CHAPTER 7: You're Hired

1931 Words
It was past eleven o'clock in the evening when I got home. Sobrang dilim sa sala namin kaya binuksan ko ang ilaw. Nilapag ko ang bag na dala ko at maging supot ng National Bookstore sa sofa. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Kumuha ako ng baso at isang pitchel sa refrigerator namin, nakabukas ngayon ito dahil may imbak pa kaming baboy at manok sa freezer nito. Pinapatay kasi namin ito pars bumaba ang bill ng kuryente namin. Nakita ko ang dining table namin dito. May nakatakip doon sa gitna ng lamesa, inangat ko niyo at nakita ko ang pritong manok. Napangiti ako ng makita ang notes doon sa gilid ng plato: “Ate Gizzy, ito po ang dinner niyo, ha? Kainin niyo po, okay? Ayaw po namin magkasakit kayo. Love you always, ate! Love, Mariel and Ariel. PS: may meeting po ng mga magulang bukas, p'wede po ba kayo?” Hinila ko ang upuan, kinuha ko ang kanin na nakalagay na rin sa plato at kinain na rin ito. Marunong na ang dalawa sa mga gawaing bahay kaya hindi na ako kinakabahan kapag nagluluto na sila, nang sila lang. After kong kumain, hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko. Kailangan ko pa lang mag-leave muna bukas sa Donut shop. Nagtext na agad ako sa manager namin na hindi muna ako makakapasok bukas at may importante akong gagawin. Laking gulat kong nagreply din siya agad sa akin, na pumapayag siyang hindi ako pumasok. Nilapag ko na ang phone sa tabi ng kama ko, nagset ako ng alarm ng six am and agad na rin akong nakatulog. WALA pang alas-sais ng umaga ng magising ako. Mas nauna pa ako ngayon sa alarm ko. Nag-ayos na rin ako ng aking sarili. Nag-suot lang ako ng jeans and light blue long sleeves at sa loob nito ay isang puting sleeveless. Bumaba na ako sa sala namin para makapagluto na at makapaghanda ng baon ng dalawa kong pinsan. Mas gusto nila magbaon ng kanin dahil mas nakakatipid sila. “Good morning, ate Gizzy!” Napalingon ako sa bukana ng kusina at nakita ko si Mariel na inaayos ang kanyang palda. “Good morning din, Mariel! Si Ariel nakahanda na rin ba?” pagtatanong ko sa kanya habang nilalagyan ang kani-kanilang tupperware. Nakita kong tumango siya sa akin. “Opo, ate Gizzy. Nagsasapatos na lang po siya sa sala.” Umupo siya sa silya sa hapagkainan namin. “Ate, sasabay ka na po ba sa amin pagpunta sa school?” Nilingon ko siya at nilagay sa plastic ang tupperware nilang dalawa. “Oo, sasabay na ako sa inyo ngayon. Nakapagsabi naman na ako sa manager ko na hindi ako papasok sa shift ko today.” sagot ko sa kanya. “Ariel! Kumain ka na baka ma-late tayo sa school niyo!” Malakas na tawag ko sa pinsan kong lalaki. Nagsandok na rin ako ng kanin at isang hotdog and itlog. “Oo nga pala, Mariel...” Nakita ko si Ariel na pumasok na rin sa kusina at umupo sa tabi ng kapatid niya. “May pupuntahan akong trabaho sa Makati, inalok ako ni Toni na mag-apply sa bar na pinapasukan niya bilang dancer.” “Iyong kapitbahay po ba natin niyon, ate Gizzy?” Tumango ako sa sinabi ni Mariel. “Hiring daw sa kanila ang dancer ngayon. Sayang naman kung 'di ko susubukan. Malaki ang pa-sweldo nila kada buwan.” saad ko sa kanilang dalawa. Tinignan ko ang mga reaksyon ng mga mata nila sa sinabi ko. “Hindi po ba delikado ang trabaho na niyon, ate? Bar po niyon at baka mapaano po kayo?” Bakas sa boses ni Ariel ang pag-aalala sa akin. Umiling ako sa kanya. “Sabi naman ni Toni sa akin, disente ang mga damit na sinusuot nila roon. At, hindi rin p'wedeng i-table ang mga dancer nila. Sayang kasi ang 30K pesos per month nila kaysa sa dalawang trabaho ko na almost 6K pesos per cut off ko.” saad ko sa kanilang dalawa at sumubo ng pagkain. “Mag-iipon ako panggawa ng paupahan nating nasunog at balak ko ring magpatuloy ng pag-aaral ngayong school year, one year na lang din mag-ka-college na rin kayong dalawa.” paliwanag ko sa kanila. Pareho silang nakatingin sa akin at mukhang ninanamnam ang bawat sinasabi ko. “Siguro kapag nakapag-ipon na ako saka ako mag-re-resign at magtatayo na lang tayo ng tindahan sa tapat natin.” Ngiti kong sabi sa kanila. Nakita kong ngumiti sa akin si Mariel. “Ate Gizzy, kapag grumaduate na kami ng college magpapatayo kami pareho ni Ariel ng bahay para sayo at hindi ka na magta-trabaho pa para sa aming dalawa!” Nagtinginan ang dalawa kong pinsan, “Kaya pumapayag po kami sa sinabi niyo! Alam naman po namin kahit tumutol kami pupunta ka pa rin po roon! Saka, may tiwala po kami sa'yo, ate Gizzy!” Sabay nilang sabi sa akin na siyang pag-iling ko sa kanilang dalawa. Tumayo ako sa aking kina-u-upuan at ginulo ang mga buhok. “Kayo talagang dalawa!” “Ate, iyong buhok ko may gel niyan!” Awat sa akin ni Ariel. -- May narinig akong kumatok sa pinto ng k'warto ko. “Ate Gizzy, nandito na po si ate Toni!” Nakita kong sumilip si Mariel kaya tumango ako sa kanya. “Sige, bababa na rin ako.” saad ko sa kanya at tumango siya sa akin. Tinignan ko muna ang aking buong sarili sa salamin ng aparador namin. Sinabihan kasi ako ni Toni na magsuot ng comfortable wear kasi after ng interview pasasayawin agad kami, kaya ito ang sinuot ko. Black jeans and loose checkered black and red long sleeves at sa loob nito ay plain white shirt. Nakahanda na rin ang song na sasayawin ko, sana nga lang makapasa ako. Wala naman sinabi sa akin si Toni na maghanda ng kanta pero nag-ready pa rin ako. Maayos na siguro itong make-up na nilagay ko sa sarili ko. Naglagay lang naman ako ng eyeliner and liptint sa pisngi and labi ko. Kinakabahan ako pero sana matanggap pa rin ako mamaya, sayang ang 30K pesos per month na sahod. Kinuha ko ang maliit na backpack ko at saka ako bumaba sa sala. Nakita ko agad si Toni na naka-upo roon at sa harapan niya ay may isang basong tubig. Yumuko ako sa kanya pagkalapit ko, “Sorry kung naghintay ka.” saad ko agad sa kanya. “Ayos lang niyon.” Tinapik niya ang aking kanang braso. “Handa ka na ba? Pagbutihin mo ha?” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Ariel and Mariel, aalis na ako. Initin niyo na lang niyong ulam sa refrigerator, ha?!” bilin ko sa kanila at sabay na tumango sila sa akin. Buong byahe ay kumakabog ang dibdib ko at namamawis ang aking kamay habang papunta kami sa Makati kung saan nakatayo ang ‘Flavor of the Month’ na bar na pag-a-apply-an ko. Lalo akong kinabahan ng nasa tapat ko na ito. Napalunok ako nang ilang ulit dahil kita sa bar na ito na pang-mayaman talaga ang parokyano na pumapasok at nagsasayaw rito. “Come on, Gizzy? Paniguradong marami na ang nag-a-apply sa loob.” Ngiting saad sa akin ni Toni kaya sumunod ako sa kanya. “Galingan mo kay manager Phil, ha? Siya ang manager at tumatanggap ng mga aplikante rito. Kapag pasado ka na sa kanya, sure na pasok ka na rin sa pinaka-boss namin.” saad niya sa akin na lalong pagkaba ng dibdib ko. May dalawang bouncer sa harap ng pinto at may pinakita si Toni sa kanila, mukhang ID niya. “Mag-a-apply niyang kasama ko!” ani niya sa dalawang malalaking tao at tinuro ko, napaiwas ako ng tingin. Nakakatakot sila. Pagkasabi ni Toni niyon ay pinapasok na kami. Napabukas ang aking bibig ng makita ang pinaka-loob ng bar na ito. Kumikinang ang bawat sulok ng bar at sa pinaka-unahan ay may malaking stage roon. Malawak ang loob nito. Tumingin ako sa paligid, may second floor dito at sa likuran namin ay bar counter. “Gizzy, VIP room ang mga iyon.” Kinalabit ako ni Toni at tinuro sa akin ang second floor. “D'yan madalas tumatambay ang mga VIP customer natin. May room d'yan kung saan p'wede sila mag-s*x ng mga empleyadong p'wedeng i-table.” Nagulat ako sa kanyang sinabi. “Huwag kang mag-alala kung matatanggap ka rito, hindi ka p'wedeng i-table ng kahit sinong customer ng Flavor of the Month hanggang tingin lang sila sa'yo, lahat ng dancer sa bar na ito ay bawal i-table.” ani niya sa akin at kinindatan ako. Naglakad na ulit siya kaya sumunod ako sa kanya. Pumasok siya sa isang pinto na may nakalagay na ‘For personnel only’. May nakakasalubong na kaming ibang tao at mukhang kapwa empleyado niya rito. Lumiko sa kaliwang bahagi si Toni, nakasunod lang ako sa kanya. “Gizzy, d'yan ang interview para kay Manager Phil.” saad niya sa akin. May nakita akong iba pang nag-aabang sa nag-iisang pintong mayro'n dito. “Hintayin mo na lang tawagin ka, ha? Ipapasa ko itong pinasagutan ko kanina sayo sa secretary niya. 'Tas hintayin mong tawagin pangalan mo. Goodluck!” pagpapatuloy niyang sabi sa akin. Nang mawala si Toni lalo akong kinabahan, dalawa na lang kaming nandito sa labas ng office ni Manager Phil. Ano kaya pinapagawa niya? Kasi niyong mga lumalabas sa room na iyon ay nakababa ang mga balikat at malungkot ang mga mata nila. “Gizzy Torres! Gizzy Torres, you've come inside!” Napatayo ako ng marinig ko ang pangalan ko. Heto na, 'wag kang kabahan, Gizzy. Kaya mo ito! Kumatok ako nang tatlong beses at binuksan ang pinto. “Good day po, Mr. Phil!” bati ko ng makapasok sa loob. Nakangiti siyang sinalubong ako. “You may sit down.” ani niya sa akin at tinuro ang swivel chair sa harapan niya. “Do you know how to dance? A sexy dance in front of male and female customers?” He immediately asked me a question kaya tumango agad ako sa kanya. “Yes po, Mr. Phil. I am a member of the dance troupe that I had when I was in high school. So, I can face a lot of people and dance of any genre.” Buong lakas kong sabi sa kanya. “Stand up,” utos niya sa akin kaya dali-dali kong sinunod ang sinabi niya. “Your body has a shaped. You have a beautiful face and you also have stature.” Ngumiti siya sa akin at hindi ko alam kung para saan ang ngiting na iyon. “Okay, I believe you know how to dance because otherwise Toni will be fired from her job, she is the one who recommended you to me. So, you are hired to be a dancer in this bar. You know the rules of a dancer, right? ” Lumaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. “P-pasok na po ako?” nagtataka kong tanong sa kanya. He nodded at what I said. “Yes! You are hired! Congratulations, Ms. Gizzy Torres!” Nilahad niya ang kanang kamay niya sa akin at tinanggap ko agad ito. “T-thank you po, Mr. Phil!” saad ko sa kanya. “No worries. Puntahan mo na lang ang secretary ko sa labas. May ibibigay siyang rules and regulations sa bar na ito and papipirmahin ka na ng contract. Don't forget, Ms. Torres, every weekends lang ang pasok dito. See you next weekend!” Tumayo ako sa harapan niya at yumuko. “Thank you rin po, Mr. Phil. Gagawin ko po ang lahat!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD