Chapter 4

3158 Words
Matapos kung panoorin ang pag-alis ng eroplanong sinasakyan ni Kuya Van ay nakangiti na akong lumabas ng paliparan. Nagtungo ako sa lugar kung saan nagaganap ang tournament nila JB sa soccer. At dahil sikat ang kanilang grupo ay madalas silang naipapalabas sa national TV. "Go JB! Go JB!" sigaw ko habang nakatayo sa bench doon, "Galingan mo JB!" Sa bandang una ay nakakalamang sa kalaban nila, ngunit hindi naglaon ay nakabawi sila at sa huli ay sila na naman ang hinirang na panalo. Nakangiti at masaya siyang lumapit sa akin pagkatapos ng laro nang mamataan ako. "Anong ginagawa mo dito Suzy?" tagaktak ang pawis na tanong niya, "Hindi ba may fieldtrip kayo ngayon, hindi ka sumama?" "Meron nga pero hindi ako sumama, mas masayang manood ng game niyo keysa doon," tugon kong ginantihan ang mga ngiti niya. Gusto kong hablutin ang maliit na tuwalyang nakasampay sa kanyang balikat at punasan na ang kanyang pawis, kaya lang nakakahiya naman kung gagawin ko 'yon. Sa kabila ng pagiging pawis niya ay amoy na amoy ko pa rin ang bango niya. "Wow! Fan na kita kung ganoon?" "Parang ganon na nga," medyo hagikhik ko, "Wala ang mga kaklase ko, kung nagkataon na nandito sila kanina ka pa nadurog diyan." "Mabuti nga 'yong ganito, wala 'yong mga tagahanga ko." "Pagbalik nila, babawi 'yong mga 'yon." tinawanan niya lang ako. "Gusto mo ba ng maiinom? Pagkain?" maagap niyang tanong nang mapalitan ang hangin ng salitang awkward. "Okay lang ako, hindi ako gutom JB." ngiti kong pilit sinasabayan ang mga hakbang niya, "Busog na busog nga ako doon sa naging kasa--salu-salo sa aming bahay," "Reunion niyo?" "Oo parang ganun," tugon kong hindi ipinahalata ang pagkabahala. "E bakit umalis ka agad? Hindi ba magagalit ang mga 'yon sa'yo?" nag-aalala niyang tanong. "Hindi 'yon mangyayari," iling ko. "Ang saya pala ng pamilya mo," komento niyang binigyan ako ng mabilis na sulyap. "Hindi naman kami perpekto, may mga time na hindi rin kami magkakasundo." nguso ko at inaalala 'yong naging kasal namin ni Kuya Van, "Lalo na 'yong Kuya ko? Grabe! Sobra 'yon kung awayin ako," "Talaga? Anong mga ginagawa sa'yo?" "Seryoso ka? Gusto mong malaman?" natatawa kong tanong sa kanya. "Oo, wala namang masama doon hindi ba?" saad niyang binalingan na ako, "Gusto pa kitang makilala Suzy," Hindi ko maitago ang aking kilig pero agad rin 'yong naputol nang maalalang, kasal na nga pala ako. "Si Kuya Shawn, lagi akong sinasabihan na hindi pantay ang aking pang upo." Malakas siyang humalakhak sa aking tinuran, nakita ko kung paano mamula ang kanyang buong mukha nang dahil sa labis na galak. Ang gwapo niyang mukha ang isa sa aking nagustuhan, sayang nga lang at baka hanggang crush lang ang kaya kung gawin sa kanya dahil sa ngayon ako ay kasal na kay Kuya Van. Kung kailan may chance na kaming dalawa na magkamabutihan ay saka pa ako naitali sa iba. "Seryoso kang sinabihan ka ng Kuya mo nang ganon?" tumango ako, "Grabe ang Kuya mo sa'yo ha," "Sinabi mo pa, pero mahal ko 'yon si Kuya!" "Ganyan naman ang pamilya Suzy," kasabay ng mga katagang 'yan ay ang paglalaho sa mukha ng kanyang kasiyahan. "Ayos ka lang ba JB?" lakas loob ko ng tanong sa kanya, mabilis ang kanyang pagtingin sa akin. "Oo naman," ngiti niya na walang halo ng kalungkutan, "Halika, bumili tayo ng pagkain." hila niya sa akin. Nagpatianod ako sa kanyang paghila habang nakatigil ang aking mga mata sa maamong mukha niya. Posible bang ang kagaya ni JB na nasa kanya na ang lahat ay may problema pa? Posible ba 'yon sa kagaya niyang ang itsura ay para bang hinubog at iniukit ng isang batikan at magaling na pintor? Posible. "Anong gusto mo Suzy? Siomai? Siopao? Pasta? Pili ka lang, my treat." mayabang niyang saad sa akin. "Siomai nalang tatlong order," walang pag-aalinlangan kong tugon. "Okay, no problem." wika niyang naupo sa aking tabi. Ganon nang ganon ang nangyari sa dalawa pang sumunod na araw. Si JB ang aking kasama at hindi si Kuya Van na wala akong balita, tuwing sasapit ang gabi ay nagtutungo ako malapit sa aming bahay at doon magpapalipas ng oras hanggang sumapit muli ang umaga. Tuwing gabi ay bumibili ako ng pagkain dahil tuwing umagahan at tanghalian ko lang nakakasabay si JB. Nagsimula na rin ang practice nila upang lumaban sa national ang kanilang team. Nakaya ko ang ganong klase ng pamumuhay, kahit na puro kagat ako ng lamok at kulang na kulang sa tulog. At ang lahat ng 'yon ay nakaya ko nang dahil sa wagas kong pag-ibig kay JB. Inayos ko ang aking pagkaka upo at pinagdikit ko ang aking dalawang tuhod, ngayon ang dating ni Kuya Van at panigurado akong makikita niya ako oras na dumaan siya dito. Nakaramdam ako ng bahagyang pagka guilty sa ginawa, alam kong naapakan ko ng bahagya ang kanyang pagkatao. Mabilis akong napatayo nang makita kong papalapit si Kuya Van sa aking kinarorooman. Seryoso ang kanyang mukha at halata ang pagkairita niya sa akin nang sulyapan niya ako nang sandali. Alam kong dapat lang na ganito ang iasta niya dahil sa nagawa kong pagkakasala, hindi ko tuloy maiwasang mag-alala dahil baka sabihin niya ito kila Mama. "Kuya Van pa---" Mabilis niyang itinaas ang isang kamay na naging dahilan upang maputol ang aking sasabihin. "Tahimik!" mariin at malamig niyang wika sa akin. Sa sobrang lamig nang pagkakabigkas niya doon ay agaran akong nakaramdam ng takot. Pakiramdam ko ay napakalaki nang nagawa kong kasalanan sa kanya. Mariin kong itinikom ang aking bibig kahit na marami pa akong naka sabihin sa kanya. Gusto kong humingi ng tawad, ng pasensiya. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito pero sa ginawa niyang malamig na pakikitungo ay nasasaktan ako. "Magpalit ka ng damit," saad niya pagkaraan ng ilang saglit. Tiningnan ko siya at sa pagtatama ng aming mga mata ay nakita ko ang pagtatampong madalas niyang gawin sa akin noon. Walang anu-ano ay bigla niyang hinablot ang aking isang braso at mabilis na hinila paalis sa lugar na 'yon. Walang imik akong nagpalit ng damit nang magawi kami sa isang tagong lugar. Abot-abot na ang aking kaba dahil wala akong assurance na hindi niya ako isusumbong sa kanila. "Don't worry Suzy, hindi nila malalaman ang ginawa mo sa akin." basag niya sa katahimikan ng may panunuya. "Kuya Van.." mahina kong tawag sa kanya. "Bilisan mo na diyan!" malakas niyang wika at mabilis akong iniwan. Wala akong magawa kundi ang habulin siya dahil baka ngayon palang ay makahalata na sila sa aking lihim na ginawa. "Nandito na sila!" naulinigan kong bulalas ni Mama, kasunod ng paglabas ni Papa at Kuya. "Kumusta ang pamamasyal niyo Suzy?" Walang pag-aalinlangan akong ngumiti bago nagsalita, kailangan kong magkunwari. "Ayos lang po Mama, naging masaya kami doong dalawa ni Kuya Van, hindi ba Kuya?" lingon ko sa kanya, kung isusumbong niya ako paniguradong maging siya ay mapapagalitan. "Oo nga po Mama," sang-ayon niya na alam kong napipilitan lang. "O siya, pumasok na kayo at kumain na tayo." pag-aaya ni Papa, "Alam kong pagod kayo sa biyahe," Maingay kaming kumain ng hapunan, kada may tanong ay tatango lang ako o di kaya naman ay makikisama sa pagtawa nila. Maraming naging kwento si Kuya Van, nasabi pa niya 'yong nakita niya doon si Cass na nagkataong hindi ko nakita. Sila lang ni Mama ang maingay, panaka-naka ang pakikisama ni Kuya Shawn na may masamang tingin sa akin. "Masaya kami sa kinalabasan ng honeymoon niyo Van," maligayang sambit ni Papa, "At dahil masaya tayo iinom tayo ngayon ng wine!" dagdag pa nito. "Kasali po ba ako diyan Papa?" pabiro kong tanong na naging dahilan nang pagbaling nilang lahat ng tingin sa akin. Natahimik kaming lahat ng ilang sandali, isang malakas na halakhak ang pinakawalan niya bago ako matamang tiningnan. "Oo naman Suzy, may asawa ka na e!" pagpayag niya. "Talaga po Papa?" hindi makapaniwala kong tanong. "Oo nga Suzy, bingi ka na ba ngayon?" may irita sa tono ni Kuya Shawn. "Shawn," saway sa kanya ni Mama. "E ano pa bang hinihintay natin?" nakangisi pa ring tanong ni Papa, "Inuman na tayo!" Perks of being married, may maayos rin naman pala itong bunga kung minsan. Kung dati ay hindi nila ako pinapainom ng alak dahil menor de edad pa ako at bata pa ako, ngayon naman ay ayos lang 'yon dahil may asawa na ako. "Makakatulong 'yan sa daloy ng dugo mo anak," dagdag pa ni Papa. Ganyan talaga ang matatanda kadalasan ay hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig nilang sabihin at ipinaparating. Tumingin muna ako kay Mama at kay Papa bago inumin ang wine na nasa aking kopita. Unang beses ko itong pag inom at kahit wine lang ay mabilis akong nalasing at tinamaan. Hindi sanay ang aking katawan sa alak kaya kahit kaunti lang ito at iisang baso ay agad na akong nakaramdam ng pagkahilo. "Little S, lasing ka na ba?" tapik ni Kuya Van sa aking isang balikat. Mataman ko siyang tiningnan at kapagdaka ay marahas akong tumango at malakas na napahagikhik sa kanyang tinuran. "Hindi ba obvious Kuya Van?" pagngisi ko pang tanong sa kanya. "Hindi pa ako lasing," sinundan ko 'yon ng marahan na pag-iling. "Ganyan ba ang hindi?" may pagkairita pa rin sa tono niya. Ilang ulit pa akong umiling na naging dahilan upang aking maramdaman ang labis na pagkahilo at malakas na pagpintig ng aking sentido. Mariin akong napapikit upang matigil ang marahas na pag-ikot ng aking paningin. Naramdaman ko ang pagsandal ng kusa ng aking ulo sa balikat niya, narinig ko ang ilang mahina niyang mga mura. "Tingnan niyo si Suzy, napaka sweet sa kanyang asawa." narinig kong saad ni Mama. "Sweet po talaga 'yan si Little S Mama, may pagka immature lang kung minsan." tugon ni Kuya Van. "Sana ay alagaan mo siyang mabuti Vandrou," madramang wika ni Papa, "Mahal na mahal namin ang batang 'yan," "Makakaasa po kayo sa akin Papa," tugon niya dito bago ko naramdaman ang pag-angat sa sahig ng aking katawan, "Magpapahinga na po kami at may pasok pa siya bukas ng umaga," "Goodnight Van," pahabol rito ni Mama. "Goodnight po!" tugon nito, "Ang gaan-gaan mo pa rin Little S," narinig kong bulong niya habang buhat ako ng dalawang bisig niya, "Anong kinain mo sa loob ng ilang araw ha? Maayos ka ba noon?" Narinig ko pa ang ilang reklamo niya sa aking ginawa sa kanya bago ako tuluyang hilahin ng antok sa mahimbing at malalim na pagtulog. Nagising ako kinabukasan hindi dahil sa ingay ng paligid o ng orasan, nagising ako nang dahil sa mabangong amoy ng ulam na nanggagaling sa aming kusina. Painot-inot akong bumangon sa kama at agad napadilat sa labis na pagtataka nang makitang, hindi ko kwarto ang aking kinaroroonan. Mabilis akong bumangon at marahang naglakad patungo sa pintuan, nasa may pintuan palang ako ng kwarto ng aking makita si Kuya Van na abalang nagluluto sa hindi pamilyar na kusina. Mahina pa siyang kumakanta habang nakaharap sa stove, nakasuot rin siya ng apron at halatang kina-career niya ang pagluluto. "Good morning Kuya Van," bati ko sa kanya na naging dahilan ng marahas niyang pagbaling sa akin. "Morning," tipid niyang sagot sa akin at muling ibinaling ang paningin sa kaharap na kawali. "Salamat sa almusal Kuya Van," saad ko at mabilis na tinungo ang mesa at walang pag-aalinlangang naupo dito. "Drop it Suzy, call me Van." "E sa gusto kong may Kuya pa din," nguso ko, "Anong magagawa mo?" "Bahala ka nga, naka ready ka na ba upang pumasok?" tanong niyang ibinaling muli ang paningin sa akin upang suriin ang aking itsura. Agad na nagsalubong ang kanyang dalawang kilay at rumehistro ang inis sa maamo niyang mukha. "Kakain ka ng ganyan ang itsura mo?" may pagkairita na sa tono niya, "Maligo ka muna at magbihis ng uniform bago ka kumain upang hindi tayo ma-late." "Tayo?" sa dami ng sinabi niya ay 'yan lang ang natatandaan ko, "Ihahatid mo ako?" "Oo!" sagot niyang masamang nakatitig sa akin, "Masama bang ihatid ko ang aking asawa sa paaralang pinapasukan niya?" "Hindi naman," nguso ko, "Sabi ko nga ihahatid mo ako pero pwede bang mamaya nalang ako maligo? Kakain muna ako, gutom na gutom na kaya ako." Nang umiling siya ay walang bakas ko siyang sinimangutan at humalumbaba ako sa harap ng mesa. "Sige na Kuya Van, gutom na gutom na kaya ako." pilit ko pang akmang hahawakan na ang kubyertos na nasa aking harapan. "Hindi iyan o-obra sa akin Little S," seryoso niyang pigil sa akin, "Gusto mo bang ako ang magpaligo sa'yo?" ngumisi pa siya ng nakakaloko na naging dahilan ng agaran kong pag-ahon sa aking upuan. "Yuck! Manyak ka pa rin!" sambit kong marahas siyang itinuro at pinandilatan ng aking mga mata. "It's your choice Little S," "Maniac!" padyak ko ng isang paa. Lumapit siya sa akin at itinulak niya ako papasok muli ng kwartong nilabasan ko kanina hanggang sa makapasok ako ng  banyo. Padabog niyang isinarado ang pintuan. "Bilisan mong maligo," sigaw niya, "Huwag mong ubusin ang aking pasensiya Suzy!" Agad nang naglaho sa aking pandinig ang mga yabag niya. Wala na akong nagawa pa kundi sundin ang nais niya. Mabilis na akong naligo at nagbihis ng uniform na nakalatag na sa kama, nagsuot na rin ako ng sapatos at akin nang binitbit ang school bag ko na nakalagay sa sofa hindi kalayuan. Nang magtungo ako sa kusina ay naabutan kong matatapos na siyang kumain. Hindi man lang siya nag-abalang hintayin ako upang sabay na kaming kumain. Nakabihis na rin siya ng puting long sleeve at itim na pantalon with matching necktie pa, masasabi kong mukha siyang kagalang-galang ngayon sa kanyang itsura. Pabagsak akong naupo sa silya at mabilis na kumain, kung hindi ko 'yon gagawin paniguradong male-late ako sa school na hindi ko naman gugustuhin. "Tara na!" hila ko sa kanya palabas ng aming bagong tahanan, nakalipat na pala kami nang hindi ko nalalaman. "Bilisan mo Kuya Van malapit na akong ma late!" "Oo na, hindi mo ako kailangang hilahin Suzy!" automatic ang naging pagbitaw ko sa kanya. Kinalas-kalas niya ang kanyang necktie na alam ko namang hindi mahigpit. Masama niya akong tinapunan ng tingin at walang pag-aalinlangan akong iniwan doon. Padarag niyang binuksan ang kanyang sasakyan, hindi ko na hinintay pa na utusan niya akong sumakay, mabilis na ako doong lumulan. Sa biyahe patungo sa aking paaralan ay nilamon kami nang nakakabinging katahimikan. Hindi ko na sinubukan pang magbukas ng usapan dahil alam kong umaga palang ay mainit na sa akin ang ulo niya. Nakahinga ako ng maluwag ng akin nang matanaw ang aming paaralan, kunting tiis nalang sa pagmumukha niya Suzy! Pagtapat sa gate ng aming school ay mabilis ko ng binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan, akma na akong bababa ng kotse niya ngunit agad niya akong hinawakan sa palapulsuhan. "Suzy," tawag niya sa akin na labis kong ipinagtaka. "Bakit Kuya Van?" Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, tila ba may nais siyang sabihin na hindi niya kayang bigkasin. "Hmmn..may sasa---" "Marunong akong magluto Kuya Van," putol ko agad sa kanya, baka kasi 'yon ang inaalala niya. "Mamaya ipapakita ko sa'yo ang talent ko sa pagluluto, pero sa ngayon kailangan ko ng pumasok dahil ma l-late na talaga ako." kalas ko sa kamay niya at tuluyan nang bumaba ng kanyang kotse. Mabilis ko siyang nilingon at kapagdaka ay tumakbo na ako papasok ng gate ng aming school dahil ayoko ring may makakita sa aming dalawa na magkasama, maliban kay Cass. "Hi Suzy!" kaway sa akin ni Cass ng matanawan, "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa nila pinag-uusapan si JB, ang aarte talaga nila." motion pa nito sa tatlong babaeng kaklase namin. Hindi na ako magtataka, palagi naman silang ganyan. "Huwag kang maingay Cass, baka marinig ka nila at kumalat sa buong campus na crush natin si JB." saway ko sa kanya na agad hinawakan ang kamay niya, "Halika na, late na tayo!" "Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?" clueless niyang tanong sa akin, "Ikaw lang kaya ang may gusto sa lalaking 'yon." nguso nito na pilit sinasabayan ang aking malalaking hakbang, "Sandali! Bakit ka ba nagmamadali?" "Ha?" tanong kong agad napatigil sa paghakbang, "Late na kasi tayo Cass!" "Ano? Anong late? May twenty minutes pa tayo bago magsimula ang klase," puno ng pagtataka niyang saad na may mapanuring mga mata, "Yong totoo Suzy? May pinagtataguan ka ba? Nasaan si Kuya Vandrou? Inihatid ka ba?" paulan niya ng mga tanong. "Huwag kang maingay Cass," mahina kong saway sa kanya na agad napabaling ang tingin sa kadarating lang na si JB, "Omo! Cass si JB oh!" turo ko sa kanya kahit alam kong nakita niya na rin ito. "Ang gwapo niya talaga Cass," saad kong siniko-siko pa siya. "Magtigil ka nga Suzy," saway niya sa akin, "Marinig ka nila Mina na paniguradong tatanggalan ka ng buhok!" "Ikaw naman," nguso ko sa kanya, "Wala ka ba talagang gusto kay JB?" seryosong tanong ko. "Wala 'no!" mariin niyang tugon sa akin. "Baka naman meron tapos itinatanggi mo lang dahil ayaw mo akong masaktan." "Tigilan mo nga ako diyan sa drama mo Suzy, umagang-umaga." wika niyang itinaas pa ang isang kilay. "Hi Suzy, hi Cass!" bati niya sa amin na agad kong ikinapula. "Good morning JB, k-kumusta?" tanong kong pasimpleng nginitian siya. "Suzy.." bulong na siko sa akin ni Cass na hindi ko pinansin. "So paano Suzy, una na ako sa inyo ha. May practice pa kami ng soccer sa field." tapik nito sa balikat ko. OMG! Tumango lang ako at nahihiyang ngumiti, hindi mapawi ang aking malawak na ngiti. "Uy, Suzy naistatwa ka na diyan! Tara na, ma l-late na tayo." yugyog niya sa akin. Nanatili akong nakatingin sa likod ni JB na unti-unti ng lumalayo sa kinaroroonan namin. Siya lang talaga, siya lang ang may kakayahang pabilisin at pakabugin ng husto ang aking nananahimik na puso. "Suzy!" kurot na niya sa aking braso na naging dahilan ng aking pagkagulat. "Bakit? Ano?" iritado kong baling sa kanya. "Ano bang problema mo?" halukipkip niya sa aking harapan, "Kako tara na sa classroom dahil late na tayo," "Late na tayo?" ulit ko sa huling sinabi niya, "Halika na Cass, late na tayo!" hila ko sa kanya papasok ng room namin. "Suzy dahan-dahan!" reklamo niya nang hilahin ko siya paakyat ng hagdan, patungo ng aming classroom. "Late na kasi tayo!" tugon kong hindi siya pinakinggan. Hingal kabayo kaming dalawa nang sapitin namin ang aming classroom. Maingay pa ito nang sapitin namin, palatandaan na wala pa ang aming maestra. Naramdaman ko ang labis na uhaw sa araw na 'yon habang aking tinutungo ang aking upuan na nasa may bintanang bubog. "Hindi pa tayo late," relieve na bulalas ni Cass, hindi ko siya pinansin. Naupo ako doon at tinanaw ang mga estudyanteng abalang naglalakad sa loob ng campus na abalang patungo sa kanilang mga classroom. Agad napakunot ang aking noo at napahawak sa bintanang 'yon nang aking matanaw ang isang pamilyar na bulto ng katawan ng isang tao na papasok ng aming paaralan. Hindi ako maaaring magkamali, siya 'yon! Nakita kong sinalubong pa siya ng ilang mga teacher at kinamayan. Imposible, pero posibleng nag-apply siya dito at natanggap. Hindi magandang nandito siya at aking makakasama sa iisang campus, hindi ito maganda lalo pa at may masamang kutob ako sa kanyang ipinunta dito. Hindi ko pwedeng maging maestro si Kuya Vandrou, na aking lihim na asawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD