Ten Years Later...
"NINANG, here we are!" narinig ni Carla na sabi ng limang taong gulang na si Candy. Inaanak niya ito. Tumakbo ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Tama na 'yang pagpapaganda mo. Kaya maraming boylet ang umaali-aligid sa 'yo, eh," natatawang sabi ng kaibigan niyang si Nancy. Ina ito ni Candy. Nakasunod ito sa anak.
"Ninang, can I switch on your TV? I'll watch Dora," paalam ng bata.
"Oh, sure, baby. Go ahead," nakangiti niyang tugon, saka binalingan ang ina nito. "Hell with those men!" She disgustingly groaned.
Humalakhak ang kaibigan sa reaksyon niya. Tinitigan siya nito sa mga mata. "Bitter then, bitter now, bitter ‘til forever?" saad nito na pinakadiin-diinan ang salitang "bitter."
"Of course not! Wala lang akong panahon sa mga ganyang bagay. Mas priority ko ang magtrabaho, kumayod para may makain at kahit papaano’y makatulong kina Mama sa probinsiya," mahaba niyang litanya habang inaayos ang mga gamit sa shoulder bag. Magsa-shopping kasi sila ng kaibigan. Kaya ito pumunta sa bahay niya para sunduin siya.
"Oh, well, friend. You better record that speech of yours. Eh, ilang ulit ko nang narinig sa 'yo 'yan," sabi nito habang natatawa.
"Yeah, soon I'll buy tapes to record it at ibibigay ko na lang sa 'yo para i-play mo na lang," she said na sinabayan ng tawa. Sinakyan na lang niya ang biro ng kaibigan.
"Carl, you're already twenty-six. You're not getting any younger. Wala ka pa bang balak sagutin ang isa sa mga manliligaw mo?" mayamaya’y seryoso nitong tanong. Mataman siya nitong pinagmamasdan.
"Wala," tipid at madiin niyang sagot dito.
"Aba, huwag kang ganyan. Baka mapag-iwanan ka ng panahon, sayang naman ang breeding mo, best," natatawang tugon nito.
"Eh, 'di magma-madre na lang ako."
"Ikaw? Magma-madre?!" OA nitong tanong sa kanya. "Don't ever dare, best. Baka mamaya niyan ay maglabasan pa ang mga Father sa Parokya. Naku, kasalanan mo pa." Humalakhak ito.
"Ang OA mo, best."
"What if?... Hmmm... I-blind date kita? What do you think?" mayamaya’y sabi nito.
"What?!” gulat niyang bulalas. “Are you crazy, Nanz? Never! Kahit nga manliligaw ko, wala akong nagugustuhan. How much more with that nonsense date with someone I don't know?" litanya niya na ikinatawa nito.
"Cool ka lang, mag-max ka lang…" pakanta-kanta nitong sabi. "Kaya nga blind date kasi 'di mo pa kilala. And who knows, magustuhan mo, 'di ba?" nakahalukipkip nitong sabi.
"Ah, basta. Ayoko. Period." she said stiffly. "We better get going. Marami pa tayong bibilhin for tonight's party, okay? Come on," sabi niya, saka nagpatiunang lumabas ng bahay.
Walang nagawa ang kaibigan kundi ang mapa-iling na lang. Tinawag nito ang anak, saka sumunod sa kanya.