Binalot kami nang nakakabinging katahimikan pagkatapos noon. Nang sumapit ang hapunan ay pinilit akong kumain ni Cass kaya naman wala na akong nagawa kundi kumain kahit kaunti lang. Hindi ko maitago sa aking mga mata ang labis na pagkadismaya. Nagagalit ako kay Kuya Van at the same time kay Miss Lala. Paulit-ulit na bumabalik sa aking balintataw ang nakita at paulit-ulit kong tintanong ang aking sarili kung bakit nagawa nila 'yon ngunit wala akong sagot na makuha. "Anong desisyon mo ngayon Suzy?" tanong ni Cass sa akin habang inaayos ang kanyang kama. "Hindi ko alam Cass," iling ko, "Wala akong dapat gawin." "Iiwan mo ba si Kuya Vandrou?" nag-aalangan niyang tanong sa akin. Paulit-ulit akong umiling sa tanong niya. Hindi ito sumagi sa aking isipan ngayon. Maaaring nasaktan niya ak