"HINDI mo ba ako narinig?!" sigaw ng kaniyang anak sa kaniya, nakapukol ang galit nitong mga mata sa kaniya. "I said leave!" "This is my house, young man! I am entitled to let someone stay or leave this house!" puno ng awtoridad na singit ni Simon de Guzman sa anak. "Sit down, Jake and respect the food!" Tila tumiklop ang binatilyo niyang anak sa maawtoridad na boses ng ama. Wala itong nagawa kundi ang matunog na bumuntong-hininga at pabagsak na naupo sa upuan nito. Napangiti naman si Maureen sa kabila ng pagkailang. Agad siyang tumayo at lumapit sa anak. "Anong gusto mo?" tanong niya habang pigil ang emosyon na pinaghalong tuwa, sakit at pagkapahiya. "Ipagsasalin kita." "I can do it," masungit na sabi nito at ito na mismo ang nag-ayos ng table napkin sa kandungan nito at inabot ang p