Chapter 3

4122 Words
Hindi ko maiwasan ang pamumula, alam kong naiiyak ako ngayon at the same time ay nahihiya sa kanya. Binalot kami ng nakakabinging katahimikan pero panaka-naka ko siyang sinisilip sa gilid ng aking mga mata. Sa bilugan niyang mga mata, matangos na ilong, mapulang labi at makinis na kutis ay hindi maikakailang may maayos siyang itsura. Siya ang aking crush, siya ang aking gusto, siya si John Bryan Pedrosa. Si JB na magaling maglaro ng soccer, si JB na laging nagpapatalon sa aking babasaging puso at si JB, ang lalaking aking pinapangarap mula noon hanggang ngayon at hindi si Kuya Van. Mapait akong napangiti sa kawalan, napaka imposibleng magustuhan ako ng taong gusto ko, pero ayoko rin namang ikasal ako sa taong hindi ko gusto. Papa planned it, so what can I do except of crying. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya mabilis akong napabaling sa kanya. "Kung anuman 'yang bumabagabag sa'yo, naniniwala akong kaya mo 'yan Suzy." tapik niya sa aking balikat, "Ibinigay 'yan sa'yo dahil alam ng nasa itaas na kaya mo," Gusto ko sana siyang yakapin, pero dahil nahihiya ako kaya hindi ko 'yon ginawa at isa pa baka isipin niya at ng ibang makakakita na ang landi ko. Sa mga salita niyang ganyan mas lalo ko siyang minamahal at nagugustuhan. "H-Hi." tipid kong bati sa kanya, "Yeah," "Namamasyal ka pala dito," hindi makapaniwalang tanong niya, "Well, it's good to see you here Suzaine," Tumango-tango ako, "Ngayon lang ako nagawi dito," "Oh? Really?" tumango ako sabay ngiti, "Pero bakit mukha kang malungkot?" "No. I'm not," mabilis kong tanggi sabay tayo, "I have to go, nice to meet you here, JB.." "Sandali! Suzy---" "Bye JB, see you when I see you." kaway kong tuluyan na siyang tinalikuran. Maganda sanang pagkakataon 'yon, 'yong tipong kaming dalawa lang. Wala si Cass at wala kami sa school, pero nang dahil sa inaalala kong problema ay hindi ko magawang magdiwang at magsaya. "Ingat ka Suzaine!" narinig kong sigaw niya pagkasakay ko ng aking bisikleta. "Thank's!" taas ko ng aking isang kamay, without looking at him. "See you!" Mas mabuti nang ilayo ko ang aking sarili sa kanya, walang patutunguhan ito at wala kaming pag-asa na dalawa ngayon palang. Nagsimula na akong magpedal at marahang nilisan ang naturang lugar. I like him, but it's not the right time today. It's not the right place and it's not the right choice kaya habang ganito palang kami ay kailangan ko ng tigilan. Malayo palang ako ay tanaw na tanaw ko na ang malaking bulto ng katawan ni Kuya Van, nakatayo siya sa may aming gate at nakapameywang na para bang may hinihintay na dumating. Mabilis niya akong tinapunan ng tingin nang mapansin ang aking pagdating at masuyo niya akong nginitian, na para bang walang nangyari kanina at wala kaming problemang dalawa. "Little S, alam---" "Don't talk to me, I'm tired!" putol ko sa kanya. "Little S naman, pwede ba tayong mag-usap sandali?" "About?" halukipkip ko sa kanyang harapan. "About us, Suzy." pagpupungay niya ng mga mata. "Okay," nguso ko sabay irap ng mga mata. "Sumunod ka," aniyang tinalikuran na ako. Muli kong pinaikot ang aking mga mata sa ere at naiinis akong sumunod sa kanya, habang nakapako ang aking mga mata sa likod niyang malapad. Marami akong tanong sa aking isipan, sa sobrang dami ay nahihiya akong isatinig pa ang mga ito. Ano ang nakita nila Papa sa kanya, upang isiping siya ang taong para sa akin? Masyado pa akong bata para mag-isip ng mga ganong bagay, na hindi ko naman talaga nauunawaan at hindi ko kayang maintindihan. Humantong kami sa maliit na park ng aming village, isa ito sa paborito naming puntahan at pasyalan noon. A sudden flash of our memories came back on my mind, as we sit down on our favorite seesaw spot. Ang batang Vandrou at Suzaine na parehong naka school uniform, elementary ako noon samantalang pang college ang sout niyang uniform. Masaya kaming naghahabulan dito, nagku-kuwento'han habang kumakain ng paborito naming flavor ng ice candy. Madalas niya akong itinataas noon at pahirapan akong bumaba, kailangan ko pang sumigaw at utuin siya. "Remember this?" tanong niya sabay upo sa kabila ng seesaw na naging dahilan upang tumaas ako. "Of course!" I exclaimed from the top of my lungs. "Sinong makakalimot? Ibaba mo ako Kuya Vandrou!" Binigyan niya ako ng nakakalokong tingin at ngiti, "Itaas mo muna ako para bumababa ka," "Kuya Van!" "Ano?" natatawa niyang tanong. "Ibaba mo ako!" "Suzy..alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari at kahit ako, pero----" nakatingin lang ako sa kanya, gamit ang malungkot na mga mata. "Pero ano?" malungkot kong tanong sabay tungo, "Pero ano Kuya Van?" "Little S, alam mo ba kung bakit gusto ng Papa mong ipakasal ka sa akin?" "Hindi," iling ko, "Hindi ko kayang maunawaan ang sarili niyang dahilan," "Dahil..dahil mahalaga ka sa kanila," dugtong niya, "Iniisip rin nila ang kapakanan mo at sa oras na mawala sila walang mag-aalaga sa'yo, inaalala rin nila na walang magkakagusto sa'yo." "Hindi 'yan totoo!" sigaw ko sabay tapon ng masamang tingin sa kanya. "Imposibleng walang magkagusto sa akin!" "Little S, listen to me." pakiusap niya, "Magkakaroon ng sariling pamilya ang Kuya mo at sa tingin mo kukunin ka niya?" natatawa niyang tanong, "E palagi kaya kayong magka-away na dalawa."  "Hindi pa mawawala sina Mama at Papa!" "I know pero alam mo namang---" "Stop!" putol ko sa kanya, "Ibaba mo ako!" Hindi ko alam kung ano ang ipinupunto niya dahil wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Do I really need to marry him, for their happiness? Do I? I'm still young, a fifteen years old girl and they want me to marry the man who is ten years older than me. "Kung ako sa'yo susundin ko ang gusto nila bilang pagpapakita sa kanila na mahal ko sila." saad niya na naging dahilan upang mapatitig ako sa kanya, "Alam mong wala na akong kahit isang pamilya, pero kung iyon ang gusto nang mga namayapa kong magulang, I should do this, I will do this for them." titig niya sa akin, "Huwag mo nang hintayin pang mawala sila, bago mo ipakitang mahal mo sila Little S." "Do I really need to marry you Kuya Van?" naiiyak ko nang tanong sa kanya, "Do I?" "Yes," walang gatol niyang sagot sa akin. "Pero ang bata ko pa Kuya," pagtutol ko. "Naiintindihan ko," tugon niyang ibinaling ang paningin sa kabilang dereksyon. Hindi ko lubos maisip na ang pag-aasawa ko ang magbibigay nang kaligayahn kay Mama at Papa. Ipinamimigay na ba nila ako? Hindi ko naman kailangang sumunod sa kanila pero binabagabag ako ng aking sariling konsensiya. "Ibaba mo ako Kuya!" matigas kong utos sa kanya. Marahan naman siyang tumayo at hinawakan ang kabilang bahagi ng seesaw upang hindi ako mabilis na bumaba. Nagkukumahog akong bumaba habang masamang nakatingin sa kanya. Tinalikuran ko siya at mabilis ang aking naging hakbang upang makalayo agad sa kanya. "H-Hindi mo gagamitin ang aking apelyido Suzy," pahabol niyang sigaw. Agad akong natigilan sa paghakbang ngunit hindi ko siya nilingon man lang. "Little S, please marry me." patuloy niya pa. Bakit ba siya nakiki-usap? Kasali ba siya noong nagplano silang ipakasal kami at sirain ang aking buhay? Nakakasuklam siya! Hindi ko siya pinag-aksayahan ng oras lingunin, mabilis akong humakbang paalis ng lugar. Naguguluhan ako, anong dapat kong gawin? Do I really need to marry him? Nagtuloy ako sa aking kwarto pagkadating ng bahay at matamang nag-isip. Ano nga ba para sakin si Kuya Van? para ko na siyang kapatid, tagapagtanggol, hindi niya ako pinabayaan kahit ni minsan, pero sandali sapat na ba 'yong dahilan upang siya ay aking pakasalan? Nakarinig ako nang mahihinang katok sa pintuan at nang bumukas ito ay nakita kong sumungaw dito ang mukha ni Mama. Mabilis akong naupo sa gilid ng aking kama. "Pwede ba akong pumasok anak?" katok niya. "Opo," mahina kong tugon. "Suzy, galit ka ba kay Mama?" upo niya sa aking tabi, "Galit ka ba dahil pinipilit ka nilang magpakasal sa Kuya mo? Ang lolo mo kasi---" sunod-sunod akong umiling na naging dahilan nang pagkaputol ng iba niya pang sasabihin. Gusto ko sanang ipaliwanag niya sa akin kung bakit kailangan kong magpakasal gayong bata pa ako. Siguro may mas malalim pa na dahilan, bukod sa kasunduan nila kaya pinipilit nila ako. "Ma.." garalgal ng aking tinig, kasabay noon ay ang pagkabasag ng aking mga luha. "Suzy," sambit niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Huwag kang magagalit sa Mama Suzy," haplos niya sa aking buhok. "Sinubukan ko naman silang pigilan, pero dahil wala na sa mundong ito ang mga magulang ni Van, para bang kailangan naming ituloy ang plano Suzy anuman ang mangyari." Ibinaon ko ang aking mukha sa dalawang bisig niya, hinayaan kong sa balat niya dumanak ang aking masaganang luha ng pagtutol. Mahina akong humikbi kahit na masagana ang naging paglabas ng aking mga luha. "Anak, sorry," halik niya sa aking ulo, "Sorry dahil kami ang bumuo nang kinabukasan mong ikaw dapat ang naglilinang at hindi kami. Pasensiya ka na anak," wika niyang nakiramay na sa aking pag-iyak. Seeing my mother crying infront of me, makes my heart sank in a deep sea. Hindi ko pa siya nakitang ganito sa buong buhay ko. Kung si JB ba ang magiging asawa ko wala ba akong kinabukasan sa kanya? Kung ako ang pipili nang kinabukasan ko, I will choose him, I will surely choose JB over Kuya Vandrou. Gusto kong magdalamhati at gusto kong magluksa dahil magkaka asawa ako sa murang edad ko. Gusto kong magmakaawa sa kanya, gusto kong sabihin sa kanya na ayaw ko pero hindi ko kayang biguin ang kaunting pag-asa na nasa kanyang mga mata. "Mangangako ako anak na walang makakaalam ng kasalan niyo, tanging si Cass lang na bestfriend mo at ang pamilya natin ang tanging makakaalam nito." "M-Ma, do I really need to do this? H-Hindi po ba ako pwedeng tumanggi?" tanong kong umaasang sa sang-ayon siya. "Suzy, mahina na ang lolo mo at ang pagpapakasal mo sa isa pa niyang itinuturing na apo ay makakatulong sa kalusugan niya," Mabilis akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siyang mabuti. "Pero Mama---" "Suzy, listen to me." putol niya sa aking linya, "Gusto mo bang mawala na ang lolo mo?" agad akong umiling sa tanong niya. "Then, do it for your lolo. Marry him, get married with your Kuya Vandrou." "M-Mama.." pagtutol ko, "A-Ayoko po!" Ang mga luhang bahagyang nagkaroon ng timeout kanina ay muling nagsipagbagsakan. Malakas na akong umiyak nang mga oras na 'yon, dahil alam kong magaganap ang nais nila, kahit pa hindi ako pumayag, kahit pa anong pagtutol ang aking gawin. "Suzy, para itong sa iyong lolo." Paulit-ulit ang aking ginawang pagtanggi, pag-iling at labis na pagtutol pero hindi kalaunan ay para akong na-hypnotismo ni Mama, dahil nang gabing iyon ay natagpuan ko nalang ang aking sarili na pumapayag na sa kasal na nais nilang mangyari. Kinabukasan ay ibinalita ko ang tungkol dito kay Cass at hindi siya makapaniwala sa aking naging pasya. She even pinched my cheeks, dahil inaakala niyang natutulog pa ako at panaginip lang ang nangyari. "Suzy! Hindi mo ba pwedeng suwayin ang mga magulang mo kahit ngayon lang?" umaalingawngaw na boses niya sa aming school garden. Umiling ako at mabilis na kinagat ang pang ibabang labi ko. "Pumayag na ako," nguso ko. "Gaga mo kasi!" tulak niya ng bahagya sa aking balikat, "Dapat tumanggi ka, dapat hindi ka pumayag!" Bakit nga ba ako pumayag? Dapat nga at tumanggi ako. "Cass," "Ano? Pagdusahan mo 'yan, dapat talaga hindi ka pumayag!" Kung kaya ko lang tumanggi, kung kaya ko lang maging suwail sa kanila nang maraming beses, kung pwede ko lang silang biguin sana ay ginawa ko na. Sana ay ipinilit ko ang aking gusto. Mabilis na naitakda nila Mama ang araw at petsa ng kasal namin ni Kuya Van. Hindi ako makapaniwalang, tuloy na tuloy na ang aking kasal sa kanya. Sa makalawa na ang araw na iyon, ngunit hindi ako nakakaramdam ng kahit kaunting excitement man lang. Napag-usapan nila na kaunti lang ang magiging mga bisita namin, ang mga malalapit na kamag-anak ko at mga kaibigan naman ni Kuya Van. Dito lang ako sa bahay ikakasal dahil dito ang gusto ko na hindi nila mabali. "Kung gusto niyong matuloy ang aming kasal, papayag kayo na dito lang 'yon ganapin sa bahay!" pakikisali ko sa usapan nila nang magawi sila sa kung saang simbahan. "Suzy!" awat sa akin ni Papa. "Kapag hindi niyo sinunod ang nais ko walang kasalang magaganap!" pagmamatigas ko. "Sundin nalang po natin tito si Little S sa nais niya," pag sang-ayon ni Kuya Van. "Nakikita ko nang sobra mong mamahalin ang aking apo, Van!" pasigaw na saad ni lolo. "Hmmp!" ingos ko, "Ang kasal namin ay hindi binubuo ng pagmamahalan lolo," "Doon din 'yan hahantong apo," saad niyang mataman akong tinitigan. It's not gonna happen lolo! Hindi ko siya magagawang mahalin nang higit sa pagmamahal ko ngayon sa kanya. Kung saan-saan pa magawi ang kanilang usapan hanggang sa magawi ito sa bahay na aming lilipatan ni Kuya Van, after ng wedding. Sila na din ang nagdesisyon kung saan kami mag ha-honeymoon na dalawa. "Baguio!" sigaw ko, dahil nagsimula na silang magsabi ng mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. "Hindi doon pwede Suzy," pagtutol ni Mama. "Palawan," suhestiyon ni Kuya. "Huwag doon Vandrou," pagtutol ni Papa. "Albay nalang po Mama," singit kong muli, "Doon ang field trip na pupuntahan nila Cass," "Oo nga, doon nalang!" sang-ayon nilang lahat. Wala akong kaalam-alam kung anong gagawin namin doon kaya hindi na ako nag-abala pang mag-impaki ng mga dadalhin. Ang araw na 'yon ay ang araw rin ng laro ni JB sa tournament ng soccer, gusto kong mapanood siya nang araw na 'yon pero parang napaka imposible.  Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nang sitwasyon kong ito. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko ito pro-problemahin dahil bata pa ako, pero heto ako naguguluhan kung ano bang dapat kong piliin. Kasabay ng pagpatak ng bawat kamay ng orasan ay dumating na parang hagibis ng hangin ang araw ng kasal naming dalawa ni Kuya Van. Maaga palang ay gising na si Mama nang araw na 'yon upang ako ay bihisan ng aking damit pang kasal. Nakasuot ako ng isang simpleng wedding gown, sa maliit kong katawan ay agad itong bumagay. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na noong iniharap na nila ako sa malaking salamin, halos hindi ko makilala ang aking sarili. "Suzy, ang ganda mo!" bulalas ni Cass, na agad tumayo sa aking tabi. Siya lang ang invited sa aking mga kaklase. "Talaga?" hindi makapaniwala kong tanong sabay pakita ng bouquet sa kanya, "Itong bulaklak ang ganda rin 'no?" agad niya 'yong tinanguan. "Oo bagay sa'yo 'yan!" sabay amoy dito, "Pabango mo ba 'yon?" "Oo," hagikhik ko, "Cass, kung makikita ba ako ngayon ni JB, magagandahan ba siya sa akin?" "Sira ka talaga!" yakap niya sa akin, "Oo naman ang ganda mo kaya!" hawak niya sa manggas ng aking damit, "Naiinggit ako sa'yo Suzy, sana ikasal na din ako. At sana sinabi mo rin ito sa ibang mga kaibigan natin, para hindi lang ako ang nakasaksi ng kagandahan mo." saad niyang puno nang panghihinayang. "Huwag kang mainggit sa akin," nguso ko, "Ayoko ngang magpakasal eh, pero kailangan kong gawin. At isa pa ayaw kong malaman nila ang naging kasal ko dahil ayaw kong mahusgahan," yakap ko sa kanya, "At alam mo rin namang ikaw lang ang totoo kong nag-iisang kaibigan," "Oo na!" irap niya sa akin, "Tama na ang drama at baka umiyak ka pa diyan, ngumiti ka mamaya ha, para maganda ka sa mga litrato mo." "Oo na!" halakhak ko na sinabayan rin niya. "Hoy, kayong dalawa tingin dito!" eksena ni Kuya Shawn sa aming harapan, "Ito ang video ng kasal ng aking kapatid na hindi pantay ang pisngi ng puwet." "Kuya Shawn?!" sigaw ko, "Ano ba? Bakit mo sinabi 'yon?!" padyak ko, "Siguradong pagtatawanan ako ng mga makakapanood niyan!" Mabilis na umalingawngaw sa loob ng aking silid ang halakhak nilang dalawa ni Cass. "Oo nga Kuya Shawn," pagkampi sa akin ni Cass, "At isa pa dalaga na 'yang si Suzy kaya pantay na rin 'yon!" "Hindi pa rin pantay---" "Hoy Shawn, anong ginagawa mo dito?!" biglang dating ni Mama, "Binu-bully mo na naman si Suzy 'no? Doon ka sa labas mag video," taboy dito ni Mama. "Mama hindi naman---" "Labas!" putol niya ditong muli, "Lumabas ka na bago ko basagin 'yang hawak mo!" "Oo na Mama!" kamot nito sa ulo sabay labas ng aking silid. "Tita, sa labas na rin po ako maghihintay kay Suzy." paalam niya kay Mama, sabay baling sa akin na itinaas ang isang kamay. "Suzy, kaya mo 'yan ha, focus!" "Salamat Cass," "Ba-bye! Mamaya ulit," aniyang iniwan na ako. "Mama," tawag ko sa kanyang abalang may hinahanap sa bag. "Bakit Suzy, may kailangan ka?" "Natatakot po ako, ayoko na po itong ituloy." "Suzy, gusto mo bang magwala ang Papa mo at maging lamay ng lolo mo ang araw ng kasal mo?" "Pero Mama, natatakot na po ako at kinakabahan ng sobra. Ayaw ko na pong ituloy ang aking kasal!" "Suzy, ayoko din namang pumayag na magpakasal ka agad, pero ang isipin mo ay ang mga mangyayari oras na hindi matuloy ang kasal nito. Mapapahiya ang pamilya natin, halika na at lumabas na tayo." sabay hablot niya ng aking isang kamay. "Mama!" hila ko ng aking kamay mula sa kanya. "Suzy, mag pormal ka!" may banta sa boses niya. "Oo na po, pero kapag na-bully ako sa school, hindi na talaga ako mag-aaral." bulong ko. "Ano ba 'yan Suzy!" saad niyang binigyan ako nang masamang tingin, "Huwag kang mag-isip ng mga bagay na ganyan. Basta ang tandaan mo ay hindi ka dapat madapa habang naglalakad ha? Kapit ka lang sa braso ng Papa mo." "Sige po," "O siya tara na!" aya nitong may nanginginig na labi, na sa aking mga mata ay pilit na ikinukubli. Alam ko Mama, 'yong kaba at takot na nararamdaman ko ay walang-wala sa nararamdaman mo. Sisikapin kong huwag madapa upang ang ating pamilya ay huwag mapahiya. Lumabas kami ni Mama ng kwarto para masimulan na ang aming kasal ni Kuya. Napahinto pa kami ni Mama pagkalabas ng pintuan dahil sa malakas nilang palakpakan. Napasimangot akong bigla at hindi alam ang gagawin dahil baka mamaya madapa ako habang naglalakad. Nang marinig ang malakas na palakpak ni Cass, ay agad akong napangiti. My bestfriend is here, and she is cheering for me, 'yon nalang ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Malawak akong ngumiti at tinanggap ang kamay ni Papa na siyang maghahatid sa akin, papunta sa kinatatayuan ni Kuya Van sa unahan ng aming sala. Abot-abot ang tahip ng aking dibdib, kinakabahan ako na nasasapawan ng kasiyahan dahil sa malawak na ngiti ni Kuya Van. Mukha siyang kagalang-galang  at maipagmamalaki sa suot niyang itim tuxedo. Nakataas ang kanyang medyo magulong buhok, kahit kailan talaga! Napawi ang aking malawak na ngiti nang mapagtantong hindi dapat ako masaya sa araw na ito. Dapat ay malungkot ako, umiiyak, nasasaktan at nagdurusa dahil alam kong makukulong na ako sa piling ng lalaking ito. "Ngumiti ka naman Suzy," simpleng bulong ni Papa. "Hindi ako masaya Papa," bulong ko rin. "Kahit kunwari lang Suzy," pilit niya sa akin na halos hilahin na ako sa paglalakad upang matapos na ito agad. "Papa, bakit ang bilis mong maglakad?" natataranta kong tanong. "Mabagal ka lang," Buong seremonya ay nakasimangot lang ako, minsan naman ay palihim ko siyang iniirapan at nang inanunsyo nang mag-asawa na kaming dalawa ay hindi na sila magkamayaw sa pagsasaya at pagbati. I'am married, kasal na ako at hindi na single ang status ko. Maliit na salu-salo lang ang ginanap sa aming bakuran. Matapos ang pagkain ay agad na kaming nag-impake ng mga damit na dadalhin, si Mama ang naghanda ng mga dadalhin ko. Tig isa kami dapat ng maleta na Kuya Van ngunit hindi doon pumayag si lolo. "Mag-asawa na sila kaya dapat isang maleta lang ang dala nila," pagtutol niya nang malaman na hiwalay ang gamit namin. "Lolo, marami po kasi akong damit." lapit ko sa kanya upang hindi na magalit. "Kahit na, ang laki ng bag na dala ni Vandrou!" taas nito ng kamay, "Ilipat mo ang mga gamit mo sa maleta niya Suzy," "Pero lolo---" "Bilisan mo at baka maiwan kayo ng eroplano!" Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Tinulungan pa ako ni Kuya Van na ilipat ang mga damit na dala patungo sa maleta niya. "Bakit ang dami mong dala?" bulong niya, "Ilang araw lang tayo doon Little S," "Aba malay ko," irap ko sa kanya, "Si Mama ang nag-impaki niyan!" Tiningnan niya lang ako pero hindi na nagsalita pa. Hindi ko alam kung bakit may dala akong kumot at unan, wala ba noon sa aming pupuntahan? "Mag-iingat kayo doon Suzy ha, kumain kayo ng marami." bilin sa akin ni Mama na pinipigilang maluha. "Tita, ako na po ang bahala kay Suzy, hindi ko po siya pababayaan." singit ni Kuya Van. "Salamat hijo, anak huwag kang magpapasaway sa Kuya Van mo ha?" baling na naman nito sa akin. "Opo Mama," tugon ko. "Dapat nang masanay si Suzy, na tawagin si Vandrou na Van lang, hindi na pwedeng Kuya." singit ni Papa. "Ano ka ba naman Jim, kinalakihan na iyon ni Suzy huwag mo siyang pilitin." kontra dito ni Mama. "Ayos lang po sa akin ang Kuya Van," ngiti niya sa kanila, "Nasanay na rin po ako." "Saka mas bagay po ang Kuya sa pangalan niya," singit ko, "Bagay ba bagay hindi ba Kuya Van?" Nakita ko kung paano napawi ang mga ngiti niya. Akala ko ba okay lang? E bakit parang ayaw naman niya? "O siya, umalis na kayo at baka maiwan pa kayo ng eroplano." taboy sa amin ni lolo, "Mag-iingat kayong dalawa at bigyan niyo agad ako ng apo." "Mama, gusto ko pong itago iyong bouquet ko ha." baling ko kay Mama na tila ba nagulat sa aking sinabi, "Huwag mong itatapon 'yon Mama," Matapos ang ilang sandali ay mabilis niya akong muling niyakap. "Tingnan niyo nga si Suzy, ang bata niya pa talaga." mabilis niyang punas ng kanyang mga mata, "Oo na, sige na itatago ko at mag-iingat ka doon Suzy, mami-miss kita." "Ma, huwag na po kayong umiyak." alo ko sa kanya, "Mabilis lang po ang mga araw." "Suzy, galingan mo ha." singit ni Kuya Shawn na basang-basa ng pawis. "Huwag kang robot!" Robot? Bakit? Agad siyang binatukan ni Mama at hinampas naman siya ni lolo ng tungkod niya. "Huwag mo ngang ganyanin ang kapatid mo!" pasigaw na wika ni Mama. "Wala naman po akong---" "O sasagot ka pa?" turo sa kanya ni lolo ng tungkod sa kanyang mukha. "Alis na kayo mga apo, ingat!" Kumaway kaming dalawa ni Kuya Van sa kanila, hanggang makarating kami sa van na maghahatid sa amin sa airport. Pagkatapos naming mag check-in ng luggage at pumasok ng immigration ay agad akong nagpaalam sa kanya na gagamit ng banyo. "Kuya! Kuya Van, naiihi na ako." pigil ko sa tangka niyang pagpasok ng eroplano. "Na naman? Kakaihi mo lang Suzy," kamot niya sa kanyang ulo. "E sa naiihi ako anong magagawa mo?" pagtataray ko sa kanya, "Mauna ka na doon at susunod nalang ako." Nagpalinga-linga siya at tiningnan ako ng masama at nagdududa. "Ano?" "Sabi ko mauna ka sa loob ng eroplano at gagamit lang ako sandali ng banyo," ulit ko. "Doon ka nalang umihi sa loob ng eroplano," iling niya, "May banyo doon na higit na malinis," "Kuya Van naman e, hindi pwede!" pagtutol ko, "Pakiramdam ko nga ay lalabas na!" bulalas kong umarte na ihing-ihi na. "Suzy, hindi mo ako niloloko ah!" turo niya sa akin, umiling ako. "Ano ka ba? May sakit sa bato? UTI? Balisawsaw? O baka naman nasobrahan ka ng inom ng tubig," "Hindi ko alam!" lahad ko ng aking kamay, "Nasaan ang passport ko? Identification card ko 'yan di ba? At saka 'yong ticket ko, paano ako makakapasok mamaya kung wala 'yan?" "Ano ba naman 'yan!" lapag niya ng aking ticket sa aking palad, "Sige na, bilisan mo ha!" "Oo Kuya Van!" ngiti ko, "Sorry, excited kasi akong sumakay ng eroplano at kapag na e-excite ako, napaparami ako ng ihi." "Oo na, bilisan mo at malapit ng umalis ang eroplano." "Sige Kuya Van," wika kong agad dinapuan ng konsensya. Tumalikod ako sa kanyang may ngiti sa labi. Pasensiya ka na Kuya Van, ayaw kitang makasama kaya ako ang pipili ng taong nais kong makasama. Pag-alis palang ng bahay ay planado ko na ito. Hindi ako sasama sa kanya dahil manonood ako ng laban ni JB, mas mahalaga iyon sa akin keysa ang makasama siya. Nagtago ako sa makapal na haligi ng paliparan, tinanaw ko siya habang pumapasok sa loob ng eroplanong amin dapat sasakyan. Nakakakonsensiya, nakakapanghinayang rin dahil nandoon si Cass pero mas kailangan ako ngayon ni JB. Hinintay kong matapos ang oras, nang nakatayo lang doon. Tumanaw ako sa runway ng airport at kumaway nang makitang lumipad na ang eroplanong dapat ay sasakyan naming dalawa.  Pasensiya Kuya Van, sorry dahil hindi ko nagawang samahan ka sa honeymoon nating dalawa. Balang-araw ay mauunawaan mo rin ako, maiintindihan mo rin ako kapag naramdaman mo ang pagkakagusto sa ibang tao. Kapag nagkagusto ka sa iba, sigurado akong susuportahan kita sa abot ng aking makakaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD