Tulala ako hanggang sa mag-uwian na kami, tumayo ako at akmang lalabas na ng room nang marinig kong tinawag ako ni Miss Lala. Ang babaeng lihim kong karibal sa aking asawa. "Suzy, magpaiwan ka at may kailangan tayong pag-usapan," aniya. Muli akong umupo sa upuan without saying anything, habang pinapanuod ang mga classmates kong lumalabas na ng aming room. I missed Cass, sobrang namimiss ko na siya. Nang maubos na ang tao sa room ay sumenyas si Miss Lala na lumapit ako sa kanya. "Sa tingin mo anong talent ang gagawin mo?" tanong niya. Nahihiya akong umiling, wala akong talent pero kapag sinabi ko 'yon baka pagtawanan niya lang ako. Ayaw ko itong gawin, labag ito sa aking kalooban kaya bakit ako ang mag-iisip? "Wala," iling ko, "Wala po akong alam na kahit ano Miss Lala." "Hmmn..