LA-Two

2324 Words
                                                                      AUDRIE ZYLE     "Jas! I'll go ahead!" Sigaw ko bago lumabas ng pinto. Baka hanapin ako non pag di ako nagpaalam sakanya katulad nung nakaraan, talagang pinagalitan nya ko, nag alala daw sya sakin kasi bigla akong nawala, akala ko namab alam nya na pag nawala ako ibig sabihin nauna na ko pumasok. Ayoko nang sumabay sakanya, baka malate na ako ng tuluyan katulad nung nangyarin sakin nung second day ko, lakas maka trauma non.  This is my second week sa academy, so far ayos pa naman lahat, nakikisama pa naman ang lahat, though nakakaramdam na ko ng mga unusual things, not spiritually like ghost, but some random things, like our own set of subjects. Target shooting, logic class, g*n mechanics, plan making and ziel sessions. Ilan lang yan sa mga subjects na nag highlight sakin habang binabasa ko to, lalo na ang manuals, rules and regulations. No usage of ziel out of premises. No fights, the punishment depends on the damage that has been done. Every last day of the month, students were allowed to go home and need to be back before 12 midnight. Ilan yan sa mga rules and regulations. I shrug thinking those things again, inayos ko na ang strap ng bag ko at mabilis na naglakas palayo sa dorm namin.  Tumakbo na ko papunta sa academy. Sa gubat na ko dumaan para mabilis. Nasa likod kasi ng Academy to'ng gubat. Nakita 'ko 'to habang nag totour ako mag isa kahapon, hindi kasi nabanggit sakin ni Justine na may forest pala dito. Mas mabilis ang route na 'to. I was trained to be fast, never pa ako'ng nalate. Kaya siguro.  Dahil wala namang madalas dumaan dito, ako lang ang naglalakad sa gitna ng gubat. Hindi naman ako natatakot. Madalas din kasi kami sa gubat dati nung Grade school ako. Isa kasi ako sa mga girls scout non. At pag nagtetraining din kami nila Dad at kuya. Tinuturuan kasi kami ni Dad ng Self defense. Halos lahat ng martial arts naturo na nya samin. He taught us too how to hold and use different kind if weapons. Kung paano magiging handy lang sya at pwede mong dalin ng walang nakakapansin. Meron akong dala, pero nakuha yon bago ako makapasok sa pinto ng kwarto namin, at hindi ko na alam kung nasan yon, paborito ko pa naman sa lahat yon, kakausapin ko na nalang siguro si Mam Shienna tungkol don.  Tumigil ako sa paglalakad nang may marinig akong kaluskos. Tumingin ako sa kaliwa't kanan, pero wala naman. Nagpatuloy nalang ako ulit sa paglalakad. Pero alisto na kong nakikinig sa kahit anong kakaibang kaluskos. Tumingin ako sa kanan, hindi ko alam kung nag ha-hallucinate lang ba ko o talagang tama ang nakikita ko, feeling ko dinadaya ako ng mata ko, pero parang gumalaw yung mga puno sa banda don. Kinalma 'ko nalang ang sarili ko at naglakad ulit, pero tuluyan na akong tumigil at ibinalik ang tingin ko sa pinanggalingan ko.  "Ahhhhhhhhhh!!" "Ahhhhhhhhhh!!" Napasigaw nalang ako, nang makita 'ko kung sino yung mga sumusunod sakin. "S-sino, S-ino ka-ayo?!" Halos di 'ko na masabi yung mga gusto ko'ng sabihin dahil sa gulat ko. Sino ba naman kasing hindi magugulat?! Yung mga Puno, gumagalaw sila, naglalakad at nagsasalita! Bahagyang napatigil ang panginginig ng katawan ko nang bigla silang tumawa lahat. May nagsilabasan din na iba't ibang nilalang. Maraming may mukha at tumatawang puno ang nakapaligid sakin, Yung mga dahon at mga bulaklak nagkaron din ng mukha at tumatawa kasabay ng mga puno. May mga maliliit na nilalang na may iba't ibang kulay na pakpak din ang lumabas. "Sino ba kayo! Pambihira naman, sana nagpasabi kayo na lalabas kayo para hindi naman ako nagugulat, grabe kayo." Sigaw ko sa kanila. Tumigil naman ang isa sa kanila at tumingin sakin. "Kami ang nagbabantay dito sa kagubatan, pero bakit hindi ka natakot saamin?" Sagot nung isang puno na nasa gitna. "Sanay na kasi ako, pero teka, bakit kayo nagpapakita sakin ngayon?" "Wala naman. Gusto ka lang naming masilayan." Sabi nila at ngumiti. Sobrang weird talaga nila. Hindi naman ako natakot, nagulat lang talaga, sanay na ako sa ganito, i know that me, myself is not a normal kid, kaya hindi ako madalas makipag usap, pero i had this friend na talagang naka close ko, at nalaman ko na may ziel din sya gaya ko, though i don't get the chance to tell her about mine. Napatigil ako sa pag iisip dahil sa kalabit nila.  "Ganon ba?" Umayos na 'ko ng tayo, dahil para ko'ng engot sa fighting position 'ko. "Wag nyo naman kasi akong gugulatin next time please lang magsabi kayo." Tumawa naman sila ulit at sabay sabay na tumango. May lumalabas at lumalapit na rin samin na iba't ibang uri ng hayop. Bigla namang may kumapit sa pantalon ko kaya napatingin ako. Isang puting Daga. Umupo ako at nilahad ang kamay ko. Agad naman syang naglakad papunta dito. Nagulat ako ng bigla syang ngumiti at kumaway. "Hi. Ako nga pala si Ralph." Kahit creepy sya, Ngumiti naman ako. Ang cutee nya, grabe. Ang sarap ibulsa at iuwi sa dorm, kaso baka bawal at mapagalitan ako. "Hello, i'm Audrie." Tumango naman sya. Bigla naman kaming naalarma ng makarinig kami ng kaluskos papunta sa pwesto namin. Agad na nagsibalikan ang mga puno at halaman sa kanilang pwesto. Mabilis namang bumalik ang mga hayop sa kanilang mga pwesto, at agad na nagtago si ralph sa bulsa ko. Bigla namang may lumabas na isang matangkad na lalaki. Brown yung buhok nya. Naka Grey t-shirt sya, blue na pants and Red vans. "Hi? May hinahanap ka ba kuya? Tulungan na kita?" Bati ko sakanya atska ngumiti, nag offer na rin ako ng tulong. Pero mukhang di nya 'ko napansin, mukha yatang may hinahanap sya kasi nakatingin sya sa lupa, baka may nalaglag na kung ano, may ilang dahon na din sa buhok nya. Tumingin naman sya sakin bigla at ngumiti. Ngayon nya lang ata ako napansin.  Ang gwapo nya bes. "Hello!" Ganting bati nya sakin. Atska naglakad palapit sakin at nilahad ang kamay.  "Oo, hinahanap ko yung hikaw na bigay sakin ng mama ko, nalaglga kasi kanina habang naglalakad ako, anyway, I'm Syler Felix Akami." "I'm Audrie Zyle Vonzyke. Nice to meet you."     -- "Ahhh! So last week ka lang pala pumasok dito?" Tanong nya habang nakaupo kami sa Open field ng academy. "Yep. Ganon na nga, i transfered here, pero dito na talaga nag aaral ang kuya ko." Ngumiti naman sya. Ang bait nya grabe. Hihi. Crush ko na 'to. "Kaya pala ngayon lang kita nakita dito, kala ko naman intruder, kasi kilala ko halos lahat ng studyante at professors dito." "Drie!" Napatayo naman ako ng may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Jasmine na tumatakbo papunta sa pwesto namin. Ilang hakbang nalang pero bigla syang tumigil at nanlalaki ang mata na papalit palit ng tingin samin ni Syler. "Uy! Jas! Bakit ka'ko?" "Bakit nandito ka? Diba may klase ka? Bruha ka, nagpaalam ka pa ng mas maaga sakin, makikipag date ka lang pala." Impit na tili nya at nakaturo pa samin, pero maya maya ay tumawa at umiling din.  Natawa nalang din ako at tinapik sa braso ang aking new friend. "Baliw talaga sya Syl, Sya nga pala, Jasmine sya si Syler, na meet ko sya habang papasok ako, kaso nakalimutan ko na, natuwa ako sa kwento nya." Paliwanag ko, nag kamay naman sila, tumango lang si Jas, kaya hinarao ko na ulit si Syler. "Syl, Una na kami, See you around nalang." Tumango naman sya habang nakangiti atsaka tumalikod at nagsimulang maglakad. "Sorry na, nakalimutan ko na may klase ako, kanina mo pa ba ako hinahanap?" Tulala parin kasi sya na sinusundan ang paalis na si Syler. "Bruha ka talaga, oo kanina pa. Tinatanong ka kasi sakin nung iba mo'ng classmates, nag alala naman ako kaya hinanap na kita, nandito ka lang pala." Tumawa lang ako at tinapik ang likod nya, pulang pula ang mukha nya, siguro kanina pa sya tumatakbo.  "Bakit mo pala ko hinahanap?" Sabay taas ko ng kilay sakanya. Tumingin naman sya sakin at bumuntong hininga, para saan yon? May kinuha sya sa bulsa nya ng kung ano at inabot sakin ang isang maliit na clip. "Isuot mo yan lagi. Pag kailangan mo ng tulong. Kahit ano pa yan. Lalo na pag mapanganib, hawakan mo lang yan ng madiin at tawagin ang pangalan ko, nag alala ko, baka may nangyari na sa'yo." Kahit na wi-wirduhan ako tumango nalang ako at ngumiti. Hinila na nya ko palabas ng open field, tsaka ko lang narealized kung saan ba kami papunta.  "Jas, wag mo na kong ihatid, i can handle myself, promise, papasok ako sa dalawang natitira ko pa na classes. Sige na, go." Pero tuloy tuloy parin sya sa paglalakad. "Okay lang. Gusto 'ko 'to." Natawa naman ako sa sinabi nya, baliw ang babae na to. "Ang alin? Ang ihatid ako everyday? Luka!" Napatigil naman sya at napakamot sa batok. "Ngayon lang kasi ako ulit nagkaron ng kasama sa kwarto, kaya ngayon ko lang nagagawa to, tsaka may dalawang class ka pa before diba? Sabay na tayo kumain." Tumango naman ako at nag thumbs up pa sakanya.  Nang makita ko na parang wala pa syang balak umalis sa pwesto nya nagsalita na ko. "Sige na. Kita kits nalang after class." Sabay mahinang tulak ko sakanya paalis. Nung una nag aalangan pa sya, pero sinabi kong kaya ko na ang sarili ko. Kaya wala na syang nagawa at umalis nalang. Naglakad na ko dahil medjo malayo pa yung building namin. Pagdating ko nag sorry ako dahil late nanaman ako. Ngumiti lang si Mam at pinaupo na ko. Di nakaligtas sakin ang masasamang tingin sakin ni Michelle at pagbulong ng 's**t' hinayaan ko nalang sya at tuloy tuloy na umupo sa pwesto ko at nakinig sa discussion. Bakit naman ako sinabihan ng s**t? Classmate ko sya sa tatlong subjecta ko, at pagpasok ko pa lang, as in first day ko pa lang dito, talagang masama na ang tingin nya sakin. Iniisip ko nga baka may nagawa ako or baka kilala nya ko kaya ganon nya ko tignan? Pero kahit anong pag alala ang gawin ko wala talaga akong matandaan, baka ganon talaga sya tumingin? Mataray, kaya hinayaan ko nalang.  "Isuot mo yan lagi. Pag kaylangan mo ng tulong. Kahit ano pa yan. Lalo na pag mapanganib,Hawakan mo lang yan ng madiin at tawagin ang pangalan ko." Naalala ko nanaman yung weird na sinabi ni Jas kanina bago ako pumasok. Anong ibig nyang sabihin don? At ano din ang ibig sabihin ng "Okay lang. Gusto 'ko to." Thingy nya? Drama nya ba yon dahil sya lang ang kaibigan ko? Ay hindi, may new friend na din pala ako. Si Justine at si Syl, i decided na 'yun nalang ang itawag sakanya since masyadong mahaba para sa tamad na katulad ko ang Syler or Felix.  Nilabas ko nalang ang notebook ko at nagsulat, nag drawing pala. Tinatamad ako makinig ngayon.  Hindi na ako magtataka kung may kakaiba sa Academy na to, hindi naman ako ganin katanga para hindi mapansin na may hindi tama sa pamilya namin, pero ang ipinagtataka ko lang talaga is bakit nila ako inilipat dito? Alam na ba nila na hindi ako normal, o talagang hindi lang nila alam na may kakaiba sa school na pinapasukan ni kuya? Siguro i should ask kuya about this nalang tutal naunan naman sya sakin ng isang taon, kaya sigurado ko may mga variety of experience na din sya.  Natapos lang ang classes ko na parang hangin, wala akong nagets. Marami din akong iniisip, tapos na kaming kumain ni Jas kaya nasa kwarto na kami parehas, tulog na din sya kanina pa, habang ako, nasa study table pa, hindi ako makatulog kaya nag drawing nalang ako. Past time ko 'to lalo na pag hindi ako makatulog.  Ibinaba ko ang lapis ko at tinignan ang kamay ko, hindi ko alam kung anong technique ang kaylangan para mapalabas ulit ang ziel ko. Alam ko na ziel yon, i heard once, while mom and dad was talking. Isang beses ko pa lang nagagamit yon, at yun din ang unang beses na nadiskubre ko na talagang may kakaiba sakin.   Flashback.  I was on my way papunta sa tambayan ko, lunch break namin, and i was currently on my 9th year of being a high school student. I know alot of people, but i don't consider them as my friends. I stop walking when i heard someone talking, and that was a familiar voices. "Okay fine, What should we do ba with that stupid Audrie girl?" That was Gorgs, her name suits her, like a dog. Yes, i don't like her, sobrang arte nya po. "I'll get rid of her don't worry, then i'll set her family up. Masyado na silang maraming nakuha sa family namin."  Napatigil ako dahil sa isa pang pamilyar na boses na narinig ko. That was Ryder, my seatmate. End of flashback He said he will get rid of me and my family, pero mas mabilis akong kumilos keysa sakanya, at sa utak nyang kasing purol ng kutsilyo na gusto nyang gamitin sakin, dahil na rin siguro sa sobrang galit kaya ko nagawa yon.  Napailing nalang ako, pag naalala ko yon, kahit ako hindi ko nakilala ang sarili ko, ako lang ang nakakaalam ang nangyari na yon, except to that little boy and his family, pero syempre hindi na sila makakapag salita.  Ilang araw din akong hindi lumabas ng kwarto ko dahil sa takot na baka pati sila mom and dad masaktan ko, wala naman kasi si kuya sa bahay, dahil dito sya sa academy nakatira since then, kailangan mag stay dito two years before ka mag first year college, kaya nandito na sya non.  But then, i still can't figure it out, kung anong ziel nga ba ang hawak ko, and i need to know what is it, ayoko na ulit makasakit ng kahit sino.     -- Like our official page:  LECQUARES ACADEMY (OFFICIAL) 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD