Napa-aga ang pagdating ko sa bar. Hindi kasi kami sabay ni Toni ngayon. Nagkaroon kasi ng date si Toni sa isang client namin kaya maaga siyang umalis sa kanila. Diretso papasok na niyon dito.
“Wow! Ang aga mo today, Gizzy!”
Bagot na tumingin ako kay Kelly – isa siya sa mga babaeng tina-table rito sa bar. Si Kelly ay sikat sa bar na ito, magaling daw kasi siya. Hindi ko alam kung saan siya magaling.
“Napa-aga lang dahil 'di kami sabay ni Toni.” ani ko sa kanya at nangalumbaba sa table.
Nakita kong tumango-tango siya sa aking sinabi. “By the way, goodluck sa first ever prod niyo nila Zoe! Galingan niyo!” Ngiting saad niya sa akin at pumunta sa kabilang room.
Nasa kabilang room ang kanilang dressing room. Magkaiba ang dressing room ng dancer at sa mga female entertainer.
Lahat naman ng mga nagtatrabaho rito ay mababait, hindi sila galit o takot masapawan once na may umangat sa mga kasama nila kaya maganda talagang magtrabaho rito, lalo ka pa nila tutulungan.
Kinuha ko ang small backpack ko at nilabas ang phone ko roon. Nakagawa na ako ng account sa website ng Carter's University, ang kailangan ko na lang gawin ay ang mag-exam, nakapag-apply na rin ako sa Education course at lucky me na hindi pa puno ang Filipino major sa kanila. Ang schedule ng exam ko ay sa next month pa, buwan ng Abril.
May time pa ako para makapag-review. At, kapag nakapasa ako p'wede akong kumuha ulit ng exam for scholarship naman. Iyon talaga ang hinahabol ko.
“Good afternoon, Gizzy! Nakapag-enroll ka na?”
Tumingala ako at nakita ko si Zoe and si Mildred na sabay na pumasok sa dressing room.
Nakatingin si Zoe sa phone ko. Ngumiti akong lumingon sa kanya. “Yup! Kahapon lang ako nakapag-apply pero next month pa ang schedule ng entrance exam ko!” sagot ko sa kanya. “Ikaw, akala ko papasok ka rin this school year?” pagtatanong ko sa kanya.
Sinundan ko ang kanyang galaw at umupo siya sa kanyang permanent seat dito sa dressing room namin.
“Yes, actually nakapasok na ako sa STI, doon ko pinili mag-enroll. Malapit lang kasi sa bahay namin and ilang minuto lang ang lakaran hindi mo na kailangan mag-jeep o sumakay ng traysikel.” sagot niya sa akin at hinila niya ang drawer sa ilalim ng vanity table, nilabas niya roon ang iba't-ibang klaseng brush.
“Um, si Sasha mag-e-enroll din this year?” Hinila ko na rin ang drawer dito sa aking tapat at nilabas ang kakailanganin kong make-up.
Hindi ako marunong maglagay ng make-up sa sarili ko. Saka, may nag-aayos naman sa amin dito, kinuha ko na lang muna para makapaghanda na rin mamaya sa first prod namin.
“Graduate na si Sasha sa two years course niya.” Tumingin siya sa akin. “Computer Secretarial ang course niya, ayon sa kanyang sinabi.” pagpapatuloy niyang sabi sa akin.
“Uh, pero, p'wede niyang dalhin niyong 2 years course niya sa pagiging bachelor degree! Why not na mag-enroll ulit siya?” suggestions na sabi ko kay Zoe.
Tumingin si Zoe sa akin. May nilagay siya sa kanyang mukha. “Iyon din ang sabi ko sa kanya, ipagpatuloy niya iyong 2 years course niya pero ayaw na raw. Tinatamad na raw siya mag-aral. I feel her!” Kumuha siya ng isang naka-pack sa kanyang maliit na bag at kumuha siya ng small amount doon. “Kikita na rin kasi tayo nang malaki-laki rito. Hindi pa tayo sumasahod nito pero iyong tips na binibigay sa atin parang sahod na sa mga nagtatrabaho sa office... Gusto mo moisturizer?” alok niya sa akin at kinuha ko ang naka-pack sa kanyang kamay.
Tama naman siya this week pa lang kami sasahod pero iyong tips na nakuha namin sa ilang gabi pa lang namin dito ay katumbas na ng isang buwan kong sahod noon sa dalawang pinagta-trabauhan ko rati.
“Buti na lang talaga napilit ako ni Mama na mag-aral kasi kung 'di, hindi ako mag-e-enroll this school year. Ikaw ba? Pinilit ka lang din ba?” Nakatuon ang tingin ni Zoe sa akin.
Sumandal ako sa silyang inuupuan ko at naglagay ng ample amount sa aking mukha at ini-spread ko ito.
Umiling ako sa kanya. “Balak ko rin talaga mag-aral this year, Zoe. Nangako kasi ako sa magulang ko na makakapagtapos ako ng kolehiyo!” ngiti kong saad sa kanya.
“Grabe ka rin, ano? Ikaw ang nag-a-asikaso sa mga pinsan mo at ikaw rin ang nagta-trabaho para mabuhay kayo araw-araw.” Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
“Kung hindi kasi ako magta-trabaho, paniguradong walang mangyayari sa aming tatlo ng mga pinsan ko. At, nangako rin kasi ako sa mama nila na aalagaan ko ang dalawang pinsan ko.” Nakangiting sagot ko sa kanya.
Habang tumatagal dumadami na rin kami rito sa dressing room. Nakita ko na rin dumating si Toni habang nakapaskil sa kanyang labi ang isang malaking ngiti.
“Gizzy, sabay tayo uwi mamaya, ha? Ihahatid tayo ng boyfriend ko!” ani niya sa akin ng makarating siya kanina at kinindatan pa niya ako.
Tumango na lang ako sa kanya. Sayang din ang pamasahe, makakatipid ako.
“Swerte ni ate Toni, ano? Na-inlove sa kanya ang isang regular customer dito.” Napabaling ang tingin ko kay Sasha.
“Lucky ni ate Toni. Paano kung may magkagusto rin sa atin dito? Makikipag-date rin ba kayo?”
Napaisip ako sa sinabi ni Zoe. Papayag ba ako kung may magtanong din sa akin ng gano'n?
“Of course, 100% papayag ako, Zoe! Grasya na 'yon, ano! Mag-iinarte pa ba ako?” Napatingin ako kay Sasha ng sumagot siya ng walang alinlangan. “Besides, kung kasing gwapo at hot ng boylet ni ate Toni, why not 'di ba? Lahat naman ng mga customer natin dito nasa mayayaman angkan at take note gwapo at ang ya-yummy pa!” pagpapatuloy niyang sabi sa amin at ginalaw pa ang kanyang kanang hintuturo sa harapan.
“What about you, Gizzy? G ka rin ba magpaligaw sa mga customer natin incase na may magkagusto sayo?” Nakatingin na tanong sa akin Zoe.
“Um, s-siguro? Hindi ko pa alam, e... Hindi ko pa kasi alam kung paano ligawan, never pa akong nagkaroon ng boyfriend o manliligaw man lang.” nahihiya kong pagtatapat sa kanilang dalawa.
“Teka! For real? Wala pang nanliligaw sa'yo?” bulalas na tanong sa akin ni Sasha kaya tumango ako sa kanya. “Weh? 100% real na real talaga? Sa ganda mong 'yan? Imposible! Akala ko nga dalawa o tatlo na ang ex-boyfriend mo, e!”
Napakamot ako sa aking buhok dahil sa sinabi ni Sasha. Gano'n ba tingin niya sa akin?
“W-wala pa talaga ni-isang nanligaw sa akin. Kaya imposibleng may magkagusto sa akin na customer natin.” hiyaw na ngiti ko sa kanila.
Naiwan ang conversation namin ng tawagin na ako ng make-up artist namin dito. Kailangan ko ng ayusan kaya iniwan ko na muna sina Zoe and Sasha roon.
Pero, kung may manligaw ngang customer namin sa akin. Anong gagawin ko? Papayag ba ako? Wala naman sinabi sa rules and regulations na bawal ang makipag-date sa mga parokyano namin. Kaya nga marami sa mga dancer na nagtatrabaho rito may boyfriend na customer namin at ang iba ay nagreresign na dahil utos ng mga boyfriend nila.
Ano nga ba ang tamang gawin ko kung may manligaw sa akin? Papayag ba ako? O, titignan ko muna kung mabait at gentleman niyon katulad ni Papa?
“Tapos ka na, Gizzy! Goodluck sa prod mo mamaya, okay?”
Napangiti na lang ako ng hindi ko namalayang okay na pala ang make-up ko. “ Salamat po, 'te Cha!” At, saka tumayo sa upuan.
Sumunod na tinawag sa akin ay si Zoe. Naging abala na ang lahat dahil 30 minutes na lang mag-uumpisa na ang mga dance sa pagsasayaw. Ang mga female entertainer naman ay abala na sa kanilang duty na paligayahin ang mga customer ng ‘Flavor of the Month’ bar.
Nilalamig na ako rito. Namamawis at nilalamig na ang pareho kong mga palad dahil ilang minuto na lang sasalang na ako sa stage, bilang solo prod ngayong araw.
Ilang beses na rin nila ako pinapakalma nina Zoe and Sasha kaya lalo akong kinabahan at the same time ay ginanahan na sumayaw sa harap ng mga loyal customer namin.
“Gizzy, ikaw ang next!”
Tumayo na ako ng marinig ko ang boses ni Mamu. “Goodluck, girl! Kaya natin 'to!” Ngumiti at tumango ako kay Sasha at maging kay Zoe.
Lumakad na ako papunta kay Mamu, palabas sa dressing room namin. “Galingan mo, Gizzy, okay? Marami ang nanonood ngayon! Alam kong kaya mo 'yan!”
Ngumiti at tumango ako kay Mamu, “Ibibigay ko ang lahat, Mamu!” saad ko sa kanya at pina-standby na niya ako.
Huminga ako nang malalim ng marinig kong tapos na ang tugtog sa stage. Ibigsabihin ako na ang tatayo sa entablado ngayon.
“Let's all welcome, the ‘Glamorous Glenda’ and her own Pole dance!” Narinig kong pagpapakilala sa akin ng emcee.
Glamorous Glenda, pangalan ni Mama ang ginamit ko.
Malaking ngiti ang binigay ko sa kanila ng makalabas ako sa backstage. Binigay ko ang lahat ng makakaya ko para pamanghain sila sa aking pagsasayaw.
May naririnig akong humihiyaw at nagbabato ng mga tangkay ng bulaklak sa harap ng stage hudyat na nagugustuhan nila ang ginagawa ko sa kanilang harapan.
At, sa huling ginawa ko ay nag-ala-cupid form ako sa pole bar at malalakas na palakpak ang aking narinig.
Bumaba ako sa pole bar at nag-bow sa kanilang harapan. Umalis na ako sa harap ng stage at nakita ko si Sasha na naka-standby na rin sa backstage.
“Ang galing mo, Gizzy!” proud na sabi niya sa akin at niyakap ako.
“Ikaw rin, Sasha! Galingan mo, ha?” ani ko sa kanya at umalis na roon.
Pagkabalik ko sa dressing room namin pinuri rin ako ng iba naming kasamahan doon. Masaya akong nakatingin sa kanila dahil maging sila ay proud sa ginawa ko.
Masaya silang maging ka-trabaho. Walang inggitin at selosan na nangyayari sa bar na ito.
Gagalingan ko pa lalo.