Chpater 17 Shany Nakita ko na rin si Carlos na may kasayaw ng iba. Hindi ko alam kung paano ibalik sa normal ang aking nguso na nakasimangot simula nang makita na iba ang sinasayaw ni Lorenzo. Excited pa naman ako na bumitaw kanina kay Carlos upang puntahan siya. Ilang mga kalalakihan na rin ang nagtanggakang isayaw ako subalit tinatangihan ko. Natapos ang pang-apat na tugtog nang huminto sa pagsayaw si Lorenzo, at ang kasama niyang babae. “Bakit hindi ka sumayaw?’’ malamig na tanong ni Lorenzo nang makarating ito sa puwesto namin ni Tita. “Wala,’’ tipid kong sagot habang nakasimangot. “Oh, may kasayaw na pala ang partner mo.” Parang nang-iinsulto niyang sabi sa akin. Hindi ako umimik at patuloy lang sa paghaba ang nguso ko. “Gusto ko ng umuwi,’’ tipid kong sabi sa kaniya. “Huwa