GUSTONG-GUSTO nang tumakbo palabas ni Carla nang mga sandaling iyon. How she wished, she didn't come. Si Evan ang kahuli-hulihang tao na gusto niyang makita. Rather, ang taong ayaw na niyang makita pa.
Tumawa si Brent. "Hopefully, my soon-to-be fiance kung sasagutin ako. Hindi ko pa siya girlfriend, pare. Plano ko palang sana ligawan siya ‘pag nagkataon." Tumingin ito sa kanya. "Carla, meet my friend, Evan. Evan, this is Carla," pagpapakilala nito sa kanila.
"Hi, Carla. Nice meeting you," saad nitong matiim ang pagkakatitig sa kanya habang nakalahad ang palad.
Tinitigan lamang niya iyon. Ayaw niyang tanggapin ang pakikipagkamay nito.
Nakahalata naman si Brent na parang natutulala siya kaya't tumikhim ito. Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang pakikipagkamay ng taong kinamumuhian niya.
Tila may bolta-boltaheng kuryenteng nanulay galing sa palad nito papunta sa palad niya. Agad niyang binawi ang kamay mula rito nang maramdamang marahang pinisil nito iyon.
"Tol, nandito ka lang pala."
Napabaling sila sa nagsalitang si Mark. Papalapit ito sa kanila. Kasama nito ang asawang si Nancy. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang tatlo na waring nagtataka kung bakit sila magkakasama.
Tinabihan siya ng kaibigan, at palihim siya nitong siniko.
"Yeah, I've met the visitors here," pormal na sagot ni Evan.
Tumango-tango si Mark. “By the way, tol, my wife, Nancy. You didn't come on our wedding kaya 'yan tuloy, ngayon mo lang siya nakilala," sabi nitong natatawa, sabay halik sa labi ng asawang si Nancy.
Kinurot ito ng kaibigan niya. "Huwag ka ngang ganyan. Nakakahiya," sabi nito.
"Okay lang 'yan para naman mainggit si Evan at maghanap na ng mapapangasawa," saad ni Mark na napahalakhak.
"I will. I will marry someone..." saad ng binata na bahagya siyang sinulyapan.
---
NAIPANGAKO ni Carla sa sarili na iyon na ang kahuli-hulihang pagkikita nila ni Evan. Hindi na niya nakita pang muli ang binata, kaya naman balik sa normal ang buhay niya.
Mag-iisang linggo na rin ang nakararaan nang mangyari ang hindi nila inaasahang pagkikita ng lalaki. As much as possible, she doesn’t want na mag-krus pang muli ang landas nila nang gabing iyon, kaya naman agad siyang pumuslit at iniwan ang nagkakasayahang bisita sa party. Ni hindi na niya nagawang magpaalam kina Nancy at Mark. Agad siyang nagpahatid sa bagong kakilalang si Brent. Tutal mukha naman itong mabait at mapagkakatiwalaan, kaya magaan ang loob niya rito.
It was a Saturday. Wala siyang pasok sa bangkong pinagtatrabahuhan, so she planned her weekly general cleaning of the house. Linis dito, linis doon ang ginawa niya. Madumi na rin ang suot niyang damit at tagaktak na siya ng pawis habang nakatungtong sa mesa at nililinis ang kisame.
"Huh? Sino kaya 'yon?" tanong niya sa sarili nang mayamaya’y makarinig siya ng doorbell sa labas. Wala naman kasi siyang ini-expect na bisita.
Naulit ang pag-doorbell, kaya naman dali-dali siyang pumanaog sa mesa at tinungo ang pinto.
Ikaw? piping bulalas niya sa isip nang mapagsino ang kaharap. It was Evan!
"Hi," bati nito sa kanya.
"W-what are you doing here? At paano mo nalaman ang bahay ko?" pormal niyang tanong.
Ngunit imbis na sagutin nito ang tanong niya ay dali-dali itong pumasok sa loob ng bahay.
"Hey! I said, what are you doing here?!" asik niya. "You're trespassing. Basta-basta ka na lang pumapasok nang hindi ka naman pinapapasok!" galit niyang dagdag.
Ngunit parang wala itong narinig. Bagkus ay dumeretso ito sa sulok kung saan nakalagay ang frame ng litrato niya. Kinuha nito iyon at tinitigan.
Hahablutin na sana niya iyon pero naging maagap ito.
"You're still young on this photo," komento nito.
"So?!" pagtataray niya. "Akin na nga 'yan!" sabi niya. Halos umusok na ang ilong niya sa galit. “The nerve of you—” Nanlaki ang mga mata niya nang bigla nalang siya nitong kinabig, at iniharap dito. "A-ano ba! Let go of me!" galit niyang turan.
Hindi ito natinag, bagkus ay nakatitig lang ito sa kanya. Para bang pinag-aaralan nito ang bawat detalye ng mukha niya.
Mayamaya’y may kinuha ito sa bulsa ng pantalon. "You've got a dirty nose.” anitong pinahiran ang tungki ng ilong niya gamit ang panyo nito.
Sa pinaghalong inis at gulat ay itinulak niya ang binata. "What are you doing here? I can't continue what I'm doing dahil nakakaistorbo ka lang!" asik niya.
"Ang taray mo na ngayon, ah!" he said, then smirked.
Sasagutin na sana niya ito nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad niya iyong kinuha sa lagayan ng TV. It was Brent calling.
"Hello, Brent. Napatawag ka?"
"Oh, sure! When?"
"Okay, no problem."
"Bye," panghuling sabi niya. She ended the call after that.
Muli niyang binalingan si Evan. Nasilayan niya sa mga mata nito ang galit. Pero bakit naman ito magagalit nang bigla-bigla? Kani-kanina lang ay parang okay naman ang mood nito. Ah, ewan!
Lumapit ito sa kanya. Pormal na ang mukha nito. "I'll pick you up tonight. Seven PM, sharp," sabi nito habang nakatitig sa kanya.
Bakit siya susunduin nito? Ano'ng mayroon? tanong niya sa isip. Nasa mukha niya ang pagtataka.
"Mom wants to see you." Tila nabasa nito ang mga katanungan niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabing iyon ng binata.
Mrs. Carmela Ricaforte was Evan's mother. Aaminin niyang napamahal ito sa kanya. Kaya nga parang ina na rin ang turing niya rito. Napakabait nito sa kanya. How she missed Tita Carmela. Pero bakit gusto siya nitong makita? Gayong matagal na silang wala ng anak nito—a decade perhaps.
"B-But why? I-I mean…" Hindi niya maituloy ang sasabihin sapagkat hindi niya alam kung paano isasatinig ang nasa isip niya.
"She misses you. I told her, you were on my party. Hindi siya naka-attend dahil na-confine siya sa hospital," pagpapaliwanag ng binata.
"I can't go—"
"You will go with me. That's final and irrevocable!" madiing putol nito. "I'll drop you by seven PM," anito, saka tuluyan nang umalis.
Nagtatakang sinundan na lamang niya ito ng tanaw.