Chapter 11 Lorenzo Halos isang linggo ako na hindi nakauwi sa Paraiso. Ako na kasi ang bagong CEO ng kompanya ni Mommy. Nahihiya na rin kasi ako kay Daniel dahil marami pa siyang dapat asikasuhin. Tinataguan pa siya ng asawa niya. Sa isang linggo kong pananatili sa condo unit ko tinuruan ako ni Daniel, kung paano patakbuhin ang kompanya. Hindi sapat ang isang linggo na pagtuturo sa akin ni Daniel, subalit sapat na iyon upang matoto ako sa mahahalagang bagay dahil alam ko naman ang ibang strategy kung paano magpatakbo ng kompanya dahil iyon naman ang pinag-aralan ko. Nawiwili lang talaga ako sa pagpa-farm. Inalok ko ng kasal si White leghorn upang ipakita sa ex-girlfriend ko na naka-move on na ako sa kaniya. Subalit hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit ko pinakasalan ang ampon k