Nang magsimula na ang palabas ay agad akong napapiksi sa kinauupuan. Just the Way You Are ni Enrique Gil at Liza Soberano ang napili naming panoorin. See mga teacher namin sila tapos pang teens ang papanoorin nila, nakakawindang hindi ba? Naramdaman ko ang ginawang paghawak ni JB sa aking isang kamay. "Ang lamig," bulong niya, doon ko palang napagtanto na pareho kaming walang jacket na dala. Marahan kong itong kinalas at kumuha ako ng popcorn para hindi gaanong halata, nagsimula na rin kaming kumain ng popcorn habang nakatutok ang mga mata sa screen. Napansin kong tumahimik ang katabi ko kaya pasimple akong nagbaling sa kanila ng paningin. Natatawa ako sa itsura nilang dalawa, si Kuya Vandrou ay nakahalumbaba habang si Miss Lala ay malungkot na nakatutok ang mga mata sa screen. Dala