NAKARATING sila ni Evan sa mansyon ng mga ito—ang mansyon ng mga Ricaforte. They reached there quarter to eight.
Walang itulak-kabigin si Carla. Napakaganda at napakalawak pa rin niyon. Napapalibutan iyon ng mga ornamental plants. May malaki ring swimming pool sa bandang gilid ng mansyon. The same house she had seen ten years ago, at mas lalong gumanda pa iyon ngayon.
When they finally reached the main door ay sinalubong sila ng isang kasambahay.
"Where's Mom?" tanong dito ng binata. Pero bago pa man ito makasagot ay namataan na nila ang Donya na papalapit sa kanila.
"Carla, hija," salubong na wika ni Mrs. Ricaforte, sabay halik sa pisngi niya. Gumanti rin siya ng halik dito. Nagbeso-beso sila. "Mas lalo kang gumanda ngayon, ah. The pretty girl I used to know turned to be a beautiful lady now," nakangiti pa nitong sabi.
"Salamat po, Tita," aniyang sinuklian ito ng ngiti.
Inakay sila nito papuntang kumedor kung saan maraming nakahandang pagkain.
While they were in the dining area, marami silang napagkuwentuhan habang kumakain.
Nandoon din ang ama ng binata, pati ang nag-iisang nakababatang kapatid na lalaki nitong si Michael who was only eighteen years old.
"Ang laki mo na, Mike, ah!" hindi niya napigilang komento. Mike was just eight nang huli niya itong makita.
"Siyempre, binata na 'to, eh," natatawang wika nito. "At pogi pa!" dugtong pa nito na sinabayan ng papogi points effect at kindat.
Nagkatawanan silang lahat sa iginawi nito. Nothing has changed, ang kulit pa rin pala nito.
"Eh, kayo? Kailan naman kayo magpapakasal ni Kuya Evan?" mayamaya’y tanong nito sa pagitan ng pagnguya na siyang ikinabigla niya.
Halos mabulunan siya sa tanong nitong iyon. Napaubo siya nang wala sa oras. Agad naman siyang binigyan ng tubig ni Evan, sabay hagod sa likod niya. Inisang lagok niya iyon.
She regained her composure. "Eh, hindi naman kam—"
"Maybe next year," agaw ng binata sa sasabihin niya. "We'll settle things first. What do you think, guys? dugtong pa nito habang nakangiti.
Palihim niya itong tinadyakan sa ilalim ng mesa. Tumingin siya rito na waring nagtatanong. What's this all about?
"Well, that's great, hijo," saad ng papa nito. "Para naman makita at makarga na namin ang aming magiging apo," ani pa nito na tila nangangarap na may karga-kargang bata.
Agad siyang pinamulahan ng mukha. Kung saan-saan na napupunta ang usapan. Wala bang alam ang mga ito sa tunay na nangyari sa kanila ng binata?
"Ilan ang gusto niyo, Pa?” nakangiting tanong ni Evan, saka inakbayan siya nito. “…at gagawin namin ng sweetie kong `to." dugtong pa nito, saka kinintalan siya ng mariing halik sa mga labi.
Napatda siya sa ginawa nito. The last time she felt that kiss was already a decade ago—when she was still in her teen-age years. She couldn’t help but to reminisce the past habang nag-uusap-usap pa rin ang mga ito.
Ten Years Ago...
"I LOVE you, Evan," nakangiting sabi ng dalagitang si Carla sa nobyong si Evan. Matanda ito ng tatlong taon sa kanya.
Kasasagot pa lamang niya rito, and he was her first boyfriend. She was very happy kasi niligawan siya nito. Matagal na kasi siyang may lihim na pagtingin dito. And it was a dream come true nang ligawan siya nito, kaya't walang patumpik-tumpik na sinagot niya ito agad. Kahit pa marami ang nagsasabing playboy raw ito ay hindi niya iyon pinakinggan. Basta't ang alam lang niya ay mahal niya ang binata nang higit pa sa kanyang sarili.
"Hmm... Really?” tanong nito sa kanya. "Then prove it," he said with a curt smile on his lips. His face seemed like teasing her.
"H-Huh?" naguguluhan niyang saad.
Natawa ito. "My sweet innocent angel," sabi nito. "Let me teach you how." Unti-unting bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya.
Napakislot siya nang lumapat na ang mamasa-masa nitong mga labi sa kanyang naghihintay na mga labi. The kiss was so gentle na parang may pagsuyo. Parang isang butihing guro na masuyong tinuturuan ang kanyang estudyante para matuto.
That was her first kiss... Her unforgettable first kiss...
---
WALANG imikan sina Carla at Evan habang nasa loob sila ng kotse ng binata at inihahatid siya pauwi. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ginawa at sinabi iyon ng binata kanina habang nagdi-dinner sila kasama ang pamilya nito. Kailangang maliwanagan siya kaya't bahala na. She would ask him!
"What were those all about, Evan?" panimula niya. Hindi man lang niya ito sinulyapan.
"Those what?" pagmamaang-maangan nito habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.
"`Goodness! Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Why did you utter those words to your family? Baka mamaya, maniwala sila. A-and why...why..." Hindi niya maituloy ang nais niya sanang itanong.
"Why did I kiss you? There, I said it!” wika nito sa mataas na boses.
Bigla siyang napatingin dito. Nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito. Walang anu-ano'y bigla itong nagpreno. Halos mapasubsob siya sa dashboard kung hindi lang siya naka-seat belt. Napasigaw siya sa sobrang takot.
"How dare you! Magpapakamatay ka ba?! Huwag mo akong idamay!" galit niyang bulyaw. Hindi niya maintindihan kung bakit pabigla-biglang nagbago na naman ang mood nito. Sira-ulo talaga ang lalaking ito!
---
NAIINIS si Evan sa sarili.
"Why did you utter those words to your family?! Baka mamaya maniwala sila!"
Parang sirang plakang paulit-ulit niya iyong naririnig, and it hurts to hear that phrase from Carla. Parang libo-libong karayom ang tumatarak sa puso niya nang marinig niya iyon mula rito.
Gusto sana niyang sabihing, Puwede naman nating tutuhanin ang lahat. Puwede naman nating ibalik ang kahapon. Pero natatakot siyang sabihin iyon. Natatakot siya sa magiging kasagutan ng dalaga. Alam niyang galit pa rin ito sa kanya. Nararamdaman niya iyon. Hindi naman niya ito masisisi, 'cause he hurts her feelings back then. Gusto sana niyang magpaliwanag dito, pero alam niyang hindi siya nito pakikinggan.
Napabuntong-hininga na lamang siya. He's going to do the second plan, the second choice...and that is to use his Mom, his last alas! Alam niya kasing malapit ang loob ng dalaga sa kanyang inang si Carmela.
---
"MY FAMILY likes you so much, specially my Mom. I didn't tell her what happened between us a decade ago. Ayokong magdamdam siya dahil may sakit siya sa puso. No one in my family knows the real score between you and me."
Narinig ni Carla ang sinabing iyon ng binata matapos ang tila napakahabang katahimikan. Bigla siyang napabaling dito. Imposible naman kasing hindi makahalata ang pamilya nito na matagal na silang walang relasyon ng binata.
"She wants us to get married." Ang panghuling sinabi nito na ikinabigla niya. Pagkatapos niyon ay pinaandar na nito ang sasakyan.
She wasn't able to utter any word. Speechless siya hanggang sa maihatid na siya nito sa bahay niya.