CHAPTER 02
Hindi sila talo. The person she professed her love is a gay. Girlalu.
Ang saklap talaga!
Kapag nalaman ng kanyang mga Bessie ang tungkol dito ay sigurado siyang pagtatawanan siya ng mga ito. Simula niyon ay give up na talaga siya forever kay Paul, her first love. Bigo man siya ay hindi na lamang niya dinibdib ang pangyayari na ito. Later, naging kaibigan sila.
Siyempre, kung during working hours ay boss ito at habang siya naman ay empleyado.
“Wala ka parin bang ipapasa?”
“Boss, naman, parang hindi mo naman alam ang sitwasyon ko ngayon.” Ang hirap talaga magsulat. Kung huminto na lang kaya sa pagiging journalist at mag-full-time romance writer siya? Ha! Para naman magagawa niya iyon.
“Hindi ba’t sinabi mo sa akin noon na gusto mong interbyuhin si Dr. Hernandez? Huwag mong sabihin na nagbago ang isipan mo? It’s so unlike you, you’re not Ms. Dimaanu I know.”
Nang binanggit ni Paul ang pangalan ng kilalang doktor ay biglang sumama ang loob niya. Hindi na sana mangyayari ang ganitong bagay kung pumayag lang si Dr. Hernandez na interbyuhin niya ito. Isang kilalang forensic expert si Dr. Hernandez. Si Dr. Hernandez kasi ang nakaimbento ng isang special method na maaring i-rehydrate ang bangkay na dahilan upang mapadali ang pagkakilanlan ng bangkay na dahilan at marami na rin itong naisolbang kaso. With this special method of rehydrate corpse body, this is also reducing the workload of the crime investigators. Isang beses inilabas ang balita tungkol sa forensic expert na ito sa naimbento ay hindi ito tumatanggap ng interview.
Ilang beses na siya nakiusap sa doktor na payagan siya nito na interbyuhin, pero nainis yata ito sa kanya kaya binlock siya nito. Ngayon ay hindi na niya ito makontak. Seeing that he firmly made decision not to accept any interview, Cia had no choice but to give up. Baka kasi kung hindi siya titigil ay tatawag na ito ng police. Ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari ng ibang tao na nangulit na interbyuhin ito. Depress siya ng ilang araw sa kabiguan na mainterbyu ang taong gusto niyang interbyuhin tas ngayon naman ay wala siyang maisulat.
“Bossss, hindi ko pa ito nasasabi sa`yo, pero bigo ako na interbyuhin si Dr. Hernandez.”
“Ha, bakit?”
“Ayaw talaga niya magpainterbyu. Ilang beses ko na siya pinakiusapan kahit na bigyan lang niya ako ng ten minutes, okay na, pero ayaw talaga. Binlock niya ang number ko. Nabalitaan ko din na may iba pa na nauna sa akin at nangulit na interbyuhin ito, pero ang resulta? Nainis siguro ang doktor kaya sinampahan ang mga ito ng kasong harassment.”
Nakakahinayang nga eh, ang ganda ng topic pero hindi niya maabot.
“Naku, Cia, isa ka sa pinakasipag na empleyado ko rito pero dapat gawan mo ng paraan `yang problema mo. Kailangan may maisubmit ka sa akin. Ayokong sabihin ng ibang empleyado ko na may favouritism ako. Ba’t hindi mo subukan na magsulat tungkol sa mga kilalang tao sa showbiz?”
Gumusot ang ilong ni Cia nang marinig niya ang mungkahi ni Paul.
“Naku, Paul, ayoko. Hindi ko trip na magsulat ng mga scandal ng mga artista. Ayos lang sa akin na magsulat ng anumang genre ng story pero huwag lang sa showbiz.”
Narinig niya sa kabilang linya ang pagbuntong hininga nito. Alam nito noong umpisa palang na hindi siya nagsusulat tungkol sa mga artista. Scandal man o hindi ng isang artista ay nangako si Cia na kailanman ay hindi siya susulat na kahit ano na may kinalaman sa showbiz. Minsan tinanong ng boss niya kung bakit ayaw niya magsulat ng balita sa showbiz, maganda rin naman na magsulat siya tungkol sa showbiz dahil maraming tao ang mahilig magbasa ng balita sa showbiz, ngunit hindi nagawang sagutin ni Cia ang katanungan nito dahil biglang pumasok sa opisina ang secretary nito at oras na para magsimula ang meeting.
“Oh siya, hindi kita pipilitin, pero kailangan makapagpasa ka ngayon linggo. Hindi na kita bibigyan ng palugit.”
Pagkatapos nilang mag-usap ay pigil na isubsob niya ang sarili sa mesa. One week? Parang gusto niyang maiyak. Ngayon alam na niya kung anong pakiramdam ng iba niyang kasamahan sa trabaho kapag walang maipasa sa kanilang deadline. Hindi rin naman niya magawang magreklamo sa boss dahil binigyan na nga siya ng palugit.
Anong gagawin niya?
Sa problema niya ngayon ay parang nawalan siya ng ganang kumain, pero inubos parin niya ang in-order niyang pagkain. Sayang din naman ang pera na ginastos niya para sa pagkain na ito.
~**~
Pumarada muna sa gilid daan nang makarating siya sa seven-story building. Pag-aari kasi itong seven-story building ng kanyang pamilya. Ang ganitong uri ng gusali ay itinayo sa tabing kalsada kung saan malapit lang dito ang barangay hall at mayroon silang pinanghahawakang estate certificate na nagpapatunay na sila ang nagmamay-ari nila ang lupa na tinitirikan ng kanilang gusali.
Hindi masasabi na mayaman ang pamilya ni Cia. Ang totoo niyan, laki sila sa hirap. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ng high school ang kanyang Lolo dahil sa kahirapan, gayon man ay matalino ito at may malakas na pananaw.
Noong hindi pa gano’n kaunlad ang imprakstraktura dito sa lugar nila ay nakikinita nito na tataas ang value ng lupain sa hinaharap. Kaya naman naisipan nito bumili ng lupain dito. Sapat lang ang pera na naipundar nilang mag-asawa para makabili ng lupain at magtayo ng maliit na bahay. Dahil hindi it nakapagtapos ng pag-aaral ay kung anu-ano na lang na trabaho ang pinapasukan ng kanyang Lolo para kumita ng pera, habang si Lola Florencia naman ay nagmula sa may kaya. Nakapagtapos ito ng pag-aaral sa kursong culinary arts. Bata palang kasi ito ay mahilig na itong magluto ng masarap na pagkain. Pagkatapos nitong gumraduate ay agad rin ito natanggap sa trabaho sa isang kilalang hotel dito sa pinas.
Si Lolo naman ay dahil sa pagsumikap ay nakahanap rin ito ng permenteng trabaho. Sa tagal nito nagtatrabaho sa kompanya ay natutunan ng kanyang Lolo mula sa boss nito kung paano mag-invest ng pera at naglakas loob na subukan nitong mag-invest ng pera. Sinuwerte din ito at lumago iyong perang pinuhunan niya at nagtuloy-tuloy ang swerte sa buhay nila.
Subalit hindi rin nagtagal ang magagandang oras nila, nang mabalitaan na lang ni Lola Florencia na nagkaroon ng malaking akisedente sa kompanya at isa ang asawa nito sa nasawi.