Chapter 1

1757 Words
Nasa cafeteria kami ng school ngayon at kasalukuyang nagme-merienda, first day of class bilang isang senior student dito sa Manila High. At dahil first day palang ay wala pang gaanong ginagawa, kung hindi ang maglinis ng room, magpakilala ng mga transferee at kung anu-ano pa na nakasanayan nang gawin sa simula ng mga klase. Hindi ako matalino at pasaway ako, iyan ang madalas kong marinig sa mga teacher ko at mga kaklase ko. Hindi naman ako pasaway sadyang madaldal lang talaga ako lalo na kapag kasama ko ang nag-iisang kaibigan ko. Si Cass, na nakilala ko noong elementary palang ako na naging kaklase, kaaway at hindi naglaon ay naging kaibigan. Kasama ko siya sa lahat ng kalokohan, kalungkutan, at tanging siya lang ang aking pinagkakatiwalaan pagdating sa lahat ng bagay. "Ano ang nangyari sa bakasyon mo, Suzy?" excited niyang tanong sa akin. Magkaharap kaming nakaupo sa isang mesa habang umiinom ng softdrinks. Palagi niya 'yang tinatanong sa akin kada unang araw nang pasukan. Gasgas niya ng linya. "Kagaya ng dati ganoon pa din, wala namang nakaka-thrill doon." tugon kong halata ang hindi pagiging interesado sa tanong niya, "Pumunta lang kami sa townhouse namin sa Tagaytay at doon ko ginugol ang aking buong bakasyon, kasama ang dagat, mga bundok at ang medyo malamig na panahon. At syempre hindi mawawala ang mapang-asar kong Kuya." "Ikaw talaga Suzy, dapat nga maging masaya ka diyan." hampas niya sa aking braso ng hawak na straw ng softdrinks niya, "Okay ka na ba ngayon? Hindi ka na iritable?" "Oo naman. Okay na ako," tugon ko. Hindi kaila sa kanya ang nangyari nang nagdaang mga taon. Ang taong gusto ko nang kalimutan dahil sa isang pangyayaring halos sumira sa aking buhay. "Dapat matuto kang mag-appreciate ng mga nasa paligid mo, dapat maging masaya ka dahil nakasama mo sila." litanya niya na akala mo isang pastora. "Ganoon? Eh, ang boring kaya." irap ko, "Sige nga palit tayo next summer, ako ang sasama sa magulang mo then ikaw ang sasama sa parents ko with Kuya Shawn. Ano Deal?" kunot-noo kong wika. "Heh! tumigil ka nga, umabante na naman iyang pagiging isip-bata mo." "Wow! May isip-matanda dito oh!" pang-aasar ko sa kanya. Pero alam niyo kung alin ang masayang parte ng pagiging kaibigan niya? Hindi siya pikon, kahit anong asar ko sa kanya hindi 'yan nagagalit, hindi ko nga alam kung bakit napakahaba ng pasensya niya pagdating sa akin. "Umayos ka na Suzy, act according to your age." Mabilis akong napaayos ng upo nang matanaw kong padating si Van este Kuya Van, na may malawak na ngiti sa lahat. Mukhang okay na siya, mukhang natanggap niya na ang lahat. What is he doing here? Isa siyang teacher pero hindi makapasa-pasa sa board exam. Nakaka limang ulit na ata siya hindi pa din makapasa. Puro kasi pambababae ang alam, maniac! Ano bang utak ang meron siya? Ang makita siyang may masayang ngiti ay sobrang strange sa akin. Tanggap na ba niya talaga? Tanggap na niya ang lahat? O magaling lang siyang magtago ng sakit? "Hi Kids!" maligayang bati niya nang makarating siya sa table namin. Hindi ko siya pinansin kagaya ng aking nakasanayan na, pero itong si Cass todo pa cute at kwento sa kanya ng kung anu-ano. Hindi ko alam kung kailan sila naging close o sadyang madaldal lang siya? Anak na din halos ang turing nila Mama at Papa sa kanya pero boring din siyang kasama at kagaya ni Kuya Shawn, mapang-alaska. At isa pa ang manyak niya, hindi ko makakakimutan ang ginawa niya sa akin noon. Nakadikit na 'yon sa aking sistema. Tumayo na ako bitbit ang aking baso at akmang iiwanan na sila nang pigilan niya ako sa isang braso. "Hey! Little S, saan ka pupunta?" nakangiti niyang tanong. He never changed, even a bit pero 'yong mga mata niya ang nagsasabing he changed a lot. "Papasok na ako ng room," nguso ko sa kanya sabay tingin sa braso kong hawak niya, "Umuwi ka nalang sa bahay at pagtiyagaan mong kausapin si Kuya Shawn." Umiling siya at natatawang tumayo, ini-upo niya akong muli sa upuan na parang isang bata. Pinalo ko siya sa braso dahil nailang ako sa ginawa niya, hindi na ako bata. Nagulat naman siya nang gawin ko 'yon kaya nagtataka siyang tumingin sa akin. "Ang sakit kaya, binalya mo ako pa upo sa upuan ko. Pwede mo namang sabihin sa akin na huwag muna akong umalis, kung gusto mo akong makausap!" maktol ko sa kanya. "Naku, Kuya Van lagot ka! Parang hindi mo kilala ang isang iyan, mahirap pa namang amuin 'yan!" pananakot sa kanya ni Cass. Alam kong alam 'yon ni Kuya Van, sa tagal na namang kasama ko siya noon. Nagkunwari akong iiyak na pero sa totoo lang ang sarap pagtripan ni Kuya Van. "Ha? Teka! Sandali!" natatarantang saad niya, "Huwag kang umiyak, anong gusto mo? Bibilhan kita." Nag-apir kami ng lihim ni Cass sa ilalim ng table. Gusto na naming humagalpak ng tawa kaya lang mabubuko ako na nag-iinarte lang. Ang hilig-hilig ko pa ring pagtripan siya, kahit na alam kong may masakit at nakakadurog puso siyang nakaraan na alam kong sangkot ako. "Cass..iwan mo muna kami ni Suzy, kakausapin ko lang siya." maya-maya ay utos nito sa kanya. Naku, hindi pwede ito. Bakit si Cass pinapaalis niya tapos ako hindi? Isinubsob ko ang aking mukha sa table nang makitang tumayo si Cass at tuluyan na akong iniwan. Tinapik niya ako kaya napilitan akong tumingin sa kanya. Ini-abot niya sa akin ang isang balot ng imported na chocolate. "Suzy, pasensya ka na 'yan lang ang nakayanan kong ipasalubong sa'yo," ngiti niya, "Kaya pinaalis ko si Cass dahil alam kong maiinggit lang 'yon sa'yo." "Ah.." tango-tango ko, "Kaya pala pinaalis mo siya, tiyak magagalit iyon sa'yo kapag nalaman niya na ako lang ang binigyan mo." nakangisi kong wika. "Kaya nga pinaalis ko upang hindi siya mainggit sa'yo," "Naku Kuya Van, malalaman at malalaman niya ito." "Huwag mong sasabihin," "Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya." Agad niyang kinuha ang wallet niya at inabutan ako ng isang libo. "Oh! Ayan!" abot niya dito, "Ibigay mo 'yan sa kanya." Hindi ko alam kung bakit nagpapauto siya sa akin, gayong bata pa ako, pwede namang i-deny niya na binigyan niya ako ng chocolates hindi ba? "Little S, wala na akong pera." apela niya nang hindi ko pa tinitiklop ang nakalahad kong kamay sa harapan niya, "Tig 500 nalang kayo diyan." Tumayo ako at ngumiti, "Okay, sige. Salamat Kuya Van." Walang lingon-likod akong lumakad palabas ng cafeteria, hindi ko na siya tinapunan pa ng kahit isang sulyap. Nagtungo ako sa room namin at agad kong ibinigay kay Cass 'yong limandaan na ipinabibigay ni Kuya Van. "Yan nalang daw 'yong pasalubong sa'yo ni Kuya Van, tapos sa akin chocolates lang." pakita ko ng hawak na chocolates. "H-Ha?" nagtataka niyang tanong, "Bakit naman ako bibigyan ni Kuya Van ng limandaan e may pera naman ako? Tayo?" Umiling lang ako at nagkibit-balikat sa tanong niya, ayokong sabihin sa kanya ang lahat. "Ililibre kita ng fishball at kikiam mamaya pag-uwi natin," bulong niya sa akin pagkaupo ko. Hindi ako pataygutom pero agad nagningning ang aking mga mata nang marinig ang sinabi niya at malawak na ngumiti sa kanya. "Salamat Cass!" ganting bulong ko ng malakas. Isang kanto lang ang pagitan ng mga bahay namin ni Cass, kaya sabay kaming pumapasok at umuuwi galing school at araw-araw din kaming kumakain ng fishball at kikiam. "Class dismissed!" Halos takbuhin na naming dalawa palabas ang pintuan ng classroom at ng gate papunta ng stall ng fishball at kikiam na nasa labas ng aming paaralan. "Ten pesos!" I whispered habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya. "Walang problema," tugon niya. Napahinto lang kaming dalawa sa pagtakbo, nang makasalubong namin si JB. Nahihiya akong ngumiti sa kanya at nagpatuloy sa mabagal ng paglalakad. Hindi ko mapigilan ang aking puso sa pagwawala, tuwing makikita ko siya. "Crush mo," nguso ni Cass. "Huwag kang maingay!" awat ko sa kanya. Muli kaming tumakbo nang lumampas na siya sa amin. At dahil inasar ako ni Cass at umorder ako ng fifteen pesos na fishball at fifteen na kikiam. Natatakam pa akong binantayan ito habang niluluto. "Suzy ang takaw mo talaga," hinaing niya na akala mo inagawan ko ng kinakain niya, "Saan mo ba inilalagay ang mga kinakain mo ha? Sa buto? Hindi ka naman kasi tumataba," Hindi ko siya pinansin sa kanyang panunuya dahil nakita ko nang inahon sa kawali ang order ko at inilalagay na ito sa baso. "Matamis at maanghang po Kuya," saad ko na para sa sauce. Kumuha ako ng stick at sarap na sarap itong nilantakan pagkaabot sa akin. Kinuha na din ni Cass ang order niya at saka binayaran. Nagsimula na kaming mabagal na naglakad pauwi ng aming tahanan, habang kumakain ng streetfoods. "Ang bait talaga ni Kuya Van 'no?" maya-maya ay sambit niya habang ngumunguya. Tumango lang ako dahil punong-puno ng kikiam ang bibig ko. Kung alam lang niya kung bakit 'yon nagbigay ay baka nasabunutan niya na ako ngayon. "May pang fishball plus S at kikiam plus S din tayo, sa loob ng sampung araw Suzy!" bulalas niya habang binibilang ang sukli sa kanyang palad. Ngumiti lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain. Mabait naman 'yon si Kuya Van, manyak nga lang kung tumingin at minsan. Nakarating kami ng bahay namin at siya naman ay nagpatuloy pa din sa paglalakad. Labis ang aking pagtataka nang aking masilayan ang sasakyan ni Kuya Van sa loob ng aming garahe. Siguro ay dito muna siya titira ng ilang araw since wala siyang makakasama sa bahay nila. Nagmano ako kay Mama at kay Papa pagkapasok ng aming bahay, saka dumeretso sa kwarto upang magbihis. "Hi Kuya Van, kumusta?" awkward  kong bati sa kanya paglabas ng aking kwarto. Tumango lang siya sa akin at ngumiti, magiging mabait na ako sa kanya dahil parang hindi naman na siya manyak ngayon. Pasalampak akong naupo sa tabi niya na kasalukuyang nanonood ng balita, kinuha ko ang remote at inilipat sa cartoon channel. "Ma si Kuya Shawn po?" tanong ko. "May pinuntahan si Shawn," sagot niya sa aking tabi. "Little S, sa balita tayo." "Tsk. Gusto ko ng cartoons Kuya Van, magsisimula na 'yong palabas ni Spongebob." Binigyan niya ako ng isang masayang ngiti sabay haplos ng aking buhok, "Sige na nga, hindi ka pa rin talaga nagbabago." Awkward akong ngumiti pabalik sa kanya, hindi dahil sa papuri niya kundi dahil sa ngiti niyang hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. I'm sorry Kuya Van, sorry sa nangyari sa'yo. Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD