CHAPTER 5: Sunog

1655 Words
Ilang linggo rin ang nakakaraan ng sabihin ni tita Jenny ang tungkol sa sakit niya kina Mariel and Ariel. Katulad ng reaksyon ko ang ginawa nilang dalawa. Naaawa ako sa kanila ng makita ko kung paano humagulgol ang dalawang pinsan ko. Kung paano nila tawagin si tita Jenny at paano sila tumawag sa Panginoon na huwag ang mama nila. Tatlong buwan ang nakalilipas ng malaman namin ang tungkol sa sakit niya. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin para maramdaman ni tita Jenny na mahal na mahal namin siya. Pinapahinto na nga namin siya mag-live para sa business niyang ukay-ukay, hindi siya pumapayag sa mga sinasabi namin. Ang palagi niyang sinasabi sa amin kapag pinapahinto namin siyang mag-trabaho ay: “Ito na lang ang tanging magagawa ko para sa inyong tatlo hanggang kaya ko pang gumalaw-galaw, magbebenta pa rin ako ng ukay-ukay.” Kaya wala rin kaming magawa kung 'di tulungan na lang din si tita Jenny. Ako na ang nagsusulat ng mga nag-ma-mine sa live video and kaming tatlo na rin ang naghahatid ng mga order sa mga miner. Hanggang sumapit ang ika-anim na buwan ni tita Jenny doon na talaga siya humina nang husto. Hindi na rin siya makatayo katulad ng dati at maging ang pag-la-live sa kanyang facetagram ay hindi na rin niya magawa. Tumigil ang business niyang ukay-ukay. Munti na rin ako ma-drop out sa school dahil sa palagi kong pagliban sa klase. Wala kasing mag-a-asikaso kay tita Jenny, ayoko namang pagtigilin din sa pag-aaral ang mga pinsan ko. Nakita ko mismo kung paano humina nang humina ang pangangatawan ni tita Jenny hanggang tuluyan siyang mawala sa amin. Halos isang linggong hindi pumasok ang dalawang pinsan ko ng mailibing namin si tita Jenny sa mismong puntod din nila Papa. Naranasan na rin ng mga pinsan ko ang tuluyang mawalan ng magulang. Kami na lamang ang magdadamayan sa isa't-isa. -- “Ate Gizzy! Ate Gizzy!” Napa-angat ako ng tingin at tumingin sa pinto ng bahay. Narinig ko kasi ang malakas na tawag ni Ariel sa pangalan ko. Kasalukuyan akong naglilista ng mga gastusin namin ngayon. Sobrang kapos kami ngayong buwan dahil sa sabay-sabay na gastusin nina Mariel at Ariel sa school. Tumigil pala ako ng isang taon dahil kapos talaga kami sa gastusin namin dito sa bahay. Naghanap ako ng trabaho, kapag umaga cashier ako sa may Donut shop, isang sakay lang naman niyon. At, kapag gabi naman waitress ako sa isang fancy restaurant sa may Megamall. Kulang kasi ang isang trabaho para sa pang-araw-araw na gastusin naming tatlo at isama pa ang ilaw at tubig na binabayaran namin buwan-buwan. “Ariel, nandito ako sa kusina!” sigaw ko pabalik sa kanya. Nagsimula ulit akong magsulat. Kailangan kong pumunta sa paupahan mamaya, kukunin ko ang bayad nila sa upa at iyon ang pag-go-grocery ko this month. “Itong 350 pesos pang bayad sa tubig namin then itong 1,500 pesos ay sa ilaw...” Isinantabi ko ang 1,850 pesos at nilagyan niyon ng maliit na papel kung para saan niyon. “Ate...” Tinignan ko si Ariel na hingal na hingal. Tumakbo ba ang isang ito? “Ang aga mong umuwi, ha? Wala ka bang itu-tutor ngayon?” takang tanong ko sa kanya at bumalik ang tingin ko sa perang nasa lamesa. Tumatanggap kasi siya ng tuturuan lalo na kapag elementary ang bata. Matalino itong si Ariel same naman sila ni Mariel, e. Parehas silang nag-e-excel sa mga klase nila kaya nga ayokong huminto sila sa pag-aaral. Naririnig ko ang malalim niyang paghinga. “Ate Gizzy, iyong paupahan natin nasusunog...” Napatayo ako sa gulat at tinitigan siya. “N-nasusunog?” Teka? Tumango siya sa akin. “Iyong classmate ko po tumakbo pauwi sa kanila ngayon. Nagtext kasi ang Mama niya na nasusunog sa lugar na niyon. Kapitbahay lang po namin sila roon!” Oh s**t! Bakit ngayon pa? Inayos ko ang perang binibilang ko at pinasok niyo sa wallet ko. Hindi ko na nga maayos dahil natataranta na ako. Sana naman naapula agad. Sana hindi na dumating sa amin mismo. Iyon na nga ang isa namin pinagkukuhanan ng gastusin ang paupahan. Tumakbo kami ni Ariel palabas ng bahay. Ni-lock ko muna ito baka kasi manakawan naman kami. Tumawag agad ako ng traysikel at nagpahatid kami sa bahay nila dati. iyon na lang ang mayro'n kami. Iyon na lang ang iniwan sa amin ni tita Jenny. Pagkaliko pa lang ng traysikel sa may eskinita, tanaw agad namin ang makapal at maitim na usok sa kalangitan. Oh s**t! Pinahinto ko na si kuyang traysikel driver. Hindi na siya makakadaan dahil ang daming truck na ng bumbero ang nasa daan at maging mga gamit ng tao ay nasa daanan na rin. “Kuya, babalikan ko po kayo! Hintayin niyo po kami!” saad ko sa kanya at tumakbo kami ni Ariel. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung maging ang paupahan namin ay mawawala. Halos pabagsakan ako ng langit at lupa ng makita ko ang nangungupahan sa amin. Nasa tabi sila ng kalsada at dala-dala ang mga gamit nila. Hindi p'wede ito! “G-gizzy, n-naabutan ang bahay niyo. Dalawang bahay lang ang pagitan namin sa bahay kung saan nag-umpisa ang sunog...” paliwanag ng padre pamilya na nagrerent sa amin. Halos mapaupo ako sa aking nalaman buti na lang nahawakan agad nila ako. “P-paano raw po nag-umpisa ang sunog?” pagtatanong ko sa kanila. “Dahil daw sa electric wire sa may bahay nila.” Napapikit ako sa aking narinig. Bakit ngayon pa kung kailan kapos na kapos kami? Ilang oras bago na-apula nang tuluyan ang sunog. Buti na lang talaga binalikan ko si kuya traysikel at nagbayad na ako ng pamasahe namin. Tinext ko rin si Mariel na magsaing na pagkarating sa bahay. Pinuntahan namin ang bahay, sunog ang mga kahoy sa loob nito pero maayos naman ang labas dahil gawa ito sa semento. Matagal pa bago ko ito mapapaayos. Maitim na rin ang mga yero at sa loob ng bahay ay mga naiwang gamit ng nangungupahan sa amin. Ang dami rin pala nilang gamit na hindi nailabas man lang. “Mr. Tim, maiintindihan ko po kayo kung hindi kayo makakabayad this month na upa niyo. Kailangan niyo rin po kasi niya para sa lilipatan niyong bago. Imposible po kasing maipagawa ko agad ang bahay.” masinsinan kong kausap sa kanya. “Gizzy, tanggapin mo pa rin itong kalahati ng bayad na upa namin. Kapag napaayos niyo ulit ang bahay na ito, contact-in mo agad ako. Kami ulit titira.” saad niya sa akin at binigay ang kalahating bayad sa upa nila. Yumuko na lang ako sa kanilang mag-asawa. Mabait sila at maging ang dalawang anak nila na parehong nag-aaral sa kolehiyo. “Bakit hindi ka ulit mag-aral, Gizzy? May mga public school naman sa kolehiyo na walang tuition fee lalo na kapag naging scholar ka nila. Paniguradong wala kang babayaran ni piso man lang. Alam ko sa Carter's University kung saan nag-aaral ang dalawa kong anak ay may pa-scholar doon, try mong mag-enrol this school year para rin niyon sa'yo at sa dalawang pinsan mo.” Napaisip ako sa kanyang sinabi kaya tumango ako sa kanya. Mga 6PM ng umuwi kami sa bahay ni Ariel. “Ate Gizzy, kumusta ang bahay natin?” bungad na tanong sa akin ni Mariel. Umiling ako sa kanya, “hindi nakaligtas sa sunog, Mariel.” Napa-upo at napa-sandal ako sa sofa namin. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng trabaho ulit. Kailangan ko ng panibagong income para sa aming tatlo. “Ate Gizzy, huminto rin muna kaya ako?” “Hindi. Walang hihinto sa inyong dalawa, okay? Hahanap ako ng paraan. At, ilang buwan na lang naman matatapos na ang school year, balak ko na rin bumalik sa kolehiyo this year. Kaya hahanap ako panibagong income nating tatlo.” tutol na saad ko sa sinabi ni Mariel. KINABUKASAN, maaga akong nag-ayos. Kailangan kong maaga pumasok ngayon sa Donut shop na pinagta-trabauhan ko. Nakapagluto na rin ako ng breakfast nilang dalawa at nag-iwan na rin ng baon nila. Pagkalabas ko sa aming bahay ay nakita kong dumaan si Toni – isa sa mga kapitbahay namin, dalawangput' tatlong taon gulang. Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon. “Hey, Gizzy!” tinawag niya ako at huminto sa aking tapat. Maaga pa naman kaya ayos lang sigurong bigyan ko siya ng pansin. “Totoo bang nasunog ang paupahan niyo sa Don Carlos?” Tumango ako sa kanyang sinabi. Ang lawak ng tsismis talaga. “'Di ba marunong kang sumayaw?” Napakunot ang noo ko ng tanungin niya ako tungkol doon. “Napanood kita rati sa school noong highschool, isa ka sa member ng dance troupe noon. Gusto mong mag-apply sa amin? Need namin ng bagong recruite na mga dancer sa club na pinagta-trabauhan ko.” Masayang saad niya. Umiling ako sa alok niya. “A-ayo–” “Disente naman ang mga damit doon. Tapos, high-end class ang bar na iyon. Puro mayayaman na customer lang p'wedeng pumunta roon at mga walang sabit. Hindi ka rin p'wedeng i-table dahil magkaiba ang trabaho na niyon. 30k pesos per month ang sahod, Gizzy. Ang, G ka? Patusin mo na?!” Alok pa rin niya sa akin. Hindi ako makapag-isip ng tama kung kukunin ko ang alok niya sa akin 30k per month? Seryoso ba siya roon? “Legit niyong 30K pesos per month na sahod doon, Gizzy. Kaya nga nagbubuhay mayaman ang mga magulang ko ngayon. Tapos, iba pa niyong tips na ibibigay sa'yo ng mga customer doon.” May nilabas siya sa kanyang wallet at binigay niya ito sa akin. “Ito cellphone number ko, Gizzy. Kapag gusto mo ang inalok ko sa'yo tawagan mo ako, okay? Sige, una na ako sa'yo!” ani niya sa akin at lumakad na ulit. Tinitigan ko ang hawak ko. Tatanggapin ko ba? Para naman sa sarili ko at sa pinsan ko ang gagawin ko 'di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD