TMT - 17 : Her Blue Eyes Again

1272 Words
MAMAYANG gabi gaganapin ang auction kaya naman maaga kaming gumising upang maghanda. Kung ano lamang ang dalang gadget ni Cross, iyon na lamang ang pagpaplanuhan naming gamitin. Ala sais kami nang umaga nagising at nagsimulang mag-usap-usap, alas nuwebe naman nang maisipan naming magpunta sa isang restaurant upang kumain. Naunang maglakad ang mga babae naming kaibigan at gaya ng dati ay nakasunod kami ni Dwight, Zeus at Stravens sa kanila. Habang naglalakad hindi ko inaalis sa isip ko ang mga dapat gawin mamaya. I want the plan goes perfect. “Seki, where is Sere?” Napahinto ako sa paglalakad. Simula umalis si Sere nasabi ko na sa kanila na uuwi na ito dahil sa isang biglaang pangyayari, naintindiha naman ako nila Daphnise at hindi na sila muling nagtanong pa, ngunit nakalimutan kong sabihin kay Stravens. “He went home the other night.” Malalim akong bumuntong hininga at bumalik sa paglalakad. Binagalan ko lamang ang paglalakad ko habang nakasunod sa akin si Stravens. Ngayon ay nasa unahan na rin naming naglalakad si Dwight at Zeus. “Why? Is it about the bracelet?” “No, may problema lang na kailangang ayusin si Sere sa bahay. Don’t mind about it.” Napansin ko ang paghinto niya sa paglalakad ngunit hindi ako huminto. “Seki, don't lie,” he said that made me stop. I deeply sighed and stared at his eyes. “You don’t want me to lie?” I sarcastically asked him and faked my smile. “Stravens, I don't wanna get mad at you, you are my friend and our cousin.” I haven't talked him man by man this past few days about Stout and Sere. Binalak kong kausapin niya ngunit madalas ay iniisip ko ang tungkol sa auction kaya naman nawawala na rin sa isip ko ang makausap siya. “Seki...” Mariin siyang pumikit na animo'y may nais sabihin ngunit mabigat sa dibdib. “I like Stout and I know she likes me too.” Ikinuyom ko ang kamao ko dahil sa narinig mula sa kaniya. If Sere will hear what he said, he might borrow face next day with someone else. “Damn you, Stravens.” My voice went cold and hurt for my brother. “Alam mo kung gaano kagusto ni Sere si Stout.” I watched my brother craziness just to see Stout everyday. He even joined a modeling industry para lang makasama ito araw-araw, ang pagmomodelo ay hindi gusto ni Sere. He gets annoyed with cameras and when he was surrounded with people but yet he survive only because of Eon Stout Strange. “I know, that's why I decided to stop myself. Hindi na ako lalapit kay Stout, I hope this decision will make us okay and with Sere. I can't lose any of my cousins.” Seryoso siyang nakatingin sa akin. “I'm sorry, pinag-isipan ko nang mabuti ang mga bagay na ito,” he added. Tumango ako at labag man sa loob ay ngumiti, I don't know but I don't think I need his sorry, there is someone who need it most to ease the pain. Tama nga si Sere nang makita niya si Stout at Stravens na palihim na nag-uusap, nanggaling na rin mismo kay Stravens ang sagot. Why is this happening to my family? Stout is my friend too for Pete's sake! “Seki, Stravens! Bilisan niyo,” tawag ni Dwight sa amin na papalabas na sa entrance ng building. “Let's not talk about it, Stravens. I don't need your sorry, my brother need it.” Tumalikod ako sa kaniya at patakbong lumapit kila Dwight at Zeus. “What did he say?” Dwight asked me as I reached their position. “He was sorry? Let's forget about it.” Tumikhim ako matapos. Tumango na lamang silang dalawa at hindi na nagtanong pa. I'm not mad seriously, is just that I felt how painful Sere's voice the last time I talked to him. ... PUMASOK kami sa isang Japanese restaurant malapit sa beach at naupo sa dalawang magkahiwalay na lamesa. As usual boys were separate to girls. Hinayaan ko nang sila Zeus ang umorder ng makakain ko, kasalukuyan namang nakaupo si Stravens sa harapan ko katabi si Dwight. Well, I can still look at him, i'm not mad. “We need energy for later,” wika ni Zeus, seryoso ang mukha nito at animo'y nag-iisip. Paniguradong iniisip niya ang mga dapat naming gawin mamaya tulad ko na lamang. “Good morning, Sir.” Inilapag ng waiter ang mga in-order na pagkain ni Dwight at Zeus para sa amin. Nang matapos ay kaagad ding umalis. “Ramen?” Napangiti ako nang makita ang pagkain namin, dalawang bowl ng ramen ang nasa lamesa at ilan pang masasarap na putahi. “I told you, ramen ang magpapasaya kay Seki para sa araw na ito.” Tumawa si Daphnise na siyang nakaupo sa katabi lamang din namin na lamesa, kasama niya sila Cross, Stout at Coco. Napailing na lamang ako at dinampot ang isang pares ng chopstick, pinaghiwalay ko ito at agad nang sinimulang kainin ang ramen. Habang kumakain ay pumasok nanaman sa isip ko ang keychain ng babaeng iyon, I haven't ask her name yet but she kept on disturbing my mind. “I'm worried for tonight,” Dwight's said. “Kami rin, but let's not talk about it here in public.” Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain. Nagkibit balikat na lamang si Dwight at nagpatuloy sa pagkain. Napahinto ako sa pagkain nang mapansin ko ang isang pamilyar na mga matang nakatingin sa akin. Ibinaba ko ang chopstick na hawak ko at diretsong tumingin sa kaniya. Isang set ng lamesa ang pagitan namin, ngunit bakante ito kaya naman kitang-kita ko siya mula sa likuran nila Dwight at Stravens, nakatingin siya sa akin nang seryoso habang kumakain din ng ramen. Her blue seductives eyes started to distract me again and again. “Seki?” Zeus called my name. Ngumiti siya bago binuhat ang mangkok ng kanigang pagkain at hinigop ang sabaw nito. Napangiti ako sa kaniyang ginawa. “Who is she?” Nilingon ko ang katabi kong si Zeus na ngayon ay nakatingin na rin sa babaeng tinitignan ko. “She's the girl who hurt Daphnise, why are you smiling with her, Seki?” kunot noong humarap sa akin si Zeus. Maging ang mga kasama namin ay tumingin na rin sa babaeng iyon. Aish! Malalim akong bumuntong hininga. “Hindi ako nakangiti, i'm just looking at her. I found her face familiar, sabi ko na nga ba siya ‘yon," I lied and continue eating my ramen. Hindi ko na nagawa pa siyang lingoning muli hanggang sa matapos kami sa pagkain. Nagpunta ako sa toilet pagkatapos kumain, pakiramdam ko ay nasobrahan ako sa pagkain kaya naman bahagyang sumakit ang tiyan ko. As soon as I get done, I washed my hands and went out of the comfort room nang lumiko ako ay hindi ko sinasadyang tinamaan ang kung sino, nahulog ang isang itim na bag sa sahig kaya naman agad ko itong pinulot at iniabot ang kung sino mang nakabangga ko. “Thank you,” she said nang iabot ko ang bag niya. Napahinto ako nang makilala siya, it seems like the world was playing us. I'm too confuse about her personality, sa tingin ko ay hindi malabong magkita kami dito nang madalas dahil nasa iisang resort lamang kami, there is a possibility na baka nga naka-check in din siya sa iisang building kung nasaan kami ng mga kaibigan ko. Tumango ako. “Welcome.” Hindi na siya sumagot pa at nagsimula nang maglakad papasok sa comfort room ng mga babae. “Wait!” Hinabol ko siya at hinawakan sa palad, kaagad ko rin siyang binitawan nang huminto siya. “What is your name?” I asked looking at her beautiful face. Ngumiti lang ito at umiling-iling bago tuluyang pumasok sa loob. Dammit! I'm not going to leave Cebu without knowing your name. I swear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD