Buong araw akong nakatingin sa binigay ni Toni sa akin. Na-a-attempt akong kunin ang alok niyang 30k pesos per month plus iba pa ang tip na makukuha ko.
Sasayaw lang naman ako roon at disente naman daw ang mga damit na sinusuot nila.
Sayang din kasi ang sahod na niyon. P'wede na sa amin ang gano'ng pera kada buwan at kapag naka-ipon na ako p'wede naman akong mag-resign sa bar na niyon. Need ko rin ipa-ayos ang nasunog na paupahan namin.
Kailangan ko munang i-discuss ito sa dalawang pinsan ko para malaman nila.
“Manager, alis na po ako!” paalam kong sabi at lumabas na sa unang trabaho ko sa Donut shop.
May dalawang oras pa akong free bago ang sunod kong trabaho sa isang fancy restaurant bilang waitress.
Sumakay akong jeep papuntang Megamall, mag-iikot-ikot muna ako bago pumasok sa work. Ang alam ko tuwing weekends lang ang pasok sa bar na niyon, kung pagkakataong mag-e-enroll ako this school year hindi siya magiging sagabal sa pag-aaral ko.
“Para po!” malakas na pagkakasabi ko kay manong driver, wala kasing tali sa itaas ng bubong ng jeep, e.
Lumagpas tuloy ako sa mismong tapat ng Megamall. Lumakad pa tuloy ako, hindi na ako gumamit ng overpass tumawid na lang ako marami naman akong kasabay at wala namang traffic enforcer.
Sa likod ng Megamall ang daan ko. Pagkapasok ko pa lang ay tumama na agad sa akin katawan ang malamig na hangin.
Pumunta ako sa National Bookstore, bibili muna ako ng mga kailangan nina Mariel at Ariel. Pagkatapos kong makabili ng ballpens and papers sa dalawa, dumiretso na ako sa work ko.
May isang oras pa ako pero pinili ko na lang tumambay sa locker room namin.
“Oh, hi, Gizzy!”
Ngumiti ako sa co-worker kong si Lily. Isa rin siyang waitress dito sa fancy restaurant.
“Napa-aga ang out ko sa sa unang work ko, e. Nagpasya na akong pumasok at tumambay na lang dito bago ang shift ko.” sagot ko sa kanya.
Binuksan ko ang locker ko at pinasok doon ang aking pinamili at kinuha sa bag ko ang uniform namin dito.
“Sige, Gizzy, balik na ako sa loob ng cr break lang ako.” saad niya sa akin at lumabas na rin.
Tumango na lang ako sa kanya at nagpalit na ng uniform sa bathroom na mayro'n dito. Kulay blue and white ang kulay ng uniform namin. Malamig sa mata ang kulay at p'wede rin sa mga moreno at morena.
Umupo na lang muna ako hanggang dumating ang oras ng aking shift.
“Good evening po, Ma'am and Sir!” bati ko sa dalawang may-edad, mukha silang mag-asawa.
Pinuntahan ko agad ang table nila, binigyan sila ng menu at gumilid muna ako para hintayin ang kanilang order.
Simula ng mawala si tita Jenny ganito na ang naging buhay ko araw-araw. Kailangan kong kumayod para sa aming tatlo dahil kung 'di ako kikilos pare-parehas kaming magugutom.
May naitabi namang pera si tita Jenny para sa amin pero hindi ko iyon ginagamit. Nilagay ko niyon sa banko para sa pang-college ng dalawa kong pinsan. Gusto ko makapagtapos sila ng pag-aaral.
Ngumingiti ako bawat papasok na customer sa restaurant. Kailangan naming ipakita sa kanila ang safe and good ambiance ng restaurant para umulit na pumunta sila rito.
“This is your order, Ma'am and Sir! Please enjoy your dinner!” Nakangiting saad ko sa kanila at yumukong umalis sa kanilang harapan.
Palihim akong tumingin sa wristwatch ko, halos isang oras na lang bago magsara ang mall kaya patak-patak na lamang ang dumadating na customer.
Nakatayo na lang ako rito malapit sa counter. Na-serve na kasi ang lahat ng order ng customer na mayro'n kami.
“You can take a break, less than an hour before the mall closes. There aren't many customers coming in either.” Napalingon kami nila Lily kay Manager ng sabihin niya iyon.
Lumingon ako sa paligid, tatlong table na lang ang okupado. “Thank you, Manager.” Sabay-sabay naming sabi at pumasok na sa locker room.
Napa-upo ako at nag-unat-unat dahil sumakit ang aking likod dahil sa ilang oras na pagkakatayo roon, isama mo pa na naka-heels kaming two inches. Required kasi sa work namin.
”Mas maganda talaga ang night shift kaysa sa morning shirt, ano?” Humihikab na saad sa amin ni Rachel.
“First time mo bang mag-night shift, Rachel?” Nakatingin ako kay Lily and Rachel na nag-uusap.
Gusto ko man sumali sa usapan nila, hindi ko magawa dahil pagod ako ngayong araw.
Nakita kong tumango si Rachel sa tanong ni Lily sa kanya. “Yep! Nakipagpalitan kasi sa akin ni Frances, e. May date raw sila ng jowabells niya, pumayag na ako ilang araw kasi ako kinukulit nu'n, e.” saad niya at hinubad ang suot niyang damit.
Wala naman maninilip sa kanya at iba ang locker room ng boys sa amin. Kaya safe siyang magbihis sa harapan namin.
Sumandal ako sa silyang inuupuan ko. “May itatanong pala ako...” bungad kong sabi sa kanila at sabay pa silang tumingin sa akin. “May alam ba kayong bar na may name na ‘Flavor of the Month’?” pagtatanong ko sa kanila.
Base sa sinabi ni Toni sikat daw ito sa Makati. Maraming gustong mag-party sa bar na iyon pero mahigpit sa mga customer ang may-ari ng bar, iyon ang sabi sa akin ni Toni.
Nakita kong napa-isip ang dalawa sa sinabi ko. “Teka? Ayan ba niyong sa Makati?” Napatingin ako kay Rachel dahil sa kanyang sinabi, tumango ako sa kanya.
“Mag-a-apply ka roon, Gizzy?” Umupo siya sa harapan kong silya. “Maganda raw ang pasahod doon pero... Sobrang mapili raw ang manager sa mga empleyado nila. Sabi-sabi ring masungit daw niyong may-ari nu'n.” k'wento niya sa amin.
“Pero, kapag nakapasok ka naman sa bar na iyon, jackpot daw ang sahod mo roon, maliban pa raw sa tips na matatanggap mo sa mga customer na nandoon.” pagpapatuloy niyang sabi sa amin.
“Mag-a-apply ka roon, Gizzy? Try mo kaya? Maganda naman ang credentials mo rito sa restaurant and doon sa Donut shop na pinapasukan mo. And, tsismis mo nga sa akin need mo pa ng part-time job kasi ipapaayos mo niyong bahay na nasunog niyo. Kaya gora ka na roon!” Pag-pu-push na saad sa akin ni Lily.
Nangalumbaba ako sa table at tinignan sila. “Balak ko rin kasing mag-aral ulit this school year... Kaya balak kong mag-resign sa Donut shop na pinagta-trabauhan ko. May nag-offer kasi sa akin doon, kapitbahay namin. Every weekends lang naman daw ang pasok sa bar na niyon.” Tumingin ako sa kanilang dalawa.
“Nahihiya nga akong mag-apply doon... K-kasi hindi waitress ang binigay niya sa akin,” nakagat ko ang aking ibabang labi dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanilang dalawa. Nakatingin lang din sila sa akin.
“Naghahanap daw kasi ang bar na niyo na mga bagong... Bagong dancer. Alam kasi ng kapitbahay namin na marunong akong sumayaw dahil nu'ng highschool ako isa akong member ng dance troupe sa amin.” mahinang sabi ko sa kanilang dalawa.
Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Rachel dahil sa sinabi ko. “Wow!” bulalas niyang saad sa akin at hinawakan pa ang dalawa kong kamay, muntik pa akong masubsob sa lamesa. “Grab mo na, Gizzy! Hindi mo ba alam almost 30K pesos ang sahod mo per month doon. Nabasa ko kasi sa website nila ang tungkol doon, lagi kasi akong tambay sa website ng ‘Flavor of the Month’ nag-aabang kasi ako ng hiring sa kanila sa category na waitress! Gusto ko nga sana i-try niyon pero parehong kaliwa ang paa ko, baka mapahiya lang ako.”
Nakita ko ang ningning sa mga mata ni Rachel habang sinasabi niya iyon. “I-grab mo ba ang opportunity na iyan, Gizzy! Sayang naman ang chance mo! Para sa income niyo ring magpipinsan niyan!” Tapik sa akin ni Lily.
“H-hindi ba nakakahiya niyon? D-dancer ako sa bar?” mahinang tanong ko sa kanila at yumuko para hindi makita ang mga ekspresyon nilang dalawa.
“Gaga! Anong hiya-hiya? Anong nakakahiya bilang dancer sa bar o club man niyan? Hindi nakakain ang hiya, Gizzy! Saka, high-end class bar niyon! Meaning, mayayaman ang customer niyo!” sumbat sa akin ni Rachel.
Nakita kong tumango-tango sa akin si Lily. “Yes, saka isang disenteng trabaho ang pagiging dancer, Gizzy. Kaya i-push mo na niyan. Sayang naman kung hindi mo ita-try.”
Napangiti ako sa kanilang dalawa. “Salamat, guys! Sige, ita-try ko niyon at kapag nakapasok ako, pramis, kayo ang unang ililibre ko.” saad ko sa kanila.
Nag-apiran ang dalawa sa harapan ko. “Uy, kapag may gwapong customer ka, ha? Reto mo na lang sa akin, Gizzy!” kinikilig na saad niya sa akin at hinampas pa niya ako.
Napailing na lang kami ni Lily sa kanya. May sira na ang ulo ang isang ito.
Sa ngayon, kina Mariel and Ariel ko na lang sasabihin ang tungkol sa desisyon ko. Sana pumayag din sila katulad ng dalawang ito.