TMT - 12 : Beach Bonding

1719 Words
ISA-ISA kaming bumaba ng van, nang iparada ko ito sa tapat ng isang beach resort dito sa Cebu. Nagtakbuhan sila sa loob habang ako naman ay ipinarada nang maayos ang sasakyan sa parking at tinulungan sina Zeus, Sere, Stravens at Dwight sa pagkuha ng mga dala naming gamit. Dito namin sunod na balak manatili, nag-check out kami agad sa hotel nang dumating si Sere at gaya nga ng naisip ko, natulog lamang si Sere kung saan. “I'm avoiding Stravens' snore.” That's what he explained us the moment he went back to our room. “Seki, I wonder about our schools. Sooner or later, Ms. O'hara Scarlet will find out about our absences. Makararating ito sa mga magulang natin,” wika ni Dwight habang iniaabot ko sa kaniya ang ilan sa maliliit na bagaheng kinukuha ko sa loob ng compartment. “What did you told them when you headed to Cebu?” I asked. “I said, ‘we're having field trip?’ So, I faked the school's waiver.” Malalim siyang bumuntong hininga. “We’re learning how to lie to our parents.” Huminto si Zeus sa ginagawa at tumingin sa amin. “I'm sorry guys, I shouldn't brought you here.” Tumikhim si Zeus. “I must keep my problem alone.” Sumandal siya sa gilid ng van napasabunot ng buhok sa ulo. “Fvck it, Zeus. We're here for fun.” I tossed him his luggage and he caught it so fast. Lumapit ako sa kaniya at umakbay sa kaniyang balikat. “Don't forget that you are our friend, and friends stick together through thick and thin.” “Yeah, I'm sorry. We will face our parents together, but for now let's have fun.” Mahinang tumawa si Dwight at sinuntok si Zeus sa balikat. “Right, Bro. Tama na ang drama,” wika ni Stravens at natawa na lamang din. “Bakit ang tagal niyo naman diyan?” tanong ni Coco na pinuntahan na kami sa labas dahil mukhang natagalan kami sa pagkuha ng mga bagahe. “Do you need help?” dagdag pa nitong tanong at lumapit. “No, we can carry it,” sagot ni Sere at bumalik na sa pagkuha ng mga gamit namin. Tigdadalawang bag na lamang binuhat namin, ang ilan naman sa dala namin ay maleta kaya hindi kami nahirapang hatakin papasok sa loob. Hindi na kami kumuha pa ng bell cart upang gamitin sa mga bagaheng dala namin. “Got it,” wika ni Daph at ipinakita sa amin ang dalawang card key na hawak. Nakakuha na sila ng kwarto. Nagpatiuna silang mga babae sa paglalakad at kami naman itong nasa likuran na lamang at sumusunod sa kanila. “Did you brought some boardshort for swimming?” tanong ni Zeus, “I will try surfing today and long range swim, want to join me Seki?” dugtong niya. Zeus and I we’re swimming varsity member of our school. My team (including Zeus) was the one who are joining swimming competition every year, we won nine out of ten competition we been competed to. “I bet this is not a competition,” I said and looked at him. He chukled. “I won't ever compete to our top 1.” Natawa ako sa sinabi niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto kung saan kami dinala nila Daphnise. Iiniabot niya sa akin ang key card namin. 302 ang nakasulat sa itaas nito at nang ipakita niya sa akin ang kanila ay 303, mukhang magkatabing silid naman ngayon ang nakuha namin. “Thank you,” wika ni Cross nang iabot ni Dwight sa kaniya ang bagahe nito. Ngumiti si Dwight ngunit tanging ang walang emosyon na mukha lamang ni Cross ang ganti nito. I wonder if she's still alive. Isa-isa naming iniabot sa nagmamay-ari ang mga dala naming gamit at nang tuluyang matapos ay nagdesisyon na kaming magsipasok sa dalawang kwarto. “Magbibihis lang kami.” Naunang pumasok si Daphnise sa kanilang kwarto kasunod ang mga babae naming kaibigan. Sumunod na rin ako kina Stravens sa loob at pabagsak na naupo sa mahabang sofa na nandirito sa loob. “Oh, I forgot to give her bracelet,” wika ni Stravens nang umupo siya sa tabi ko at inilahad ang palad niyang may hawak ng isang bracelet. “Bracelet ni Stout?” I asked. Sila lang naman ni Stout ang palaging magkasama, kaya si Stout ang unang taong naisip ko. Tumango siya, napatingin ako kay Sere na seryosong nakatingin sa gawi kung saan kami nakaupo si Stravens. I took a gulp and turned back my gaze to Stravens. “Ibabalik ko lang—” “Why do you have her bracelet?” malamig ang boses na tanong ni Sere kaya naman napahinto si Stravens sa pagsasalita maging sa tangka nitong pagtayo mula sa kinauupuan. Magkaekis ang braso at mga binti ni Sere habang nakaupo sa harapan namin. His eyes were focus to Stravens. “I saw it on the van we used.” Stravens gulped. Tumikhim si Sere at naglakad papunta sa harapan namin. “Let me give it to her,” wika ni Sere habang ang dalawang palad ay nakasuksok sa bulsa ng suot nitong pantalon. “Why?” Tumayo si Stravens at humarap kay Sere. Pareho silang nagkatitigan nang walang kurapan kaya naman tumayo na ako. “What are you doing?” Pumagitna ako sa kanilang dalawa, bahagya akong may katangkaran kina Stravens at Sere kaya naman hindi ako nahirapang paggitnaan silang dalawa. “Stout is my friend too, Sere,” wika ni Stravens at umiling-iling. “Let me be the one to give it to Stout.” Kinuha ko sa palad ni Stravens ang bracelet. I know there is something wrong with this two guys at mukhang mas lalala pa ito. Tumalikod si Sere at lumabas ng silid namin. Hindi ko na siya hinabol pa, alam kong babalik din iyon maya-maya lamang. Narinig ko ang buntong hininga ni Stravens at bumalik sa kinauupuan nito. “What's wrong with your brother?” he asked me. Nagkibit balikat ako. “He just really like Stout, that's why.” Tinignan ko ang bracelet na kinuha ko kay Stravens. Sigurado akong kay Stout nga ito, makailang ulit ko nang nakita ang bagay na itong suot ni Stout. Tumayo si Stravens at nagtungo sa banyo nitong silid namin. Naiwan kaming tatlo ni Zeus at Dwight. Tumingin ako sa kanila. “Why a sudden hot tension inside?” tanong ni Dwight. Umiling na lamang ako. Nang tumunog ang doorbell ay ako na mismong ang lumapit sa pintuan upang pagbuksan ang kung sino mang pumihit ng doorbell. Bumungad sa akin ang nakangiting si Coco. “Take this.” Iniabot sa akin ni Coco ang dalawang malalaking paper bag. “Alam kong wala kayong susuotin para sa araw na ito kaya naman naisipan kong bilhan kayo kanina bago tayo byumahe papunta dito.” Ngumiti siya at mabilis na umalis. Isinara ko ang pintuan at nagtungo sa loob. Ibinaba ko ang mga paper bag at tinignan ang mga laman nito. ... HANGGANG sa lumabas kami ng kwarto ay hindi pa bumabalik si Sere. I know why he acted that way, everyone knows Sere likes Stout that much. Halos pumasok pa nga ito nang maaga sa school para lang masilayan si Stout, kahit na madalas naman silang magkasama sa photoshoot. I understand my brother. Suot ang mga swimming trunks at ibat ibang kulay ng polo, na siyang dala ni Coco ay magkakasama kaming apat na lumabas ng building. Dumiretso kami beach nang makatanggap kami ng text na nauna nang nagtungo doon ang mga babae naming kaibigan. “Seki, where is Sere?” pabulong na tanong ni Dwight sa akin at umakbay habang naglalakad kami. “I'm not sure, as far as what I can see now, Sere was not going to join us here. Pabayaan nalang muna natin.” Tumango siya at hindi naman na nagtanong. Kakaunti lamang ang mga taong nagbabakasyon sa resort, kaya naman hindi kami nahirapang mahanap ang mga kaibigan naming babae na nakaupo sa kani-kanilang sun lounger wearing their swimsuits. Nang makalapit kami ay itinaas ni Coco ang suot na sun glass at umupo. “Nasaan si Sere?” tanong ni Coco, “Bakit kulang kayo?” Magkakasunod namang tumayo si Daph at Stout, habang nanatiling nakahiga si Cross sa kinauupuan nito suot ang isang may kalakihang sando. “Bakit hindi niyo kasama si Sere?” maging si Stout ay nagtanong na rin at hinanap si Sere sa likuran namin. Narinig ko ang pagtikhim ni Stravens mula sa likuran ko. “Maiwan ko muna kayo,” paalam nito at patakbong umalis. “Seriously? What’s happening?” Kunot noong humarap sa akin si Daphnise habang nakapameywang. “Seki, I know you're the only one who can answer our question.” “Umalis lang saglit, let's forget about him. Matutulog lang ‘yon panigurado.” Umupo ako sa dulong bahagi ng upuan ni Cross. Nang alisin ko ang sumbrelong nakatakip sa mukha niya ay doon ko napagtantong tulog ito. Maigi na lamang at may nakatayong payong sa bawat sun lounger nila. “Seems like Cross went on a beach to sleep.” I chuckled. “Well, kalahi ni Sere si Cross.” Mahinang tumawa si Coco. Kinuha nito ang isang basong puno ng mango juice niya sa lamesang katabi ng lounger. “I'm bored, let have some swim.” Tumingin si Zeus sa aming dalawa ni Dwight. “The sun is too hot, good time to swim.” Isa-isang tinanggal ni Zeus ang butones ng kaniyang suot na polo, may hati ito sa gitna kaya naman natagalan siya sa pag-unbutton ng mga ito. Since Zeus was a sport's man, hindi na malabong magkaroon siya ng magandang pangangatawan, even Dwight who used to live on the library and face his computers always, he's also our school athlete; he is a hockey player. “Sasali ako, just so you know... i'm good at swimming too, but not good as Seki or Zeus.” Sumabay si Dwight sa pagtanggal ng butones ng suot din na polo. Magkasabay silang tinanggal ang damit at tumambad ang malalapad nilang katawan. Natawa ako at umiling. Nang tumalikod sila upang maglakad papunta sa tubig ay doon namin nakita ang malaking tato ni Zeus sa likuran, it's a dragon tattoo. Naalala kong kasama niya ako nang ipa-tattoo niya ito. Dahil labag sa school namin ang displayed tattoo ay ipinalagay niya na lamang ito sa kaniyang likuran. It's a black dragon, and he even told me once, “Black dragons tottoo are associated with experience and wisdom.” “Hindi ka ba sasama sa kanila Seki?” tanong ni Daph na nakapagpabalik sa akin. “That two hot guys were calling you.” Tumingin ako kay Dwight at Zeus na nagsimula nang maglaro sa tubig. Tumayo ako at hinubad ang suot kong damit. Nang mahubad ito ay sumunod na ako sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD