Makulimlim pa ang kalangitan. Kakatapos lamang ng isang malakas na buhos ng ulan, maputik pa ang kalsada at hindi pa nawawala ang mga tubig ditong naipon. Malamig ang ihip ng hangin na walang sawang sa aking balat ay humahalik nang paulit-ulit.
"Bilisan mo naman Suzy!" sigaw ni Kuya Van sa akin na kumakaway pa habang lulan ng kanyang bisikleta.
"Sandali lang naman Kuya, ang putik ng daan eh!"
"Huwag ka ngang umarte diyan, dalian mo na!" anitong sinimulan na ang mabilis na pagtipa ng pedal ng kanyang bisikleta.
"Oo na!" irap ko habang hinihila palabas ng aming gate ang aking bike, "Nandiyan na!"
Nakagawian na naming dalawa ni Kuya Van ang mag-bike tuwing uwian, tuwing weekend at kapag bakasyon. Malapit lang ang bahay nila sa amin, isang tawid lang ng kalsada at bahay na nila 'yon kung kaya naman mas naging malapit pa kami sa isa't-isa.
Si Kuya Vandrou Lim ay matanda sa akin ng sampung taon. Ngayong grade 6 na ako ay isang taon na siyang nakakatapos ng college bilang isang guro. At dahil graduate na siya, sa Malaysia na sila naninirahan kasama nila tita at tito. Ibenenta nila ang kanilang tahanan dito, pero kailan lang ay bumalik sila ng bansa at nangupahan ng bahay. Hindi ko siya kagaya na may isang kapatid, si Kuya Shawn. Nag-iisang anak lang siyang anak na nagkataong kakilala ni Mama at Papa.
"Ang bagal mo naman!" hiyaw na reklamo niya dahil naiiwan niya ako.
"Sadyang mabilis ka lang kaya ang akala mo ay mabagal ako!" irap ko sa kanya sabay tadyak sa bisikleta niya, na muntik nang matumba.
"Little S!"
Malakas akong humalakhak at mabilis na nagtipa upang makalayo sa kanya. We are heading to our favorite park. Ito ang madalas naming tambayan na dalawa pagkatapos naming magbisekleta.
"We are moving Little S," maya-maya ay saad niya habang nakaupo kami sa favorite naming seesaw.
"Palagi naman kayong moving e, pabalik-balik na nga lang kayo dito sa Pilipinas, what's new?" sagot ko habang tangay ang ice candy na may flavor na milo.
"Bago ito Little S, we are moving for good at hindi ko alam kung kailan kami babalik."
"E di good for me, hindi mo na ako maiinis pa."
"Masaya ka ng ganon?"
"Hindi naman sa masaya Kuya Van, what I mean is mababawasan na ang araw na kukulitin mo ako."
"Ayaw mo ba sa akin?" tunog nagtatampo ito.
"Wala akong sinabing ganyan!" irap ko sabay hagis sa kanya ng suot na tsinelas.
Nakita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi na di kalaunan ay nasilayan ko.
"Mami-miss kita Little Sungit, sana ma-miss mo rin ang Kuya Van mo."
"Syempre mami-miss rin kita iyon nga lang ay hindi sobra." nilakipan ko iyon ng pagtawa.
"Ang bad mo sa akin, pagbalik ko dito ay sigurado akong dalaga ka na at baka maganda ka na."
Sumimangot ako sa huling sinabi niya, "Parang sinasabi mong pangit ako ah?"
"Wala akong sinabing ganyan,"
"Meron! Iyon ang punto mo." ingos ko pa dito.
"Hindi ah," natatawang tugon niya.
"Kuya Vandrou!"
Mabilis siyang tumayo at tinungo ang kanyang bisikleta. Sumakay siya doon. Alam ko na ito, gusto niyang habulin ko siya gamit ang bisikleta.
"Humanda ka sa akin!" hiyaw ko at mabilis na lumulan sa aking bike.
"Habulin mo ako! Habulin mo ako!" pang-iinis niya pa.
Agad akong napailing nang maalala ang pangyayaring iyon. Next week ay darating sila. Hindi ko tuloy ma-imagine kung ano na ang itsura niya ngayon pagkalipas ng halos apat na taon. Hindi ako excited, sadyang curious lang ako sa pangit na iyon. Hindi ko maiwasang mainis sa kanya, lalo na nang hindi ko inaasahan ang pasabog at totoong dahilan nang pag-uwi nila ng bansa. Hindi ko kayang tanggapin at hindi ko iyon kayang gawin, kahit pa involve dito ang mga magulang namin.
Ngunit ang tadhana ay may kanya-kanyang paraan kung paano ka niya pasasakitan, isang hindi inaasahang aksidente ang naganap. At sa pangyayaring iyon ay isa ako sa naipit at nabalikan ng sisi kahit pa wala ako sa pinangyarihan ng sakuna. Bagay na hanggang ngayon ay akin pa ring malinaw na natatandaan.
Ako nga ba ang may kasalanan noon kahit wala naman talaga ako sa pinangyarihan?
Hindi di ba? Humahanap lang sila ng masisisi sa ganitong pagkakataon.
Mga alaalang aking dala-dala hanggang sa aking pagdadalaga, akin itong itinatago sa aking puso hanggang sa oras ng aking pamumukadkad at sa oras na unti-unting pagkalanta.