Nadatnan ko ang aming tahanan na bukas ang pintuan. Natigilan ako sa paghakbang ng maalala ang nangyari sa bahay na ito nang nagdaang araw, sariwa pa itong bumalik sa aking balintataw. Humigpit ang hawak ko sa tali ng mga paperbag na dala, gusto ko itong ihampas sa pagmumukha niya. Bantulot akong pumasok sa loob ng bahay pagkalipas ng ilang minuto. Inayos ko ang aking mukha, tinanggal ko ang inis dito na hindi niya pwedeng mahalata. Nagtuloy ako sa kusina at uminom ng tubig, kailangan kong kumalma at hindi dapat ako sumabog. Nasulyapan ko ang mga pagkaing nakahain sa mesa na halos ay hindi pa nagagalaw. Nag-abala pa siyang magluto ng pansuhol niya. Naglakad ako patungong kwarto na agad ring natigilan nang makita siyang nakatayo sa may pintuan nito. "S-Suzy?" kukurap-kurap niyang tano