Mabilis na sumapit ang araw ng championship ng game nila JB, at bago mangyari 'yon ay magpaparada muna kami hanggang sa field na paglalaruan nila. Kanina ko pa hinihila ang aking short na suot pababa, pakiramdam ko ay kakainin na ako ng buhay ng mga taong nakakapansin sa akin. Nakashort ako ng maiksi na kulay pink na tenernuhan ng white blouse na labas ang pusod. Nakarubber shoes rin ako ng black na my 2 inch heels. Ito ang ayaw ko sa beauty pageant, maraming arte. Nakikita ng lahat ang balat ko pati yata kaluluwa ko ay nakikita na nila. Nakaponytail ang mahaba kong buhok at nilagyan ako ng kaunting make-u, ang pinaka ayaw ko sa lahat at sa parte ng pagiging isang babae. "Suzy!" bulalas ni JB. "Ang ganda mo talaga!" "Salamat JB," tugon kong nahihiya. Walang pag-aalinlangan niya ak