BENALEWALA na lamang ni Carla ang mga sinabi sa kanya ni Evan. She lived her life as if nothing happened. As if nothing has been said and done. Life must go on, ika nga.
Nagpapasalamat naman ang dalaga dahil magmula nang gabing iyon ay hindi na nagpakita pa ang binata sa kanya. Maybe he wasn't serious, maybe he was just fooling around when he said those words. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang manlolokong katulad nito?
Tili ng kaibigan at katrabaho niyang si Joy ang sumalubong sa kaniya nang dumating siya nang umagang iyon sa pinagtatrabahuhan niyang bangko bilang teller. Agad niya itong nilapitan.
"Hey, Joy! Ano’ng nangyayari sa 'yo? Nakakita ka ba ng multo?" nagtatakang tanong niya rito.
"Loka!” anito. “Girl, may bunch of different colors of roses ka at imported chocolates doon sa counter mo. Take note, huh! Imported!" sabi nito na pinakadiin-diinan ang salitang “imported.”
"Baka naman, hindi para sa 'kin 'yon," wika niya. Hindi siya interesado sa flowers and chocolates na iyon.
"Para sa 'yo 'yon, 'no! Nakapangalan kaya sa 'yo n’ong i-d-in-eliver dito ng delivery boy," saad nito. "Tara, tingnan natin 'yong chocolates—este, both flowers and chocolates pala," dugtong nito, saka napahalakhak.
Napailing na lang siya sa kalokohan ng katrabaho. Nagpatiuna siya patungong counter. Sumunod naman ito sa kanya.
Kinuha niya ang flowers at binasa ang sulat sa card na nakalagay roon.
"Ano’ng sabi, girl? Pabasa ako," excited na pakiusyo nito habang nasa tabi niya.
My Princess,
Kissed of your love, I longed to have in whatever way
Eager to see you again day by day
Reaching for your heart till eternity
Whisper of love I will forever say
Beautiful in my eyes, you will always be
In my heart, you will always stay...
Your Prince
"Kilig naman, girl!" Tumili si Joy pagkatapos nilang mabasa ang nakapaloob sa card, saka sinundot siya nito sa tagiliran sanhi para mapaigtad siya. "Talagang rhyming pa, ah! Parang poem lang ang peg. Ang sweet," kinikilig na dugtong nito na para bang ito ang nabigyan ng flowers and chocolates. "Sagutin mo na ang prince mo, girl. Para tumira na kayo sa castle and live happily ever after," tatawa-tawang anito.
"Heh! Magtigil ka nga," saway niya. "Kung gusto mo, sa 'yo na lang 'yan," saad niya, sabay bigay ng flowers at chocolates dito.
"Okay ka lang, girl? Talagang ibibigay mo ‘to sa ‘kin?" Namimilog ang mga mata nito.
Tumango siya. "Oo sabi. Wala akong panahon sa mga taong ayaw magpakilala."
"Ay, ang taray ng lola!" tumatawa nitong sabi. "Stalker mo pala si Prince. Try mo ngang hanapin siya sa palace o 'di kaya’y ipahanap mo kay fairy godmother." Humagikhik ito.
Natawa siya nang marahan sa sinabi ng kaibigan. "Ikaw talaga, puro ka kalokohan," komento niya. "`Work na nga tayo. Mamaya pagalitan pa tayo ni Sir, eh." Tukoy niya sa branch manager ng nasabing bangko.
Halos every week ay nakakatanggap si Carla ng bouquet of flowers at chocolates. Minsan naman ay may teddy bear pang kasama. Every flowers na natatanggap niya ay iba-iba ang note na nakasulat doon, yet it comes from the same person—Prince! Kaya naman sa inis niya ay palagi niya iyong ipinamimigay. But not to the extent na itatapon niya. Sayang naman kasi, eh.
---
“AY, KAMBING!” bulalas ni Carla nang bigla na lang may humablot sa kanyang braso nang hapong iyon habang papalabas siya sa bangkong pinagtatrabahuhan. Kunot-noong napatunghay siya sa may gawa niyon. Only to find out that it was Evan! Napaismid siya nang wala sa oras.
"Ihahatid na kita," he uttered in a demanding voice.
Umarko ang isang kilay niya sa paraan ng pagsasalita nito. Inis na iwinaksi niya ang kamay ng binata.
"Don't ever try to test my temper, Carla!” anito nang akmang tatalikuran niya ito. “Gusto mo pa yatang kargahin kita papasok ng kotse," dugtong nito na halatang pinipigilan ang inis.
"You wouldn't dare. You idiot!" bulyaw niya, saka nagpatiunang maglakad palayo rito. “Ay—” Nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong buhatin, saka ito naglakad papuntang kotse nito. "Bastard! You b***h!" nanggagalaiting sigaw niya. "Get your nasty hands off me! Ibaba mo 'ko! Ibaba mo 'ko sabi!" Nagsisisigaw siya habang nagpupumiglas sa pagkaka-karga nito.
Nakakuha na sila ng atensiyon. Pinagtitinginan na sila ng mga tao na waring may pinanonood na shooting ng artista. Nakaramdam siya ng hiya kaya naman tumigil siya sa kasisigaw at kapipiglas mula rito, until they reached his car at maipasok na siya roon.
"I hate you! Bastard!" bulyaw niya nang makaupo na ito.
"Really?" wika nito na parang wala lang.
"Bababa ako. Huwag mo 'kong susunda—" Hindi niya naituloy ang nais sanang sabihin nang walang babalang kabigin siya ng binata at hagkan sa mga labi.
Marahas ang mga halik nitong iyon na para bang nagpaparusa sa kung anuman ang nagawa niya kaya naman nanlaban siya.
Ngunit hindi pa rin ito natinag. Patuloy pa rin ito sa paghalik nang marahas sa kaniya.
Huminto lang ito nang makarinig ng busina ng kotse. `Buti na lang at tinted ang sasakyan ng binata kaya't walang nakakita sa pangyayaring iyon sa pagitan nilang dalawa.
Tiningnan niya ito ng masama. But the nerve of this man! He just smirked.
"Serves you right, Miss Carla Marie Vergara. I warn you, didn't I? I said, don't test my temper," sabi nito, sabay sandal sa upuan ng kotse. He stared at her teasingly, hanggang sa mapadako ang titig nito sa mga labi niya. He licked his lower lip using the tip of his tongue na waring nang-aakit.
"p*****t! Maniac!" nanggagalaiting bulyaw niya. Nangangatog ang tuhod niya sa hindi niya malamang dahilan. Hindi niya alam kung dahil ba sa inis dito? O sa halik na iginawad nito?
Humalakhak ang binata. "My pleasure, dear." Kinindatan siya nito.
Napanganga na lamang siya sa iginawi nito, at sa last word na sinabi nito…
Dear...