Nagkita kami ni JB sa school sa napag-usapang oras. Nagtungo kami sa isang mall at magkahawak ang aming mga kamay na namasyal. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kilig sa aming dalawa. Napakagwapo niya talaga pero mas gwapo pa rin sa kanya ang Kuya Van ko! Teka..paano napunta sa aking utak si Kuya Van at pinagkukumpara ko silang dalawa. Iba na 'to! "Kumain tayo ng ice cream Suzy, gusto mo ba?" "Ikaw ang bahala JB," tugon ko. "Doon tayo," turo niya sa isang ice cream parlor, sabay hila sa akin. Nang makabili ay muli kaming lumabas ng mall at naghanap ng matatambayan sa tapat ng hindi pa kataasang sikat ng araw. Na-upo kami sa bench habang pinagmamasdan ang mga taong namamasyal, mga batang nakahawak ng mahigpit sa kamay ng kanilang mga magulang. "Ang ganda dito 'no?" pagbubukas