Chapter 4 - A big favor

2065 Words
Elizabeth "The beautiful and most gorgeous creature in the earth has arrived," agaw eksena na sabi ng kapatid niyang si Gem pagdating sa lamesa nila at napailing na lang siya sa ginawa nito. Sanay na siya sa mga agaw pansin na eksena nito pero hindi pa rin niya maiwasan na matawa o mainis dito minsan. Noong teenager ito ay may iniinom na ito na pills para ma-enhance ang katawan nito. Pinagbabawalan niya ito dahil alam niya na may masamang side effect iyon pero hindi ito nakinig sa kanya. Hindi rin naman niya sinabi sa magulang nila ang tungkol doon dahil ayaw niya na mapagalitan ito. Sa itsura nito ngayon ay walang makakapagsabi na isa itong lalaki. Mula sa itsura, pananamit, pananalita at kilos nito ay babaeng-babae ito. Nang magsimula na kumita ito ay nag-decide ito na magpa-opera ng dibdib na hindi naman niya tinutulan kahit pa nga sobrang nag-aalala siya rito. Nakita niya kung paano ito nagsikap na makaipon para sa operation nito dahil hindi rin naman biro ang gastos. Sinamahan niya ito sa Thailand para asikasuhin at alagaan ito before and after the surgery. Nasabi naman nito sa magulang nila ang plano nito noong nabubuhay pa ang mga ito at sayang nga lang dahil hindi na nakita ng mga ito ang hitsura nito ngayon. Hindi naman nagkakalayo ang itsura nilang dalawa dahil kambal sila at nauna lang siya ng ilang minuto kaya mas panganay siya rito. Pero mas matured ito na mag isip kaysa sa kanya at minsan ay napaka-protective nito sa kanya. "You're late, Drama Queen," natatawa na sabi ni Maricon. "Kumain ka na ba, Jeremiah?" tanong ni Mila na binigyan diin ang pangalan nito at pinigilan niya ang tumawa dahil nagulat si Gem. "What! Who! Sino si Jeremiah?" nakataas ang isang kilay at nakapamewang na tanong nito. Nagtawanan silang tatlo dahil sa reaction nito. Alam naman kasi nila na ayaw na ayaw nito na tinatawag ito sa totoong pangalan. Ayon dito ay nangingilabot ito kapag naririnig nito ang pangalan na 'yon. "Dear, I know your mad at me right now but please don't ever call me that again," pakiusap nito kay Mila bago makipag beso rito. "Pwede ba umupo ka na at umorder. Bakit ka nga ba late maldita ka? Kanina pa kami naghihintay sa iyo. The other day ka pa tinatawagan ni Mila pero hindi ka naman makontak. Hindi ka na nga umuwi sa bahay ng ilang araw bago ngayon late ka pa ngayon," sita niya rito pagkatapos nito humalik sa pisngi niya.Tumingin muna ito sa paligid bago umupo sa tabi niya. "Sorry naman po mudrakels hindi na nagpaalam ang beautiful mong daughter," pang-asar na sagot nito na pabebe at nagtawanan ang lahat. "Ewan ko sa 'yo puro ka talaga kalokohan," inis na sabi niya at nag-concentrate na lang siya sa ginagawa niya sa tablet. "Sister, is that the thing of the month? High-blood ka na naman, teh? Iyan nga talaga ang epekto kapag hindi nadidiligan," biro nito kaya tiningnan niya ito ng masama pero ngumiti lang ito at ngumuso. "Paano naman didiligan ang kambal mo eh hindi pa nga bumubuka ang mahiwagang bulaklak," dugtong ni Mila at ito naman ang binalingan niya ng tingin. "Sorry po, Maria Clara," sabi ni Mila habang naka-peace sign ito. Katatapos lang niya makipag-meeting sa isang client at ngayon ay kailangan niyang ayusin lahat ng details para hindi niya makalimutan. Aside sa planner na lagi niyang dala ay hindi rin pwedeng mawala ang tablet niya sa bag dahil lahat ng information ay naka-encode roon. Gusto niya ay naka-organize at naka-plano ang lahat. "Sis, remember Cristy?" tanong nito sa kanya pagkatapos nito mag-order ng pagkain. "Yes, how can I forget her siya lang naman ang nagtitiis sa ugali mo," biro niya at umismid lang ito. "Well, she's back and the big news is she's getting married," masayang sabi nito at napangiti siya. "Wow! Biruin mo nga naman ikakasal na siya," sabi ni Maricon at tumango-tango si Gem. "She want you to plan her wedding," direktang sabi nito sa kanya at napatingin siya rito bago napatingin sa dalawa niyang kasama. "Gustuhin ko man Gem, pero alam mo naman na fully booked na tayo for this year halos maloka na nga kami sa dami ng demands at request ng mga bride-to-be ang debutant. Sabihin mo sa kanya na sorry talaga at I-recommend ko na lang siya sa kakilala natin," malungkot na tugon niya rito at umiling ito. "Kailan ba ang plano niya?" tanong ni Maricon kay Gem. "If I'm not mistaken she wants it four or five months from now?" alanganing sagot ni Gem at sabay silang tatlo na umiling dahil it's impossible unless na lang kung may isa o dalawa silang client na mag-cancel para sa ganoon na month. Si Cristy ay bestfriend ng kapatid niya at para na rin kapatid ang turing niya rito. Mas bata ito kanila ng tatlong taon kaya parang nakakabatang kapatid na ang turing niya rito. Masayahin, energetic, malambing, mabait at higit sa lahat ay hindi mahirap pakisamahan. Nagkasakit ito at sila ang nag-asikaso rito at mula noon ay halos sa kanila na ito tumira dahil laging nasa abroad ang mga magulang nito. Somehow ay naawa siya rito kasi halatang naghahanap ito ng kalinga ng isang pamilya. Lumayo lang ito nang magtrabaho na sa ibang bansa pero hindi naman naputol ang communication nito sa kapatid niya. "So sad naman Ellie kasi super excited pa naman siya. I bet malulungkot 'yon ng bonggang-bongga," malungkot na sabi ni Gem at napatingin siya kay Maricon at Mila. Nagtaka siya nang kinuha ni Gem ang phone nito mula sa bag at nag-dial. Binalik na lang ulit niya ang attention sa tablet na hawak niya. Si Maricon at Mila naman ay may pinag uusapan tungkol sa isang client nila. Makalipas ang ilang minuto ay inaabot nito ang telepono sa kanya kaya nakakunot ang noo niya. "Ikaw na ang mag-splok ng bad news sa kanya dahil ayokong manggaling sa akin ang heartbreaking lines mo. I can not," exaggerated na sabi nito at kinuha niya ang telepono. "Bessie, I'm on my way na pakisabi kina Ate Ellie na malapit na ako at may dala ako na pasalubong para sa kanila. I'm sure sobrang matutuwa sila. Hindi na rin ako makapaghintay na makita ulit silang lahat," excited na sabi ni Cristy sa pag-aakala na siya si Gem. Tiningnan niya ng masama ang kapatid niya at ngumiti lang ito. Alam ni Gem na hindi niya kakayanin na tumanggi kay Cristy lalo na kapag nasa harap na niya ito. Alam na alam ng kapatid niya ang schedule nila at malamang ay planado nito ang lahat. "Hello Cristy, si Ellie ito. Nice to know your back and Congrats. Gem told me na ikakasal ka na and I'm so happy for you. Sino pala ang malas na lalake?" pinasigla niya ang boses niya. "Ate Ellie, I missed you so much," irit nito mula sa telepono at hindi niya na iwasan na matawa. "Hindi ka pa rin nagbabago ang kulit mo pa rin. Cristy, may sasabihin nga pala ako," alanganin na sabi niya habang nakatingin kay Maricon at Mila. "Wait lang Ate, malapit na akes kaya pagdating ko na lang diyan saka mo sabihin at saka marami akong chika. Bye, love yah," nagmamadaling sabi nito at binaba na ang telepono bago pa siya makasingit. "Tsk! Tsk! Tsk! Anak ng pating naman paano ko pa siya matanggihan kapag kaharap ko na siya," umiiling na sabi niya habang nakatingin siya sa mga kaibigan niya para humingi ng tulong. "Keribels lang yan sistah, yakang-yaka naman 'yan ng powers ninyong mga sistah. Isipin mo na lang na isa itong malaking pabor na hindi mo pwedeng ayawan. At saka hindi na naman iba si Cristy sa atin hindi ba?" sabi ni Gem at napa buntong hininga na lang siya. Tuwang-tuwa naman ang tatlo habang siya ay nag-iisip kung ano ang sasabihin niya kay Cristy. Tama naman si Gem na hindi na iba si Cristy sa kanila pero ang kinakatakot lang niya ay baka hindi niya magawa ng tama ang mga request nito dahil sa sobrang busy niya. Nababahala rin siya na baka hindi niya matutukan ang pag-aasikaso rito at hindi maging maganda ang kalabasan. "Ate Ellie! Ate Con! Ate Mila!" sigaw ni Cristy habang papalapit sa kanila at napapikit siya ng mariin bago humarap dito. Pagkatapos ng yakapan at maikling kamustahan ay inabot nito sa kanila ang dala nito na mga paper bag. Mga pasalubong nito sa kanila ay mula sa abroad kung saan ito nakabase at hindi nga ito nagkamali dahil nagustuhan nila ang ibinigay nito. Branded na bag, pabango at cosmetic kit ang laman noon. Sa pagkaka-alam niya ay galing si Cristy sa mayamang pamilya at solo itong anak. Pero imbes na umasa sa kayamanan ng pamilya nito ay nagtrabaho ito sa ibang company. Humanga siya rito dahil kahit na mayaman ito ay napaka-down to earth nito na tao. "I really missed all of you, especially you Ate Ellie. Sayang nga lang at hindi ako nakapunta sa wedding ni Ate Han. Nagkaproblema kasi sa branch namin sa Singapore kaya hindi na ako nakaabot," sabi nito. "Okay lang 'yon Cristy naiintindihan ka naman namin. Basta ba sa kasal ni Ellie ay huwag na huwag kang mawawala," kantiyaw ni Maricon at tiningnan niya ito ng masama. "Talaga, ikakasal na rin si Ate Ellie?" excited na tanong ni Cristy at sumimangot siya dahil naniwala naman ito. "Naku! Hindi kaya naka-wheelchair na ako noon at kulubot na ang balat ko," natatawa na sabi ni Gem at nagtawanan ang lahat maliban sa kanya. "Funny. Funny. Funny. Harharhar. Joke ba 'yon Gem? Tatawa na ba ako?" asar na sabi niya rito habang nagtatawanan pa rin ang mga ito. "Grabe ka naman Gem, hindi naman siguro aabot sa ganoon pero mukhang masusundan na si Ella ay waley pa rin," dagdag ni Mila. "Sana sumakit ang mga tiyan ninyo!" inis na sabi niya saka ininom ang kape niya. "Seriously Ate, single ka pa rin hanggang ngayon?" hindi makapaniwala na tanong ni Cristy sa kanya. "Kailangan ipagdikdikan talaga Cristy at gawing issue ang status ko," naiirita na sabi niya. "Don't tell me?" tanong nito at tiningnan niya ito ng masama. "Fine. Huwag mo ng sagutin at baka bumuga ka na ng apoy niyan," natatawa na sabi nito at napailing na lang siya. "Nasabi na siguro ni Bessie sa'yo Ate na kayo mga Ate ko ang gusto kong mag-plan ng wedding ko. I'm so excited kung alam mo lang Ate, ikaw agad ang unang pumasok sa utak ko after mag-propose ni Vincent sa akin. I really want you guys to be part of the most important event in my life. I will really love and appreciate kung kayo ang tutulong sa akin," puno ng excitement na sabi nito at napatingin siya kay Maricon at Mila. "Well about that —" nag-aalangan na sabi niya. "Super excited din sila Bessie na sila ang mag-plan ng wedding mo. Hindi ba Ate Con at Ate Mila?" putol ni Gem sa sasabihin niya at pasimpleng nilakhan siya nito ng mata. Nagkatinginan muna ang dalawa ni Macon at Mila bago sabay na tumango. Tuwang-tuwa naman si Cristy na parang batang binigyan ng ice cream. Wala na talaga siyang magagawa ngayon dahil ayaw naman niyang makita na malungkot ito at saka pumayag na rin naman si Macon at Mila. "Syempre naman Cristy, ikaw pa ba ang lakas mo kaya sa amin lalo na kay Ate Ellie mo," dagdag pa ni Macon habang nakatingin sa kanya. "I really need to learn how to say NO." bulong niya. "Thank you so much Ate Ellie alam kong hinding-hindi mo ako tatanggihan kahit pa nga alam kong super busy kayo. I'm so happy right now and super excited. Thank you talaga mga Ate sa malaking pabor na ito. Love na love talaga ninyo ako. This will be the most memorable event in my life having all the people I love in one event," masayang sabi nito at tumayo para yakapin siya. "I'll do my very best to make your wedding memorable and special," nakangiti na sabi niya habang yakap ito. "Thank you so much. This mean so much to me and I'm so happy you agreed," bulong nito habang magkayakap sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD