LA-Three

2044 Words
                                                                             AUDRIE "Okay class, see you later, anyways, i have an announcement! Listen everyone!" Lahat kami nakatingin kay Mam Aiji, "May incoming festival pala tayo. Imemerge namin ang section nyo sa other section. I'll explain the further information by tomorrow, for now that's all, goodbye." Tinatamad pa rin akong tumayo. Parang ang bilis ng araw, naka isang buwan na agad ako dito sa Academy, pero wala pa rin pagbabago, ganon pa rin ang tinuturo, wala pa yung mga major subjects kaya nakakapagtaka, kelan ba nila balak simulan yon? Naiinip na ko. Napatigil ako ng biglang magkaron ng parang commotion sa pinto. I mean biglang nagkumpulan yung mga babae don sa pinto. "Ohmygosh!" "What is he doing heree?!" "May girlfriend ba sya dito?!" "Sino?! Oh to the m to the g! Tayo lang naman ang maganda dito ah!" Impit na tili nung mga babae. Hindi ko masyadong maintindihan kasi patili nila sabihin yon, nagkibit balikat nalang ako at ipinagpatuloy ang pag pag dukdok, akala ko pa naman wala nang ganyan dito, uso pa rin naman pala ang mga fans club ng mga 'gwapo daw' na boys sa academy. Seriously? Pagkatapos kong magsulat inayos ko na ang gamit ko at sinukbit ang bag ko. Tska tumayo at inumpisahang maglakad. "Hey! Bakit ang tagal mo bago lumabas?" Napatigil ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. "Oh. Syl, ano ginagawa mo dito? Napadaan ka yata?" Ngumiti naman sya at lumapit sakin.  "Wala lang. Masama ba'ng sabayan ang bago kong kaibigan?" Napangiti naman ako sa sinabi nya. "Syempre hindi. Tara!" Sabay hila ko sakanya papunta sa café na malapit sa campus.  "So ikaw pala ang dahilan ng commotion kanina sa pinto ha?" Biro 'ko sakanya pagkaupo namin. Tumawa naman sya at napakamot sa batok. "Oo nga. Ewan 'ko ba sakanila, alam ko naman na gwapo ako, pero kaylangan ba talagang ipamukha sakin? Bastusan na kami dito, satingin mo?" Tumawa ko at hinampas sya sa braso. "Baliw ka talaga, dahan dahan, baka liparin ka ng sarili mo'ng hangin dyan, ikaw din." "Aww." Nagulat ako ng bigla syang lumayo, hindi naman masakit yung hampas ko, bakit sya nasaktan? Itinaas ko ng bahagya ang tee shirt nya at nakita ko na may sugat at pasa sya. "Ay. Sorry, natamaan ko pala, patingin nga." Tumayo ako at umupo sa tabi nya sabay taas ng damit nya sa bandang braso.  May nakita kong pasa. Mukhang bago pa 'to. May mahaba at malalim na hiwa pa sya sa ilalim nito. Hinawakan ko lang iyon. "Ma'am, Sir. Here's your order po. Enjoy!" Sabi nung babae,  sabay pacute kay Syl. Napatigil ako sa pagtingin sa sugat nya, ibabalik ko na sana ang tingin ko sa sugat nya ng bigla nyang ibaba yung tee shirt nya. "K-kain na tayo Zyle." Napatigil naman ako, pero hindi nakaligtas sakin ang nakita ko bago nya ibaba ang damit nya, yung sugat at pasa nya, nawala at gumaling bigla. Sino? Sino saamin dalawa ang may kayang gumawa non? Sandali akong umiling, para mawala sa isip ko ang nakita ko. "Bakit naman Zyle ang naisip mo itawag sakin?" Tanong ko, at kumuha ng isang slice ng inorder naming Blue berry cake at Frappe. "Wala lang. Naisip ko lang, masyado kasing mahaba pag Audrie, ayaw mo ba?" Umiling naman ako at ngumiti. "Okay lang no, walang problema sakin." Sagot ko at nagsimula nang kainin ang order namin, may sweet tooth ako, marami.  Sandali akong napatingin sa labas, napakunot ang noo ko ng mapansin na may lalaki na nakatayo, kahit malayo alam ko na matangkad sya, his eyes were captivating, though it has no emotions at all. Para lang syang doll don, tinapik ako ni Syl kaya nawala sandali ang tingin ko don sa lalaki, nginitian ko sya at tinanguan, pero pag balik ng tingin ko don sa pwesto nung lalaki, wala na sya.  Weird.  Pagkatapos namin magkwentuhan ni Syl, sinamahan nya ko sa library para kumuha ng libro na pwede kong basahin tapos ihahatid na rin daw nya ko sa east wing.  "Thankyou sa pagsama ha? Ingat ka pag uwi mo, kita nalang tayo bukas." Sabi 'ko sakanya sabay tapik sa braso nya, but this time iniwasan ko na yung may sugat at pasa, baka masaktan nanaman sya, ngumiti naman sya at tumango. "Sige. Salamat din." Nang mawala na sya sa paningin ko, pumasok narin ako sa dorm. Pagpasok ko, nakita ko sa Jasmine na nakatayo at nakapamewang pa habang nakataas ang kilay nya at nakangisi.  "Napapadalas na yata ang paglabas nyo ng new friend mo?" Bungad nya sakin at binato ako ng unan na nasa kama nya, na agad ko naman din nasalo at inihagis pabalik sa kanya.  "Yep, inaya lang nya ko kanin since maaga ang uwian namin kanina, kamusta araw mo?" Tanong ko at sinimulang hubarin ang damit ko, nagpalit na ko ng pantulog at prenteng umupo sa gilid ng kama at humarap sakanya.  "Okay naman, usual day, though medyo marami na rin kaming ginagawa, next week kasi mag se-sectioning na tayo, pupunta na tayo sa mga designated sections natin." Tumango naman ako. "Walang nakapag sabi sakin nyan."  "I forgot to tell you since hindi tayo masyadong nagkikita ngayon." Sagot nya at humiga na, nilagay nya ang ulo nya sa head board.  "Paanong sectioning ba ang gagawin? Tsaka bakit next week pa? Hindi ba dapat, before mag start ang school year ginagawa na yon?" Ginaya ko ang pwesto nya, kumuha ako ng isang libro sa side table ko, kagabi ko lang sinimulan basahin to, malapit na ako sa kalahati, kaso nakatulog ako.  Umiling sya. "Iba dito sa LA, after a month tsaka lang gagawin ang designation, kasi hindi naman basta nakakapag enroll dito, pili lang ang nakakapasok." "Ganon ba, bali pwede ba tayong maging magkasama?"  Umiling sya. "Impossible. New student ka kasi dito, so baka sa lower section ka mapunta, or baka mas upper, it depends."  Tumango naman ako dahil naintindihan ko na ang sinasabi nya. Sandali pa kaming nagkwentuhan ng kung ano ano bago nag paalam sa isa't isa na matutulog na, marami pa siguro syang gagawin bukas, usually kasi, ako ang unang nagpapaalam. Mukhang pagod na pagod sya.  Tumayo ako at lumapit sa kama nya, tsaka itinaas ng bahagya ang kumot nya hanggang sa leeg nya, lamigin pa naman sya, lagi nya akong ginigising para ayusin at hinaan ang aircon.       ---- "Okay, nasabi ko na sainyo last time na may festival tayo, so the headmaster allows everyone to participate, so let us start the pairing, anyway, sa Rubric ang mga ka-pair nyo." Naghiyawan naman sila, hindi ko alam kung para saan yung mga sigaw na 'yon, ngayon lang ba nangyari sakanila ang ganitong bagay? Napatigil na rin ako sa pag susulat, mukhang interesante ang sasabihin ni Mam Aiji tungkol sa up coming festival, may idea naman ako kahit paano, since may ginaganap din naman na ganon samin once a year. Pero teka, kung sa Rubric ang mga ka pair namin, ibig sabihin pwede ko maka pair si kuya, kasi alam ko doon sya, since hindi pa naman ayos ang designation ng sections, magkakasama ang mga different levels ng mga student. "Kyaaahhhhh!" "Ohmyyyy! Makakasama natin sila!" "Seryoso kayo ma'am? Baka prank lang tooo?!" "Ghaaa! I can't wait! I can't wait." "Okay, settle down, simulan na natin, we do not have all day." Sabi ni Mam, kaya nabawasan kahit papaano ang sigawan.  Pagkatapos nilang maghysterical pinagpatuloy na ni Mam yung sasabihin nya, pero alam ko last year na yata ng Rubric ngayon, i mean mabubuwag na yata ang mga sections at gagawa ng bago, yung pinaka upper section lang yata ang hindi maiiba, since ilang taon na din silang hindi nadadagdagan, yun ang kwento sakin ni Jas.  "Okay. So here are your chosen partners. Andrada from here and Legaspi from Rubric." "Lee, and Tyler from Rubric." "Sayang naman, di ko sila partner." "Okay lang girl. Pogi din naman yun." "Yeah right! Basta pag galing sa Rubric!" Lahat sila nakatingin na para bang may hinihintay na pangalan. Sikat ba talaga Rubric dito sa LA? "Leisy, and  Zanty from Rubric." "Yaay! I can't wait!" "Sino kaya satin?" "Chin, and Saze from Rubric." "What?! Ayoko don! Change it! Mga tonta mag pair!" Napatingin ako sa sumigaw. Si Michelle pala. "No miss Chin. This is final. Ngayon umupo ka na kung ayaw mong ipadala kita sa punishment room!" Sigaw ni Mam. Pero umirap lang sya.  "Whatever. Palibhasa matanda ka na, at wala nang magkakagusto sa'yo. Tsk." "You're saying something Miss?" "Why do you care?" Sagot nya habang masama pa rin ang tingin sa guro namin. "One last wrong answer, then you're dead, no joking." Inirapan nalang sya ni Michelle. "Okay. For the last partner. Vonzyke, and Akami from Rubric. Okay,-" "You're kidding! Ang isang Akami ng Rubric section? Ipe-pair mo sa bagong student na 'to?! Eh mukhang wala nga yang alam sa pinasukan nya, what a stupid!" Napatingin ako kay Michelle na ngayon ay nakatayo na at masama ang tingin sakin.  "That's the point of all of this Miss. Anyway, settle down. Now go at the open field SILENTLY." Wala na syang nagawa, nauna syang lumabas habang nagdadabog, tumayo naman kaming lahat at lumabas ng Room. Hindi ko alam kung bakit napaka pasaway ng babae na 'yon, ganon ba talaga sya o kulang lang sa atensyon? Wala manlang ba syang friends? Simula nung tarayan nya ko ng first day ko, wala pa ako ulit nakikitang kasama nya, sa itsura nya, hindi sya yung klase ng tao na walang kasama, nakakagulat lang.  Maalala 'ko lang. Parang familiar yung Akami sakin. Saan ko ba narinig yon? Akami. Akami. Akam- "Yow! Zyle! Lalim ng iniisip mo ha? Madapa ka dyan." Napatingin ako sa umakbay sakin. "Sila ba?!" "Oh my gosh! How come?!" "Hindi pwede 'to!" "Oh, Syl. Bakit?" Nakangiti ko'ng sagot sa kanya. "Nothing. Nakita kasi kita dito, wala ka bang klase?" Umiling ako, sinabayan na nya ko sa paglalakad papunta sa open field dahil naka akbay naman sya sakin. "Meron, yung prof namin pinapunta kami dito. Naka pair kasi kami sa Section Ruric. Hindi 'ko naman alam kung anong gagawin, tapos kanina nagalit si Michelle, yung classmate ko dahil sa partner 'ko, tapos may Punishment room pa na binanggit si Mam pag hindi daw sya tumigil, actually hindi ko makuha ang point kung bakit sya nagagalit, seriously? Ano ba kasi ang meron? Bakit parang big deal sakanya yon?" Napatigil naman sya at amuse na ngumiti. "Bakit?" "Grabe ka, parang b***l ang bibig mo, walang hinto, grabe ang rant mo diba?" Tumawa sya at umirap lang ako, talaga naman kaya, ang over lang kasi ng reaction ni ate girl kanina dahil sa sinabi ni Mam. "Anyway, Kami din kasi pinalabas." "Anong section ka ba? Nag pairing din ba kayo? Lahat daw kasi allowed mag participate." Tanong ko sakanya. Sinuklay muna nya yung brown nyang buhok. "Rubric." Nanlaki ang mata 'ko at kumapit sa braso nya. Mukha tuloy kaming magkayakap. "So kilala mo kung sino yung partner ko?" Nakangiti kong tanong "Ano ba pangalan or surname?" Napatigil ako at inilala ang sinabi sakin kanina. "Akami daw, sabi ni mam." Nagulat ako ng bigla syang tumawa ng malakas. To the point na halos lahat ng tao sa open field nakatingin sa kanya. "Ang cute nya talagaaa!" "He's hot pag tumatawa!" Ngumisi naman sya at naglakad palayo. "Hoy! Syl! Kinakausap kita! Kilala mo ba sya?" Sigaw 'ko. Pero lalo syang tumawa. Tumakbo 'ko papalapit sa kanya. "Hoy! Sino ba kasi yon? Tsaka bakit ka ba tumatawa?" Tumingin naman sya sakin at tumawa ng mahina. Nagtaka naman ako ng nilahad nya yung kamay nya. "Grabe, patawa ka Zyle, anyway, I'm Syler Felix AKAMI. Nice to meet you partner."                                                                      THIRD PERSON "So what's your plan dear?" Nakatingin lang ang lalaki sa kopita na hawak ng kausap nya, hindi pa rin alam kung ano ba talaga plano nito. Nakatingin sila sa labas ng bintana, pareho. "Hayaan muna natin sila, as long as everything is under our control, walang magiging problema." Naka ngiti nyang sagot, kaya tumango ang lalaki at ngumiti bilang sagot, may tiwala sya sa mga plano nya, alam nito magiging maganda to, pero hindi nga lang magiging madali.        -- Like our official page:  LECQUARES ACADEMY (OFFICIAL) You can also join it's official f*******: group:  LECQUARES ACADEMY Follow meh if you want to be more updated~ IG: @Beybiiblue/ Divine J  Twtr: @Vineeeeey
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD