TMT - 16 : First Mission

2256 Words
HINAWAKAN ko ang suot kong hearing device upang pindutin ang maliit na button nito. If you press the button the other person from the line will be able to hear your voice or everything you will tell. “Ready Stout?” I asked Stout, kasalukuyan siyang nasa loob ng isang sasakyan kasama si Zeus habang suot ang kanilang disguise. Hindi maaring makilala ang kahit na isa sa amin. “Yes, i'm ready,” she replied me. Tumingin ako sa monitor ng laptop ni Dwight kung saan ang lahat ng makita ni Stout suot ang kaniyang contact lense ay makikita namin. Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto kasama si Daphnise, Stravens at Dwight, while Cross, Zeus, Coco and Stout was assigned to do a task. “I'm ready too,” wika ni Coco na kasalukuyan nasa rooftop ng isang malapit na gusali kung saan nakahanda ang kaniyang in-assemble na sniper riffle. Coco was trained to be a sniper like her father Uncle Zack, sa lahat ng naging practice namin sa Seven Dwarf tuwing Sunday, wala pang minintis na bala si Coco sa pagpapatama ng bala sa mismong sentro ng target shooting paper. She was really good at it. “I'm waiting for the go signal,” wika naman ni Cross na siyang nagbayad ng mga kabataan na magpapanggap na fans ng sikat na manunulat na si Zeigler. Kasalukuyan silang nasa tapat ng gusali ng kumpanya nito, Hades Company Industry. I don't know why does his company named after the underground god name hades but it doesn't matter. “Cross, you'll be responsible to those girls you paid. Make sure to do their job perfectly. Hindi tayo pwedeng magkamali.” Seryoso akong nakatingin sa monitor, nasa tapat din ng building si Stout ngunit huli siyang papasok kaya naman nakahiwalay siya kay Cross. “I should come with them,” Dwight said while he was standing on my back watching us. Kanina pa siya hindi mapakali. “You're done Zeus, tama na ang mga information na ibinigay mo sa amin about Ethan Zeigler, kung saan siya madalas na nagpupunta after work and whatsoever,” I replied him, bumalik ako sa monitor. “He's coming out,” malamig ang boses ni Cross mula sa kabilang linya. “Alright.” Izinoom ko ang view na kita ng vision ni Stout gamit ang contact lense nito. “Lumapit ka pa Stout.” Ginawa ni Stout ang iniutos ko dahil bahagya pa siyang may kalayuan mula sa building. Nang makalabas si Zeigler kasama ang anim na tauhan nitong lalaki ay lumapit ang mga babaeng kasama ni Cross na maybitbit na banner at ng librong isinulat ni Zeigler. Nagsimula nitong pirmahan ang mga librong iniaabot ng mga kabataan, bahagyang lumayo ang anim na tauhan nito kaya naman lumabas na si Stout sa kaniyang sinasakyan at naglakad papalapit. “Zeus, can you hear me?” I asked Zeus na siyang naiwan sa loob ng sasakyan na kanilang gagamitin para sa misyong ito. Sinigurado kong walang CCTV sa bahagi kung saan sila nag-park. We should not let small mistake ruin our mission. “I can hear you, Seki. I'm ready,” tugon nito. Naglakad si Stout papalapit na animo'y tulala at may dinaramdam na mabigat na problema. This is her mission. Ilang bahagi na lamang ng pangyayari ang nakikita ko dahil si Stout lang ang nalagyan namin ng camera sa contact lense na suot nito. “No! Tabi!” sigaw ni Stout at itinulak si Cross maging ang katabi nitong si Ethan Zeigler, nang ang rumaragasang sasakyan na gamit ni Zeus ay tangkaing banggain si Zeigler. Aligagang hinabol ng dalawa sa bodyguard ni Zeigler ang sasakyang dala ni Zeus ngunit pinigilan sila ni Coco. Bahagya niyang dinaplisan ng bala ang mga binti ng dalawang lalaki at hindi na nahabol pa ang sasakyan ni Zeus. Napangiti ako sa kanilang ginawa. I can't see what happened to Cross and Ethan but someone helped Stout to stand. Nang humarap si Stout ay nakilala ko kung sino ang tumulong sa kaniya. Isa sa bodyguard ni Zeigler. “Get inside, please!” Nagmamadaling pumasok si Zeigler sa loob ng gusali at inaya ring pumasok ang mga kabataang binayaran namin kasama si Stout at Cross. “You can leave now Coco," utos ko. “Copy!" Hawak ang mga baril ng tauhan ni Zeigler ay pumasok sila sa loob at ang ilan ay animo'y tumawag ng back up at ilang medic para sa sugatan nitong mga tauhan. “Damn!” mura ni Zeigler, maliit lang ang hearing device na suot ni Cross at Stout ngunit naka-on ang mouth piece nito kahit hindi na pindutin kaya naman naririnig namin ang lahat ng nasa paligid nila. “Call a security and check the area, siguradong nasa malapit lang na building ang sniper!” wika ng isang bodyguard ni Zeigler sa suot nitong earphone. “May mga bata,” suway ni Zeigler sa tauhan nito. “A-ano hong nangyari?” naluluhang sambit ni Stout. “S-someone attemped to kill you...” “Miss, okay ka lang?” Lumapit si Cross kay Stout, hanggang sa kaniyang disguise hindi niya pa rin naitago ang malamig niyang boses kaya naman natawa na lamang ako. “You got a wounds, please help us!” “Good job, Stout. Perfect wound,” I said nang makita ang malaking sugat ni Stout sa tuhod. Tunay ang mga gasgas at sugat nito dahil sa nangyari. “You saved our lives, Hija. What is your name?” Lumapit si Zeigler kay Stout at ipinantay ang level nito dahil kasaluluyang nakaupo si Stout sa isang upuan sa lobby ng building. “I-I'm Anna, can you tell me what's happening? A-am I able go to home? Baka ako ang balikan ng killer mo, Sir. I'm scared.” Stout was sniffing, hindi man kita ng cam lenses niya ang luha niya ngunit alam kong umarte siyang umiiyak. “I saw a car about to bump you and that girl.” Itinuro ni Stout si Cross na nakatayo sa kaniyang gilid. “I don't have a killer, they're just a stupid bad guys who want to play. You will going home.” Ngumiti si Zeigler. “Ipahahatid kita sa bodyguard ko, kayo ng mga kabataang ito. Don't worry, but for now kailangan niyong manatili dito, I have to order my bodyguard to check and secure the area bago tayo lumabas ulit.” “Good job guys, this is excellent.” Ngumiti ako habang masusing pinagmamasdan ang suot ng lalaking nasa harapan ni Stout ngayon. “Stout, Cross, get the ID from pocket on his chest.” “Can I ask for a water?” wika ni Cross upang abalahin ang apat pang bodyguard ni Ethan Zeigler na nasa likuran nito. Yumakap si Stout sa kaharap na lalaki at umarteng naiiyak sa balikat nito. I can't see what exactly is she doing ngunit mukhang nakuha niya na ang ipinapakuha ko. Great! Humarap ako kay Dwight, Stravens at Daphnise nang nakangiti. “Well, they did it great. Am I right?” Nagkibit balikat si Daph at ngumiti. “Mafia Teens?” she said and smirked. ... INILAPAG ni Stout ang isang kumpol ng susi at isang key card sa lamesa. Alas otso na ng gabi nang tuluyan kaming nakumpleto sa loob ng kwarto. Ang lahat ng inilapag ni Stout sa center table ay galing sa bulsa ni Zeigler. Tatlong piraso lamang ito ng susi sa iisang singsing kaya madaling nakuha ni Stout maging ang isang key card na may kanipisan lamang. “I'll work this keys tonight, gaya ng sinabi nila Dwight at Zeus may isang condominium na inuuwian si Zeigler at ito ang papasukin natin Stravens ngayong gabi.” Kinuha ko ang susi, kakaiba ang isa roon. “Finger print?” tanong ni Cross at inilapag sa lamesa ang isang plastic at transparent na template sa lamesa. Nakuha niya ito nang yumakap si Stout kay Ziegler, kinabitan ni Cross ang damit ni Stout ng isang gadget na kukuha ng fingerprint ng kung sino mang lalapat ang kamay doon. “That's cool,” wika ni Dwight at kinuha ang template. “I can't believe it, ikaw talaga ang maasahan pagdating sa mga ganito Cross.” Nag-irap lamang ng nga mata niya si Cross at hindi na umimik. “What are you going to do with that keys, Seki?” Tumingin sa akin si Cross. “I'll invade his room, IDs and invitation. Kailangang makuha ko ang kahit na isa diyan.” Tumingin ako kay Daphnise. “I need you to guide us tonight.” “No worries, Seki.” “Be safe, alam nating lahat na hindi basta-basta si Mr. Ziegler. Bahagya siyang may kabutihan sa ipinakita niya kila Stout kanina,” sambit ni Coco habang nakaupo sa single couch kaharap ko. She did great today, hindi ako nagkamali na i-assign siya bilang sniper ng grupo katulad ni Uncle Zack sa Black Phoenix. “Alam nating pakitang tao lamang iyon dahil kabataan ang umiidolo sa kaniya.” Sumeryoso ang mukha ni Daphnise. “Yeah, I don't mind.” ... “NASAAN si Ziegler?” I asked on the hearing device I am wearing tonight. Gaya ng suot kanina nila Stout at Cross, hindi ko na kailangan pang pindutin ito upang marinig nila ang mga sasabihin ko na nakasulat sa mismong key card na hawak ko. “He's in a restaurant near on the Hades company building,” tugon ni Daphnise, gamit ang tracker na inilagay nila Stout sa damit ni Zeigler ay nagagawa naming sundan kung saan ito nagtutungo kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon upang pasukin ang silid nito sa hotel na kasalukuyang itong nananatili. We found out Zeigler is not a recident here in Cebu, he's only staying here for business and to check the other buulding of his company. Suot ang isang itim na sumbrero, fitted na white T-shirt at maong na pants ay pumasok ako sa hotel. Hinanap ko ang silid ng numerong nakasulat sa key card, bawat madaraanan kong camera ay inihaharang ko ang suot kong sumbrero upang hindi nito makuhaan ang mukha ko. Huminto ako sa tapat ng pintuan at ginamit ang key card upang buksan ito. Nagmamadali akong pumasok sa loob at ini-lock ang pintuan. “Mukhang kaya ko na, you just have to tell me, Daph. If he's coming here but it seems like he's not.” Binuksan ko ang isang silid at diretso akong pumasok doon. Lahat ng drawer na nakita ko ay agad kong binuksan at hinalungkat. “I still want to check if you're fine,” Daph replied me, paniguradong pinapanood niya ang lahat ng nakikita ko sa contact lenses din na suot ko. Kapareho ito ng gamit ni Stout kanina, ngunit ang akin ay kakulay lamang ng itim kong mga mata, habang ang kay Stout ay medyo brown. Napangiti ako nang makita ang isang itim na kung ano sa drawer ng isang side table sa gilid ng kama. Mukha itong diary, kaya naman kaagad ko itong binulsa sa likurang bulsa ng pantalon ko, nagkasiya naman ito doon. Bumalik ako sa paghahanap, bukod sa drawer na ito ay isang closet na lamang ang hindi ko pa nabubuksan. Iilan lamang ang gamit sa kwartong ito na maaring paglagyan kaya naman kaagad na akong lumapit sa closet na ito at hinalungkat ang lahat ng nandoon. Isang coat na nakasabit sa door hook ang kumuha sa atensyon ko. May isang kung anong kulay itim din ang nasa bulsa ng coat na ito kaya naman kinuha ko ito at binuksan. “Got it! It's an invitation!” masaya kong sambit at binasa ang nakasulat. “Zeus, tomorrow is the auction and I think this is for real now. Daph, scan this invitation and make a new copy of this, I can't take it. May pangalan ito ni Zeigler. I want Cross to make a copy of this for us.” “Noted.” Ibinalik ko ang invitation sa bulsa ng coat nito, maging ang mga susi na kinuha nila Stout ay inilagay ko sa ibabaw ng side table. Nagawan na namin ito ng duplicate kaya naman dapat ko nang ibalik. Pinunasan ko muna ito bago tuluyang ilagay sa lamesa. Nang mailapag ay kaagad din akong lumabas ng kwarto at umalis ng hotel. Hindi ako makapaniwalang sa ganitong paraan pa namin kailangang makuha ang impormasyon sa unang auction, kung ganito kahirap ang una papaano na lamang ang mga susunod na auction? “How is it?” tanong ni Stravens na nasa loob ng kotse na ipinarada namin sa tapat ng hotel. I can hear him also from the device i'm wearing. “Well done.” I smiled, ngunit pa rin maalis sa isip ko ang mga pag-iisip sa mga susunod na auction na dapat naming puntahan. Malalim akong bumuntong hininga at sumakay sa shut gun seat. Saka ko na lamang siguro iisipin ang mga susunod na hakbang na dapat naming gawin. Inalis ko ang hearing device na nasa tenga ko at tuluyan kaming bumalik sa resort. Eleven thirty nang makabalik kami, nanatili silang nasa loob ng kwarto namin katulad ng umalis kami ni Stravens. “Cheers!” sigaw ni Coco habang may hawak na isang baso ng beer. “Celebrate?” Itinaas nito ang baso at tila nagtatanong sa akin. Tumango ako at ngumiti, may iilang bote ng beer sa lamesa at ilang makakain. Mukhang binili nila ito habang nasa byahe ako. Well, we need to celebrate after a successful mission today. Inabutan nila ako ng baso at pinaupo sa couch. “Cheers!" magkakasabay nilang sigaw at nakipagkampay ng kani-kaniyang baso ng beer. “We did a great job today, we deserve it,” I said. “Although nagmaneho lang ako today.” Humagalpak ng tawa niya si Stravens na siyang naging driver ko lamang. Hindi ko rin naisip na ganoon lamang kabilis ang magiging trabaho ko ngayong gabi. “I been a driver too today,” sambit ni Zeus at bitin na ngumiti. Uminom muna ako at tumikhim ng makakain. “We need to build a plan for tomorrow, this is a big mission Mafia Teens. I need your focus, intelligence and hard work.” “We will always do our best for this mission, makakaasa ka, Seki.” Ngumiti si Daphnise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD