MAKALIPAS ang dalawang oras ay pinayagan nang makauwi ang mga guest ng naturang auction. Inabot ng dalawang oras ngunit walang natunton na magnanakaw ang lahat ng guards and securities ng mismong hotel maging ng naganap na auction. Habang nasa byahe pauwi, hindi maalis sa isip ko ang tungkol sa painting na siyang natitiklop ng apat na beses. Idagdag pa sa aking iniisip ang tungkol sa sinabi ni Zeus, everything left me hanged. Papaanong nanakawin nang paulit-ulit ang painting na ito ng iisang grupo ng magnanakaw?
Humawak ako sa sintido ko at tumingin kay Zeus na nasa passenger ng sasakyan, kasalukuyan akong nasa shutgun seat at si Cross ang nagmamaneho pauwi. Nakasunod naman sa dalawang pang sasakyan ang iba naming kaibigan. Mag-isang nasa van si Daphnise at magkakasama naman sa iisang sasakyan sila Stravens, Coco at Stout.
I can't believe this will happen tonight, hindi ko inisip na sa mismong auction na ito ay makikita ko ang painting, ngunit hindi rin sumagi sa isip o na dito rin ito mawawala nang parang isang bula. Tama nga si Zeus nang sabihin niyang naglaho nang parang bula ang painting noon na inilabas niya para sa isang art gallery, I didn't know this painting may caught everyone's attention specially those thieves who stole it two times. They are freaking funny!
“Aish!” Malalim na bumuntong hininga si Zeus at ibinaba ang windshield ng bintana kung saan siya nakapwesto. It serves as another disappointment for him, I really think, ‘cause this is what I feel right now. I feel disappointed. I did everything for this fvcking auction but end up loaing it again.
“They are high class and really professional theives, they took all the items away,” wika ni Cross habang nagmamaneho.
“I believe it's not a magic, gaya ng tinuran ni Stout they used strings for a tricks and that painting is really amazing, I researched about the painting. Those articles online never mention about the painting can be fold into four.” I crossed mu arms on my chest and looked at Zeus.
Naupo silang lahat, gaya ng dati ay ganoon pa rin ang pwesto namin. Lumipat ako sa carpet at naupo katabi Dwight upang ibigay ang space ng upuan sa mga babae naming kaibigan.
“I can’t believe of what I saw.” Talagang hindi makapaniwala si Daphnise. Huminga siya nang malalim at mariing pumikit. “Those thieves are really good at their job, how come they know about the painting and other items? And how come they make that thievery impossible?”
“They are all expert,” I answered her, “Let's watch the footage I saved.” Tumayo si Daphnise, kinuha niya ang laptop na ipinagamit sa amin ni Cross para sa gabing ito. Ito rin ang ginamit nila Daphnise upang ma-hack ang system ng buong hotel. “Here.” Inilapag ni Daphnise sa lamesa ang laptop at pinindot ang start button ng naturang video.
Nagsimula ang video sa magkakasabay na pagkamatay ng ilaw sa back stage kung saan ang sampung item na isusubasta ay nakalinyang ilalabas sa stage. Datapwat madilim ay malinaw pa rin ang kuha ng footage dahil may night vision ang suot na contact lenses nila Stravens at Coco, and i'm glad to this device because it really impressed me.
Magkakasabay na nabasag ang mga salaming kahon kung saan nakalagay ang ilang maliliit na items, kasunod ang mabilis na pagbaba ng maninipis na string, dumikit sa ilang items ang tila hook sa dulo nito. Sa isang saglit ay hinatak ang lahat ng isusubastang gamit pataas at naglaho sa dilim. Ngunit ang talaga nakapagpamangha sa amin ay ang pagpapatulog ng isang babaeng itim ang buhok sa ilang security guards na nagbabantay sa malaking painting, matapos ay itinupi niya sa apat ang painting, nang maitupi ay may taling humatak doon paitaas, doon ay nagtapos ang kuha sa video.
“Wait,” wika ni Zeus, lumapit siya sa screen at izinoom ang likuran ng babaeng nakunan namin ng video. Iisang babae lamang ang bumaba upang tupiin ang painting sa apat matapos ay hinatak din ito ng ilang maninipis na tali paitaas. “She has tattoo on her back,” dugtong ni Zeus. Itinuro niya ang batok ng babae kung saan nakita namin ang tato nito.
“What is that?” I asked, medyo malabo ang kuha dahil sa dilim at dahil narin sa napakaliit lamang nito upang i-zoom. Halos hindi na namin mawari kung ano ang tato nito sa batok.
“Seems like a black rose?” tugon ni Stout.
“Yeah, mukhang petals ng itim na rosas.” Coco shrugged her shoulder.
“Sa dami ng taong may ganiyang tato, malabong mahanap natin siya.” Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Dwight.
Bumalik sila sa kani-kanilang pwesto, tumayo kasi sila at nagsama-sama sa gitna upang panoorin ang video. Nagawi sa akin ang kanilang tingin nang tumunog ang cellphone kong nasa bulsa. Nang kunin ko ito at tignan ang caller ay napalunok na lamang ako ng sarili kong laway.
It was mg dad.
“Who's calling?” tanong ni Daph, “Auntie Hikari?”
Umiling ako. “Sasagutin ko lang,” I told them, tumayo ako at lumabas ng kwarto upang sagutin ang tawag. Nang makalabas ay saka ko lamang pinindot ang answer button.
“Dad, good evening.” I tried my best to act normal. “Bakit ho bigla kayong napatawag?”
“We're going home, our flight will be tomorrow. Can you do me a favor for tomorrow?”
Nakagat ko ang ibaba kong labi nang madinig ko ang unang sinabi ni daddy. They're going home and tomorrow will be their flight. “W-what favor, Dad?” I asked.
“I need you to go to my office and attend my conference meeting, you just have to listen to them together with my secretary. After that, you need to go to Seven Dwarf and help your Uncle Zack, help him transfer the equipments. He will discuss you everything, are we clear?”
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa sinabi ng dad ko, what should I do? Dammit!
“Schoen?” tawag ni daddy sa akin nang makailang minuto ay hindi ako tumugon.
“P-pwede ho bang si Sere ang um-attend?” Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Naalala kong nasa Manila na si Sere ngayon kaya naman siya ang naisip kong sagot sa problema kong ito.
“No, I want you to represent me tomorrow. I already asked a favor to your brother. Are we clear Schoen?”
Malalim akong bumuntong hininga. s**t! “Y-yes, Dad. See you tomorrow.”
“Alright, i'll send you the details for tomorrow."
Inantay kong mamatay ang tawag. Mukhang wala na akong magagawa pa, I need to go home tonight. Bumalik ako sa loob ng kwarto nang may hindi maintindihang ekspresyon sa mukha. I looked at them and deeply sighed. “I need to go home tonight,” panimula kong wika.
Lahat sila ay seryoso lamang na nakatingin sa akin.
“Ito rin ang pinag-uusapan namin ngayon, we need to go back to Manila and continue your lives and studies, wala ng underground auction na gaganapin dito sa Cebu kaya wala na tayong rason para manatili pa dito.” Mapait na ngumiti sa Daphnise.
“We need to go home tonight.” Tumingin ako kay Zeus, tumango siya at ngumiti lamang.
“We will go home tonight,” Zeus said smiling. “Thanks for this mission, Mafia Teens. I'm looking forward to have another mission with you guys.”
“Hindi pa dito nagtatapos ito, Zeus. Mahaba pa ang araw na natitira sa atin upang mahanap ang painting.” Gumanti ng isang ngiti si Dwight.