Agad akong nagising nang maramdamang hindi na ako makahinga, parang sinasakal ako hanggang sa malagutan ng hininga. Nang aking idilat ang mga mata ay nakita kong ang isang paa lang pala ni Kuya, ang nakadagan sa aking leeg at pinagtatangkaan akong paslangin. Dali-dali ko itong tinanggal bago pa ako tuluyang malagutan ng hininga. Pinalo ko siya ng malakas sa braso at saka mabilis na itinulak pababa ng kama. "Kuya Van!" bulalas ko, "Papatayin mo ba ako ha?" singhal ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig. "Suzy, ang ingay mo." pupungas-pungas niyang wika. "Gising! Bangon!" apak ko sa binti niya. Agad naman siyang nagdilat ng mga mata at naiinis na tumingin sa akin. I bet, he is still wondering, where he is right now o di kaya ay iisipin niyang isa ako sa mga alipores niya. Nag