CHAPTER TWO

553 Words
MATAMANG pinagmamasdan ni Carla ang sariling repleksyon sa life-size mirror na nasa loob ng kanyang kuwarto. Handa na siya para sa Welcome Party na dadaluhan nila ng kaibigang si Nancy. She doesn't even have a clue kung sino ang iwi-welcome sa party na 'yon. Basta’t ang sabi ng kaibigan ay magpunta sila roon sapagkat kaibigang matalik daw 'yon ng asawa nito. Napapayag na rin siya kahit noong una ay ayaw niya. Masyado kasi siyang kinukulit ng kaibigan na sumama. Tutal it was an open party naman daw, kahit na sino ay puwedeng magpunta roon basta't may kakilala lang. Nancy became her best friend nang lumipat siya ng school in college. They had been friends for almost eight years already. Masasabing mapalad siya for having such a friend like Nancy. Mabait ito at mapagkakatiwalaan, kaya naman hindi siya nangiming ikuwento at ipagtapat dito ang nakaraan niya. She sighed for a brief moment upon reminiscing that past. Sino ang makakapagsabing niloko at iniwan siya ng isang lalaki? Wala. Because after a year of grieving on her past, she learned to move on. She portrayed a happy-go-lucky gal in everyone's eyes. Masayahin siya sa paningin ng ibang tao. She portrayed a strong woman na tila walang mapait na nakaraan. Maging sa physical looks niya, marami ang nagsasabi na napakaganda raw niya. She got a pointed and cute nose, kissable and pouted lips na parang nag-aanyaya ng isang matamis na halik. Ang mga mata niya’y waring nangungusap kung tumitig. Mapupungay iyon at mahahaba ang pilik-mata. She also got pair of dimples on her cheeks na mas lalong nagpapatingkad ng kagandahan niya sa tuwing ngumingiti siya. Makinis at maputi ang kutis ng balat niya na binagayan ng magandang hubog ng katawan with her five feet, six inches height. "Okay na kaya itong suot ko?" mahina niyang tanong sa sarili. She was wearing a red cocktail dress na hanggang tuhod ang tabas at pocahontas style. Mas lalo iyong nagpatingkad sa kaputian niya at sa magandang hubog ng kanyang katawan. Bare shoulder din iyon na mas lalong nagpalitaw sa makinis at malasutla niyang leeg at balikat. P-in-onytail lang niya ang buhok niya at naglagay ng mild na makeup. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang makarinig ng busina ng kotse mula sa labas. "Sina Nanz na siguro 'yon," bulong niya sa sarili. Dali-dali niyang isinuot ang three inches Stiletto niya. Kinuha ang shoulder bag, saka pumanaog pababa at lumabas na ng bahay. ____________ "WELL, what more can I say? Tinalbugan na naman ako ng bruhang ito," pambungad na saad ni Nancy pagkalabas niya. "Loka! Pareho lang tayo, 'no!" ganting sabi niya rito, sabay halakhak nang malakas. Natawa rin ang kaibigan pati ang asawa nitong si Mark. "I bet, my best friend's gonna like you," sabi ni Mark sa kanya. "You mean, Hon, 'yong iwi-welcome sa party na 'yon?" tanong dito ni Nancy. "Yup! He should meet Carla para naman mabawas-bawasan ang pagka-palikero n’on," ani Mark na natatawa. Nanlaki ang butas ng ilong ng kaibigan niyang si Nancy sa sinabi ng asawa nito. "Loko ka talaga. Ibibigay mo ang kaibigan ko sa playboy na lalaki?" sabi nito sa asawa habang pinandidilatan ng mata. "Oh, siya, tama na," awat niya sa dalawa, "Baka pag-awayan niyo pa 'yan. Ako pa’ng sisihin niyo," dagdag niyang saad na ikinatawa ng mga ito, saka sila umalis patungong party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD