CHAPTER 21 Shany Nakarating kami ni Lorenzo sa british restaurant na walang imikan. Narinig ko kasi ang usapan nila ng kausap niya sa kabilang linya. Kung hindi ako nagkakamali magulang niya iyon. Sa pitong buwan naming pagsasama kahit minsan hindi niya pa ako napakilala sa mga magulang niya. Si Tita Zonia lang ang nakilala ko na kamag-anak ng asawa ko. Ilang buwan na lang isang taon na kaming kasal. Nalulungkot ako na iisipin na maghihiwalay kaming dalawa, kaya sana naman mabuntis na ako. Mamaya pagdating namin sa bahay, yayain ko si Lorenzo na muli kaming magsiping. Hindi ako titigil hanggang hindi maubos ang sperm niya. Kailangan mabuntis niya na ako. Inilapag ng waiter ang in-order ni Lorenzo, para sa aming dalawa. Mga pabirito kong pagkain ang mga in-order niya. Subalit kahit ano