Seki's Point Of View
MATAPOS naming maglaro ay nagpalipas kami nang maghapon sa pagkain, paglalaro ng kung ano-anong sports sa dagat at pamamasyal. I lost the game with my friends and Cross won it. After she won, she went back to their room and fall asleep. Ala singko na ng hapon nang bumalik kami sa silid namin. As usual, girls are separate to boys. Pagod sila at nagkaniya-kaniyang higa sa sarili nilang kama. I feel tired, yes. But, I can't sleep. Umupo ako sa couch at kinuha sa bulsa ang ibinigay sa akin na keychain ni Daph. Isinabit ko ito sa singsing ng mga susi ko. Napangiti na lamang ako nang mapansin ang disenyo nito, isang bowl ng noodles at chopstick.
Naalala ko ang babaeng nakasagutan nila Coco kanina. She misunderstood the situation, but decided not to apologize to my friends and left us. I watched what happened but reacted and reached them too late. I usually don't care about girl's argument but what happened awhile caught my attention and decided to interrupt them. Napansin kong hindi na maganda ang nangyayari kanina, that's why.
Ibinalik ko sa bulsa ang mga susi ko, tumayo ako at nagtungo sa mga gamit ko upang kunin ang itim kong leather jacket, kaagad kong isinuot ito at saka lumabas ng silid namin. I'm planning to buy drinks for tonight and search for my brother. Ala sais pa lamang ng gabi ngunit talagang napakadilim na ng paligid sa labas ng hotel. Nagtungo ako sa tabing-dagat at naglakad-lakad doon. Hindi pa bumabalik si Sere at natulog lang maghapon sa kwarto namin si Stravens kaya naman naisipan ko nang tawagan ang kapatid ko habang naglalakad.
“Sere... finally you answered the call,” wika ko, nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas ay sinagot niya na ang tawag ko. Maghapon ko siyang hindi nakita ngunit nagawa kong magpakasaya maghapon.
“What is it, Seki?” he answered me and called my name like I was his friend only.
“I'm your elder brother, Sere. Please don't forget about it.” I tried my best not to sound a bit fierce but I failed to do so. Hindi ko gusto ang ginawa niyang pag-alis kanina lamang dahil sa isang maliit na hindi pagkakaintindihan. “Go back to our room. I don't understand why you have to left on that kind of simple mess.”
I heard his sigh on the other line. “I'm planning to go back to Manila,” he replied me.
“And how about Stout here?”
“This is not about Stout—”
”Then what?” I cut him off. Dumiin ang palad ko sa cellphone kong hawak. “It was just a bracelet left inside the van.”
“Seki, I saw Stravens and Stout secretly talking in our school. I tried to forget about it but...” He paused and a long silent entwined us.“I can't,” he added, “I'm going home, please let me.”
“Sere, we need you here. Zeus needs your help.” Huminto ako sa paglalakad at sinipa ang isang shell na natapakan ko. “Don't be so selfish. What's wrong if they talked in private?”
“I don't know.” His voice was so cold.
“Fine, I'll respect your decision. Where are you?” Nag-aalala ako sa kaniya. It's been a couple of hours since I last saw him today.
“I'm travelling home now, I bet I will take twenty one hours of ride going home. I'll call you again, I need a rest.” Kaagad niyang pinatay ang tawag kaya naman wala na akong nagawa pa.
I wagged my head and continue walking. Ibinalik ko sa bulsa ng suot kong stripe na short ang cellphone ko. Malayo-layo na ang nilakad ko at sa pagkakatanda ko ay may malapit na mini bar sa dulo nitong nilalakaran ko kaya naman nagdesisyon na lamang akong magpatuloy sa paglalakad. Datapwat madilim na ang langit at bilog na bilog ang buwan ay hindi naging madilim ang paligid dahil sa mga ilaw na nagkalat sa puno ng buko na nakatayo sa gilid-gilid.
Iilan na lamang ang nakikita kong tao sa paligid. Nang makarating ako sa bandang dulo ay doon ko napansin na wala nang tao ang naglalakad sa bahaging ito. Nakita ko na ang mini bar na hinahanap ko ngunit hindi ko naituloy ang paglakad papalapit doon nang mapansin ko ang isang babaeng nakaupo sa puting buhangin na nilalakaran ko. Nakatagilid siya sa akin. Pumulot ito ng isang maliit na bato at malakas na inihagis sa tubig. Malamig na ang hangin na dumadampi sa balat ko, napaisip tuloy ako nang mapansin ang kaniyang damit, kulang ang tela nito sa likuran. Nakasuot siya ng maong na short. When I noticed her outfit, I realized who is she, naalala ko ang suot ng babaeng nakasagutan nila Coco kanina lamang. I'm sure it was her, but I wonder what is she doing here alone in a cold evening and with her backless swimsuit paired with a denim short.
“Why are you staring at me? b***h!”
Nagulat ako nang magsalita siya. I took a gulp when I realized she was directly looking at me. Tumayo siya at pumulot ng isa pang maliit na bato at binato sa akin.
“Aw! What are you doing?” Hinarang ko ang braso ko, kaya naman doon tumama ang maliit na batong ibinato niya. Naalala kong binato niya rin si Daphnise kanina, mukhang hilig nito ang pamamato nang kung sino-sino. Ibinaba ko ang braso ko at tumingin sa kaniya, umamba siyang babatuhin akong muli kaya naman muli kong hinarang ang braso ko.
I heard her tittered, I removed my arms guarded my face and looked at her. Sandali kong nakita ang ngiti sa kaniyang labi matapos ay nag-irap ng mga mata sa akin. Bumalik siya sa pagkakaupo sa buhangin at niyakap ang mga binti. Hindi ko alam kung ano ang naisip ko, hinubad ko ang suot kong leather jacket at ipinatong ko sa kaniyang balikat. Nagulat siya sa ginawa ko at napaigtad. Hinawakan niya ang ipinatong kong jacket sa balikat niya at bumuntong hininga.
“It's cold here, you shouldn't stay here wearing your backless swimsuit,” I said.
“Thanks if I am right hearing the sounds of your concern but no thanks since I don't need any concern from anyone.” Nanatili siyang nakaupo, malakas na humangin ulit nang malamig. Hinawakan niya ang magkabilang manggas ng jacket ko at itinali sa harapan ng mga binti niya. She covered herself with my leather jacket.
“Then you don't need my jacket now? You rejected my concern.”
“Well, I didn't ask for it. Bumili ka nalang ng bago.” Inilapit niya ang kaniyang hintuturo sa buhangin at nagsimulang gumuhit ng kung ano doon. She wrote two letters on the sand; it's a capital letter of T and Y.
“Thank you?” nagtataka kong tanong, this is the first two words I recalled from the two letters she wrote.
Tumayo siya at humarap sa akin. Seryoso ang mukha niya. Dahil sa ginawa niyang pagharap ay nagkaroon ako ng pagkakataon upang titigan ang maamo niyang mukha. Mapula ang kaniyang labi at kalmado ang kulay asul niyang mga mata. Her eye lashes were long and curled, somehow I felt how comely they were while she was staring at my eyes too. I was stucked staring at her blue eyes and see myself under its own spell. Fvck! Captivating.
Pumikit siya at saglit na ngumiti, hinubad niya ang jacket na ipinatong ko sa balikat niya at iniabot sa akin. She waved her right hand to me at tumalikod. Nagsimula siyang maglakad palayo at hindi na ako muling nilingon.
Hindi ko na siya binalak pang habulin hanggang sa tuluyan siyang makalayo at hindi na maabot ng tanaw ko. Huli na nang maalala ko ang keychain niya, kinuha ko ito sa bulsa at hindi namalayang napangiti na lamang habang nakatingin dito. Umiling ako at muli itong itinago bago nagsimulang maglakad papunta sa mini bar na dapat ay kanina ko pa pinuntahan.