Chapter 22 Shany Hilaw ang mga ngiti ko kay Lorenzo nang lumapit siya sa kusina. “Hon, babalik ako sa Holand mamaya. Sobrang mami-miss na naman kita. Dapat sa makalawa pa ako babalik subalit may emergency kasi sa opisina.” Nakayakap si Lorenzo sa akin habang sinasabi niya iyon. “Mami-miss rin kita, Lorenzo. Tandaan mo mahal na mahal kita at kahit bumalik man ang mga ala-ala ko, hindi ko makakalimutan ang pagmamahal ko sa’yo,’’ seryoso kong sabi sa kaniya na may halong kasinungalingan. “Hayaan mo pagbalik ko dadalhin na kita sa Holand para lagi tayong magkasama,’’ aniya habang nakasiksik ang nguso niya sa aking leeg. Nakasandal siya sa lamesa. “Okay lang kahit dito na lang ako. Sana masaya ka, Lorenzo. Salamat sa kabutihan mo sa akin, masaya ako na naging bahagi ka sa buhay ko. Masaya