CHAPTER 03
Sobrang pighati ni Lola Florencia ng mga oras na iyon nang marinig nito ang masamang balita. Tanging natanggap lang nito mula sa kompanya ay compensation lang. Kahit na galit na galit si Lola Florencia dahil sa kapabayaan ng mga ito ay walang nagawa itong nagawa kundi tanggapin ang pera. Kailangan din nito iyon, lalo na’t siya na lang mag-isa ang magtataguyod sa pamilya nila. Isa lang ang anak nila, pero gayon man ay kailangan parin nila ng pera para magpatuloy ito sa pag-aaral.
Sa matinding pighati na naramdaman ni Lola Florencia sa pagkawala ng asawa ay itinuon na lamang nito ang atensyon sa nag-iisang anak nila ng kanyang namayapang asawa at sa trabaho nito. Maliban sa nakuha nitong kompensasyon mula sa kompanya, may nakuha rin itong pera mula sa insurance company. Kung pagsamahin nito ang lahat ng natanggap ni Lola Florencia at ang naiwang pera ng asawa nito ay napakalaking salapi na niyon. Such a huge amount of money she received, it stands for a reason that she could live a good life without a worry, pero hindi nito balak galawin ang perang iyon.
Sa tingin kasi ng matanda ay sapat pa naman ang pera nito na kinikita nito sa trabaho para palakihin ang nag-iisang anak. Itatabi na lang nito iyon para sa kinabukasan ng anak nito, pero sinong mag-aakala na mamatay ang anak nito. Tanging natitira na lang na pamilya ni Lola Florencia ay si Cia. Batid ni Lola Florencia na masyadong matanda na ito at hindi niya mababantayan ang sanggol, kaya naisipan ng matanda na gamitin na lang ang pera na tinabi nito noon. Gayung napakalaki naman ng lupain na binili nilang mag-asawa noon ay naisipan niya na magpatayo ng seven-story building at naisipan na magpapaupa. Maliban sa una’t pangalawang palapag na pinapaupa nila sa mga taong interesado na mag-negosyo, ang ibang palapag ay ginawang apartment room para pinaupa sa mga taong nagtatrabaho dito sa syudad.
Matapos nitong maitayo ang gusali at nagsimulang magparenta ay tuluyan na nagbitiw ng trabaho sa hotel ang kanyang Lola.
“Oh, Constancia, nandito ka na pala!” Huminto sa pagwawalis sa harap ng kanilang garahe ang kanyang Lola Florencia nang makita nito si Cia na binubuksan ang tarangkahan para makapasok ang sasakyan niya.
Nahinto naman si Cia sa pagbuksan ng tarangkahan nang marinig niya ang boses ng kanyang Lola. Medyo nanayo ang balihibo niya sa braso nang marinig niyang tinawag siya nito sa totoong pangalan niya.
Constancia L. Dimaanu. Iyon ang buong pangalan niya, pero kahit na bitbit niya ang pangalan na ito for twenty-three years ay hindi parin niya nasasanay sa pangalan na binigay sa kanya ng Lola niya. Simula palang pagkabata ay ito na ang nagpalaki sa kanya matapos siyang iwan ng kanyang ina noong sanggol palang siya.
“Si Lola naman, huwag mo naman po ipagsigawan ang buong pangalan ko.” Lumapit siya rito at naglambing.
“Aba, anong masama kung tawagin kita sa buo mong pangalan, Constancia? Pinaghirapan ko na hanapan ka ng magandang pangalan mo noong baby ka palang.”
She stuck out her tongue and didn’t answer her Grandmother.
“Constancia. Ibig sabihin ng pangalan ay tapat na tao at may…”
“Panindigan sa buhay. Lola naman eh, ilang beses mo na yan sinabi sa`kin,” dugtong niya rito. Kung hindi siya sumabad iyon ay paniguradong magsisimula na naman ito sa pagkuwento kung paano nito kung bakit pinili nito ang pangalan niya. Naku po, tandang-tanda pa niya noong bata pa siya na minsan sinabi niya sa kanyang Lola na hindi niya nagustuhan ang pangalan niya dahil para daw pangalan ng matanda, pero sabi nito ay hindi raw at hayun nagsimula itong ikuwento sa kanya ang origin ng kanyang pangalan. Noong una ay ayos lang, pero habang tumatagal ay nagkukwento ito na para bang binabasa nito ang buong isang libro sa sobrang haba.
“Dapat lang `no. Oh nga pala, ang aga mo yata umuwi.” Sinipat ni Cia ang kanyang relong-pambisig at nakitang alas kuwatro y medya ng hapon pa pala. Ang aga nga. Usually ay alas sinco o higit pa ng hapon siya uuwi. “Hindi pa ako nakapagluto ng makakain natin.”
Habang nagsasalita si Lola ay nagsimula ulit ito magwalis sa lupa.
“Okay lang po, hindi pa naman ako nagugutom. Isa pa, napakaaga pa para mag-hapunan,” sabi niya rito. “Ah, teka lang, ipapasok ko muna ang kotse.”
Matapos niyang magpaalam sa kanyang Lola ay tumungo siya sa naiwang kotse at pinasok iyon sa loob ng garahe. Si Lola Florencia na ang nagsara ng tarangkahan pagkatapos niyang ipasok ang kotse.
“Nandito nga pala `yong kaibigan mo kaninang tanghali,” tinapik-tapik nito ang likod habang palapit sa kanya. Napansin naman ni Cia ang kilos nito kaya hindi niya nagawang makinig sa sinasabi nito at nagsalita.
“La, matanong ko lang pala. Bakit ikaw ang nagwawalis dito sa harap ng garahe? Nasaan ba si Tanyang?” Tukoy niya sa kasambahay nila. Hindi na bumabata ang kanyang Lola at dahil sa trabaho niya ay parati niya itong naiiwan sa bahay, kaya naisipan niyang kumuha ng kasambahay para may mag-aala sa kanyang Lola. Mayroon kasi itong reyuma, tas parati rin itong nakaramdam ng pananakit sa likod sa tuwing yuyuko ito.
“Si Tanyang? Maagang umuwi ito sa kanilang bahay ngayon dahil nalaman nito na sinugod sa ospital ang kanyang anak. Babalik ito bukas.”
Hindi naman malayo ang tinitirhan ni Tanyang at pwede lang lakarin patungo dito.
“Ano nangyari sa kanyang anak at sinugod nila sa ospital?” Nagtatakang tanong niya.
“Nagsusuka daw ng dugo ang bunso niyang anak. Hindi ko alam ang buong detalye. Basta iyon lang ang sinabi ni Tanyang dahil masyadong nagmamadali na itong tumungo sa nasabing ospital.” Naalala niya na minsan dinala ni Tanyang ang bunso nitong anak dahil mag-alala. Napakabebong bata pa naman iyon.
“Kawawa naman,” mahinang usal ni Cia nang marinig iyon. Sinara niya ang pinto ng kotse at kinuha ang walis sa kamay ng kanyang Lola.
“Constancia, hindi pa ako tapos.”
“Huwag ka nang magwalis, La. Sumasakit na `yang likod mo as magwawalis ka pa rito? Ako na ang tatapos niyan.” Iniwas niya ang walis mula rito. Wala rin naman nagawa ang matanda at hinayaan siya sa gusto. Kinuha niya ang dustpan, tas nagsimulang magwalis. Inilagay niya ang lahat ng basura naipon sa dustpan. Matapos niyang walisin ang paligid ay tinapon niya ang basura sa basurahan.
Pagkatapos niyang linisin iyon ay bumalik silang dalawa sa kanilang bahay.