bc

Ako'y Isang Baliw

book_age18+
25
FOLLOW
1K
READ
dark
possessive
HE
comedy
sweet
bxg
detective
virgin
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Constancia L. Dimaanu or Cia is writing for Daily Pinoy Times. Isang araw ay napagdesisyunan niya na lihim na imbestigahan niya ang isang asylum matapos niyang marinig ang usap-usapan ng mga tao tungkol sa nangyayari sa loob. Marami na kasi nabalitaan tungkol sa asylum na maraming namamatay na pasyente sa hindi malaman pero hangang ngayon ay wala parin aksyon ang mga pulis. They just brush it off for lack of evidence.

No proof doesn't mean it's not real. She's sensing the biggest scoop here! She must find out the truth and expose their evil deeds.

However, it was easy to say than done. This asylum is not easy to get in.

Since it's hard to get inside, why don't she enter the asylum as a patient?

After she successfully infiltrates the asylum. Everything went to her plan, but who would have thought that the difficulty of investigation increase the moment the hospital assigned a handsome man as her doctor?

Aiden Connor C. Eusobio. Isn't that name of the youngest son of the mega conglomerate, Eusobio Group? What is he doing here? Nagtataka man si Cia ay wala rin siyang oras na alamin iyon dahil ang taong ito ay sobrang talas at nagsimulang magsuspitya sa kanya.

Paktay.

Anong gagawin niya?

Mas lalong naging aktibo si Cia sa role niyang baliw pero nabisto parin siya.

"I know you're sane..."

"Irog, hindi talaga ako nagsisinungaling sa'yo. Totoo na ako'y isang baliw. Baliw sa'yo."

Ako's Isang Baliw

Copyright © 2021 by SorceressPrincess WP

All right reserved. No part of this page will reproduce or transmitted in any form by any means photocopying, recording without persmission by the author.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
AKO'Y ISANG BALIW written by SorceressPrincess WP CHAPTER 01 Papasok na ang buwan ng marso at randam na ramdam na ni Cia ang sobrang init ng panahon. Alas tres na nang hapon pero pakiramdam ni Cia ay alas dose na nang umaga sa sobrang init ng sikat ng araw. Nang makarating siya sa pintuan ng café ay mabilis na pumasok siya sa loob dahil hindi niya makayanan ang init na dumaiti sa katawan niya. Kanina pa siyang umaga na nakababad sa init ng araw para sumagap ng mga balita na maaring isulat niya, pero hangang ngayon ay wala parin siyang magandang maisusulat. Ilang araw na siya ganito at wala parin siyang maisulat. Bata palang si Cia ay kuryoso na siya sa mga bagay-bagay at mahilig siyang makinig sa kuwento ng mga tao o bagay. Nakahiligan rin niya magsulat kaya naman nang lumaki siya ang kinuha niyang kurso ay bachelor of arts in journalism. Ngayon ay isa na siya ngayong ganap na journalist na nagtatrabaho sa kilalang Pinoy Daily Times Company dito sa pilipinas. Maliban sa nagtatrabaho siya sa umaga ay may iba pa siyang sideline sa gabi. Nagsusulat rin siya sa isang kilalang reading platform site at ilang sa mga naisulat niyang story ay na published na into physical books. Manunulat sa umaga at manunulat parin sa gabi. Aba, ang sipag niya `no? Nagagawan parin naman niya ng time ang pagsusulat ng nobela at hindi niya makakalimutan mag-update ng apat na beses sa isang lingo ang story niya. Minsan pa nga kapag may hinahabol siyang deadline ay kailangan niyang lumalaklak ng kape para hindi siya makaramdam ng antok sa gabi. Halos gabi-gabi na lang ay puno ang kanyang tiyan ng kape. Napabuntong hininga na lamang si Cia na isipin iyon. Ting! Lumikha ng ingay ang maliit na kampanilya na nakasabit sa ibabaw ng pintuan nang buksan niya ang pinto. Pagpasok palang niya ay agad siyang nakaramdam ng sobrang komportable nang dumaiti ang malamig na hangin sa balat niya. Mabuti na lang talaga nakabukas ang aircon dito sa café kaya agad na naglaho ang init na naramdaman niya at dahil narin siguro naka-full blast ang aircon ay mabilis lang din natuyo ang pawis sa balat niya. “Good afternoon, ma’am, welcome to Jumpin’ Lava Baba Café,” Binati siya agad ng staff na kanina lang ay abala sa pagpunas ng lamesa sa `di kalayuan nang makitang pumasok siya. Ginantihan niya ito ng ngiti bago nagtungo sa counter para bumili ng maiinom. Hindi siya nagdalawang isip na piliin ang Frappuccino. Iyon lang sana ang bibilhin niya, pero nang mapansin niya na may bagong item silang dinagdag sa menu nila ngayon. Wala kasi iyon noong huli siyang pumunta rito. Medyo kunti lang ang nakain niyang pananghalian kanina at medyo gutom na rin siya ay pumili na rin siya na pwedeng kainin dito. Medyo matagal-tagal rin siya nakapili, pero sa huli ay pinili niya isang French fries with jalapeño at limang piraso ng double cheese mini burger. Matapos niyang um-order ay agad na tumungo siya sa bakanteng mesa at umupo do’n habang naghihintay na dumating ang kanyang in-order na pagkain. Inilagay niya sa tabi ang bag niya at kinuha laptop sa loob ng bag niya. Habang naghihintay sa order niya ay magsurfing muna siya sa social media at nagbakasakaling may makuha siyang isusulat. Pagbukas palang niya ng f*******: ay dinagsa ng bagong post ng mga tao at page na finollow niya. Puro tungkol sa mga scandal ng mga sikat sa showbiz o sa social media ang nakikita niya. Bago niya tingnan ng maigi ang mga naka-post sa wall ng kanyang f*******: account ay tsinek muna niya ang private message niya. So far, wala parin nagpadalang magandang balita ang mga kakilala o kaibigan niya. Paminsan-minsan kasi ay nakakatulong ang mga kaibigan at kakilala niya na makahanap ng magandang scoop para isulat. Ilang minuto ang nakalipas ay sa wakas ay dumating na ang order niya. “Enjoy your meal.” Sabi ng waitress pagktapos nitong ilapag sa mesa ang pagkain. “Salamat,” aniya saka inilapit sa kanya ang tray na naglaman ng pagkain. Makita palang niya ang mini burger ay hindi siya nakapagpigil na kumuha ng isa at kinagat iyon. Sobrang sarap talaga! No wonder na nangunguna itong mini burger sa food section ng menu nila dahil sa sarap. Habang nilalantakan ni Cia ang pagkain ay abala parin siya sa pag-surfing sa internet. Napahinto siya sap ag-scroll down ng makita niya ang malaking litrato na pinost ng official page ng kanyang kompanya na tinatrabahuan. Ang laman ng balitang pinost ng mga ito ay tungkol sa isang na anak na babae ng beteranong aktres na nahuling ng police trafficker dahil sa overspeeding tas ayaw pang aminin ang ginawa nito. Napapailing na lamang si Cia at nagpatuloy sa pagtingin sa iba pang hot topic news ngayon. Napahinto siya sa pagbasa ng marinig niyang tumunog ang telepono niya. Nanyanyanyanya! ♬ ♬ Nanyanyanyanya! ♬ Sinipat muna ni Cia ang caller I.D at nakitang boss ang nakasulat do’n. Nilunok muna niya ang pagkain na kinakain niya bago sinagot ang tawag. “Cia, ano na?” untag ng ni paul, ang boss niya, sa kanya. “Anong ano na, boss?” Bago pa siya pumasok sa kompanya nito ay kilala na nila ang isa’t isa no’ng high school pa sila. Noong freshman kasi siya ay sumali siya sa writing club kung saan ay ito ang president ng kanilang club. Unang kita palang ni Cia sa binata ay nahulog na ang kanyang loob rito. Siyempre, matapos niyang malaman ang totoong naramdaman niya para sa binata ay gusto niyang magtapat ng naramdaman para sa binata pero nagbago ang isipan niya nang minsan narinig niya ang usapan ng miyembro ng kanilang club. Ang taong pinag-uusapan ng mga ito ay tungkol kay Paul at secret girlfriend nito. Walang nakakaalam kung sino iyon pero may nakita silang clue na may karelasyon ito dahil sa kakaibang kinikilos nito nitong nakaraang araw. May hawak pa itong bulaklak at parating maganda ang mood. Kung wala itong girlfriend, eh ano? Ang saklap talaga. Ngayon lang siya umibig, unrequited love pa. Hindi na lang niya tinuloy ang balak niyang pagtatapat ng naramdaman niya. Ano naman ang silbi ng pagtatapat ng naramdaman kung taken na ang irog niya? Matapos nilang gumraduate ng high school ay nawala na ang kanilang communication. Akala niya ay iyon na din ang huling pagkikita nila, pero sinong mag-aakala na magtatagpo ang kanilang landas? Isa na itong president ng kompanyang pinagtatrabahuan niya at habang siya ng time na iyon ay kakatanggap lang sa trabaho. Parang nabuhayan naman ng loob si Cia. Nalaman din kasi niya na single ito. Is this really it? Parang pinaglaruan sila ng tadhana `no? Kung sa nobela pa ito, sigurado siyang pasok si Paul bilang gaganap na male lead ng story. Nang maglakas siya ng loob na magtapat sa binata ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa sa tugon nito sa kanya. Ano daw ang sinabi nito? Parang may tinnitus yata siya at hindi niya narinig ng mabuti ang sinabi nito. Jusko, this is not true! Sinong mag-aakala na ang first love niya ay forever na hindi magiging male lead ng kahit sinuman!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.9K
bc

His Obsession

read
89.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook