TMT - 11 : Daph's Feelings

2735 Words
ALAS DOS na ng umaga pero hindi ko pa rin nagagawang bumalik sa pagtulog. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at kinuha ang luggage ko. Inilabas ko ang isang paper bag doon, noong isang araw ko pa ito binili at si Seki ang unang taong nakakita. Pina-customize ko ang disenyo nito at pinalagay ang kaniyang initial. Hindi ko alam kung anong naisipan ko kung bakit ko binili ang bagay na ito at nagawa pang ipa-customize. Is just that, i’m walking unbothered inside the mall and suddenly got a thought of him when I saw a stall selling a tumbler. It has a poster, signed ‘good for gift’. Out of nowhere naisipan kong magbigay ng regalo and to be fair enough, binilhan ko na rin ang mga kapatid kong sina Sere at Seki. Tumingin ako sa mga kaibigan kong mahimbing nang natutulog sa kanilang mga kama. Nasa itaas akong bahagi ng double deck bed, tumingin muna ako sa kama ni Stout na nasa ibaba ng kama ko bago ko naisipang bumaba bitbit ang tumbler na inilagay ko sa isang box kahapon lamang. Marahan akong lumabas ng kwarto namin suot ang terno kong pajama. Malalim akong bumuntong hininga at huminto sa paglalakad. Ngayon ko lang napagtantong nasa harapan na ako ng silid nila Seki. “Should I give it to him?” I whispered myself and looked at the box I am holding. Ilang minuto akong nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto nila bago umiling-iling at bumuntong hininga. Naglakad ako palayo, naisipan kong lumabas na lamang muna at magpapahangin. I don’t have the guts to give it to him. Nang makalabas ako ng hotel ay nagtungo ako sa mini garden nito na nasa harapan ng mismong gusali. Umupo ako sa isang wooden bench. Nang humangin nang malakas ay doon ko lang na-realize na malamig pala ang hangin dito sa labas. Gumaan ang pakiramdam ko sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko. Bumalik sa isip ko ang nangyari kanina, we fell into disappointment. Halos lahat kami ay nanlumo dahil sa isang maling impormasyon na pinagpaguran namin ng isang buong araw. I'm really really disappointed but I know he feels more than what I feel now. Tumayo ako upang mag-unat ngunit hindi ko binitawan ang hawak kong kahon. “Good evening—” “Damn!” napamura ako nang magulat dahil sa isang malamig na boses na nanggaling sa likuran ko. Bumagsak sa sahig ang hawak kong kahon kanina lamang. “Oh, s**t!” Kinuha ko ito at pinagpaggan. “Pasensya na Daph, nagulat yata kita.” Tumingin ako sa kung sino mang loko-loko ang bumanggit ng pangalan ko at dahilan kung bakit ko nahulog ang kahon na naglalaman ng regalo ko. “Z-Zeus?” I sputtered mentioning his name as I recognized him. Biglaan ang pag-init ng paligid ko nang makilala ko siya. Mabilis na itinago ko sa likuran ang hawak kong regalo. “W-what are you doing here?” I deeply sighed. Umupo siya sa bench at nanatili naman akong nakatayo kung kaya’t napagmasdan ko ang suot niya. Isang asul na sweater at pinarisan ng puting pajama. So simple of him, but marvelous in my eyes. “I can't sleep, how about you?” Tumingin siya sa akin at tinapik ang upuan, he seems like signing me to sit beside him and so I did. Umupo ako sa tabi niya habang malalim ang paghinga. Inilapag ko sa gilid ang hawak kong kahon. He's sitting beside me now but still I can’t have the chance to give it to him. God, Daphnise! “I can't sleep too,” I replied him, tila ako isang tuod na diretsong nakaupo sa tabi nito. “How are you?” tanong ko nang maalala ang nangyari kanina, ito marahil ang dahilan kung bakit hindi siya ngayon makatulog. I know how disappointed he is after what happened. “I'm good, is just that i'm worried about what will happen next? Will I able to find the painting or not?” Inihilamos niya ang palad sa mukha. He wouldn't act this way kung hindi talaga mahalaga ang painting na ito para sa kaniya at sa kaniyang mommy. “We will find it.” Yumuko at nag-isip, gusto ko lang palakasin ang loob niya. “We will do everything to help you find it, so please don't lose your hope.” Humarap ako sa kaniya at ngumiti. “I'm not sure, Daph.” He took a deep sigh. “Please don't take a problem as a problem. It only make it worst.” I smiled again and looked at his eyes. Napako ang mga mata ko sa magaganda niyang mga mata, ngunit agad akong nagbawi ng tingin. Gumanti siya ng ngiti at nag-unat ng mga kamay. “Do you want to join me for a drink?” “A beer?” Dalawang taon na rin ang nakalilipas simula nang huli ko silang makasama sa pag-inom ng beer noon. And, it's been two years since I last talked him this way. “Yep, matagal-tagal na rin simula nang huli akong uminom. Let's go?” Tumayo siya habang bumalik sa pagiging seryoso ang mukha. Nang tumango ako at tumayo rin ay nagtaka ako nang hindi siya kumilos mula sa kinatatayuan. “Let's go?” I asked. Nanatili siyang nakatayo habang nakatingin sa wooden bench kung saan kami nakaupo kanina, ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung ano ang tinitignan niya. Naiwan ko sa upuan ang kahon na dala-dala ko. Aish! Mariin akong pumikit at pinamulahan ng pisngi. “What’s that?” he asked and picked it up. Inikot niya ang kahon at nakita ang maliit na sulat ng ballpen na inilagay ko sa gilid. “Oh, it has my name.” Damn! Kinagat ko ang ibaba kong labi at tumingin sa malayo. “S-sa‘yo talaga iyan, that's why it has your name,” tugon na habang mas lalong uminit ang pisngi ko. Laking pasasalamat ko na lamang ag madilim sa paligid kaya naman panigurado akong hindi niya mapapansin ang mapupula kong pisngi. “I can't remember I have this kind of stuff.” Kunot ang kaniyang noo at tumingin sa akin. Malalim akong bumuntong hininga. Kung minsan ay matalino ang lalaking ito at kung minsan naman ay hindi. “I bought it,” I said, nilakasan ko na ang loob ko. “I was planning to give you it tonight but, I thought you're sleeping so I decided not to—oh why I am explaining.” Ipinaypay ko sa pisngi ko ang mga palad ko, pakiramdam ko ay bigla ang pag-init ng paligid. Pakiramdam ko rin ay ano mang oras ay mawawalan ako ng hininga sa pagsasalita. “I mean, yeah it's yours. Binili ko ‘yan, kasabay ng mga regalo ko sa kaibigan natin. I-ikaw nalang kasi ang hindi ko pa nabibigyan simula nang umuwi ako... oo ganoon nga.” Pilit akong ngumiti at tumalikod sa kaniya. Aish! This is freaking nakakahiya. Oh God! “I like it.” Humarap ako sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya. I felt a sudden relieve when I saw him smiling and holding the tumbler. Inilabas niya na ito sa kahon habang bumalik siya sa upuan. Humarap siya sa akin at ngumiti. “Thanks Daph,” he told me. Gumaan ang loob ko dahil sa nakita kong ngiti niya. Hindi ko naisip na sa ganitong paraan ko maibibigay sa kaniya ang regalo na iyan. “H-hindi pa ba tayo bibili?” Nanatili akong nakatayo sa harapan niya. “I would love to drink a juice now or coffee than beer, I want to try this tumbler now.” Seryoso ang kaniyang mukha at ngumiti. Mahina akong tumawa at umiling-iling. Malakas na humangin nang malamig kaya naman napayakap ako sa sarili ko at bahagyang nanginig. Bumalik ako sa upuan katabi niya. Nagulat ako nang hubarin niya ang suot na sweater at iabot sa akin. Mayroon siyang suot na isang T-shirt sa ilalim ng kaniyang sweater. Napansin niya sigurong medyo may kanipisan ang suot kong damit. “Here,” wika niya habang nakalahad sa harapan ko ang hinubad niyang sweater. “What? W-why did you took it off?” Nagtataka ako sa ginawa niyang iyon. “Wear it,” maiksi niyang tugon. “But, how about you?” “I'm fine. You'll get colds if you wouldn't accept it.” Hindi nagbago ang poker niyang mukha. Tumango na lamang ako at kinuha ang sweater matapos sinuot, paniguradong hindi siya matutuwa kung tatanggi ako. I know him. “I miss talking you this way Daph, it's been a years.” I gulped after I hear what he said. Tumingin ako sa kaniya nang seryoso at nagtatanong ang mga mata. Please, tell me i'm not dreaming, if ever I am please don't wake me up. “W-what?” Ikinuyom ko ang aking kamao. Nanigas ako nang makita ang tipid niyang ngiti matapos ay tumayo mula sa kinauupuan. “Goodnight Daph,” he said, voice was clear. Nagsimula siyang maglakad palayo at pumasok sa loob ng hotel. Inihilig ko ang likuran ko sa backrest ng upuan at napangiti sa hindi ko malamang dahilan. Niyakap ko ang sarili ko, doon ay naalala kong suot ko ang kaniyang sweater. I can’t help myself not to smile when I smell his manly scent from the long sleeves sweater I am wearing now. God! Tumayo ako at hinawakan ang magkabilang kong pisngi. Go back to your room Daphnise, you're getting more hotter than you were. Malalim akong bumuntong hininga at naglakad na papasok sa silid namin. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi niya kanina. “I miss talking you this way Daph, it's been a years.” Paulit-ulit ito sa isip ko hanggang sa makarating ako sa silid namin, maging ang ‘goodnight' niya ay umiikot sa utak ko. Umakyat ako sa kama ko at mahigpit na niyakap ang unan ko. Pigil akong tumili sa yakap-yakap kong unan at napangiti. “Do he mean, he miss me? Or he only miss me talking with him that way? Argh! Whatever!” *** Seki’s Point Of View “NASAAN sila?” tanong ko kay Zeus nang magising ako at wala na sila Dwight, Sere at Stravens sa loob ng kwarto namin. Tumayo ako sa kama at nag-unat-unat ng mga kamay. Tumingin ako sa wall clock nitong silid namin, alas otso na ng umaga. Mukhang nakapag-almusal na rin si Zeus dahil may kinakain ito habang nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang plato ng buko pie na kinakain niya at sinimulang kumain. Napahinto ako sa pagkain nang mapansin ko ang isang pamilyar na tumbler na nasa lamesa. I saw it from Daphnise, hindi ko na tuloy mapigilan pang mapangiti sa iisiping sa wakas ay naibigay rin ni Daph ang gusto niyang ibigay kay Mr. Z. Tumingin sa akin si Zeus nang may pagtataka sa mukha. “Why are you laughing?” he asked me confused and took me my food. “Akin ‘yan,” seryoso niyang wika, bumalik siya sa pagkain habang nanonood ng TV Natawa lamang ako bago kinuha ang customize tumbler niya at ininom ang laman. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkagulat niya at kinuha sa akin ang tumbler kahit na umiinom pa ako doon. Dahil sa ginawa niya ay natapon sa damit ko ang ilang laman nitong orange juice. Humaglapak ako ng tawa. “What are you doing Seki? It's mine.” Kinuha niya ang takip ng tumbler at itinakip doon, inilapag niya ito sa kaniyang tabi at bumalik sa panonood. “Hey, you’re so mean. Dati naman na akong nakikiinom sa baso mo ah?” Hindi ko pa rin mapigilang matawa. Huminto ako sa pagtawa nang tumunog ang cellphone ko na nasa kama. Patakbo akong lumapit doon at sinagot ang tawag. It was my mom calling, kaya naman kaagad kong sinagot. “Good morning, Mom!” I greeted her. Pumasok ako sa banyo upang mag-tooth brush, inilapag ko sa lababo ang cellphone ko at ini-loud speak ang call habang sinisimulan ang morning routine ko. “Good morning, how was my boys?” “We're good, Sere already left the house to go to school.” —I lied s**t!— “How was Mami Martina, Mom?” Kaagad ko nang iniba ang topic namin upang hindi na makarating pa sa kung saan. I have to stay here in Cebu until we finally attend the auction here. “She's good now, but I have to observe her condition since she was confined. Baka matagalan pa kaming makauwi ng daddy niyo.” Napangiti ako sa sinabi ni mommy pero hindi ko rin mapigilang mag-alala sa grandparent namin ni Sere. Siya na lang ang natitirang grandparent namin, both parents of dad died on an accident and mom's father died too. Si Mami Martina na lamang ang magulang ni mommy na nabubuhay at ngayon ay may sakit pa, tuwing holiday at vacation namin ay nagtutungo kami sa Hongkong upang dalawin ang mami, doon na siya tumira kasama ang bago nitong asawa na hindi namin masiyang close ni Sere ever since. “Teka, Anak. Tatawag ako ulit mamaya. Mag-aasikaso lang ako dito, mag-ingat kayo lagi ni Sere, okay? Huwag magpapalipas ng gutom.” Hindi pa man ako nakakapagpaalam nang ibaba na ni Mommy ang tawag. Malalim akong napabuntong hining at nagmamadaling tinapos ang ginagawa. Lumabas ako ng banyo at inabutan na pumapasok ang lahat ng mga kaibigan namin sa silid. “Meeting?” takhang tanong ko nang magkaniya-kaniya silang upo sa couch maging sa sahig. Mukhang ganito anf magiging araw-araw naming scenadio sa mga kwarto namin hanggat nandito kami sa Cebu. “Hindi ba’t ngayon natin pag-uusapan ang plano ni Sere kagabi?” balik tanong sa akin ni Coco habang nakaupo sa couch at may hawak-hawak na inumin. “Yeah, pero hindi pa ako nag-aalmusal at hindi ninyo kasama si Sere na pumasok dito.” Makalawang ulit ko pang tinignan ang buong kwarto ngunit hindi ko nakita ang nakababata kong kapatid. “Nasaan siya?” “Where’s Sere?” tanong ni Daph, mukhang ngayon lang nila na-realize na hindi nila kasama ang kapatid ko. “Hindi niyo ba kasama kanina?” Tumingin ito sa akin. “Kagigising ko lang?” Nagkibit balikat ako at lumapit sa kanila. “Then where is he?” Tumayo si Stout. “I'll call him wait,” she said taking out her phone and dialed Sere's number. “It's ringing but he’s not answering.” Humawak sa sintido niya si Stout, I know she’s worried. “Calm down,” I said, “Sere always looking for his sleeping spot. Remember? Every time we are looking for him, we always end up seeing him on a rooftop sleeping?” I chuckled. Paniguradong naghanap nanaman ng lugar si Sere kung saan makatutulog ito nang walang kasama. That was my brother. “Yeah, calm down Stout.” Lumapit si Stravens kay Stout at tinapik ang balikat nito. Tumango naman si Stout at bumalik sa couch. “Well, antayin na lang natin siguro siya. I have to eat breakfast.” Umupo ako sa kama at kinuha ang hinubad kong wrist watch kagabi upang suotin. “Hindi ka pa kumakain? Bumili ako ng buko pie kanina, hindi ka ba tinirhan nila Dwight?” Tumingin si Daph kay Dwight. “Teka, hindi lang naman ako ang kumain,” wika ni Dwight na animo'y ipinasa sa kaniya ang lahat ng sisi. “Pero ang dami no'n, Dwight?” “Si Zeus lang naman ang kumuha nang marami. Hindi niya nga binigyan si Stravens,” natawa pa si Dwight habang sinasabi ito. Tumingin kaming lahat kay Zeus, naalala kong siya ang huli kong nakitang kumakain ng buko pie kanina at pinagdamutan pa nga ako. “B-binigyan ko si Seki, yeah.” Tumayo si Zeus at pumasok sa banyo. Natawa ako at napailing. It seems like I get now what's happening. “Yeah, binigyan niya nga ako,” ito na lamang ang sinabi ko at tumayo. “Hintayin nalang siguro muna natin si Sere na bumalik?” wika ni Coco, “Since nandirito na rin naman tayo sa hotel, bakit hindi tayo mag-swimming sa pinakamalapit na beach? They also have a peanut shape pool here.” Ngumiti siya at tumingin sa mga kasama namin. “But, we’re not here for fun? We’re here for a miss—” “No Seki, we can have fun here. I want to have fun here with my friends, let's forget about my problem for today. I believe there's no auction to be held this week,” mahabang paliwanag ni Zeus na nakapagpaputol sa sinasabi ko. “And someone's told me before not to take a problem as a problem, it only make it worst. So, I decided not to worry more about the painting.” Tumingin siya sa akin at tumango kaya naman humarap ako kay Coco at ngumiti. “Alright, who's up to have fun today?” I asked. Magkakasabay silang nagtaasan ng kamay at napuno ng kanilang mga halakhak ang buong silid namin, but Cross remains seated with her poker face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD