Hindi ako nagkamali sa aking hinala dahil kasabay namin siyang kumain ng hapunan at ang sabi ni Mama doon din ito matutulog.
"Van, sigurado ka bang dito ka sa amin mag e stay?"
"Opo tita kung ayos lang po sa inyo,"
"Naku! Palaging bukas ang aming bahay sa'yo Vandrou, huwag kang mahihiya."
"Salamat po tita,"
Nang matapos ang aming hapunan ay pumasok na ako agad ng kwarto, habang sila ay nagpasyang sa sala muna. Tinawagan ko si Cass at i-kwenento ko sa kanya ang tungkol sa pagtira sa aming bahay ni Kuya Van.
"Naku! Suzy baka may gusto 'yan sa'yo," hula niya at ang masasabi ko ay ang galing niyang mang-inis.
"Paano mo naman nasabi 'yan? Normal lang 'yon dahil magkaibigan sila Mama at ang parents niya!"
"Malay mo magkatotoo 'yong hula ko,"
"Ewan ko sa'yo, di ka nakakatulong!" saad kong ibinaba na ang telepono.
Nahiga ako sa kama at matamang nag-isip, wala naman akong dapat na alalahanin. Agad akong napaupo sa kama nang marinig kong umingit ang pintuan at pumasok doon si Mama. Umupo siya sa gilid ng aking kama at mataman akong tiningnan, hinaplos niya rin ang aking hindi kahabaang buhok.
"Suzy, pwede ba kitang makausap?"
"Tungkol po saan Ma?" tanong kong nahiga sa kanyang mga hita at ipinikit ang mga mata.
"May hihilingin sana kami ng Papa mo sa'yo," agad akong napadilat at nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya.
"Ano po 'yon?"
"Suzy, gusto sana naming pakasalanan mo ang lalaking gusto namin para sa'yo." pagak akong tumawa sa tinuran niya.
"Ang bata ko pa po Mama, hindi pa po ako mag-aasawa." bungisngis ko pa.
"Suzy.." mataman niyang tingin sa akin, "Gusto naming magpakasal ka sa lalaking gusto namin para sa'yo."
"Ma, ano pong ibig niyong sabihin?" tanong kong tuluyan nang bumangon sa pagkakahiga.
"Anak, gusto naming pakasalan mo si Vandrou, sa lalong madaling panahon. Siya ang lalaking gusto namin ng Papa mo para sa'yo."
"Po?!" gulantang kong tanong sa kanya, hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Ma, you're asking me to marry him? Ma, naman e!" tadyak ko sa aking unan sa paahan.
"Suzy.."
"Huwag po kayong magbiro ng ganyan Mama, hindi nakakatuwa." nguso ko, "Wala rin akong gusto kay Kuya Van at isa pa ang tanda-tanda niya na Mama. Ten years ang tanda niya sa akin!" maktol ko.
"Suzy, hindi na kami bumabata at siya lang ang nakikita kong mag-aalaga sa'yo pagdating ng panahon."
"No Ma!" mariin kong sagot, "I can take care of myself. Ayokong magpakasal sa kanya."
"Suzy,"
"Mama ayoko po," saad kong Humikbi na.
"Let me tell you a secret anak, ang Papa ni Van at ang Papa mo ay matalik na magkaibigan hindi ba?" tumango ako, "At ang lolo mo at lolo ni Van ay mag bestfriend din hindi ba?" muli akong tumango, "Nagkasundo sila noon na ipapakasal ang mga anak nila---"
"Pero pareho pong lalaki si Papa at tito Anton," putol ko sa kanya.
"Exactly! 'Yon na nga pareho silang lalaki, kaya napagkasunduan nalang nila noon na sa mga apo nalang nila tutuparin 'yon, at sa inyong dalawa ni Vandrou 'yon matutupad."
"Pero Mama ang bata ko pa po." pagtutol ko pa rin, "Paano ang pag-aaral ko? Kapag nalaman nila sa school na may asawa na ako, tutuksuhin nila ako at kapag nangyari 'yon titigil talaga ako sa pag-aaral."
"Suzy," yakap niya sa akin, "Kung may magagawa lang ako ay pinigilan ko na. At isa pa hindi ka titigil sa pag-aaral, last year pa sana ito mangyayari kaya lang naaksidente sila patungo dito hindi ba?"
"Ma.."
"Kaya parang ikaw ang sinisisi ni Van, sa pagkawala nang mga magulang niya dahil ikaw ang bukam-bibig ng Mommy niya, bago sila maaksidente."
"Mama, ayaw ko pong magpakasal," saad kong patuloy na umiiling.
Kaya pala, kaya pala galit na galit siya sa akin noon nang hindi ko alam ang totoong dahilan. Kaya pala dahil ako ang sinisisi niya.
Kumalas ako ng yakap sa kanya at patakbong lumabas ng kwarto, nagtungo ako sa kinaroroonan ni Papa at Kuya Van.
"Pa!" malakas kong sigaw ng makalapit sa kanila.
Gulat namang napatingin sa akin si Kuya Van, na tila ba nagtataka kung bakit ako sumisigaw habang umiiyak.
"Papa ayoko po, ayokong magpakasal kay Kuya Van, hindi ko siya gusto at lalong hindi ko siya mahal!" patuloy kong iling habang umiiyak, kulang nalang ay maglupasay ako sa kanilang harapan dalawa.
"Papa, may iba po akong gusto at hindi 'yoon si Kuya Van, Papa!"
Nakita ko sa aking gilid ng mga mata ang ginawa niyang pagkunot-noo at tumingin sa akin.
"Suzy? Anong pinagsasabi mo? Anong kasal?" may himig nang pagkukunwari sa boses ni Papa, alam ko namang alam niya at kasama siya sa nagplano nito.
"Oo nga Little S? Anong kasal? Ako at saka ikaw ay magpapakasal? Imposible!" wika niyang natatawa pa, hustong dating naman nang humahangos na si Mama.
"Honey kasi ano," kamot niya sa ulo, "Kailan natin sasabihin sa kanya? Kapag bukas na siya ikakasal? Habang maaga palang ihanda na natin ang anak natin, kung ako lang ayaw kong pumayag e!"
"Ma? Sino pong ikakasal? Si Suzy ba? Alam na ba niya ang napag-usapan niyo nila tita, noong nakaraang taon?" singit ni Kuya Shawn na kakauwi lang ng bahay.
"Magtigil ka Shawn, huwag kang makisawsaw sa usapang ito at hindi ka kasali!" angil dito ni Mama.
"Oo nga may usapang ganoon, pero dapat hinintay mo muna si Daddy bago mo sinabi kay Suzy, nagulat tuloy ang bata." iiling-iiling na wika ni Papa.
"At kailan mo sasabihin sa kanya?" sigaw ni Mama na umalingawngaw sa aming sala, "Mas lalo lang magugulat ang mga bata at isa pa honey ang bata pa ni Suzy, hindi niya pa kayang mag-asawa." pilit pigil dito ni Mama.
"Kailangan nating sundin ang kahilingan nila Anton bago siya mamatay, gusto niyang si Suzy ang maging asawa ng anak nila."
Nagpalipat-lipat ang tingin naming dalawa ni Kuya Van sa kanilang dalawa. Hindi ko lubusang maunawaan kung ano ba talaga ang nangyayari.
Nakipagkasundo silang ipakasal ako?
Ipinagkanulo nila ako?
"Hindi ako magpapakasal!" sigaw ko at mabilis silang tinalikuran.
Tumakbo akong muli papasok ng aking kwarto at agad itong ini-lock.
"S-Suzy! Anak, buksan mo ang pintuan Suzy!" sigaw niya sa labas ng aking kwarto pero hindi ko 'yon pinansin.
Umiyak lang ako nang umiyak hanggang wala na akong mailuha pa.
Kung ganoon ang gusto nilang mangyari, paano na kaming dalawa ni JB?
Hindi pa nga nagiging kami, hindi pa kami nagkakakilalang dalawa pero may mga hadlang na sa aming dalawa.
Nakatulugan ko nalang ang isiping iyon habang umiiyak at umaga na nang ako ay magising.
Bagsak ang katawang pumasok ako ng paaralan, ni hindi ako kumain ng almusal.
Napakatamlay ko na dala na rin ng kulang sa tulog at problemang dinadala.
Alam kong kapag nagplano sila Papa ay talagang gagawin niya at walang makakapigil sa kanya, kahit na si Mama.
Inakbayan ako ni Cass nang makita niya ako sa daan patungong classroom namin.
"Good morning!" bati niya, "Anong problema? Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit namamaga ang mga mata mo? Umiyak ka?"
"Wala! Huwag mo akong pansinin," nakasimangot kong sagot.
"Suzy, kilala kita mula pagkabata kasama na kita alam ko ang lahat nang tungkol sa'yo kaya sabihin muna sa akin. What is it?" pangungulit niya.
"Sige, mamaya sa cafeteria kapag breaktime na," walang buhay kong tugon.
Natapos ang morning class namin nang wala akong naintindihan. Ang aking pagpapakasal kay Kuya Van, ang paulit-ulit na nagre-replay sa aking utak.
Ayoko namang biguin sila, pero ayaw ko pa ring magpakasal, ang bata ko pa upang mag-asawa.
Pagdating sa cafeteria ay excited akong pinaulanan ni Cass ng mga tanong. Walang kabuhay-buhay kong sinabi sa kanya 'yong gustong mangyari ng aking mga magulang.
"What the---" agad kong tinakpan ang kanyang bibig, bago pa lumabas ang karugtong nito.
"Huwag kang maingay, baka maraming makarinig at ayokong pag-usapan ako nang karamihan,"
"Okay," hinga niya ng malalim, "Anong sagot mo? Pumayag ka?" umiling ako.
"Sa totoo lang wala pa akong sagot doon at hindi ko alam kung may magagawa ba doon ang sagot ko," nguso kong problemadong-problemado, "Alam kong ipagpipilitan 'yon ni Papa dahil gusto niya, kailan ba 'yon hindi nasunod?"
"I feel you, ang hirap nga niyang gusto ng parents mo. Nakakatakot pa naman suwayin ang ating mga magulang,"
"Sinabi mo pa, gusto ko nalang naglaho ngayon na parang isang bula." subsob ko sa aming mesa.
Patuloy akong naging malungkot at matamlay buong araw, hanggang sa matapos ang aming afternoon class at dumating ang oras ng uwian.
"Suzy tara," hawak sa braso ko ni Cass, "Punta tayo sa field may basketball practice doon sila JB!" masaya niyang pagbabalita sa akin.
"Talaga?" balik tanong ko sa kanya, "Paano mo alam?"
"Usap-usapan kaya ng mga babaeng kaklase natin," irap niya sa akin.
"O sige, tara." tumango siya at ngumiti sa akin, sabay hila patungo sa court na nasa gitna ng field.
Agad naman akong nagkabuhay nang marinig 'yon, tila ba siya ang aking enery sa buong katawan, ang kanyang pangalan.
Pasimple akong nagsuklay ng buhok, naglagay rin ako ng polbo. Inayos ko ang aking pagkakapusod na buhok, habang patungo kami doon.
Tinungo namin ang court at magkatabing naupo sa itaas upang mapanood ang practice nila JB.
"Ang gwapo talaga ni JB!" tili ng mga kaklase namin na nasa bandang ibaba.
"Kuu! Ang lalandi," irap ni Cass sa hangin.
Sanay kaming pumapalakpak ni Cass habang sumisigaw tuwing makaka-shoot ng bola si JB. Napansin ko rin ang pagsulyap-sulyap nito sa aming pwesto kaya hindi na ako nagulat nang, matapos ang practice ay lumapit sa amin si JB at nakipagkilala.
"John Bryan Pedrosa, but you can call me JB!" ngiti nitong lahad ng kamay.
Agad 'yong tinanggap ni Cass, halatang hindi siya excited niyan ah.
"Cassandra Cassidy Lamborja, call me Cass," ngiti niya sabay baling sa akin, "Siya naman si Suzaine Tan, you can call her Suzy!" tinanggal niya ang shake hands nila at humarap sa akin.
"Hi Suzy,"
"H-Hello JB," kinakabahan kong tanggap dito.
Hindi ko mapigilan ang panlalamig ng aking mga kamay, maging ang aking katawan ay halos matumba na sa labis na kaba.
"Nice to meet you Suzy," ngiti niya.
At sa pagngiti niyang 'yon ay tuluyan nang nahulog ang aking puso. Gusto ko siya noon, ngayon ay gustong-gusto ko na siya. Sana lang ay saluhin niya ako ngayong paunti-unti na akong na fa-fall sa kanya.
Nagkwentuhan lang kami ng about sa school program at kung anu-ano pa. Hindi na rin namin tinanggihan ang inuming inaalok niya.
Magkakasabay rin kaming tatlo na lumabas ng gate at nagulat ako nang makitang nasa labas ng aming school ang sasakyan ni Kuya Van, nakasandal siya dito na para bang may hinihintay habang nakasuot ng shades.
"Kainis! kaasar!" bulalas kong mabilis na tumalikod upang bumalik muli sa loob.
"Bakit Suzy? Saan ka pupunta?" pigil sa aking bag ni Cass.
Ano ba naman 'yan, tatakas ako!
"M-May nakalimutan ako sa room," palusot ko.
"Ha? Wala na, sarado na 'yon."
"Little S!" sigaw niya na siyang nakaagaw ng pansin ng lahat.
Mabilis siyang nagtungo sa kinaroroonan namin ni Cass, at dahil hawak ng babaeng ito ang aking bag at hindi ako makatakbo upang tumakas. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat at upang isinakay sa kanyang kotse.
"Waaaah!" sigaw ko dahil sa kanyang ginawa.
"Teka! Saan mo siya dadalhin Kuya Van?!" natataranta nitong tanong.
"I-uuwi ko na," tipid nitong sagot, "Kung gusto mong sumabay halika na!" wika nitong binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan, ini-upo niya ako sa passenger seat at nilagyan ng seatbelt. "Come on Cassidy," sabay bukas ng likod na pintuan.
Nakita ko ang pag-aalangan niyang pumasok dito, pero sa bandang huli ay pumasok pa rin siya dito.
Kung gusto niyang makipaglaro sa akin, ibibigay ko sa kanya ang gusto niya at sasakyan ko ang lahat ng trip niya.
Humalukipkip ako at sinimangutan siya. Alam niyang masama ang mood ko kaya hindi niya ako kinakausap.
Lumampas kami sa bahay upang ihatid muna si Cass.
"Salamat sa ride Kuya Van, Suzy!" kaway nito bago pumasok ng kanilang bahay.
"Walang anuman Cass, see you bukas!"
"See you," tipid niya namang saad dito.
Para namang magkikita pa silamg dalawa, ito na ang una at huli niyang pagsundo sa akin.
"How's school Little S?" tanong niya nang pinatakbo niyang muli ang sasakyan.
Hindi ko siya pinansin, alam kong alam niyang ayokong makipag-usap ngayon.
"Let's settle down about the---"
"Stop talking," putol ko sa kanya, "Hindi kita gustong makausap,"
Narinig ko ang malakas pag buntong-hininga, "Okay."
Pagdating sa bahay ay nakangiti akong pumasok dahil alam kong nainis ko si Kuya, pero deep inside in my heart and mind gusto ko nang magwala nang dahil sa nais nila.
Napalunok ako ng laway nang matanawan ko sa kusina si Lolo, ang Daddy ni Papa. Tumakbo ako patungo sa kanya at agad na yumakap.
"Lolo!" malakas long sigaw, "Bakit po kayo nandito? Hindi niyo po sinabing pupunta kayo," masigla kong tanong sa kanya.
"May kailangan kaming pag-usapan ng Papa mo, kaya ako nandito." nakangiti niyang sagot sabay gulo ng aking buhok.
Agad naglaho ang aking mga ngiti at napalitan ito ng lungkot. Nabanggit niya si Papa kaya panigurado akong 'yong about sa kasal ang pag-uusapan nilang dalawa.
"M-Magpapalit po muna ako ng damit Lolo," paalam ko sabay talikod sa kanya.
Naramdaman ko na naman ang lungkot sa plano nila, hindi ako sang-ayon. Lumakad ako patungo ng aking kwarto at wala sa sariling nagpalit ng damit. I'm kinda disappointed, akala ko pa naman ay nasa vacation talaga siya dito pero hindi pala.
Pagkapalit ko ng damit ay lumabas ako ng aming bahay nang walang nakakapansin, maliban kay Kuya Van na parang agilang nagmamasid sa akin.
Kinuha ko ang bike ko sa garahe at agad na sumakay dito.
"Little S, saan ka pupunta?" sigaw niya.
"Huwag mo akong susundan, gusto kong mapag-isa!" tugon ko sa kanya.
I need to breath, I need to breath upang may dahilan pa akong mabuhay.
Nilibot ko ang buong subdivision namin nang walang nararamdamang pagod. Tipa lang ako nang tipa hanggang sa mapadaan ako sa isang maliit na tulay. Huminto ako dito at tumunghay sa malinaw na tubig sa ibaba. Pinagmasdan ko sa tubig ang aking reflection at wala sa sariling napatanong.
"Dalaga na ba ako para utusan nila akong mag-asawa na?"
Nakita ko ang isang butil ng aking luhang pumatak sa tubig. Hindi ko kayang magpakasal nalang nang basta, hindi ko kayang mag-asawa nang ganito kaaya.
Isinandal ko ang aking bike sa gilid ng tulay at bumaba dito, naupo ako malapit sa tubig. Dito ako hihinga, dito ko ibubuhos ang lungkot at sakit na aking nararamdaman ngayon.
Sisimulan ko na sana ang aking gagawing drama sa buhay nang maramdaman kong may naupo sa aking tabi.
Nilingon ko ito sa pag-aakalang si Kuya Van at sinundan ako, ngunit nagulat ako nang aking mapagsino ang katabi.
"Hi Suzy!" masayang ngiti niya sa akin, sabay kaway ng isang kamay sa aking mukha. "Bakit nandito ka at bakit malungkot ka?"
"J-JB..." usal ko sa pangalan niya.
Gusto ko siyang yakapin, gusto kong tumili ngayon habang isinisigaw ang pasasalamat sa maykapal na pinag krus niya ang landas naming dalawa sa lugar na hindi ko inaasahan.