CHAPTER EIGHT

853 Words
"OUCH!" bulalas ni Carla nang may makabungguan siya sa supermarket ng isang mall. Nagpunta siya roon pagkatapos ng trabaho niya. Kulang na kasi ang stocks niya ng mga grocery items sa bahay. She was so busy sa pamimili kaya't hindi niya namalayang may tao pala siyang makakabungguan. "Naku, I'm sorry, Miss," hinging-paumanhin ng lalaki. Ngumiti siya rito. Alam niyang may kasalanan din naman siya. "It's okay. May kasalanan din naman ako, eh. I was so busy sa pamimili kaya hindi ko namalayang may makakabungguan pala ako."                                  Ngumiti ito. "Miss, ako nga pala si Brendon," pagpapakilala nito habang nakalahad ang palad sa kanya. “I’m Car—” "Oh, hon. Nandito ka lang pala," sabi ng baritonong boses na nagpatigil sa sinasabi niya. Inakbayan siya nito. Awtomatiko siyang napabaling para lang masilayan ang seryosong mukha ni Evan. Tiningnan niya ito ng masama. Hindi niya alam kung ano na naman ang pumasok sa kokote nito at ginawa nito iyon. Binalingan nito si Brendon. "Pare, ako nga pala si Evan." Inalis ng binata ang pagkakaakbay sa kanya, saka inilahad ang palad sa bagong kakilala. "Carla's boyfriend," dugtong pa nito na ikinagulat niya. "Brendon, pare.” Nakipagkamay ang huli. “Pasensiya na, akala ko kasi’y mag-isa lang si...Carla, right?" Binalingan siya nito, saka inilahad muli ang palad sa kanya. Nakangiti siyang tumango, at tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Sige, mauna na 'ko sa inyo," anito, saka tuluyan na silang iniwan. Binalingan niya si Evan. Tinitigan niya ito ng masama. Ngunit nakakunot-noo lang ito na tila ba may malalim na iniisip. Hindi niya mawari kung ano na naman ang nasa utak nito, kaya naman walang lingon-likod na iniwan niya ito. Naglakad siya patungong counter para magbayad na ng mga pinamili niya. Sumunod ito sa kanya. Nakakunot-noong binalingan niya ito. "Ano ba'ng problema mo?" inis na tanong niya. "Bakit ka ba buntot nang buntot diyan? Hindi naman kita kasama, ah!" she added. Nagtaka pa nga siya kung bakit nandoon ang binata. Sinusundan ba siya nito? Pero bakit naman nito gagawin iyon? "I'll pay your bills," kapagkuwa’y tipid at pormal nitong sagot. "Pay my bills?" ulit niya sa sinabi nito. "You don't have to. May pera ako!" pagtataray niya. Hindi ito sumagot. Seryoso pa rin ang mukha nito hanggang sa siya na ang magbabayad sa counter. Aabutin na sana niya sa cashier ang kanyang ATM card nang bigla na lang unahan siya ng binata. Iniabot nito sa cashier ang sariling credit card nito. Tiningnan na naman niya ito ng masama, saka binalingan ang cashier. "Miss, ito ang ATM ko." Iniabot niya ang kaniyang ATM card. "Hindi ko kilala 'yang nag-abot ng credit card sa 'yo." "No, Miss, sige na isalpak mo na 'yan," seryosong wika ni Evan sa cashier. "May LQ lang kami kaya nagkakaganyan 'yan," ani pa nito. Napataas-kilay siya, saka tiningnan ito ng masama. Napakapormal pa rin ng mukha nito. No traces of emotion found on his face. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng binata nang mga sandaling iyon. Wala na siyang nagawa nang isalpak ng cashier ang credit card nito para ipambayad sa mga pinamili niya. "I'll be the one to bring you home," sabi nito, saka inunahan siyang bitbitin ang mga pinamili niya. Nagpatiuna itong naglakad palabas ng mall. Napasunod na lamang siya rito. --- WALANG imikan sina Carla at Evan sa loob ng kotse ng binata. There was a total silence between them. Masyadong nakakabingi ang katahimikang iyon. Seryoso pa rin ang mukha ng binata na tila ba napakalalim ng iniisip hanggang sa sapitin na nila ang bahay niya. Lalabas na sana siya ng kotse nito nang bigla nitong tawagin ang pangalan niya, kaya naman napahinto siya. Ngunit hindi pa rin ito nagsasalita kaya’t inis na tinitigan niya ito. "Kung hinihintay mong magpasalamat ako sa ginawa mong pagbayad sa mga pinamili ko. Sorry to say but I won't. Hindi kita pinilit na gawin 'yon," pormal niyang sabi, saka akmang bubuksan na ang pinto ng kotse. "Wait!" Hinawakan nito ang braso niya. Napatingin siya rito. Nagtama ang mga mata nila. Hindi niya alam kung ano ang nakita niya sa mga mata nito. Was it longing? "About the boyfriend thing I mentioned awhile ago to that guy…" anito habang hawak pa rin ang braso niya. Still his eyes were on her. “I said that because..." Hindi nito maituloy ang nais sanang sabihin. "You don't need to explain." Nag-iwas siya ng tingin. "But I need to. Ginawa ko 'yon dahil nagse—" "It will never happen again, Evan." Iwinaksi niya ang kamay nito. "Huwag mo nang gagawin 'yon dahil kahit na kailan ay hinding-hindi na mangyayaring maging tayo pa," seryoso niyang turan, saka binalingan ito. She saw a trace of pain in his eyes. Ngunit saglit lang iyon, at napalitan iyon ng galit. Nag-iwas ito ng tingin. "You can go," nakatiim-bagang nitong saad. Mariin ang pagkakahawak nito sa manibela, at deretso ang tingin sa daan. Naggagalawan ang mga muscles nito sa braso at mukha, hudyat na may pinipigilan itong galit. Wala na siyang nagawa kundi ang lumabas sa kotse ng binata. Narinig na lamang niya ang pagharurot ng kotse nito paalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD