Chapter 8
Shany
Nagsisi ako na sinabi ko pa kay Lorenzo na aalis na lang ako. Akala ko kasi pipigilan niya ako. Determinado pala talaga siya na umalis ako. Galit na galit siya sa pagpapaligo ko ng mga manok niya, samantalang nakita ko naman na pinapaliguan niya ang mga iyon.
Narito ako ngayomn sa bahay kubo, dito sa palayan ni Lorenzo. Nakaip ako sa sahig habang nakatiklop ang aking mga tuhod. Nakasandal ang likod ko sa dinding, habang ang baba ko nasa aking mga tuhod. Walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha.
Ayaw kong bumalik sa mansion. Alam ko na kapag bumalik ako roon makukulong ako sa bahay na hindi ko gusto. Malamig ang simoy ng hangin na lumulusot sa may pintuan at bintana ng kubong ito. Madilim ang paligid at hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mapahikbi.
“Akala ko ba umalis ka na, bakit narito ka kubo ko?”
Isang malamig na boses ang aking narinig mula sa pintuan. Inangat ko ang aking ulo at nakita ko si Lorenzo. Nakatukod ang isang niyang kamay sa hamba ng pintuan.
“Lorenzo?’’ bigkas ko sa pangalan niya. Tumayo ako mula sa pagkaupo.
Pumasok siya sa loob ng kubo at unti-unting lumalapit sa akin. Napapaatras ako dahil kakaiba ang mga titig niya sa akin.
“Pasensya ka na dahil wala naman akong ibang mapupuntahan. Isa pa madilim na, kaya naisipan ko na dito muna ako magpalipas ng oras. Sorry kung narito ako sa kubo mo.” Napapaatras ako habang sinasabi ko iyon. Napasandal ako sa dingding sa kakaatras ko dahil sa unti-unti niyang paglapit sa akin.
Huminto rin siya sa paglakad at nakulong ako sa dalawa niyang bisig. Itinukod niya kasi ang mga kamaya niya sa dingding sa magakabilaan ng akin pisngi.
“Papayagan kitang manatili sa bahay, subalit siguraduhin mon a huwag mong pakialaman ang hindi mo dapat pakialaman, naiiintindihan mo?’’ madiin niyang tanong sa akin.
Nalanghap ko ang alak mula sa kaniyang hininga. Tumango-tango ako sa tanong niyang iyo, subalit ang t***k ng puso ko hindi ko mapipigilan. Ang bilis ng pintig ng puso ko.
“Promise, hindi na mauulit. Gusto ko lang naman sana makatulong sa-“
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.
“Kaya, nga huwag kang magsariling desisyon. Kung ano lang ang ibinilin sa’yo, iyon lang ang sundin mo!”
Muli akong napatango sa sinabi niyang iyon. Nakahinga ako ng maluwag nang tinanggal niya ang kaniyang kamay sa gilid ng pisngi ko.
“Let’s go home!’’ yaya niya sa akin at tumalikod siya saka lumabas ng kubo. Mabilis akong sumunod sa likuran niya.
Walang imikan sa pagitan naming dalawa habang naglalakad kami patungo sa bahay niya.
“Puwede bang Shasha na lang ang itawag mo sa akin?’’ pakiusap ko sa kaniya habang nakasunod lang ako sa kaniyang likuran.
“White leghorn bagay sa’yo!’’ masungit niya turan.
Napasimangot na naman ako sa tawag niyang iyon sa akin.
“Ano ba ang white leghorn? Shasha na lang kasi,’’ nakasimangot kong tanong at sabi sa kaniya.
“Iyon ba ang tawag sa’yo ng mga kakilala mo?” malamig niyang tanong sa akin at hindi niya sinagot ang tanong ko sa kaniya.
Napangiwi ako sa tanong niyang iyon. Baka mabuking niya ako na wala akong amnesia.
“Parang may naalala ako kaunti na iyon ang tawag sa akin,’’ pagsisinungaling ko na naman sa kaniya. Ang pangit kasi ng ipinangalan niya sa akin. Hindi naman akong mukhang bulate na iyon ang itawag niya sa akin. “Saka hindi na ako kasing payat ng dati na nang makita mo ako sa kakahuyan,’’ dugtong ko pa.
“Bilisan mo dahil inaantok na ako,’’ sagot niya sa sinabi ko.
Napasimangot na langa ako ng tuluyan habang nasa hulihan niya ako. Ilang sandali pa nakarating na kami sa bahay. Agad naman kaming sinalubong ni Bantay.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nakita ko ang isang boteng alak sa lamesita. Kung ganoon uminom nga siya.
“Tumuloy ka na sa kusina at kumain. Bahala ka na mag-asikaso ng sarili mo,” malamig niyang utos sa akin.
“Kumain ka na ba?” tanong ko.
“Busog pa ako, kaya mauna ka ng kumain.” Pagkasabi niya umupo siya sa sofa. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at uminom.
Nagtungo na lang ako sa kusina upang kumain. Kaunti lang ang kinain ko dahil wala na rin akong gana. Mahirap lunukin ang kanin kapag mag-isa ka lang kumakain. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko at nagtungo sa silid ni Lorenzo na tinutulugan ko. Nakahiga na si Lorenzo sa sofa nang madaanan ko.
Lumipas pa ang ilang araw maayos naman ang naging buhay ko kasama si Lorenzo. Madalas nga lang na wala siya sa bahay dahil busy siya sa paged-deliver ng mga prutas. Naaaliw na rin ako sa pag-aalaga ng mga kambing at mga manok ni Lorenzo. Pati ang mga kabayo niya naaliw na akong paliguan sila.
Habang nagpapatuka ako ng mga manok nakita ko ang sasakyan ni Lorenzo na paparating. Maaga pa naman, kaya nagtataka ako kung bakit narito na siya.
Tumaas ang isa kong at napasimangot ako nang makita ko na may isang sexy na babae ang bumaba mula sa sasakyan ni Lorenzo nang huminto ang sasakyan niya sa gilid ng bahay. Maputi at maganda ang babae. Marahil kasing edad iyon ni Lorenzo o matanda lang ng kaunti si Lorenzo.
Hindi kaya girlfriend niya ang babaeng kasama niya? Nabakibot ako ng aking labi sa naisip kong iyon. Nakita ko na nagtungo sila sa strawberry farm.Binilisan ko ang pagpapatuka sa mga manok upang puntahan sila. Dali-dali akong nagtungo sa strawberry farm pagkatapos kong pakainin ang mga manok nang makalapit na ako sa kanila hindi nila ako napansin. Naririnig ko ang usapan nilang dalawa.
“Puwede ba akong pumitas ng mga strawberry?’’ maarting tanong ng babae kay Lorenzo.
Napapaismid ako at ginagaya ang sinasabi niya subalit ako lang din ang nakakarinig sa paggaya ko sa kaniya.
“Oo, nama! Pangalawang beses mo na pumunta rito sa Farm ko, ‘di ba? Ano kaya sa palagay moa ng puwede kong idagdag dito sa lupain ko bukod sa mga pananim na narito?’’ nakangiting tanong ni Lorenzo sa babae habang pumipitas na ito ng strawberry.
Isang buwan mahigit na ako sa lugar na ito subalit ngayon ko pa lang nasilayan ang mga ngiti ni Lorenzo sa kaniyang labi. Naiinis tuloy ako sa babae dahil sa kaniya lang nakangiti si Lorenzo.
“I think, maganda rito taniman ng mga ubas. Tapos puwede ka magpagawa ng pagawaan ng wine,’’ sabi ng babae kay Lorenzo nang tumayo ito.
Muli kong nasilayan ang mga ngiti ni Lorenzo sa kaniyang mga labi. Napatango si Lorenzo sa sinabing iyon ng babae.
“Great idea. Pag-aralan ko ang bagay na iyan,’’ tugon ni Lorenzo sa babae.
“Lorenzo, narito ka na pala? Sino itong bisita mo?” nakangiti kong tanong kay Lorenzo, sabay nguso ko sa babae. Bahagya pa silang nagulat sa bigla kong pagsalita.
“Bretany, si Shasha, katuwang ko rito sa farm. Tagabantay ng mga alaga kong hayop.” Napaismid ako sa pakilalang iyon ni Lorenzo sa kasama niyang babae.
“Oh, I see. Puwede mo ba ako kunan ng tubig?” maarte pa nitong tanong sa akin. Ano ang akala niya sa akin rito katulong?
“Hindi mineral ang tubig namin. Galing iyon sa sapa,’’ naiinis kong sagot sa babae.
Kumibot ang kaniyang labi na parang nandidiri.
“Shasha, kaiigib ko lang sa bukal kanina. Paanong sa sapa galing ang tubig natin?” kunot ang noo ni Lorenzo na tanong sa akin.
Malinis ang pinagkukunan ni Lorenzo ng tubig inumin. Galing iyon sa malaking bato. Nakaka-amaze nga dahil puro bato ang naroon, pero may tubig na lumalabas.
“Pinanghugas ko kasi kanina ng plato. Wala na kasing stock sa timba para sa panghugas ng pinggan, kaya iyon na lang ang ipinanghugas ko.”
Masama akong tiningnan ni Lorenzo sa sinabi kong iyon. “May meniral water ako sa sasakyan, saglit lang at kukunin ko,’’ wika ni Lorenzo kay Bretany.
“Huwag na Lorenzo, nawala na ang uhaw ko. Mabuti pa ilibot mo na lang ako sa buong farm mo,’’ maarte na wika ng babae. Bahagya pa itong tumingin sa akin saka inirapan ako.
“Sige, ililibot kita sa farm. Kung gusto mo turuan kita sumakay sa kabayo,’’ tugon ni Lorenzo sa maarte niyang kasama saka tumingin ito sa akin.
“tapos ka na ba sa pagpapakain ng mga manok?’’ malamig niyang tanong sa akin.
“Kanina pa po,’’ tipid kong sagot kay Lorenzo habang nakangiti.
“Kung ganoon, igiban ang lalagyan ng inumang tubig. Doon ka sa bukal umigib, punuin mo, tutal ikaw naman ang nag-ubos noon.”
Kumulubot ang noo ko sa utos na iyon ni Lorenzo sa akin. Naglakad na sila ng babae patungo sa hawla ng mga kabayo.
Padabog ako nagtungo sa bahay habang nakasimangot. Nagwalis na lamang ako ng bakuran dahil ag totoo puno pa naman ang lagayan namin ng tubig na inumin ni Lorenzo. Napapaismid ako habang nakatingin ako kina Lorenzo at sa babae. Tinuturuan niya ito sumakay sa kabayo. Naiinggit tuloy ako.
Lumipas ang maghapon, hinatid na ni Lorenzo ang buwesita niyang babae. Humahaba na naman ang nguso ko habang nakatingin sa kanila palayo sakay sa sasakyan ni Lorenzo. Sa sobrang inis ko hindi ako nagsaing. Nakaupo lang ako sa duyan habang hinihintay ang pagdating ni Lorenzo. Kasama ko si Bantay sa paghihintay kay Lorenzo.
Lumubog na ang sikat ng araw at madilim na ang paligid nang dumating si Lorenzo. Agad naman siyang sinalubong ni Bantay nang huminto siya sa gilid ng bahay.
Hinimas naman niya ang ulo ni Bantay nang bumaba siya sa kaniyang sasakyan. Saglit lang siyang sumulyap sa akin at pumasok na siya sa loob ng bahay sa kusina siya dumaan.
Tinatamad akong kumilos, kaya nanatili lang ang sa duyan. Ilang saglit pa ang lumipas lumabas siya sa kusina. Kampante lang ako nakaupo sa duyan.
“Hindi ka pa nagsaing?” nakakunot ang noo niya na tanong sa akin.
Hindi ako nagsalita. Padabog akong tumayo sa duyan saka pumasok sa loob ng bahay. Sa main door ako dumaan, dumiretso na ako sa kusina. Naroon siya sa kusina nagpapalingas ng apoy sa may dapugan. Kinuha ko ang kaldero at padabog na hinugasan iyon. Nakasimangot lang ako habang naghuhugas.
“Puwede bang dahan-dahan naman sa paghuhugas ng kaldero?’’ naiinis niya saway sa akin.
Hindi pa rin ako umiimik. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Nilagyan ko ng bigas ang kaldero saka hinugasan. Habang naghuhugas ako ng bigas nakita ko na nilalaga niya ang pork belly. Pagkatapos kong hugasan ang bigas padabog kong isinalang sa kalan ang kaldero.
“Ano baa ng problema mo, White Leghorn? Kanina pa ako naririndi diyan sa padabog mo. Kung ayaw mo kumilos sa gawaing bahay at masama ang loob mo, mabuti pa matulog ka na lang!’’ galit niyang sabi sa akin.
Nagyon ko lang napansin na mapula ang kaniyang pisngi. Naamoy ko ang alak mula sa kaniyang hininga.
“Nakainom ka?’’ tanong ko na may halong pag-alala.
“Kaunti lang naman. Nag-inuman kami nila Bretany sa bayan. Bakit ba humahaba ‘yang nguso mo?” Napansin niya ang biglang paghaba ng nguso ko nang marinig ko ang pangalan ng Bretany na iyon.
“Lasing ka, tapos nag-drive ka?’’ sagot ko sa tanong niya.
Kibit-balikat lang siya sa tanong kong iyon. Binuksan niya ang naka-hang na cabinet sa kusina saka kumuha siya ng alak. Binuksan niya iyon at inilapag sa lamesa. Kumuha siya ng baso saka nagsalin ng alak.
“Gusto mo uminom?’’ tanong niya sabay angat ng baso at ininom niya iyon na parang tubig lang sa panlasa niya.
“Puwede ba ako uminom niyan?” tanong ko.
Hindi pa kasi ako nakainom ng alak. Lagot ako kay Kuya kapag uminom ako ng alak. Iyon pa naman ang bilin niya sa akin na huwag kong gayahin ang ibang kababaehan na naglalasing, kaya napaparewara ang buhay, pero 23 na ako, kaya puwede na siguro ako uminom ng alak.
“Huwag na pala. Baka mamaya magwala ka pa kapag nalasing ka.’’ Napairap na lang ako sa sinabing iyon ni Lorenzo. Siya itong nagyayaya sa akin tapos tatanggihan niya rin pala ako. Nagsalin muli siya at ininom iyon.