LA-Four

2548 Words
                                                           THIRD PERSON "Hindi ka basta pwedeng lumabas na lang bigla at magpakita sakanya! Mapapahamak ka sa ginagawa mo, alam mo yon, at alam mo din na hindi pa kayo dapat magkita." Nakatingin lang ang ito sa kanya habang nakaupo.  "I can't help it." Tanging sagot ng lalaki. Bakas ang awa sa mukha ng nag sasalita, pero wala pa silang magagawa sa ngayon kung hindi ang mag hintay. "Just chill, okay? Alam mo naman na nakamasid pa rin sa atin ang mga Ravens, hindi natin alam kung ano ang plano nila."  Napakunot ang noo nito dahil sa sandaling pagbabago ng mukha nya dahil sa narinig.  'Para saan yon? May plano nanaman ba ang bata na 'to?' Tanong nito sa kanyang sarili.                       AUDRIE "Sira ulo ka talaga! Di parin ako maka get over don!" Sigaw ko sabay hampas sa lalaking kasabay kong maglakad.  Tumawa pa rin sya ng tawa. "Di ka naman nagtanong ah?" Inirapan ko sya at mas binilisan ang paglalakad. "Bahala ka sa buhay mo. Nakakainis ka talaga!" "Wait up! Zyle!" Sigaw nya ulit sa pangalan ko, pero di ko pinansin. Lakas talaga ng tama ng isa na 'to. Bakit ko ba to naging kaibigan? Para syang si Jas. Napatigil ako ng biglang may humila sa braso ko. "Hey. Are you mad?" Di ko sya pinansin at naglakad ulit.  "Zyle! Sorry na!" Habol nya parin sakin. Tumigil ako at tinignan sya ng masama. "Hehehe, sorry na friends naman tayi diba." Sabay peace sign nya. I rolled my eyes. Damuhong to. After ng usapan namin na 'yon dumiretso na kami sa meeting place na sinabi ni mam Aiji kahapon para pag usapan ang tungkol sa gagawin namin sa festival. Nakita ko si kuya, dapat tatawagin ko kaso, medjo malayo sya sakin, sa right side nalang pwede umupo, gusto ko pa naman katabi si kuya.  "So, good day everyone. Nasa respective partners na ba kayong lahat?" We all nod and chorus in saying-'Yes' tumango naman sya at inikot pa ang tingin saamin lahat.  "Okay then. We'll start the meeting and assigning task." Binuksan nya yung bag na lagi nyang dala. Minsan tuloy iniisip ko kung anong laman non. Lagi nya kasing dala yon. Lahat kami nakaupo sa parang maliit na couch na puro Primary color ang kulay. Siguro mga 16 pairs ang nandito. Nahahati kami sa dalawa. Bali sa kanan kami nakapwesto, at nasa kaliwa naman yung iba. Nakita ko na si kuya kanina lang, pero mukhang malalim ang iniisip kasi hindi nya ko napansin, kahit yung pabango ko kasi hindi nya napansin, pag kasi naamoy nya yon alam nya na ako yon, isa lang kasi ang pabango na to sa buong mundo, at si kuya ang gumawa nito. May konting knowledge sya sa mga chemicals, and others stuffs.  "For the right side,The first five pairs, will be assign for cleaning the area and to measure kung hanggang saan or gaano lang every booth."  Nilipat nya yung papel at binasa ulit, yun na siguro ang division of labor ng lahat.  "Okay for the first five pairs at the left side, you'll be incharge for the foods that the students can buy while strolling around."  Para saan kaya yung festival na yon? Ilang linggo pa lang simula nung magstart ang school year.  "Okay, for the last three pairs at the left side, designing of the Festival."  "And for the last group at the right side, you'll be incharge for the booths that the student will definitely enjoy. Just give me the list of expenses. Okay that's all. Adjourned." Sabi ni madam sabay lakad palabas.  Booths ang naka assigned samin, hindi naman ganon kahirap, pero parang kukulangin kami sa oras since, malapit na ang festival, but based sa itsura ng mga kasama ko, mukhang kaya naman namin matapos to.  "Guys! Let's have a meeting for the booths." Suggest nung isa sa mga pair na kasama namin in making booths. Tumayo kaming magkakasama sa group, hindi ko din alam kung saan kami pupunta pero may naisip na ako na isuggest para sa game namin, satingin ko naman okay yon, kasi successful namin nagawa ng mga classmates ko dati.  "Zyle." Napatigil ako sa pag iisip dahil sa marahan na tapik ni Syl.  "Ano?" Kunot noo ko na tanong.  "Kala ko bati na tayo?" Tinignan ko sya at tinaasan ng kilay, naalala ko nanaman yung ginawa ng bruhildo na to sakin. Kasama ko sya, dahil sya nga ang partner ko. "Yeah. Masakit lang talaga ang ulo, kaya tahimik ka muna dyan." He nod and smiled. Buti naman at hindi na sya nagtanong, totoo na masakit ang ulo ko, ngayon ko lang din naalala na hindi ko dalaa ng sleeping pills ko, lagi akong meron non, lalo na pag hindi talaga ako makatulog, kaya nag sisimula nanaman sumakit ang ulo ko, hindi nanaman kasi ako nakakatulog ng ayos.  Dumiretso kaming anim sa illuminate garden para mag meeting about sa gagawin namin. "So anong mga booths? Any suggestion?" Tanong ni Kyla. I know her because she's my classmate.  "Maganda siguro kung Movie booth. Maraming adik sa movie marathon dito sa academy right?" Suggest nung isa sa mga kasama namin galing Rubric. Tumango naman si Kyla and write it down sa hawak nyang maliit na notebook,   "Hand cuff. Will do." Nagulat ako ng biglang magsalita si Syl, kasi kanina lang tahimik sya, lahat sila napatingin sakanya.  "Alright." Kyla write it down again.  "Shoot and Get naman ang traditional game naman natin yon every year diba? So bakit pa natin tatanggalin?"  "Find the carrot."  "Okay." Sandali pa syang huminto at nag isip. "Ako naman, wedding booth kaya?" Lahat naman kami tumango, tapos tumingin sya sakin.  "Ikaw naman Audrie?"  "I think Finding Mr. Carnot's treasure will do, bagay sa lahat, at masayang laruin, i think eveeybody will enjoy this game." Napatingin naman sila sakin lahat at nakakunot ang noo. "Ano yun?" Tanong nya ulit, mukhang hindi pa yata sila nakakapag laro ng ganon.   "Actually we used to play that when i was in grade school. It's like finding the X where the treasure has been hidden, lahat ng makakaupo sa something na ginawa natin for don isasali sa laro and may mga magbabantay. Like chairs with Blue ribbon. Parang ganon."  "So sino lang ang gagawa ng bait natin? Tsaka paano malalaman kung iyon yon?" Tanong nung isang lalaki na galing sa Rubric  "It's a guess. Walang makakaalam." Sagot ko.  "Eh, pano kung walang gumawa? Hindi naman pwede yon, pagagalitan tayo ni mam." Tanong nung isa pang lalaki.  "Of course hindi pwede na walang gagawa no, magbubunutan tayo para malaman kung sino ang gagawa, may nagawa na ako kahapon pa, if incase lang naman na ito ang mapunta satin. Mas maganda kung main booth natin sya." Tumango naman sila bilang pag sang ayon sa sinabi ko, nakangiti lang si Syl at umiling, i shrug my shoulder. Nababaliw nanaman ang isa na to. Tumatawa ng walang dahilan.  "Okay. Kung sino makabunot ng word na 'I'm assign' yon yung gagawa. Bawal sabihin kahit kanino, para exciting. Okay? So let's start." Sabi ko nang mailabas ko na ang mga small papers na nilagay ko sa maliit na box.  Bumunot na sila isa isa, including me, syempre dahil groupmates kaming lahat.   "Okay na?" They all nod.  "Okay, sige. Tsaka nyo na buksan pagdating sa dorm, sa ngayon finishing up muna tayo sa set at plans ng mga booths na needed natin para makapag simula na tayo gumawa ng mga props." Sabi ni Lyka.  "Audrie paano pala ang mechanics ng game?"  Napatingin naman sila sakin lahat. Oo nga pala, nakalimutan ko banggitin sakanila. "Kung sino man ang naka bunot nung 'I'm assign, she or he have to choose a leader of searching. Kaya gagawa sya ng bait for that. Nga pala kung nakanino yung paper na yon, by pair ang pag huli okay? Bali first 4 pairs lang ang qualified."  "Eh, ano namang price?" Biglang tanong ni Syler.  "Anything under the sun, bali isang pair lang ang matitira dahil gagawa tayo ng mga traps."  "Wait lang Audrie right?" I nod, hindi pa sure si kuya ha? Kanina pa kaya kami magkakausap dito, pero hindi ko din naman sya kilala ka okay lang.  "I'm Philip. Anyway, So you mean sa game na to, kahit tayo pwedeng maging victim? Kasi walang nakakaalam satin kung sino ang gagawa ng traps."  I smiled. "Exactly."  "Woah! Sounds exciting!" Sabay sabay na sigaw nila kaya naman natawa kaming lahat.   "Yep. So yun na yon." I ended "Hihi. I'm excited. So okay, Ang mga booth na gagawin natin is Movie booth, Handcuff, shoot and get, Finding the carrot, wedding booth and Finding Mr. Carnot's treasure. Okay. Let us all meet again tomorrow."  Pag di-dissmiss ni Kyla. Tumayo na kami lahat at nag simulang maglakad.  "Zyle!" Napatigil ako.  "Why?" He shrug and smiled. "Tara. Hatid na kita." Problema nito? Bakit kaylangan pa?  "Bakit pa? Okay lang ako, kaya ko pumunta sa dorm mag isa no, chupi ka na nga." Masakit talaga ang ulo, at sumasakit ang birthmark ko sa tagiliran ko, hindi ko alam kung bakit sya sumasakit, kaya medyo naiirita ako. "Ihahatid na kita." Pinal na sabi nya at sumabay na saakin sa pag lalakad, wala na akong nagawa kaya hinayaan ko nalang sya. Bahala sya. Kulit nya. Ano ko bata? Maliligaw pag di hinatid? "Kaya ko naman sarili ko ah." Kahit sabihin ko, wala lang sakanya, naglakakad pa rin sya. "Di ah. Lampa ka kaya." Aba't! Talaga naman ang ugali ng hinayupak! Akala ko pa naman sencere sya sa sinabi na ihahatid na nya ko, yun pala aasarin lang ako. Kunwari pa.  "Sira ulo, Wag na kasi, kaya ko naman talag ang sarili ko, hindi mo na ako kaylangan ihatid." Pilit ko pa rin sakanya, gusto ko talaga umuwi mag isa, gusto ko mapag isa, gusto ko mag isip, kaso ayaw ako lubayan ng isa na to, hindi naman ako nagagalit, naiinis lang, pero siguro talagang concern sya sa pang aasar nya este pag hahatid sakin.  "Ayaw mo nun, gwapo maghahatid sayo?" Ang hangin pa, konting sunlight please, para masinagan sya ng araw at magising sa katotohanan.  "Ayaw, hindi ka naman kasi gwapo kaya sto ka na dyan please."  "Yiieeee! Deny ka pa dyan eh, okay lang, tayo lang naman tao dito, kaya sige na umamin ka na, hindi ko ipagsasabi kahit kanino. Promise!" Sabi nya, habang tumatawa.   "Bwisit! Hindi nga!"  "Yiiee! G na, amin ka na sakin, crush mo ko? Wag! Friendship lang ang kaya ko ibigay sayo, masakit man tanggapin." Lalo syang natawa ng irapan ko sya at mas bilisan ang lakad, pero mahaba kasi ang biyas nya bes, kaya inaabutan nya pa rin ako.  "Epal! Ugh!"  "Hahahaha!" Ayon na, tuluyan ko na syang binugbog dahil sa asar ko, napaka bully nya! Bukas talaga may pasa at black eye sya, para alam nya ang mangyayari sakanya pag hindi nya ko tinigilan, pero natawa na lang din ako habang hinahampas ko sya.        -- Maaga akong nagising ngayon, kaya napagpasyahan ko muna na lumabas at mag jog kahit kalahating oras lang, matagal tagal na din simula nung huli akong makapag jogging, hindi naman sa baka tumaba ako, kaylangan ko lang to para sa breathing ko, lately kasi medyo nahihirapan nanaman akong huminga, dahil na rin siguro sa kakulangan ng tulog.  Kumpleto na kasi lahat dito sa loob ng magique Ziel. May mga stall ng raw and fresh foods, may mart, gasoline station, may archade, museum, library, and syempre school. Napadaan ako sa museum, simula ng pumasok ako dito, hindi pa ako nakakapasok dito. 24/7 naman syang bukas, sadyang mas importante lang yung mga ginagawa ko kaya kahit gusto ko dumaan dito hindi ko magawa kasi nakakalimutan ko na rin.  Nag swipe ako ng card ko bago makapasok sa loob, may ilang guards na bumati saakin, buti pala dala ko ang card ko. Dahan dahan akong naglakad para mas makita ng matagal ang mga portrait na nakadikit sa walls. Iba't ibang mukha, at scenery, at dahil scenery fascinated ako, mas nagtagal ako dito. May ilang paintings sa cliff, mountains, sunset, sunrise, different events, and yung iba photography, kaya sobrang nakakatuwa silang tignan, ang ganda nila sa paningin, masyadong perfect ang pagkaka kuha dito, it's surreal, sana pwedeng iuwi to diba, para sa bahay ko mas makita, nakakawala ng pagod, nakakarelax sya pagmasdan.  Sandali pa akong tumingin bago pumanik sa pinaka dulo. Isang portrait ang umagaw sa atensyon ko.  Picture ng dalawang tao, satingin ko mag asawa sila, base sa pose nila, mukha talaga silang masaya. Naka royal blue sila pareho na damit. Sobrang classic ng itsura nila, parang roman times pa to,  "They were the Queen and King of magique Ziel." Napapitlag ako dahil sa biglang pagsasalita ng katabi ko, napatingin ako sakanya, mukhang galing din sya sa jogging, familiar sya sakin.  "Ikaw yung nasa harap ng cafe diba?"  Tumango naman sya, pero hindi pa rin inaalis ang tingin nya sa portrait, naka hoodie din sya na brown kaya naman hindi ko masyadong mapagmasdan, pero kita ko ang matangos nyang ilong with perfect jaw line.  Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sakanya, pero bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko dahip sa sandali nyang paghawak sa kamay ko, i felt something na unang beses ko lang naramdaman.  Para kasing ma string na naka connect sakin galing sakanya, hindi ko ma describe kung ano yon, kasi unang beses ko lang nga maramdaman, kaya napakunot ang noo ko.  "Teka, sino ka? Kilala ba kita?" Hindi ko na napigilan itanong, kasi ngayon ko lang talaga sya nakita ng malapitan.  "No, but soon you will. Have a great day princess." Yun lang at nawala na sya sa paningin ko kaya naman nanlaki ang mata ko at iniligid ang paningin ko, pero hindi ko na sya nakita pa ulit.  Okay, what was that? He creeps the hell out of me. Sino ba sya? Pero hindi ko pa rin makakalimutan yung naramdaman ko kanina, yung parang may string, sobrang kakaiba sa feeling, nakakatuwa na ewan. Basta, first time ko lang naramdaman.  Napatigil ako ng maramdam ko na may nakalagay sa kamay ko.  A blue rose. Ito ba yung nilagay nya kanina nung hinawakan nya ang kamay ko? Teka saan galing to? Hindi ko alam na may garden dito na meron tanim na blue rose, siguro itatanong ko nalang mamaya kay Jas o kaya naman kay Justine o kay Syl, baka alam nila.  But for now, i can't help but to smile hanggang sa makauwi ako, agad na inilabas ko ang favorite book ko, at inipit ang rosas sa pinaka favorite line ko dito.  "Love is Façade, when it is young, but became genuine when it is a fully bloom rose."                THIRD PERSON  "Gaano katagal pa po ba talaga tayo maghihintay?" Tanong ng taong nakaroba sa mga kasama nya.  "Malapit na rin, wag kang mag alala, may mga dapat lang muna kaming ayusin bago natin gawin ang plano." "Sige po, mauuna na muna ko, gagawin ko lang po ang inuutos nyo, babalik ako bukas ng gabi dala ang balita sainyo." Tumango naman sila parehas at ngumiti.   Napabuntong hininga nalang ito bago lumabas ng kwarto, naiinip na sya, gusto na talaga niyang simulan ang laban, gusto na niyang patayin ang mga taong matagal na nyang gustong saktan, dahil hanggat nabubuhay sila, hindi ito mapapanatag, dahil anytime pwede silang kumilos at unahan sya at ang mga kasama niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD