WALANG HIRAP na nakapasok ako sa loob ng hotel kung saan gaganapin ang underground auction, tinitignan lamang ang dalang itim na papel ng imbistasyon at hinahayaan nang pumasok ang taong may hawak nito. Kaagad ding nakapasok ang mga kaibigan kong nakabihis ng kani-kanilang disguise sa loob ng hotel.
“I'm in,” I whispered and smiled, sinigurado kong maririnig sa suot kong hearing device ang boses ko. “How was everyone's position?”
“All well as the plan,” Stout replied me.
“Good,” magkakasabay nilang tugon mula sa kabilang linya.
Ngumiti ako nang batiin ako ng isang staff ng hotel, nang malagpasan ko siya ay agad kong hinanap ang function room ng hotel dito mismo sa first floor tulad na lamang ng kung anong nakasaad sa invitation ginaya lamang nila Cross mula sa invitation na mayroon si Zeigler. Kung alam ko lang na hindi gaano kasiguridad ang auction na ito, kinuha ko na sana ang invitation ni Zeigler upang hindi na siya makarating dito at mapansin sina Cross at Stout. Even though they're wearing new disguise, alam kong hindi ganoon kadali linlangin ang isang Ethan Zeigler.
“This way, Sir.” Iginaya ako ng isang staff papasok sa loob ng function room, kulay itim at puti ang tema at disenyo ng buong silid. Marami-rami rin ang taong nasa loob na nito at makaupo sa palibot ng mga bilog na lamesang may telang itim, samantalang ang mga upuan ay kulay puti.
Naupo ako sa isang upuan sa dulong bahagi ng silid, dito ako umupo nang mapansin kong ako lamang ang walang kakilala sa loob. Halos lahat sila ay may kani-kaniyang kausap at nagtatawanan ang ilan. Hindi ko na lamang pinansin ang mga taong nasa paligid ko, kinuha ko ang cellphone ko at inabala ang sarili doon.
“Drinks.” Inilapag ng kung sino ang isang inumin sa lamesa ko.
Nang humarap ako at tignan ang taong ito ay napangiti na lamang ako. It was Cross, she was a waitress for today. Talagang ginawang matured ng makeup ang kanilang mukha. Halos hindi ko na siya makilala kung hindi ko nga lamang siya kasama sa kwarto nang gawin ang makeup niya kanina lamang, ay talagang hindi ko siya makikilala ngayon.
Tumango na lamang ako, I have to act like professional.
“Cross, give them some smile.” Tumawa si Daphnise sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang nasa labas ng hotel at nakasakay sa isang van habang ang kaniyang computer ay connected sa lahat ng camerang nandirito sa buong hotel. They hacked the building whole system for this night, medyo natagalan nga lamang kami kaya naman humingi na kami ng tulong sa ilan pa naming kaibigan na myembro ng Mafia Teens na kasalukuyang hindi namin kasama sa mission ngayon.
“Fine,” tugon ni Cross at naglakad paalis.
Pinigilan kong matawa at tumingin sa stage nang mapansin kong paunti-unting namamatay ang ilan sa ilaw. Tumingin ako sa suot kong relo, sampung minuto nalang bago magsimula ang auction ngunit hanggang ngayon ay magulo pa rin ang ayos ng mga tao sa loob dahil sa pakikipag-usap ng mga ito sa ilang kakilala sa underground world. If dad is one the residents here in Cebu, siguradong hindi na kami nahirapan pa sa paghahanap ng invitation para sa auction na ito. Malamang sa malamang na katulad ni Zeigler ay kusang ipapadala sa bahay ang invitation para sa underground auctions tulad nito. My dad is a famous mafia boss too and also a big boss, but he's not active as he is before, hindi na siya katulad ng dati na halos lahat ng underground business ay uma-attend, ngayon ay pinipili niya na lamang at nagbabawas ng kaaway ang daddy dahil na rin sa amin ni Sere. He priority our safety.
Dahil sa pag-iisip ko sa nakaraan ni dad, may kung anong pumasok na idea sa isip ko. Mukhang magagamit ko ang pangalan namin upang mapadali ang trabaho sa susunod. Well, let's see.
“Good evening...” panimulang bati ng emcee sa itaas ng entablado. Nagsimulang bumalik sa kani-kanilang upuan ang lahat ng mga bisitang nakasuot ng kanilang pormal na kasuotan, even me i'm wearing my own drak blue tuxedo special for this night. I chuckled.
“Please remain seated.” Tumingin ang emcee sa buong paligid nang mapansing nakaupo na ang lahat ay doon lamang nagpatuloy. “Welcome to our new year's first underground auction here in Cebu.”
Mahaba-haba pa ang naging panimula ng emcee, may ilan sulat pa itong binasa bago nagsimula ang auction. Ito lang talaga ang pinakahihintay ko para sa gabing ito. If ever the painting was here, i'm willing bid it higher and win it.
Inilabas sa entablado ang unang item na isusubasta, “Also known as the “Dark Necklace” it was made of pure black pearls, grown from the black-lipped oyster called Camiggin Malfarta Octada, and are indigenous to southern part of Fuji Maji. The price range up to two thousand dollars each of it's pearl,” sinimulang ipaliwanag ng emcee kung ano ang bagay na ito. It was a black pearl necklace that glows all over the glass cube covered it. Nakamamangha ang ganda nito subalit hindi ito ang kailangan ko. Nagsimula ang presyo nito sa halagang dalawang milyon at kalahati.
Kailangang pihitin ng kung sino mang bidder ng item ang button ng mechanical device na nasa gitna ng lamesa kung saan sila pumwesto. If they decided to bid the item and pressed the button, automatikong iilaw ang numerong nasa lamesa at makikita ng emcee na siyang nasa stage, doon ay tinatawag ng emcee ang bidder upang tumayo at matapos ay babanggitin na nito ang presyong nais.
This is my first time to attend an underground auction and I never thought this will be cool as this, sinubukan kong pihitin ang buton na nasa lamesa ko at nagsimulang umilaw ang numero kong nasa lamesa. Gusto ko lamang subukan at maranasan ang maging bidder ng isang item, ngunit wala akong planong bilhin ito.
“Alright, we have another bidder, number 67?” the emcee called me.
Tumayo ako. “Three million and five hundred thousands,” tugon ko na tinaasan ang presyo ng naunang bidder, tatlong milyon ang sinabi nitong presyo kaya naman 3.5 million ang ginawa ko.
“Three and a half million, any one who—wow! Number 90, any highest bid?” wika ng emcee habang nakatingin sa isa pang bidder ng black necklace.
“Four million,” tugon ng isang babae. Madilim ang bahagi kung nasaa siya kaya naman hindi na ako nagtangka pang tignan kung sino siya, sinubukan ko lamang maging isang bidder ng item at wala akong planong makipag-agawan sa bagay na ‘yon, that's not what we are looking for. I can't wait to see the painting.
“Seki, are you okay?” tanong ni Coco mula sa hearing device ko, “Why did you do that? Paano kung wala nang nag-bid? Do you have that big money?” May pag-aalala sa boses ni Coco.
Natawa ako dahil sa sinabi ni Coco. “I just want to try,” I replied and smiled at myself. Umayon naman sa naisip ko ang lahat, may isa pa ring tinaasan ang bid na binanggit ko. So, I have nothing to worry about.
“That is Seki, he's crazy,” seryosong wika naman ni Zeus mula hearing device, hindi ko alam kung nasaan sila ngayon ngunit si Daphnise lamang ang nasa van upang bantayan kaming lahat na nandirito sa loob ng hotel.
“We have to check the item from the back stage, you can move now Stravens,” I ordered Stravens. Kanina pa siya naka-stand by sa itaas ng stage wearing our Black Phoenix suit, ito ang talagang gamit na isinusuot ng mga myembro ng Black Phoenix sa tuwing gumagawa ng misyon. Itim ito at talagang fitted sa katawan.
“Copy,” he replied.
“Coco, follow Stravens," I added habang nananatiling nakatingin sa stage.
Tahimik lamang ako habang pinanonood ang paglabas ng ilan pang item at ang pagtatapatan ng bid ng mga bidder sa bawat item na lumalabas.
“How is it?”
I heard Zeus asked us from the other line. Siguradong tinitignan na nila Coco at Stravens ang lahat item sa likuran mula sa malayo, batid kong hindi kami kaagad makakalapit sa item dahil sa dami ng mga nagbabantay dito at talagang secured ang mga ito sa bawat lagayan.
“Damn! I saw the painting! It was here, I can clearly saw it, please Daph scan it and verify if it's really the painting we are looking at,” Coco said, nabuhayan kami nang loob nang malamang nandirito nga ang painting. Hindi kami nagkamali sa pagpunta dito sa Cebu at sandaling talikuran ang pag-aaral namin.
“Yes it is! ‘Wag niyong aalisin ang mga mata niyo.” Vinerify ni Daphnise na ito ang painting na hinahanap namin. Dahil walang camera sa back stage ay tanging ang contact lenses lamang nila Coco at Stravens ang naging mata ni Daphnise para makita ang mga item sa likod.
“Alright, make sure to—damn!” Napatayo ako nang mamatay ang lahat ng ilaw sa buong silid.
“What's happening!? I can't see anything!” sambit ni Daphnise.
Shit! What's happening for damn sake!
Narinig ko ang ingay na gawa ng mga tao sa paligid, lahat kami ay halos walang makita ngunit ang ilan ay ginamit ang kani-kanilang flashlight sa cellphone upang makita ang paligid.
“Secure all the item from the back!”
I heard someone shouted.
...
BUMAKAS nang sabay-sabay ang ilaw sa buong paligid. Nagsimulang magkagulo sa loob ng function room kung saan ako naroroon. Isinara ang lahat ng pintuan sa buong hotel gaya nang narinig kong utos ng isang matandang lalaki. Mukhang siya ang organizer ng auction at siyang pinuno ng mga nagbabantay sa lahat ng item na isusubasta sa likuran.
“All item was missing!” sigaw ng kung sinong lumabas mula sa back stage kung saan naroroon ang mga item.
“Dammit!” Lumabas ako ng silid at luminga-linga sa paligid. Nagkalat ang mga tao sa kabuoan ng hotel, siguradong okyupado lamang ng auction ang lugar na ito dahil tanging mga staff lamang ng hotel at mga guest na invited sa auction ang nandirito. “Paanong nawala ang mga item? Coco, Stravens! Answer me!” bahagya nang may inis ang tono ng pananalita ko habang nagpapatuloy sa paglalakad. “Siguradong hindi pa nakalalabas ng hotel ang mga kumuha ng items,” I said.
“Seki!” Hinatak ako ni Zeus papunta sa isang gilid nang magkita kami sa hallway. “This is what happened the day I lost the painting and damn, because it happens again!” Malalim na bumuntong hininga si Zeus at napahilamos ng palad sa kaniyang mukha.
“You mean?” Nagtataka akong tumingin sa kaniya. “Possible that the thieves from the day you lost the painting is the same thieves who stole it again? Why and how?”
“I don't know, but they're using the same technique to make those items disappear!” Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at malakas na sinuntok ang pader.
Hinawakan ko ang braso niya. “That's enough.” Ibinaling ko ang atensyon ko sa suot kong hearing device. “Daph, did you see what happened?” I asked Daphnise from the other line.
“I'm trying to watch what happened, give me five minutes please.”
Nagkibit balikat ba lamang ako. “What ever happened tonight, we need to find those thieves, siguradong marami sila. They can't make those items disappear in just an instant.” Tumingin ako sa paligid, i'm trying to figure out what tricks they did to make those items disappear at kung sa papaanong paraan ay nakuha nila ang mga items nang hindi man lang namamalayan ng mga tauhang nagbabantay sa likod.
Napatingin ako sa ventilation na nasa itaas ng kisame, tuwing ika-apat na yarda ay may roong ceiling vents. Hindi ako makakapasok sa back stage dahil nilagyan nilang seguridad ang mga ito, I have no way to enter the back stage and study everything inside.
“Where are you Stravens, Coco? You need to leave that area, baka maibilang ako sa mga taong kumuha ng items, magbihis kayo kaagad,” utos ko habang patuloy na nag-iisip at nakatingin sa paligid.
“S-Seki, I got it,” wika nj Daphnise na nakapagpakunot ng aking noo kasabay ng pagharap namin ni Zeus sa isa't isa at may pagtataka.
“What?” I asked. Zeus remains listening.
“I got it, nakakikita sa dilim ang contact lenses niyo and damn! I recorded the magic of how those damn items disappeared.”
“How? Tell us, Daph!” wika ni Zeus na talaga nais nang malaman ang buong nangyari. “I nean please, papaano?” Ngayon ay malamlam ba ang kaniyang tinig.
“They’re using a transparent string connected those items and lifted it up to steal. I-I can't tell you what happened exactly, pero kung ikaw mismo ang manonood, I think mas madali. I saved the copy of the footage,” mahabang paliwanag ni Daphnise.
“Pero paano nakuha ang painting? Masiyado itong malaki.” Naguguluhan pa rin ako. They might used the ceiling to disappear but they can't steal a big painting inside that small space of ceiling ventilation.
“This is rediculous, Seki Schoen. That fteaking painting can be fold into four.”
What!? Seriously? It's damn!
“A-are you serious, Daph?” Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Zeus, nakita ko sa kaniyang mga mata ang gulat. Mukhang pati siya ay hindi alam ang bagay na ito tungkol sa painting na sila mismo ang nagmamay-ari.
“Yes, i'm serious. We need to go home and watch this footage. I swear this is freaking funny and insane!” tugon ni Daphnise.
Pabagsak na naupo si Zeus sa sahig. “I didn't know about it. Kaya pala ganoon nila kadaling nakuha ang painting nang mamatay ang ilaw sa paligid,” wika pa nito sa sarili ngunit dinig ng aking mga tainga.
“Dammit!” I cussed.