses and more Excuses. Maisip mo po sana na hindi ka na bumabata Ellie, ilang months na nga lang ay madadagdagan na naman ang edad mo. Hindi mo na lang namalayan na wala na pala sa kalendaryo ang edad mo baka hindi mo napapansin," sabi nito at nagkibit balikat lang siya. "I know that no need for reminder, okay. Kung makapagsalita ka naman ay para bang isang malaking krimen sa pilipinas ngayon ang maging single. At saka nandyan naman kayo whenever I feel lonely alam kong hindi ninyo ako iiwan, okay na 'yon," natatawa niyang tugon. "Wow! Ginawa mo pa kaming entertainer sa lagay na 'yan. Oo, isang krimen na po ngayon ang maging single kaya bago ka pa ma-firing squad sa Luneta you better start finding the "guy" na sinasabi mo," natatawang sabi nito na binigyang diin ang salitang "guy" at napa-iling na lang siya. Gusto niyang matawa everytime na napag-uusapan ang lovelife niya. Hindi naman siya naiinis o nagagalit sa mga ito dahil alam niya na nag-aalala lang ang mga ito sa kanya. For the past few years ay hindi siya nagkaroon ng interest sa mga lalaki. Na appreciate naman niya ang concern ng mga ito at kung pwede nga lang niya turuan ang puso niya ay matagal na niya ginawa. "Grabe, never akong na pressure sa trabaho at sa mga client pero ngayon I feel pressured about my lovelife. Nakakatawa talaga kayo," nakangiti niyang sabi at tumango lang ito. "Seriously Ellie, you need someone to be there by your side. I'm not saying na iiwan ka namin pero syempre iba pa rin na may taong nandiyan palagi sa tabi mo dahil may mga pamilya na rin kami. You know naman na we love you so much and we just want to see you happy because you deserve to be happy. You're such a great person with a good heart," seryosong sabi nito at bumuntonghininga siya. Almost three years na rin siyang walang karelasyon at ngayon ay mukhang malabo pa siya na magkaroon. Nahihirapan pa rin kasi siyang magtiwala lalo na sa mga lalaki dahil lagi niya naiisip na masasaktan lang siya. Sa totoo lang ay inggit na inggit siya sa mga kaibigan niya dahil nakahanap na ang mga ito ng partner in life. Minsan ay naisip niya na kagustuhan na rin siguro niya na huwag magtiwala dahil sa takot na masaktan. Okay naman siya ngayon dahil may mga tao pa naman na nagmamahal sa kanya na alam niyang hindi siya iiwan. "Alam ko naman na worried lang kayo sa akin at naiintindihan ko 'yon pero hayaan na lang ninyo ako. I can assure you na masaya ako ngayon at wala kayong dapat ipag-alala," sabi niya rito at huminga ito ng malalim saka ngumiti. "So let's get back to work, shall we?" nakangiti na tanong niya rito at tumango ito. "I already finished the booking for the church and confirmed the reservation for the venues. I also gave the final list of the menu to the Catering Services. The suppliers already confirmed me regarding the shipments of the flowers we ordered. The invitations and souvenirs are also confirmed to be delivered this week. But the band for the wedding next month is still not yet confirmed," pag-iinform ni Mila sa kanya. "Okay, I'm already finished with these schedules so kindly give these to Aiza for appointment and confirmation. Kailan nga ba ang balik ni Hana at Philip?" tanong niya. "I'm not sure. Ano ka ba Ellie honeymoon nila 'yon so syempre susulitin nila kaya malamang ay matatagalan pa sila. Tinatawagan ko nga pala si Gem kahapon para ma-confirm ko 'yong schedule sa Saturday kaso hindi ko makontak ang loka," sabi nito at napasimangot siya. "Hay naku, hindi pa nga umuwi sa bahay ang lokreng na 'yon. For sure ay kasama niya 'yong bagong boyfriend niya kaya siguradong hindi mo talaga 'yon makokontak," inis niyang sagot. Si Jemeriah ay kambal niyang kapatid pero mas kilala ito as Gem, nauna lang siya ng ilang minuto rito. Bata pa lang sila ay alam na niyang may kakaiba sa kapatid niya pero hindi naging big deal 'yon sa pamilya nila. Tanggap ng mga magulang nila kung ano man ang kapatid niya at ganoon din naman siya. Nang mga bata pa sila ay ito pa nga ang taga-ayos niya at kadalasan ay laging kasama niya sa pamimili ng mga gamit niya. Highschool pa lang sila ay mahilig na ito mag-make up at mag-ayos. Dahil magaling naman ito ay marami ang nagpapa-ayos dito at naging sideline na nito noong college sila. Last year lang ay na convince niya ito na maging make-up artist nila para kasama na rin sa package nila. "I'll be get going may appointment pa ako sa isang bride na hindi makapag-decide kung ano ba talaga ang gusto niya. Nahirapan din sa kanya si Maricon dahil ang hirap kausap pero at least ay nakapag-decide na. Hindi pa rin namin ma-finalize ang tungkol sa invitation, souvenir at bulaklak na gagamitin sa kasal. Take note nabigay ko na ang lahat ng option na naisip ko pero still wala pa rin. Baka magulat na lang tayo isang araw iba na pala ang pakakasalan niya," biro nito at natawa siya sa huling sinabi nito. "Hindi naman siguro, Sis. Intindihin mo na lang," tugon niya rito. "Ano pa nga ba? Naiintindihan ko naman siya kaso ang hirap lang dahil wala siyang idea kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa kasal niya." Sabi nito saka tumayo para yakapin siya. "Kayang-kaya mo 'yan, ikaw pa ba? Lalabas din ako maya-maya dahil may appointment din ako sa isang client natin para sa final approval. Ingat ka Mila and see you later." Sabi niya at tinugon niya ang yakap nito. Hindi na bago sa kanila ang ganitong scenario dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ng bawat babae na ikakasal. Base sa personal na experience ng mga kaibigan niya na kinasal na ay hindi biro ang mag-prepare para sa ganoong event. Kailangan kasi maging memorable ang araw na 'yon kaya naman hindi maiwasan na hindi agad makapag-decide ang isang bride. Wala naman babae na hindi gusto maging perfect and memorable ang kasal nila. Mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa pinakamalaki ay kailangang pag-isipang mabuti ng bride-to-be. Ang trabaho nila ay tulungan ang mga ito para maging organize at maganda ang kalabasan. "Next sunday again." masaya na sabi nito and she just rolled her eyes. Alam na niya ang tinutukoy nito at gusto niyang magalit sa katigasan ng ulo nito pero alam niyang concern lang ito sa kanya. Mukhang hindi talaga ito titigil hanggang hindi siya makahanap ng partner. Infairness din naman sa kaibigan niya dahil lahat naman ng naka-blind date niya ay wala siyang mapipintas kaso wala lang talagang effect sa kanya. Hindi naman sa mataas ang standard niya sadyang wala pa talaga siyang nararamdaman na kakaiba. Well tama nga ang sabi nila na "Hindi natuturuan ang puso dahil bigla na lang ito titibok" and as of now ay hindi pa niya 'yon naramdaman. "It's better to be single rather than be broken-hearted again." sabi niya sa sarili. Sobra siya nasaktan to the point na iyon agad ang iniisip niya. Masyadong malalim ang sugat sa puso niya at ayaw na niya maranasan pa ang ganoon na sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD