TMT - 13 : Banana Boat Game

2216 Words
Daphnise’s Point Of View KINUHA ko ang mga damit nilang hinubad at inilapag sa lounger namin. Tumingin ako sa tatlong lalaking nagpapaunahan sa paglusong sa tubig. I can't help my self not to smile when I saw them playing, they look like a kid. Tatlo sila doon ngunit sa iisang lalaki lamang nakatuon ang atensyon ko. His perfect body is possessing me, ngayon ko lamang nakita ang tato niya sa likod. I believe it has a deep meaning behind his dragon tattoo. Mayroon ding tattoo si Tita Yazumi, I don't know if there is a connection since they were Japanese. “Want to join them?” Coco asked us while she was sipping her drinks. “Pero tulog pa si Cross?” I said, tumingin ako kay Cross na mahimbing na natutulog. Binilhan namin siya at pinasuotan ng swimsuit pero hindi namin siya napilit lumabas nang suot lamang ito, nagsuot pa rin siya ng sando at itinago ang swimsuit niya sa loob nito. “Hindi rin naman siya sasama sa‘tin sa kalokohan.” Natawa si Stout. Kinuha nito ang sunblock at ipinakita sa amin. “Who wants to apply lotion first?” Nagtaas ako ng kamay at ganoon din si Coco kaya naman lumapit ako sa kanila at nagkaniya-kaniya kaming nagpahid ng lotion sa mga balat namin. Coco helped Stout applying lotion to her back and Stout applied lotion to my back, then I helped Coco to her back, simply as that. Magkakasabay kaming tumayo at hinubad ang mga tapis na itinakip namin sa two piece na suot namin. “Let's go girls.” I chuckled and run towards the seashore, tumakbo si Coco at Stout upang sumunod sa akin. Magkakasabay kaming huminto sa pagtakbo nang may isang aso ang lumapit kay Coco. “A puppy?” wika ni Coco, yumuko siya upang lapitan ang isang puting tuta. It's a furry one, and if I am not mistaken it's a samoyed puppy. Hinawakan ni Coco ang uluhan nito at tila natuwa naman ang tuta at nagustuhan ang ginagawa niya. “Are you lost Mr. Pup?” tanong niya na binigyan pang pangalan ang tuta nang malaman ang gender nito. Binuhat ito ni Coco at tumingin-tingin sa paligid. “Nasaan ang owner niya? Such a neglectful owner.” Lumapit si Stout at binuhat ito. “He's so cute.” Nakisali ako sa kanilang dalawa at hinawakan ang tuta, maamo ang mukha nito at talagang malambing. “Hey, where is your parents—ah!” Napahawak ako sintido ko nang may tumamang kung ano dito. Saglit lang ngunit naramdaman ko agad ang sakit sa tumama sa sintido ko. “Hands off my kid.” Humarap ako sa isang babaeng naniningkit ang mga matang nakatingin sa amin habang magkaekis ang braso. She's wearing a black sport's bra and a white denim short. “What did you thrown me?” I asked. “Daph, ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Stout at tinignan ang hawak-hawak kong sintido. Yumuko siya at pinulot ang isang keychain na nasa talampakan namin. Mukhang ito ang ibinato sa akin ng babaeng iyon. Laumapit ito sa amin at kinuha ang tutang hawak ni Coco. “b***h, get off your dirty hands!” Itinulak nito si Coco palayo. Mataray itong humarap sa amim habang hawak ang tuta. “Do you know it's a crime?” “Crime? Ang alin?” takhang tanong ni Coco at iritableng nakipagtitigan sa babaeng nasa harapan namin. “Are you okay? You freak!” “You stole my puppy! It's a crime, you freak!” sigaw nito sa amin, makikita mo sa mukha nito na talagang galit ito. She really thought we stole her samoyed. “We didn't stole your puppy, how could you hurt our friend?” Lumapit si Coco at itinulak din ito ngunit hinatak siya ni Stout. “No, don't do it Coco.” Umiling-iling si Stout. “Everything is just a misunderstanding, we didn't stole your puppy, well in fact your puppy walked near us.” “Such a neglectful mother.” Nag-irap ng mga mata niya si Coco at pinag-ekis ang braso. “Wait, what's happening here?” Pumagitna si Seki sa amin at humarap sa babaeng kaharap namin. “Daph, are you okay?” Nag-aalalang lumapit sa akin si Zeus at tinignan din ang noo ko. Tumango na lamang ako at bumuntong hininga. Lumapit ako at humarap sa babaeng bumato sa akin ng keychain. “Look, we didn't stole your samoyed.” I looked at her puppy. “We thought he was missing so, my friend Coco carried him and we are planning to find his owner. Why do I have to steal your puppy? I can buy my own.” Tumikhim ako at diretsong humarap sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita at nag-irap na lamang ng mga mata. “I won't say sorry for hurting you.” Her voice was cold. “And I won't say thank you. I don't want anyone to touch my baby, that's why I acted that way.” Tumalikod na ito at naglakad paalis bitbit ang hawak na aso. “What happened?” tanong ni Dwight. Inaya nila kaming bumalik sa sun lounger namin ngunit kaagad akong tumanggi. “I'm good, hindi naman ito masiyadong masakit.” Kinuha ko kay Stout ang hawak nitong keychain, isang korean noodles na may pares pang chopstick ang keychain na ito. Mukhang souvenir sa isang korean restaurant dito sa Cebu. Naalala kong mahilig si Seki sa noodles kaya naman inabot ko ito sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. “What is it?” he asked me. “Sa‘yo nalang, alaala sa pangit na babaeng ‘yon. Huwag mo iwala.” Mahina akong tumawa at napailing. “Maglaro nalang tayo, banana boats?” Tumingin ako sa kanila. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Zeus na seryosong nakatingin sa akin, pakiramdam ko ay pinagmamasdan niya ang noo kong tinamaan ng keychain kanina. “Banana boat? I thought magsu-surf sina Seki at Zeus?” Tumingin si Dwight kay Seki at Zeus. “Why don't we try to makd our own game? Surf race?” dugtong niya at ngumiti. “Sure, teka gigisingin ko si Cross.” Tumakbo ako papunta sa pwesto ni Cross upang gisingin siya. Bahagya kong inalog ang balikat niya, tila naalimpungatan naman ito at nagdilat ng mga mata. “What?” iritable niyang tanong. “Let's play a game. Join us, no but.” Malapad akong ngumiti at hinatak siya. Matamlay siyang nagpatianod sa akin hanggang sa dinala ko siya sa harapan namin nila Seki. “Let's go!” “What game?” Cross asked us confused. ... “ALRIGHT, we are going to ride babana boat but let's add some twist. We will call the game as ‘The Last Man Standing’” Seki smiled after. Huminto siya sandali at tumingin sa amin. I know his eyes were waiting for our answer. “The only person who will remain seated on the boat is the winner,” he added. “And what will be the prize?” Dwight asked him. Tumango ako. “Oo nga naman, it will be more interesting if there is a prize for the winner.” Ngumiti ako pagkatapos kong magsalita. “So, what will be the prize?” Nag-isip si Seki dahil sa sinabi namin. “Hmm, what about two hundred dollars?” He laughed. “Oh, it can save my share to the van we rented,” I said and smiled. “I agree, how about you?” We actually don't need money, but I agree for the sake of our game. I want it to be fun enough for though the prize is too cheap. “I don't agree about it,” Zeus said and he looked at Seki. “What about a two weeks owning Seki Schoen’s Ford Mustang?” “What?” Seki exclaimed, definitely he don't agree about it. “No, not possible. B-bakit naman ang sasakyan ko lang?” Natawa ako sa naging suhesyon ni Zeus maging sa naging reaksyon ni Seki. Hindi biro ang sinabi ni Zeus dahil sa pagkakaalam ko, iniregalo ni Uncle Serviguel ang sports car (Ford Mustang) na ito kay Seki when he turns eighteen and got his first student license. Itinuturing baby ito ni Seki at bihirang ilabas sa kalsada. “You made this game, so be responsible.” Ngumisi si Dwight, ngayon ko lang ulit nakitang nagtanggal ng salamin ang lalaking ito, and to it's fairness he has his own possessive charm. He has dark brown eyes, well-shaped dark eyebrows and a pale lips. “Owning Seki's Ford Mustang for two weeks is not bad.” Stout laughed and clung her arms on my elbow. “I'll be the last woman standing.” “You're not sure about it,” I said. “I'm also here.” Coco smiled so competitive. Tumikhim si Cross kaya naman napatingin kami sa kaniya. Nagpatiuna siyang maglakad papunta sa tubig. “I'll win,” maiksi niyang sambit at hinubad ang suot na sando. Nagulat ako sa ginawa niya. Now, it exposed her completely alluring body. It seems like a bottle of coke, inviting everyone to drink on its tip. Oh God! I never thought she has this astonishing woman's perfect body. “Wow...” mahinang banggit ni Dwight habang nakatingin kay Cross na naglalakad palayo sa amin. Marahang itinulak ni Seki si Dwight, isang halakhak naman ang pinakawalan ni Dwight at maya-maya ay nagseryoso na't dumiretso ng tayo. “Let's go?” he asked us and signed us to start the game. “Fine, wala na akong magagawa. I have to win this damn game.” Malalim ang buntong hininga ni Seki na sumunod kay Cross papunta sa tubig. Si Stout na ang nagprisinta na magre-rent ng banana boat at motor boat na hihila dito. Apat na life saver ang lumapit sa amin at nag-abot ng tig-iisang mga life vest. Kaagad namin itong sinuot at magkakasabay na nagtungo sa tubig upang sumakay ng banana boat. Isang mahabang banana boat ang ni-request namin, sakto lamang para sa pitong tao na sasakay. Nang makasampa kaming lahat ay sinimulan nang hatakin ng dalawang life saver ang boat namin papunta sa may kalaliman na parte ng tubig, doon ay iniabot ng dalawang lalaki ang tali ng boat namin sa isa pang lalaki na nakasakay sa isang speed boat. Ito ang speed boat na hahatak sa sinasakyan naming speed boat. Bahagyang malakas ang hampas ng alon sa bahagi kung nasaan kami kaya naman hindi maiwasang umangat ng banana boat at tila ano mang oras ay itatapon ang isa sa amin. “This is rediculous.” Hindi mapigilang matawa ni Coco habang mahigpit na nakakapit sa manipis na handle ng banana boat kung saan siya nakaupo. Pinaggigitnaan siya nina Zeus at Stout. “God! I have to win.” Makailang ulit nang bumuntong hininga si Seki na nasa likuran ko dahil sa larong ito. Nasa harapan ko si Cross na hanggang ngayon ay tahimik pa rin at talagang seryoso sa sinabing mga kataga kanina lamang. Nasa dulo naman si Stout at Dwight na parehong nagbibiruan. “I can't wait to win,” wika ni Zeus na bahagya nang isinigaw dahil sa malakas na hangin sa palagid at sa ingay ng alon ng tubig na humahampas sa sinasakyan namin. “Pakiramdam ko hindi na ako tatagal sa boat, it's throwing me.” Coco pouted her lips. “Start na po.” Bumalik na ako sa tingin sa harapan nang magsalita ang isang lalaking umakay sa banana boat namin papunta sa bahaging ito kung nasaan kami. Nagsibalikan na sa buhangin ang dalawang lalaki at sinimulan naman nang paandarin ng driver ng speed boat ang sinsakyan nito. Sa una ay mabagal hanggang sa makarating kami sa gitna. Ganoon na lamang ang tili namin nang humapas ang alon at itulak si Stout sa tubig. Nahulog si Stout na agad lumutang dahil sa suot na life vest. Huminto ang speed boat at isinakay si Stout sa sasakyan. Nang tuluyang makasakay si Stout ay mas binilisan pa ng driver ang andar. Halos sunod-sunod na hampas ng alon ang tumatama sa boat namin. Pinaikot-ikot kami ng speed boat sa gitna ng dagat hanggang sa isa-isa na kaming nahulog sa tubig. Nang si Seki, ako at Cross nalang ang natira ay binayo nang isang malakas na hangin at malaking alon ang boat namin dahil sa bilis ng andar. Bumagsak ako sa tubig at mabilis na umangat. Hinawi ko ang basa kong buhok na tumabing sa mukha ko at tumingin sa banana boat na nanatiling nakatayo. “Ah! s**t!” Hinampas ni Seki ang tubig na nasa harapan niya kaya naman tumalsik ang ilan sa mukha ko. Magkakasabay kaming tumawa nang makitang si Cross ang nanatiling nakaupo sa banana boat. Huminto na ang speed boat, isa-isa kaming lumangoy papalapit sa boat at umakyat datapwat bahagyang madulas ang kabuoan nito. “You should chose your best spot next time, if you want to win, Seki.” Mapang-asar na ngumiti si Cross ngunit ang mga mata ay nanatiling mapungay. Inilahad niya ang palad kay Seki na nanatili sa tubig upang tulungan ito sa pag-akyat. Hinawakan naman ni Seki ang kamay nito at malakas na hinatak sa tubig. “Fvck!” Cross screamed. Malakas na tumawa si Seki at umakyat sa boat, tinulungan niya si Cross habang tumatawa. Naunang umakyat sina Zeus at Dwight. Nagkapalit-palit na kami ng pwesto, dahil naunang makaakyat sina Coco at Stout ay sa bandang dulo na ako nagtungo. Inilahad ni Dwight ang palad niya upang ayain akong umakyat sa boat ngunit napahinto ako nang makitang maging si Zeus ay nakalahad ang palad. Kaagad na binawi ni Zeus ang palad nito at diretsong tumingin sa unahan. Ngumiti na lamang ako kay Dwight at kinuha ang inalok nitong tulong upang makasampa ako sa banana boat. “I shouldn't picked this spot,” wika ni Dwight at tumawa. Nasa dulong bahagi kasi siya ng boat at nasa unahan niya si Stout, si Stout na unang nahulog sa tubig. Natawa ako sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD